Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44 : Somewhere over the Rainbow



08:31 AM

Jethro: 

Good morning


Silver:

good morning


Jethro:

Heading to school?


Silver:

about to

Jethro:

Sabay na tayo

I parked just a block away from your house


Silver:

kanina ka pa diyan?


Jethro:

No. I just got here


Silver:

buti na lang nasa bahay pa ako

next time give me a heads up


Jethro:

Noted 

See you


Silver:

Nag breakfast ka na?


Jethro:

I don't really eat breakfast


Tutal tapos na akong kumain, dali-dali akong umakyat sa kwarto at kinuha ang backpack ko. Nag-ayos na rin ako nang kaunti dahil baka magmukha na naman akong isang multong nurse. Pagbaba ko ng hagdan, didiretso na sana ako sa shoe rack pero bigla kong naalala ang mga sandwich na laging ginagawa ni Uncle para sa amin.

Pumunta ako sa kusina at naabutan ko sina Reika na sinusubuan pa si Slade. Si Uncle naman ay nakaupo sa isang tabi, sumisimsim ng kape at tinotono ang ukulele na niregalo niya noon kay Reika. 

"Somewhere over the rainbow please," I jokingly requested and Uncle enthusiastically complied.

And just like that, the entire kitchen was filled with sweet melodies that made me smile. Uncle began to sing, his beautiful raspy voice resonating across the room. Reika and Slade began bopping their heads and moving their bodies to the rhythm.

It wasn't long before Slade and Reika started singing along with Uncle; Reika using the spoon as her microphone while Slade tries to drum with a fork.

Next thing I know, I found myself singing along with them while I was busy making sandwiches for Jethro. I kept glancing at the three of them and my heart just can stop bursting with joy at the sight of their carefree and happy faces. This moment is priceless.

Can I have mornings like this for the rest of my life?


"Bato!" I smiled and waved at the sight of him. Gaya ng dati, pinagbuksan niya ulit ako ng pinto.

"Someone looks happy." He pointed out with a soft chuckle. 

"Maybe?" I pressed my lips together, trying to stop my smile from getting bigger. Somewhere the rainbow is still stuck in my head and I will never complain!

Nang kapwa kami nasa loob na ng sasakyan, inabot ko sa kanya ang brown paper bag.

"What's this?" A confused smile appeared on his face.

"Breakfast is the most important meal of the day. You can't just have coffee, so I made you some sandwiches," tipid kong paliwanag.

"Thanks." He chuckled. He pursed his lips like he was trying to control his smile and laughter. 

"Pinagtatawanan mo ako, bato?" Agad ko siyang tinaasan ng kilay.

He shook his head as he faced the steering wheel. Napansin ko ang pamumula ng tenga at panga niya.

"Hindi ah," aniya pero nandoon pa rin ang ngiti niyang nakakagago.

"Pinagtatawanan mo ako eh," pasaring ko. I shifted on my seat just to face him.

He shook his head and eventually tilted it to my direction. He smiled while looking at me, and that's when I noticed his now rosy cheeks. "This is the first time someone else, other than my Mom, made something for me."

"Oh..." I gaped a little. "Well, this is awkward."

He chuckled once again and started the engine. Akala ko aalis na kami pero bigla na lamang siyang kumurap-kurap. "I almost forgot."

He turned to reach something from the backseat at napatulala ako sa gulat nang abutan niya ako ng isang bouquet ng pinaghalong red at white roses. 

"Th-thanks..." Tinanggap ko ito at umiwas agad ng tingin. Umayos ako nang upo, diretso ang tingin sa dashboard at pilit binabalewala ang init sa pisngi ko. Puchangama paano ba 'to?

"So... Sawyer's eyebrows." Jethro chuckled awkwardly.

"Sawyer's eyebrows..." I nodded and let out an awkward chuckle as well.

Pinaandar na ni Jethro ang sasakyan pero hindi pa rin matanggal ang ngiti sa mukha ko. Nakakangawit sa pisngi pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Baka mukha akong tanga nito.

Pasimple akong sumulyap kay Jethro na ngayo'y nagmamaneho na. Natawa ako nang makitang may ngiti rin siya sa mukha niyang namumula.

"What?" Natawa si Jethro at sinulyapan ako.

"Para kang tanga." Umiwas ako ng tingin, hindi pa rin matigil sa tawa at pagngiti. Puchangama ka talagang Filimon ka.

"Mas tanga si Haji." Humalakhak siya. "Alam mo bang nalaglag 'yan sa kanal noong bata pa kami?"

Malakas akong natawa. Kung ano-ano pa ang pinag-kwentuhan namin kaya tawa kami nang tawa sa daan. Namalayan na lang namin na nasa tapat na kami ng University.

"I should've driven slower." He jokingly sighed.

"Hindi rin naman tayo pwedeng ma-late. Mauna na ako, magd-drive ka pa naman patungo sa Rosepike," paalala ko sabay kalas ng seatbelt ko.

"Nga pala, pupunta ka ba mamaya kanila Braylee? Pupunta raw kasi sina Magno," tanong niya.

"I can't make it tonight. Sasabay sana ako sa kanila kaso night shift ako sa hospital. Siguro sa susunod na araw?" tantya ko. "Ikaw? Kailan ka bibisita?" tanong ko pa.

"Sabay na tayo." He smiled. 

I nodded and pressed my lips together as I smiled back. "Sige."


***


Kantyaw. Ito agad ang bumungad sa akin sa pagpasok ko ng classroom lalo't dala ko pa ang bouquet na bigay ni Jethro. Puchangama dapat pala pinaiwan ko na lang 'to sa sasakyan niya.

"Dalaga na ang multo namin!" kantyaw ng mga lalake kong kaklase.

"Sino ang nanliligaw sa'yo at ba't di mo kini-kwento?!" bulalas naman ni Colette.

"Wala 'to." I shrugged and tried to play it cool.

"Talaga lang ha? Edi akin na lang!" One of our female classmates tried to take the bouquet from me kaya agad akong humakbang paatras sabay yakap nito, dahilan para magtawanan silang lahat.

Sa tuwing ako ang sentro ng asaran, karaniwan na sa aking mapikon pero ngayon ay halos mapangiti pa ako. Wala na, baliw na ako. Kasalanan 'to ni Filimon.

"Uy guys! May emergency meeting  daw pala ang instructors ng buong department tapos may seminar pa sila mamayang hapon! Wala tayong pasok buong araw!" masayang bulalas ng isa sa mga babaeng kaklase naming kakapasok lang ng classroom. 

Everyone cheered and clapped wildly. Sa wakas, nawala na rin ang atensyon nila sa bouquet na dala ko.


"Sino ba talaga ang nagbigay niyan sa'yo?" Colette kept interoggating me as I hid the bouquet inside my locker. Hindi ito pwedeng makita nina Reika at ayoko rin nama itong itapon kaya naman gusto ko munang itago habang hindi pa ako nakakaisip ng paraan paano ito maiuwi.

"Sino ka-text mo?" tanong ko dahil kanina pa siya nakahawak sa cellphone ko.

"Si Nurse Jam. I'm trying to see if we can switch to day shift tutal wala tayong pasok," aniya.

"That's a great idea. Ano? Pumayag ba?" tanong ko. Switching shifts isn't too complicated for us dahil marami naman kami na interns sa ospital, at hindi rin sila masyadong strict as long as hindi rin kami umaabuso. Siguro kung sa Filimon General Hospital kami, hindi namin ito magagawa.

Right then, Colette received another message. She beamed. "Yey! Payag daw! Tara!"


Naging sobra kaming abala ni Colette sa ospital kaya naman namalayan na lang namin na uwian na. Habang nagliligpit ng mga gamit, lumapit sa akin si Colette. 

"Uy, dadaanan ako nila Bimby. Bibisita ulit kami kina Braylee tutal wala na kaming gagawin. Sama ka?" aniya.

Wala rin naman akong shift sa club kaya naman tumango agad ako. Sakto rin na bibisita ngayon sina Reika kaya sa kanila ako sasabay pauwi. Sayang wala si Jethro.

"Hey, can you text Reika? Let her know na sasabay ako sa inyo. Deadbat ako eh," I asked.

"Sure. May powerbank ako, charge mo na lang din dito." Binuksan ni Colette ang bag niya saka inabot sa akin ang powerbank niya. I plugged in my phone and kept it inside Colette's bag.

Sa van ni Bimby, kantyaw na agad ang bumungad sa akin lalo't ang sakay ng van ay sina Stacy, Chloe, Bella, at Mary na mga kakilala ko sa Akila Theta Sorority kasama ang dalawang teammates ni Bimby sa soccer team na sina Geoff at Ralph. Lahat sila ay kakilala ko at lahat sila ay nasagap na rin pala ang chismis tungkol sa bouquet na dala ko. Puchangamang Colette.


***


Riot. That's how I'll describe the ride to Braylee's house. Bukod sa siksikan kaming lahat, ako lang naman ang sentro ng tuksuhan ng lahat. Pilit nila akong pinapaamin kung sino ang nagbigay ng bouquet pero tikom ang bibig ko. Mabuti na lang talaga at may mga bala rin ako laban sa kanila, lalo na kay Stacy.

Pagdating sa bahay nina Braylee, halos magsigawan kami sa sobrang ginhawa. Para ba naman kaming mga sardinas na nagsiksikan sa sasakyan. Paglabas ng sasakyan, nag-inat muna kami nang kaunti. Binuksan naman ni Colette ang bag niya at ibinalik sa akin ang cellphone ko.

Sinalubong kami ni Braylee, nakabuntot na naman sa kanya si Denver. She told me Reika and the guys are at the backyard with some of Bryan's friends and their Uncles kaya naman nagpaalam ako at dumiretso sa kanila.

Pagdating sa likod-bahay, nadatnan ko ang kulto ni Reika sa mahabang upuan habang kainuman ang mga tiyuhin nina Braylee at kaibigan ng kuya niya.

Nagtatawanan sila dahil sa kini-kwento ng matandang lalakeng purong puti ang buhok. Nakunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang sinasabi ng matanda dahil sa sobra niyang kalasingan. Ang mga loko naman ay tawa nang tawa na para bang naiintindihan nila ang kwento nito. Ang mga lasing lang yata ang nagkakaintindihan.

Nang makita ako, tumayo si Sawyer mula sa tabi ni Reika at tinuro ang ngayo'y bakante nang upuan. It seems like everyone's drunk except for him.

Lumapit ako at nagpasalamat. Kikilatisin ko sana ang kilay niya pero bigla siyang ngumisi at bumulong sa akin. "Lagot ka."

"Ano?" Nakunot ang noo ko pero humalakhak lang siya at tinulak pababa ang mga balikat ko dahilan para mapaupo ako sa tabi ni Reika.

Tawa nang tawa si Reika na para bang may sariling mundo. Pakiramdam ko nga ay matutumba siya sa upuan kung hindi lang nakaakbay sa kanya si Slade, wala kasing sandalan ang kinauupuan namin. Kung ibang tao lang 'to, iisipin kong china-chansingan niya na si Reika, but knowing Slade, I know he's just looking out for her while enjoying the proximity. 

Slade leaned forward and gave me a questioning look. He raised a thumbs up as if asking whether I'm okay. I should ask him lalo't siya itong nakainom din.

Tumango na lamang ako at tumingin sa kabilang gilid ko.

Akala ko sisigaw si Haji nang magtama ang tingin namin. Ganoon naman siya palagi eh. Pero nagtaka ako dahil tumingin lang sa akin si Haji at ngumiti sabay angat nang baso niyang puno ng alak sabay lagok nito.

"Who hurt you?" biro ko.

Pabagsak niyang binagsak ang baso sa mesa at pinunasan ang labing may bahid ng alak. Tumingin siya sa akin at ngumiti na may halong pait.

Haji chuckled and pointed his chest. "Tanginang puso, nagkakagusto sa taong wala namang gusto sa kanya."

For the first time in my life, I felt something other than hate or indifference towards Haji Kazemi the IV. 

I can't believe I'm saying this but I actually feel bad for him. I guess it's true, he really likes Braylee. The heartbreaker finally found his karma.

"Alam mo ano 'yung mas malala? Kakikilala ko pa lang sa tao pero hulog na hulog na ako." Humalakhak siyang muli at uminom na talaga mula sa bote.

"Silverianne," Sawyer called kaya naman nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong katabi niya si Magno sa kabilang dulo ng mesa. Sawyer mouthed something kaya naningkit ang mga mata ko habang pilit na binabasa ang galaw ng labi niya.

"Neknek mo?" Nakunot ang noo ko habang pilit na iniintindi ang sinasabi niya.

Umiling si Sawyer at mas nilakihan ang galaw ng labi niya. Gusto kong kilatisin ang kilay niya pero medyo madilim sa pwesto niya kaya nag-focus na lang ulit ako sa sinasabi niya.

"Check your Mom?" tanong ko.

"Check your phone, tanga!" Bigla akong binatukan ni Haji kaya napasigaw ako't binatukan siya pabalik. Well it was more like pinalo ko ang likod ng ulo niya. 

"Aray!" Iyak ni Haji pero imbes a pansinin siya, hinugot ko na lamang ang cellphone ko. 

I turned it on when I realized it's still off. Nag-angat ako ulit ng tingin kay Sawyer at nakita kong nakangisi na ulit ito at nakataas ang hintuturo na para bang tinatakot ako. 

Ibinaba ko ang tingin sa cellphone ko at saka ako naghintay ng ilang sandali hanggang sa unti-unting sumulpot ang ilang mga mensahe mula kay Jethro.


05:03 PM

Jethro:

Hey

let's have dinner together before your shift?


06:00 PM


Jethro:

The offer is still up haha


06:30 PM

Jethro:

Seems like you're busy

Don't skip dinner 


06:53 PM


Jethro:

I thought you said you weren't going to visit Braylee?



Marahas akong napalunok at nag-angat ulit ng tingin. Bigla kong narinig si Haji na humagikgik at nang makita kong nakikibasa pala siya sa cellphone ko, agad ko siyang napalo sa noo dahilan para mapahandusay siya sa direksyon ng mga tiyuhin ni Braylee. Mabilis siyang nasalo ng mga ito at itinulak upang mapaupo ulit. Puchangama parang cheerdancer.

Magtitipa na sana ako ng reply pero bigla akong inabutan ni Reika ng isang shot. Sa kaba ko ay tinanggap ko ang baso at mabilis itong ininom. Sana naman hindi galit si Jethro.

"Isa pa!" Inabutan naman ako ng isa sa mga tiyuhin ni Braylee. Mukhang barumbado, natakot akong tumanggi kaya uminom din agad ako.

Next thing I know, nakahalumbaba na ako sa mesa habang pinapakinggan ang bawat reklamo ni Haji tungkol sa lovelife niya. Kesyo dapat daw mas una niyang nakilala si Braylee, na panget ni Denver, na naiinis siya sa sanlibutan dahil wala na siyang pagkakataon kay Braylee, na sobrang panget ni Denver  — all while accepting drinks from the roundabout.

Nawala ang ilan sa mga kaibigan ni Bryan at ang pumalit sa pwesto ay sina Lucho at Warren ngunit hindi sila umiinom. I understand Lucho since he's been hospitalized just a few days ago, pero si Warren ewan. 

Gusto kong tingnan ang oras pero nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa dami ng nainom ko, pero tantya kong halos isang oras na kami sa mesa.

Biglang yumakap sa akin si Reika na namumungay na ang mga mata at parang hahandusay na sa kalasingan. Naalala ko ang mga pambubugaw niya sa akin noon kaya naman naisipan kong oras na ito para gumanti.

"Doon ka sa kakambal ko." Tinulak ko siya patungo kay Slade at mabilis naman siyang inalalayan nito.

Masyadong lasing si Reika kaya naman pinayuhan na namin si Slade na ilayo muna si Reika para makalanghap ng sariwang hangin. Normally, sasama ako sa kanila pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon sa pagitan nila kaya gusto ko muna silang hayaan na sila lang.

Nang makaalis sila kinalabit ako ni Haji. "Silver ano ba! Nagk-kwento pa ako! Makinig ka naman!"

"Oo na!" Napakamot ako sa ulo ko't humarap ulit sa kanya. 

Patuloy ang inuman namin hanggang sa bigla na lamang kumanta si Sawyer nang pasigaw. "Heto naaa!"

"Heto naaa!" Kumanta rin si Magno na nakalublob ang mukha sa mesa dahil sa kalasingan. Sa katunayan ay natutulog ito. Parang nagising lang para kumanta.

"Heto naaaa!" Kumanta rin si Warren.

"Ahhh! Doobidoobidooo!" Nagsigawan at nagkantahan ang lahat, lalo na ang mga lasing na tiyuhin. Nagkakalampagan pa ito sa mga mesa kaya napabangon nang wala sa oras si Magno. Nabingi yata sa lakas ng paghampas ng mga ito sa mesa.

Bigla na lamang may naupo sa tabi ko. Nag-angat ako ng tingin at nagulat ako nang makita si Jethro. Sa sobrang kaba at gulat ko ay mabilis akong tumingin sa direksyon nila Sawyer na ngayon ay tawa na nang tawa. 

Puchangama.

"Silver naman eh! Makinig ka nga sa kwento ko!" pikit-matang bulyaw ni Haji sa akin sabay abot ng isang shot. 

Sa sobrang kaba ay tinanggap ko ito pero bago ko pa man ito mainom ay bigla itong inagaw ni Jethro. "That's enough. You still have classes tomorrow."

"Okay Gori." I smiled sheepishly and raised a peace sign. 

"Gori?" Humalakhak si Magno.

"As in Gorilla?" bulalas ni Sawyer.

"Bakit 'yung sa slamdunk naalala ko?" Tumawa naman si Warren.

"Hala ngumiti si Silver?!" bulalas naman ni Lucho.

Nagbaba na lamang ako ng tingin at mariing pumikit. Puchangama.

"Sil, tawag ka ni Braylee sa loob," biglang sabi ni Warren na sa pagkakataong iyon ay parang hulog ng langit. Dumilat ako at mabilis na nag-angat ng tingin.

"P-puntahan ko muna." Tumayo agad ako at pilit na ibinalanse ang sarili ko habang naglalakad papasok sa bahay. Wala na akong pakialam kahit para akong bulag na nangangapa, basta wag lang akong madapa.

Pagpasok ko ay natagpuan ko agad ang sarili ko sa kusina. Good thing there's a comfort room on the corner so I quickly took the chance to pee and fix myself. Nagtali na ako ng buhok at naghilamos, ginamit ko pa ang jacket ko bilang pamunas. Gusto ko sanang maglagay ng pulbo pero naiwan sa labas ang bag ko. 

Paglabas ko mula sa CR, nakita ko si Jethro na nakasandal na sa counter habang nakapamulsa. Nag-angat ng tingin ang walang emosyon niyang mukha. "Everything alright?"

Tumango ako at pilit na umayos ng kilos kahit pa hilong-hilo pa rin ako. I think I can beat the spirit of alcohol if I'll just stay focused.

Naghila si Jethro ng upuan mula sa ilalim ng mesa. "Upo ka muna."

He didn't have to tell me twice. Dahil sa sobrang hilo, naupo agad ako saka ako humalumbaba at nagpikit-mata. Narinig kong naghila rin si Jethro ng upuan at tinabihan ako.

"Galit ka ba?" Kinakabahan man, hindi ko napigilang magtanong.

"Bakit naman ako magagalit?" tanong niya pabalik. Hindi ko alam kung seryoso siya o sarcastic. Ang hirap niyang intindihin.

Hindi ko na alam anong isasagot ko, hindi rin nakatulong ang sobrang lakas na pagtibok ng puso ko kaya naman tumayo ako at agad na naglakad palabas pero napako ako sa kinatatayuan nang hindi ko makita sina Sawyer, Magno, o Haji.

Napakurap-kurap ako at halos matumba sa kinatatayuan dahil sa kawalan ng balanse. Mabuti na lang at nahawakan ako ni Jethro sa balikat. 

"Jethro..." Bahagya ko siyang nilingon. "Lasing lang ba ako o wala na talaga ang mga hayop sa mesa?"

"Umuwi na sila. Iniwan ka na naman." Biglang dumaan sa harapan namin ang tumatawang si Apollo na may bitbit na isang pitchel ng juice.

Pasuray-suray man, pilit akong tumakbo patungo sa harapan ng bahay at laking dismaya ko nang makitang wala ang sasakyan ni Sawyer.


***


Nagising ako sa isang kwartong hindi ko kilala. Kinusot ko ang mga mata ko at nilibot ang paningin sa paligid.

What the fuck. Did I pass out?

Napatingin ako bedside table at nakita rito ang isang lumang family picture nina Braylee. Katabi nito ang cellphone ko kaya naman agad ko itong kinuha at agad na tinawagan si Reika.

"Ampuchangama! Iniwan ninyo ako rito!" I tried not to scream when Reika answered pero halos mapamura ako nang bigla niya akong binabaan.

Sa sobrang inis, nagsimula akong magtipa ng isang mahabang mensaheng puno ng mura pero bago ko pa man ito maipadala, nakatanggap ako ng isang message mula kay Reika.


Reika:

Sabay ka na lang daw kay Jethro


Silver:

Ayoko!!!!! Balik na kayo bilis


Reika:

Ang driver masusunod. Sorry babe


Silver:

Humanda ang Sawyer na yan


Reika:

Ba't ba ayaw mo sumabay kay Jethro?


Silver:

he's creepy 

won't even talk


Napapikit ako nang mariin dahil sa kasinungalingan ko. I'd love to tell Reika the truth but I can't risk Slade finding out. That guy will only terrorize Jethro.


Reika:

Kung makapagsalita ka hahahahaha

Landiin mo para may mapag-usapan kayo


Bigla na lamang bumukas ang pinto. Nagulat ako nang makita si Jethro na pumasok.

"How long have I been out?" tanong ko.

"Just a few minutes. I came in to check on you," aniya.

Lumapit siya at naupo sa tabi ko. "Okay na ba ang pakiramdam mo? Don't drink like that again."

Tumango na lamang ako at ngumiti saka pasimpleng nagtipa ng mensahe para kay Reika.


Silver:

I hate you.


Nakita kong inilabas din si Jethro ang cellphone niya. Nagtipa rin siya nang kaunti. Sino kaya ang ka-text niya?


Dahil maaga pa ang pasok namin sa umaga, napagpasyahan namin ni Jethro na umalis na. Pasado alas-dose ng hatinggabi nang magpaalam kami sa pamilya ni Braylee. Pinabaunan pa ako ni Riley ng isang tumbler na puno ng juice para raw mas masaya sa byahe.

"Hey, are you sure hindi ka inaantok?" I asked for the nth time as we got to his car. "Kasi kung inaantok ka, pwede naman daw tayong makitulog. Lucho and the others are sleeping in for the night."

"Just keep talking to me so I won't fall asleep behind the wheel," aniya kaya agad nanlaki ang mga mata ko at nahinto ako sa pag-inom ng juice.

"I'm kidding." He chuckled.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "You should really work on delivering your jokes."

"Hater," he said as he started the engine.

"Now that is a clear joke," I pointed out as I continued drinking.

"Why? Because you love me?" he grinned but then it slowly disappeared. "Bad joke?"

"A little awkward." It was my turn to chuckle.

"I'll start driving now." He pressed his lips together and nodded.

"You really should." Natawa na lang ako.

Habang nasa kasagsagan ng byahe, bigla kong naalala ang kasalanan ko kaya hinilig ko ang mukha ko sa direksyon niya. Para siyang kumikinang sa paningin ko. Puchangama.

"I'm sorry, Jethro..."

"For what?" Nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Hindi sana talaga ako pupunta pero biglang nagbago ang shift namin at nagyaya si Colette," paliwanag ko. 

Sumulyap ulit sa akin si Jethro at ngumiti. "It's nothing to be sorry for."

"But?" I asked, feeling there's more to his thoughts.

He sighed. "I was just worried."

"Worried about what?" tanong ko pero hindi na siya sumagot. Sa isang iglap, naging walang emosyon ulit ang mukha niya.

"Hoy..." I poked his cheek dahilan para bahagya siyang mapakislot at matawa.

"There's that cute smile!" I joked.

"You think my smile is cute?" He chuckled. Puchangama talaga ng ngiting 'yan.

Umiling ako. "With or without a smile, I'll always love staring at your face."

"Silver, you're drunk," aniya at napansin ko ang pamumula na naman ng tenga at mukha niya.

"But that doesn't mean I'm lying." I winked at him when he threw me a glance. Uminom ulit ako ng juice pero laking gulat ko nang bigla na lamang itong inagaw at ininom ni Jethro.

"Hey that's mine! Reika's ex dream gay gave it to me!" giit ko.

He frowned after taking a sip. "This has alcohol, Silver."

I giggled. "Uy indirect kiss!"

He shook his head and stopped the car by the side of the road. We're in the middle of nowhere, not a single lamp post in sight, but I'm not even a bit scared.

"My Juice!" Napasigaw ako nang bigla itong binuhos ni Jethro sa labas ng bintana. Sinara niya ito at muling humarap sa akin.

"Dadaan na lang tayo mamaya sa 7-eleven, bibilhin natin kung ano ang gusto mo," he said reassuringly.

"Paano kung ikaw ang gusto ko?" I grinned as I moved closer to him. 

"Silver, you're drunk," muli niyang giit. Seryoso at walang emosyon ang mukha. 

"So what? You love me anyway!" I giggled and tapped his cheek lightly with my forefinger.

"Silver..." he said with a tone of warning as his cold eyes bore into mine.

"Pikon na si gori?" I mocked him and jokingly pouted

"Silver, you're not really helping me," he said in a husky voice and I notice how his eyes dropped down to my lips.

I grinned and moved closer, placing a soft kiss on his lips. I laughed when our lips parted and saw the shocked look on his face.

"That's for giving me the shock of my life when you kissed me back at the library! Now, drive you fool!" I laughed maniacally. It's so fucking fun to be evil.

Lalo pa akong natawa nang parang tangang tumango-tango si Jethro at muling nagmaneho. Pulang-pula.



| End of 44 - Thank you |

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro