Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43 : Beware



10 pm na pero kararating pa lang namin sa bahay nina Braylee. Sa kabila nito, pansin kong marami pa ring tao sa loob at labas ng bahay. Maingay ang paligid, may nagtatawanan at may nag-iinuman pa. Kung hindi ko lang alam na may pinaglalamayan, aakalain kong nasa isa kaming pista o birthday party. 

"Your cap is still on," paalala ni Jethro bago pa man ako makalabas ng sasakyan.

"Oh." Mabilis ko itong tinanggal. Mabuti na lang at pinaalala niya. 

Bukod sa white cap, kinalas ko na rin ang pagkakatali ng buhok ko. Dahil sa buong araw nitong pagkakatali, naging sabog at medyo kulot ang mahaba kong buhok. Inayos ko na lamang ito gamit ang mga kamay ko.

"Don't laugh when you see Sawyer," sabi niya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Pwede ba, 'wag mo nang ipaalala? 'Pag ako natawa do'n, humanda ka sa'kin," pagbabanta ko.

Jethro chuckled while shaking his head. Nauna siyang lumabas ng sasakyan. Ayokong pagbuksan na naman niya ako ng pinto at makita ng mga ulol kaya naman dali-dali rin akong lumabas.

Pagpasok pa lang namin sa picket fence, napansin ko agad ang kalakihan nilang hardin na may dalawang set ng swing at seesaw — okupado ito ng mga taong nagk-kwentuhan at nagtatawanan. Medyo maliwanag kaya pansin kong ang ilan sa kanila ay mugto ang mga mata at lumuluha pa. They're probably Bryan Emanuel's friends.

Kalaunan, napansin ko ang isang malaking outdoor shed na nags-swing nang ubod nang lakas at bilis. It's a round-shaped swinging shed with two benches facing each other. I can hear the clanking of the metal bars and laughter of the people inside as it swung aggressively. Napangiwi ako nang mapagtantong sina Reika ang nasa loob nito.

"Idiots," Jethro said and I couldn't agree more.

Parang ano mang oras ay masisira na ang shed at titilapon ang mga siraulo dahil sa lakas ng pag-swing nila rito. Hindi masyadong malaki ang swing, parang sapat lang sa apat na tao kaya halatang nagsisiksikan sa loob sina Reika, Slade, Haji, Sawyer at Magno. Injured pa sina Slade at Magno sa lagay na 'yan. Naghahanap talaga sila ng sakit ng katawan.

"Tara na bago pa nila tayo makita." I pushed Jethro lightly at tumango naman siya.

Pagpasok sa loob, nakita ko sina Braylee at Denver na nakatayo malapit sa kabaong. Matamlay at punong-puno ng kalungkutan ang mga mata ni Braylee pero nagawa pa rin nitong ngumiti habang kausap ang isang matandang babae; mabuti na lang at nasa tabi niya si Denver upang umalalay. 

Nag-uusap pa sila kaya hindi ko magawang lumapit. Napatingin ako sa gilid ko at nagtaka ako nang wala na si Jethro sa tabi ko. Lumingon ako at nagtaka ako nang makita ko siyang nakatayo pa rin malapit sa pinto, nakatulala lang at para bang nalulunod sa sariling pag-iisip. Sanay na ako sa malamig niyang mga mata at walang emosyong mukha, pero may iba sa pagkakataong 'to. May mali.

"Silly?"

Bigla akong tinawag ni Braylee. Umalis na pala ang matandang babaeng kausap nila.

"Lee-lee..." I walked up to her and pulled her into a hug. Yumakap naman siya sa akin pabalik at ibinaon ang mukha niya sa balikat ko kaya naman tinapik ko nang marahan ang ibabaw ng ulo niya. 

"Thank you for coming," her voice is as sweet as before but something in her just felt lifeless. God, I can't imagine losing my brother as well.

"I love you, Lee-lee. We all do. And it looks like sobrang dami ring nagmamahal sa Kuya mo," I reminded her.

She pulled away and smiled sweetly. "He's the best."

Nag-kwento si Braylee ng kaunti tungkol sa Kuya niya habang tinititigan namin ang mukha nito mula sa ataul. For what its worth, Bryan Emanuel looks at peace. I've seen cadavers before so I can definitely see a difference in him.

"Nga pala, may food doon sa kusina. Kumain muna kayo," Braylee said with a smile and pointed its direction kaya tumango ako. 

"Dalhin mo muna sa kusina si Jethro, o kaya sa labas."

Napakurapkurap ako sa gulat at napatingin sa gilid ko. Did the Thorn of Rosepike, Denver Hawthorn, just spoke to me? I think this is the first.

Denver shifted his head a little to the side as if ordering me to do it right away. Naguguluhan man, nagpaalam na ako kay Braylee at lumapit ulit kay Jethro.

"Hey, everything okay?" Marahan kong tanong.

Kumurap-kurap si Jethro at tumango-tango. He looked at me and gave me a faint smile. Liar.

Gusto ko siyang yayain palabas pero ayokong makita kami ng kulto ni Reika lalo't kasama nila si Slade. Malilintikan ako kapag nalaman nito ang sitwasyon namin ni Jethro.

"Heard there's food in the dining room? Tara," pagyayaya ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Hinawakan ko siya sa braso at giniya patungo sa direksyon nito. 

Pagdating sa dining room, nakita ko agad ang mga pagkaing nasa mesa. Parang kailangan ni Gori ng tubig kaya naman dumako ang tingin ko sa isang pinto na may parisukat na salamin. Mula rito ay naaninag ko ang ref.

"Teka lang," paalam ko kay Jethro at binitiwan siya. 

Pumasok ako sa pinto at kukuha na sana ng tubig pero nagulat ako nang mapansing may mesa pala sa gilid at nakaupo sa gilid nito si Warren na gumagawa ng fruit salad. Cute naman ng apron niyang kulay purple na may mukha ni Barney.

"Uy! Silver!" He beamed, flashing his smile and dimples.

"Hey." Tumango ako at lumapit tutal nasa likod niya ang lalagyan ng baso pati na ang water dispenser. Dapat sa dining area nila 'to nilagay.

"Nag-usap na kayo ni Jethro?" he asked kaya agad nakunot ang noo ko.

"H-ha?" Kinabahan ako bigla.

Huminto siya sa pagcha-chop ng prutas at hinarap ako habang may maamong ngiti sa kanyang mukha. Parang isang pari na magbibigay ng payo. What the heck.

"Jethro's entire life has been about getting good grades and making his parents proud. Love is new to him kaya pagpasensyahan mo na ang isang 'yon--"

Nahila ko sa kwelyo si Warren habang nanlalaki ang mga mata. "How the hell did you know about us?"

Are they even friends?! Pucha, ano to? Chismis na kami sa buong Filimon Heights? Lagot si Jethro kay Slade kung sakali!

"T-teka t-teka nahihila ang nips ko! Silver, my nips!" he said with a smile but I can see panic and pain in his face. Nabitiwan ko siya nang mapansing hindi ko lang pala siya sa kwelyo nahila.

"What's going on here? Are you guys okay?" Pumasok bigla si Jethro kaya naman agad ko siyang tinaliman ng tingin. Madaldal na Gorilla.

"No worries, my nips are okay now." Warren laughed while patting his chest.

"Mag-usap nga tayo." Mabilis akong lumapit kay Jethro at hinila siya sa kwelyo palabas, at patungo sa dining room. Pansin ko ang kalituhan sa mukha ni Jethro pero hindi ito nagpumiglas o nagtanong man lang.

"What the hell, Jethro?! Sinabi mo kay Warren?!" pabulong kong pangogompronta sa kanya sa takot na baka may ibang makarinig sa amin.

"A-ang tungkol saan?" he asked. Nagmamang-maangan ba siya o wala lang talaga siyang ideya?

Marahas akong napakamot sa ulo ko. "Jethro naman eh! Wala akong ibang pinagsasabihan tapos ikaw kung kani-kanino mo sinasabi! Ano? Did you also tell eveyone about our kiss?"

"Oy oy oy! Naririnig ko kayo rito! Doon kayo sa labas kung mag-aaway kayo!" Warren said from the other room kaya agad akong napasimangot at binitiwan na lang si Jethro.

I looked down the floor and took deep breaths to calm myself down. Tonight's about Braylee and not me. I'm here for Braylee. Nothing more, nothing less.

"Silver..." Jethro called out kaya dumilat ako at umayos ng tayo.

"Humanda ka sa akin mamaya." I glared at him.

He swallowed hard and scratched his head like a confused little kid. 

Bumuntong-hininga na lamang ako at tumungo sa kusina. Muntik ko pang makalimutan ang pakay namin dito.

Pumasok ulit ako sa pinto at lumapit sa direksyon ni Warren. Mabilis itong nagtakip sa kanyang dibdib, parang takot. Siraulong Tadashi. 

"F-fruit salad?" he asked awkwardly kaya tumango ako at saka kumuha ng baso mula sa rack na nasa likuran niya. Sinalinan ko ito ng tubig habang siya naman ay nagsalin ng fruit salad sa isang maliit na bowl.

Nang makuha ang mga kailangan ko, bumalik ako sa dining room kung saan naroroon pa rin si Jethro at mabilis itong inabot sa kanya. Naguguluhan niya itong tinanggap kaya inirapan ko siya at naupo sa isang tabi.

Confused, he sat next to me. A glass of water on his right hand, a bowl of fruit salad on the left.

"You're giving me mixed signals, Silver. Are you mad at me or not?" he asked. I was amused at his honesty.

"Mamaya na kasi may chismoso doon sa loob," giit ko.

"Hoy! Grabe naman sa chismoso! Kasalanan ko bang naririnig ko kayo mula rito?" Warren said from the other room. Bukod sa pogi, matalas din pala ang padinig nito. 

Magsasalita ulit sana ako nang biglang pumasok sina Piper at Apollo. Gusto kong asarin si Apollo pero alam kong may bala na siya laban sa akin. Mukhang pareho rin kami ng iniisip ni Apollo dahil tumingin siya sa akin na para bang pinagbabantaan ako. 

"Oh? Akala ko kasama kang umuwi nina Reika?" tanong ni Piper.

"Umuwi na sila?!" Napatayo ako sa gulat. Puchangama!

Ngumisi si Apollo at tumingin kay Jethro bago sa akin. "Oo, lasing na ang mga iyon eh. Kinalimutan ka na. Kawawang Silver."

Humalakhak si Piper at siniko si Apollo. "Gago."

Narinig ko ring tumawa si Warren mula sa kabilang kwarto. Nakikisali pa.

 I take it all back. Panget na si Warren.


***


"Silver, I think this will collapse," sabi ni Jethro nang pumasok ako at maupo sa swinging shed na kanina ay inuukupa nina Reika. Sa kabila nito, pumasok rin siya at naupo sa tabi ko, bitbit ang isang bowl ng buko pandan.

"There's literally another bench right in front of me," giit ko sabay turo rito. 

Umiling siya. "I prefer next to you."

Sinipa ko na lamang ang katapat na bench upang magsimula sa pag-swing ang shed. Nakita kong mabilis na humawak si Jethro sa bakal na pundasyon. Muntik tuloy akong matawa.

Isinandal ko ang likod ko sa malamig na bakal at tumingala. Medyo butas-butas na ang bubong ng shed kaya naman nakikita ko mula rito ang bituwin.

From my periphery, nakita kong sumandal din si Jethro at tumingala. 

"Are you still mad at me?" he asked.

Tumingin ako sa paligid bago sumagot. Mukhang malayo naman kami sa ibang mga bisita at lahat ay may kanya-kanya nang ginagawa.

"A little," pag-amin ko. "Bakit ba kasi alam ni Warren ang tungkol sa atin? I mean sa nangyayari sa ati-- basta alam mo na. Warren doesn't even hang out with us that much! I didn't even know you were friends!"

"I'm sorry," he said for the nth time. "I just didn't know who to ask for help. Warren's the sanest friend I have who can give me helpful advice on how I can be better towards--"

"Apollo's kinda sane--"

"With experience," agap niya. "But I promise you, I never told anyone else other than Warren. I never even told anyone about my feelings towards you, nagulat din ako sa kanila noong birthday ni Joe."

I sighed and looked at him. "Sabagay, medyo chismoso nga naman ang mga ulol. Pinagpustahan pa tayo."

"I guess it was wrong of me to ask Apollo, too." He let out a regretful sigh. "I should've asked another delivery guy to give you food. Siguro nagkaroon na sila ng ideya noon pa."

"Wait what?" Napatingin ako sa kanya. "Ikaw 'yung nagpapadala ng pagkain sa bahay?"

Tuluyang nawala ang inis ko sa kanya at napalitan ng pagkamangha, i'm even touched at the gesture. Sobrang tagal na no'n pero ngayon niya lang sinabi.

"You and Reika are hopeless at cooking. Mabuti na lang at kasama na ninyo si Slade at ang Daddy ni Reika." Nang-asar pa ang Principal.

"Hey, we're improving. Tinuturuan nila kami," giit ko.

"Want me to teach you?" He smiled.

Umiling ako. "Sorry, Filimon. I can't let you visit the house anymore."

His smile quickly faded. "But why?"

"Sigurado kasi akong ano mang araw ngayon, may chismosong madudulas at malalaman 'to ni Slade. It may not be obvious but my brother can be protective of me. A former classmate tried to court me in high school and when Slade heard about it, he scared him off with the help of his bandmates," I explained. "It was bad."

"Wait is that what you're scared off? Slade learning and scaring me off?" He chuckled. "Silver, your brother won't stop me from pursuing you."

"Hey that's not what I meant!" I quickly defended myself.

He grinned and nodded. "Okay."

"Jethro, hindi 'yon ang ibig kong sabihin!" giit ko.

He nodded, still with the grin on his face kaya naman nasiko ko siya nang wala sa oras.

"Matatapon ang buko pandan." He laughed while holding the bowl tighter.


***


When the school bell rang, mabilis akong lumabas mula sa classroom lalo't kailangan ko pang mangopya ng homework ni Colette sa susunod naming klase. Pero bago pa man ako makalayo, bigla akong may nakasalubong sa hallway.

"Silver!" Mrs. Aquinas, our nursing department secretary beamed. Napansin ko agad na nakatayo sa tabi niya ang isang magandang babaeng medyo morena at hanggang bewang na yata ang buhok sa sobrang haba. She looks like a beauty queen. Gandang babae, Puchangama.

Girl crush at first sight.

"Good Noon po," bati ko.

"Silver, I'm running a little late. Can you give Ms. Ronelio a tour of the campus? She'll be transferring here next semester," sabi pa ni Mrs. Aquinas. 

Gusto kong magmura. Bakit ngayon pa na nagmamadali ako? Bakit kailangan siyang i-tour eh next sem pa naman siya magsisimula? Sino 'tong puchangamang 'to at may naamoy akong special treatment?

"Ok po." I nodded.

"O siya, mauna na ako. Hija, say hi to your Dad for me," Mrs. Aquinas told the girl next to her and quickly walked away. May pupuntahan yata.

Nang kaming dalawa na lang ni Girl Crush. Nailang ako bigla. Para ba naman kaming mga tangang nakatayo lang sa harap ng isa't isa. Puchangama 'tong si Mrs. Aquinas. Puchangama rin 'tong babaeng 'to dahil parang natatakot sa akin.

"I'm Silverianne but they just call me Silver," pakilala ko na lamang sa sarili ko.

"You can just call me Ronie." She smiled awkwardly. "Pasensya ka na at inabala ka pa ni Tita A, mukhang nagmamadali ka pa naman. Alam mo, 'wag mo na akong i-tour, next sem pa naman ako magsisimula."

Tumango-tango ako. Madali akong kausap.

"Welcome to Filimon Heights, Ronie," sabi ko na lamang sabay kaway bilang paalam.




| End of 43 - Thank you! |

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro