Chapter 38 : Hooked (Part 1 of 2)
Chapter theme : Fireproof - One Direction
All of my fears about Slade's condition melted upon seeing how much Reika took care of him and how much comfortable he was with Reika. The household even got better with Uncle Rico with us. Bukod sa parang may tatay na sa bahay, nakakatuwa rin dahil nakikita kong unti-unti na silang nagkakaayos ni Reika.
I still worry about Slade, but knowing he has Reika, kahit paano ay palagay na ako. I can't believe I'm saying this, but I think Jethro's going to win our bet.
"What can I get you?" tanong ko sa customer na naupo sa bar stool. It's a weekend, walang lectures o duty sa ospital, kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-trabaho sa club. Bonus pa dahil ako ang pinag-mando sa bar kagaya ng dati, at hindi ako pinagtrabaho bilang waitress.
Habang nagmi-mix ng mga inumin, napansin kong may naupo sa karaniwang pwesto ni Jethro. Pasimple akong napasulyap sa direksyon nito at napangiti ako nang makita ko siya. Gaya ng dati, inilabas na naman niya ang laptop niya.
"Long time no see, stone man," pabiro kong bungad nang lumapit sa kanya. Ilang araw na rin mula nang maaksidente si Slade. Masyado kaming naging abala sa kanya-kanya naming ginagawa kaya hindi na kami masyadong nakaka-hang out nang kami lang.
"Missed you too, Villafranca," he joked sarcastically with his usual emotionless tone and facial expression.
"Lagi ka ba talagang tumatambay sa club after class para lang makipag-socialize?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Umiling siya. "Kapag nandito ka lang. Masyadong maingay ang ibang bartender."
"Should I be flattered?" Ngumiwi ako.
"You, should get me a drink." He drawled jokingly while opening his laptop.
"Oo na." I rolled my eyes.
"Whiskey this time please," pahabol niya sabay taas ng hintuturo. Cute
"Nice try." I shook my head. "Still giving you non-alcoholic because you'll be driving me home." I grinned.
"No, I won't," seryoso niyang sambit sabay iling. Akala yata niya mauuto ako eh pagkatapos naman nito siguradong magyayaya na naman siya sa tapsihan.
"My my... what do we have here, Filimon?"
Kapwa kami napalingon at nakita namin si Cohen na pasuray-suray habang umiinom mula sa wine glass niya. Cohen looks dashing in his red leather jacket, as usual.
"Cohen..." Jethro said flatly and sighed.
Ngumisi si Cohen at sumulyap sa laptop ni Jethro. "Ano 'to? Netflix and Chill?"
"Get lost, Lorenzo," Jethro replied coldly. Mukha na naman siyang principal na gusto nang mag-resign.
Sumulyap sa akin si Cohen at humalakhak sabay taas ng wine glass niya. "Correction! Netflix and Chillver!"
Napangiwi ako at ganoon din si Jethro, si Cohen naman ay panay ang pagngisi sabay kindat, hinihintay kaming makitawa sa kanya.
"Oh come on! That was funny! You guys are just too dumb to get it!" Cohen spat out in between his maniacal laughter and skipped merrily away from us. Kung hindi ko lang talaga siya boss, nabato ko na siya ng bote.
"I can't believe that guy is related to Joe." It was my turn to sigh.
"Poor kid." Napailing-iling naman si Jethro at ibinaling ang tingin sa akin. "Going to Joe's birthday party tomorrow?"
Tumango ako. "She'll kill me if I won't attend. Ikaw?"
"I don't have a choice," pabiro niyang reklamo. "By the way, do you have a gift for her already?"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong maalala. "Oh crap."
"What a nice friend..." Jethro remarked, jokingly.
Suminghal ako at nagkibit-balikat na lamang. "I'll just give her a framed selfie, just like what I gave Reika."
"No way," he said while shaking his head. "That's what I'm giving her."
I grunted and grimaced. "Oh come on. Can't we have the same gift?"
He chuckled at my reaction. Isa rin 'tong ginagawang katuwaan ang pagiging pikon ko. "Let's just take the photo together and gift it as a pair."
I beamed at his idea. "Sige! Ikaw na rin bahala sa frame at pa-develop."
"No way," he remarked again. "Sasamahan mo ako bukas."
Napangiwi na lamang ako.
Alas dos na nang mag-time out ako sa trabaho. Paglabas ko ng locker room, wala na si Jethro sa kinauupuan niya. Dumiretso ako sa parking lot at napangiti ako nang makita ko siyang nakaupo sa bumper ng sasakyan niya at hinihintay ako. He looks so cute and neat in his white polo shirt and thick eyeglasses, he looks even cuter that the lamp post is directly shining down on him.
"Para kang anghel na kukunin na ng impyerno," I joked, making him frown. Ugh, why do you have to be so cute.
"Nahawa ka na talaga ni Reika." Jethro sighed and shook his head before opening the door for me. Natawa na lamang ako.
Nang maupo sa passenger seat, lumingon ako sa backseat upang ilagay doon ang backpack ko. Binuksan ko ang ilaw at nagulat ako nang makita ang isang bouquet na parang nalanta na.
Puchangama. May nililigawan ba si Gori?
I swallowed hard and clicked the light off instead. Ayoko nang ilagay sa backseat ang backpack ko.
Jethro entered and sat in the driver's seat kaya naman nilaglag ko na lang ang backpack sa paanan ko at nagpanggap na walang nakita. Baka ayaw niyang pag-usapan. Gagamitin ko na lang na pang-asar sa kanya kapag napikon na ako.
"Seatbelt?" paalala niya.
I blinked and nodded, taking a deep breath as I buckled up. Siguro naman magkaibigan pa rin kami kahit magka-girlfriend na siya. I mean, Reika and Sawyer are tight kahit iba't-iba ang girlfrend no'n. Yeah, that's right. Whatever happens, we'll still be friends.
"Tapsihan pa rin?" I asked.
"If you want us to go somewhere else--"
"No, it's okay. Anywhere's fine." I smiled at him.
He smiled back before starting the car and I could do nothing but stare.
Your smile will be the death of me, Filimon.
***
While Uncle Rico and I are talking about sensible things, Slade and Reika are busy laughing around and messing with each other. Akala ko magkakapikunan na naman sila pero napangiti ako nang mapansing sinusubuan na ni Reika si Slade.
Hindi na ako naaawa kay Slade dahil hindi niya magamit ang kamay niya, alam ko kasing nag-eenjoy na siya dahil lagi niyang kasama si Reika. My twin brother is so fucking smitten over my bestfriend, and I cannot be happier.
Pagkatapos mananghalian, nagbihis na agad ako at nagsuot ng kulay dilaw na skater dress at white high heels ko. I hate this dress that Mom got for me, but this is the only yellow dress that I have — a requirement since its Joe's debut.
Itinatali ko sa isang ponytail ang buhok ko nang makatanggap ako ng text mula kay Jethro na nagsasabing nakarating na siya. I asked him to park a few blocks away from the house para hindi siya makita nina Slade, baka kasi kung ano ang isipin nila. Ayokong magka-issue kami lalo't may iba palang nililigawan si Jethro.
Agad akong bumaba sa sala at sinalubong agad ako ng mukha ni Slade na parang diring-diri.
"What the heck, Silverianne? Mag jacket ka nga!" aniya.
"Ang init sa labas. Nababaliw ka na ba?" ganti ko.
"Mamayang gabi pa ang party ah? Saan ka pupunta?" tanong naman ni Reika. Pakiramdam ko tuloy nagpares ang mga demonyo para demonyohin ang buhay ko.
I sighed. "Maghahanap pa ako ng gift para kay Joe. Ayoko nang magbihis pa kaya nagsuot na ako nang ganito. Kayo may mga regalo na ba kayo?"
"Hindi naman ako pupunta." Humalakhak si Slade.
Reika looked at Slade flatly. "Ba't naman hindi ka pupunta?"
"Ayoko lang." Nagkibit-balikat si Slade at agad na umakyat sa kwarto niya. Sumunod naman agad si Reika. Akala ko makakatakas na ako nang si Uncle naman ang humarang sa akin.
"Sino pala ang magda-drive pauwi?" tanong nito sa akin habang nakangiti. Kung gaano ka loka-loka si Reika, ganoon naman ka-chill ang tatay niya.
Uncle interrogated me for a little bit, I answered honestly but of course, I made him promise not to tell the demons. Sigurado kasing assarin nila ako. Ni hindi nga alam ni Reika na tumatambay kami ni Jethro sa tapsihan.
Akala ko makakaalis na ako nang biglang bumaba sina Slade at Reika. Binato pa ako ni Slade ng denim jacket niya.
"Salamat ha!" sarcastic kong bulyaw sa kanya. What a total demon.
"Suntukan! Suntukan!" Reika cheered lowly, making Uncle Rico sigh. Yes, Uncle, your daughter is a demon as well. They're a match made from hell.
"Just wear it, Silverianne!" giit ni Slade kaya sinunod ko na lang siya nang makaalis na ako.
***
Napangiti ako nang matanaw ang sasakyan ni Jethro at mas binilisan ko pa ang paglalakad. Nakita kong lumabas siya mula rito at nagtaas ng kamay sabay ngiti. Nakasuot siya ng mustard pullover, ayon na rin sa requirement ng event.
Gaya ng dati, pinagbuksan na naman niya ako ng pinto. Ilang beses ko nang sinasabi sa kanya na huwag 'tong gawin pero bato talaga ang ulo.
"I really didn't think you're the type to wear heels," pang-aasar niya sa akin.
"I was trained to wear one at a young age," sabi ko na lamang. I don't want to talk about my sagala and beauty pageant days. I'd rather die.
Dumiretso muna kami sa isang restaurant. Lokong Gori hindi pa pala nananghalian.
Habang hinihintay ang order namin, biglang lumipat si Jethro mula sa tapat patungo sa tabi ko. "We need a photo for the frame."
"Oo nga pala." Napatango ako.
"Anong pose natin?" He chuckled.
"'Yong parang bato tutal 'yon naman ang tawag nila lagi sa atin." I laughed at my own suggestion.
Tawang-tawa kami ni Jethro dahil sa hitsura namin sa picture. Hindi pa kami nakuntento at sinundan pa namin kung ano-ano, and this time we made different wacky faces. Natahimik lamang kami nang dumating ang waiter dala ang order namin.
We proceeded to the mall where we got our pictures developed and looked for a frame. Para kaming mga siraulo ni Jethro na naghahagikgikan nang pumunta kami sa gift-wrapping section; sa malaking kahon namin ipinalagay ang picture frame para mapag-tripan namin si Joe. Pinalagyan pa namin ng confetti at styro para magmukhang maraming laman.
While waiting for our gift to be wrapped, we went around the mall and ended up watching a movie. Hindi namin namalayan ang oras kaya ginabi na kami.
It's almost 8 and we have completely missed Joe's debut program. Sa club na lamang kami dumiretso tutal nandoon daw ang lahat para sa after-party.
"I feel like an old geezer." Jethro sighed the moment we arrived. Palibhasa puro mga ka-edad ni Joe ang nasa paligid. Mga rich kid din, some are probably privileged assholes. Ugh.
Bitbit ni Jethro ang malaking regalo namin at parang nahihirapan na siya dahil may hawak pa siyang cellphone. I took his phone away and placed it inside my jacket's pocket kasama ng sa akin kaya hindi na siya naka-angal pa.
Matapos naming ihatid ang regalo sa stage, bigla akong hinila ni Jethro. May nakita pala itong isang photobooth. I liked the idea kaya naman game agad ako.
I laughed when Jethro had to squat a little. Masyado kasi itong matangkad. Sinamaan niya agad ako ng tingin kaya ngumisi ako at inakbayan na lamang siya. Minsan lang kami maging magkapantay!
Hindi namin namalayang nagsimula na pala ang shots kaya naman nagtawanan kami ni Jethro. Para kaming mga tanga na kung ano-ano na lang ang pose. Nakakataranta kasi ang shutter sound.
Paglabas namin ng booth para kunin ang mga picture, kapwa kami nagulat nang makitang hawak na ito nina Magno at Haji na kapwa nakangiwi at parang hindi makapaniwala sa nakikitang mga litrato. Base sa namumula nilang mukha, nakainom na sila.
Maiinis sana ako pero bigla kong nakita ang cast sa paa ni Magno. Naawa agad ako sa kanya. It's been a while since I saw him. I was even afraid of him at some point noong mga panahong galit si Reika sa akin, but I know Magno, he's just like Slade — looking out for family.
"Mags!" I called out with a smile.
"Pilak! Na-miss kita!" Magno beamed and raised his one hand. He walked up to me as if asking for a hug. My heart melted at the gesture lalo pa't ibig sabihin nito ay hindi siya galit sa akin. We're okay! We're still friends!
I laughed and hugged Magno. Kinumusta ko agad ang injury na natamo niya dahil sa basketball.
"So ano ako hangin lang dito? Wala rin ba akong yakap?" I heard Haji mutter. "Di ba pag-aari mo ako?" biro pa nito habang hawak pa rin ang mga litrato namin ni Jethro.
"Sino ka? Hindi kita kilala." I said flatly at inagaw mula sa kanya ang mga litrato namin.
"Aray aray!" pagda-drama nito. Gusto ko pa sana siyang awayin, kaso naalala kong mama niya nga pala ang doktor na umasikaso kay Slade nang maaksidente ito. Naiinis ako kay Dra. Kazemi dahil nagluwal siya ng mga Haji Kazemi sa mundo, pero okay na, abswelto na siya sa akin.
Lumapit na lamang ako kay Jethro at ipinakita sa kanya ang mga litrato kaso napansin kong parang wala na siya sa mood. Nairita na yata sa mapang-asar na mga mukha ng dalawa.
"Mabuti naman dumating na kayo, tara sa taas!" Biglang lumapit sa amin si Apollo at pinagtutulak na kami patungo sa hagdan.
"Si Reika?" Lumapit ako kay Magno habang naglalakad kami. Pasimple ko rin siyang hinawakan sa bakanteng braso upang alalayan lalo't nakasaklay siya at paakyat na kami sa hagdan.
"Akala ko magkasama kayo?" tanong niya pabalik.
I quickly fetched out my phone and tried to unlock it, but I was shocked when I saw the lockscreen — picture namin ito ni Violet habang kumakain kami ng ice cream, 'yong pinadala ko kay Jethro.
"Wait, this isn't my phone?" bulalas ko dahil sa gulat at kalituhan.
Nagtama ang tingin namin ni Magno na parang gulat na gulat din gaya ko. Nakita rin pala niya ang lockscreen. Chismosong 'to.
"That's my phone!" Jethro suddenly grabbed his phone away from my hand. Hindi ako nakakilos at nanatili akong nakatingin kay Magno.
Si Magno naman, unti-unting napangisi.
Puchangama.
| End of 38 (Part 1) - Thank you! |
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro