Chapter 26 : Fake it 'til you make it
Chapter theme:
The broken hearts club - Gnash
"Come be the newest member of the broken hearts club, we hate every little thing about the people that we love~" Reika kept singing while looking at me with a grin on her face. Lagi na niya itong kinakanta sa tuwing nagkakasalubong kami kaya nakakabwisit na.
May mga pagkakataon talagang masarap sakalin si Reika... at isa ito sa mga pagkakataong iyon.
"Will you please shut up?" I made it clear that I didn't appreciate her antics pero patuloy pa rin siya sa pagkanta, halatang pinapatamaan ako, kaya kinuha ko na ang backpack ko at lumabas na ng bahay para pumasok sa school.
"Elemento, sandali!" sigaw niya pero nagbingi-bingihan ako. Bahala ka sa buhay mo, De Juan.
****
"Mainit yata ulo mo?" tanong ni Colette nang maging partner kami sa laboratory activity namin.
"Hindi, bakit?" pagmamaang-maangan ko.
"Girl, kung inis ka 'wag mo naman ibunton sa ballpen at notebook mo. Diin na diin ka kung makapagsulat eh," nakangiwi niyang sambit sabay turo sa notebook kong halos magkaroon na ng mumunting punit.
Huminga na lamang ako nang malalim at bumuntong-hininga. "I'm fine."
"Mabuti naman." She chuckled. "No pass me the specimen nang matapos na tayo," aniya pa.
By lunch time, naabutan ko si Reika sa usual naming mesa. Nakahanda na ang mga pagkain namin at may buffalo wings pa kahit wala namang binebentang ganito sa cafeteria namin. I guess it's her way of apologizing.
"Elemento, ba't ganyan na naman ang mukha mo?" bungad niya sa akin. Paraan niya ng panlalambing.
"Kasi panget ka," ganti ko na lamang sabay upo sa tapat niya. Pumulot ako ng isang wing at ganoon din si Reika.
"Damn..." biglang natigilan si Reika sa pagsubo ng manok. Mabilis akong lumingon at napagtanto ko agad kung bakit.
Pumasok lang naman si Warren sa cafeteria na nakasuot ng black long sleeve shirt at black cap. Warren being Warren; his dimples were full show again as he smiled at the students who greeted him.
"Tadashi Hamada!" I gaped when the realization finally hit me.
"Ha?!" bulalas ni Reika kaya binalik ko ang tingin sa kanya.
"Wala." I shrugged. "Crush mo?" tanong ko na lamang.
Tumango siya at humalakhak. "Introduction to kalandian ng karamihan si Warren. Marami kaming may crush sa kanya. Naaalala mo 'yung kinwento ko sa'yo? 'Yung kababata kong si Kirsten? Baliw na baliw 'yon kay Warren. Sa kanya nga yata ako nahawa."
"Malas ni Magno." Natawa na lamang ako.
"Nah, my cousin still has a fighting chance if he plays his cards right... that is, if she ever returns." Reika sighed.
I can see the sadness in her eyes whenever she talks about that girl. I can also relate to her. Masakit din kasi sa akin sa tuwing naalala at pinag-uusapan si CJ.
Sad how good friendships suddenly fall apart.
When you think that person would be by your side for the rest of your life, and then all of a sudden, gone at an instant.
From best of friends to just becoming a precious little memory.
I wish Reika and I wouldn't end up like that.
"'Di ka ba talaga tutuloy mamaya?" biglang tanong ni Reika.
Huminga ako nang malalim at umiling. "I can't. May moving quiz kami. Pakisabi na lang doon sa tinik, happy birthday."
"Edi humabol ka right after," giit niya sabay abot sa akin ng pagkain.
"I doubt it." I shrugged and started eating. "We have a group project due tomorrow. Ginawa akong leader ng mga bwisit."
"Then show them they made a mistake! Be irresponsible for once and drag theme to hell," giit ni Reika kaya agad akong napangiwi.
"At idadamay ko pa ang sarili ko?" I chuckled lightly and continued to eat wings.
"'Wag kang mag-alala, hindi naman invited si Tres, pumunta ka na," aniya kaya muntik akong mabulunan.
Who am I kidding though? Reika had a point. Tres is the reason why I'm not coming to the barbecue cookout. Mamaya maitulak ko pa siya bigla sa nagbabagang grill.
Kahit na ilang ulit nang sinabi ni Reika na hindi pupunta si Tres, I still don't want to risk it.
"Busy nga ako," giit ko na lang.
She heaved a sigh and roll her eyes. "Bahala ka, basta hindi ako magdadala ng bring house para sa'yo."
"As if naman magaling mag barbecue mga alagad mo." I rolled my eyes as well.
Humalaklak si Reika at suminghal. "Para lang alam mo, nagtrabaho noon si Apollo sa isang barbecue stall at si Sawyer naman ay suki sa mga samgyup resto. Sinubok na ng panahon ang mga 'yon!"
"Oo na, oo na." Tumango-tango na lang ako bilang pagsuko. "'Di pa rin ako pupunta."
"Is that your final answer?" she asked. "Because I assure you, walang gwapong paasa doon."
Pagak akong humalakhak. "Pakialam ko sa kanya? Kahit nandoon siya, pupunta pa rin ako kung hindi ako busy."
"Oo na, oo na," she said while nodding, mimicking my voice and facial expression. Hayop ka talaga De Juan.
****
03:32 PM
Reika:
Ditching my class to buy ingredients and booze with Sawyer
tara???
Silver:
not a ditcher like u
Reika:
wowwww
Silver:
ingat
Reika:
don't shatter my dreams
Itinago ko ang cellphone ko at muling nakinig sa lectures.
As I attented my other classes, patuloy akong nakakatanggap ng updates mula kay Reika.
06:42 PM
Reika:
Just got to the Hawthorn's house
btw there's a really cute boy here who wants to meet u
Silver:
yoko
Reika:
Silver:
now who is that fine young man?
Reika:
Moo, single and ready to mingle
so ano pang hinihintay mo? punta ka na rito!
Silver:
I'm busy
Napabuntong-hininga ako at bahagyang napabusangot habang nakatitig sa picture ng aso. It's been awhile since I got to play with dogs. Dad's allergic to dogs and cats kaya naman mula pagkabata ay hanggang sa pagbisita lang kami ng mga pets ng kapitbahay.
"I need a sign..." Mahina kong sambit. May parte sa aking gustong pumunta pero meron ding ayaw. Nalilito na ako sa kung anong gagawin ko.
"Ha?" tanong ni Colette na narinig pala ang sinasabi ko kaya huminto ito sa pagsusulat.
"Haji Kazemi is a piece of shit," pagtatapos ko sa sinasabi niya at nag-thumbs up naman siya at nagpatuloy sa pagsusulat.
Ibabalik ko na sana ang atensyon ko sa professor nang muli akong makatanggap ng mensahe, this time ay hindi na ito galing kay Reika bagay na agad nagpaupo sa akin ng tuwid.
Joe:
Ateeeeeeeee
Silver:
Say it right away para wag akong kabahan
Joe:
sorry hehehe
where u?
Joe:
Uni
why?
Joe:
Pupunta ka kanila kuya apollo?
Silver:
not sure why
Joe:
gusto ko pumunta but wala akong kasama
ayoko naman mag-isang sumulpot doon
iniwan ako ni kuya eh hehehe
punta tayo? hahaha
"I guess this is the sign..." Napabuntong-hininga na lamang ako.
****
Pagkatapos ng klase ko, lumabas agad ako ng university at nakasalubong ko si Joe na naghihintay sa akin suot ang kanyang kulay dilaw na sweater at shorts. She had her hair on fishtails making her look cuter than ever.
"Dadaan pa tayo sa inyo?" she asked pero umiling lang ako.
Hinawakan ni Joe ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa isang nakaparadang kotse kung saan naroroon ang driver niya. Naalala ko lalo ang sarili ko sa kanya. Maswerte nga lang siya dahil 'di masyadong strikto ang mga magulang niya.
Hindi kami nahirapan sa pagpunta ni Joe sa bahay nina Apollo. Minsan na rin pala siyang nakapunta roon kasama si Lorenzo. Turns out that Hawthorn guy used to be a party asshole kaya naman sila ni Lorenzo ang itinuturing na partners-in-crime. Mga notorious na fuckboy ng Filimon Heights. Nagbago 'yung Hawthorn, si Lorenzo hindi.
Nalaman ko rin na ang tatay raw pala no'ng Hawthorn ang may-ari ng bahay. He just hired Apollo to watch over his son and become his roommate.
Nasa labas pa lamang kami ng bahay pero rinig na rinig na namin ang tawanan at kantyawan mula sa loob. Gaya ng dati, ang nakakarinding boses agad ni Haji ang naririnig ko. From the sound of it, mukhang nagbabangayan na naman sila ni Reika.
We didn't have to ring the doorbell dahil nakabukas na ang gate.
Pagpasok namin, nakarating agad kami sa hardin kung saan naroroon ang isang habang mesa at nasa gilid nito ang dalawang malalaking grill. Apollo and Sawyer were there cooking, as expected.
"Kuya Apollo!" Joe beamed and ran towards Apollo kaya napalingon sa amin ang lahat ng nasa mesa.
Reika eyes widened when she saw me at napagtanto ko agad kung bakit... kasi nakaupo malapit sa kanya si Tres na mukhang gulat na gulat din nang makita ako.
Mariin akong nalunok at napakurap-kurap; nilunok ko ang murang gustong kumawala sa bibig ko at kinurap-kurap ang mga mata ko dahil bigla akong nakaramdam ng kung anong hapdi.
My heartbeat raced at an instant just by seeing his face again.
Gustong-gusto ko nang tumakbo palayo pero ayokong magmukhang tanga sa harapan ng lahat kaya naman kahit mahirap, pinilit kong manatiling taas-noo at ngumiti sa kanila. "Nakahabol pa," sabi ko.
Lumapit ako sa mesa at napansin ko agad ang bakanteng upuan sa tabi ni Magno. Normally I'd sit next to Reika right away pero dahil malapit sa kanya si Tres, kay Magno na ako tumabi.
"Sabi ni Reika di ka pupunta?" Magno chuckled, looking nervous.
"Maaga akong natapos sa ginagawa ko," I answered as firmly as I could. The last thing I'd want is for my voice to break right in front of them. Tangina ni Haji Kazemi hindi ako pwedeng magpaapekto!
Naptingin ako sa kabila kong gilid at nakita kong katabi ko rin pala si Jethro. Tahimik ito at nakatingin lang sa kawalan. Para siyang isang estatwa. Estatwa ng isang politiko dahil nakasuot siya ng makapal na eyeglasses ngayon.
"Uy," kaswal kong bati sabay siko sa kanya.
Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko. Napatingin siya sa akin, akala ko may sasabihin pero kinuha niya lang ang backpack ko at inilagay ito sa sahig, sa pagitan ng mga upuan namin.
"Bakit biglang tumahimik?" Haji chuckled. He sounded just as nervous and awkward as Magno.
Kinabahan ako bigla sa kinilos nilang lahat. Pakiramdam ko tuloy may alam sila sa panggagago ni Tres sa akin.
Despite my heavy heart and trembling fingers, I looked at Haji's direction and looked at him flatly. "Oras na sabihin mong dahil may kaluluwang dumaan, papatayin kita."
All of a sudden, Reika burst into a fit of laughter. "'Yon sana ang sasabihin ko! Iba talaga 'pag elemento."
I sighed and shook my head, trying to look disappointed. But that sigh was a subtle way of preparing myself for my defense mechanism. Plastic na kung plastic pero ayokong magpatalo.
"Uy, Welcome back." Kaswal akong tumango kay Tres na katabi lang ni Reika. Kumurap-kurap siya at tumango-tango kasabay ng paglitaw ng maliit na ngiti sa mukha niya. Mukhang hindi niya inaasahang darating ako at mas lalong hindi niya inaasahang kakausapin ko siya.
Mula sa ilalim ng mesa, naikuyom ko ang kamao ko nang makita ko ang isang babae sa tabi ni Tres. She looked so pretty with her long curly hair and prim aura. Her presence screamed beauty and grace.
Tangina, dapat hindi na lang talaga ako pumunta. Pamahak kayo, Moo at Joe.
"You must be Silver, right?" the pretty girl right beside him spoke. She had a sweet smile on her face as she looked at me.
Tumango ako. "Yeah... S-Silverianne but they just call me Silver."
"I'm Mayumi, Tres' girlfriend," she said and gave me a little cute wave.
Tumango-tango ako at ngumiti.
She seems like a nice girl. I hope Tres won't screw her over.
"Kuya Tres!" Joe's voice blared as she ran towards him and gave him a huge hug from the back. And by huge, halos sakyan na ni Joe si Tres sa likod.
Everyone's attention shifted to them kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Sa kabila nito, sobrang bigat pa rin ng dibdib ko. Nagbalik ulit ang galit at sakit; parang mas tumindi pa nga lalo na nang makita kong parang wala lang kay Tres habang masayang pinapakilala kay Joe si Mayumi.
"We thought you weren't coming," biglang nagsalita si Jethro nang mahina dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Jethro grabbed his glass of wine without throwing me a single glance.
"Plot twist," sabi ko na lang.
Napansin kong parang may nakatingin sa akin kaya naman nilibot ko ulit ng tingin ang mesa. Nahuli kong nakatingin sa akin si Cohen, umiinom ng wine habang may ngisi sa kanyang mukha. The king of the fuckboys looked so creepy as he sat back on his chair and winked.
I was at my breaking point already so I slowly raised my middle finger and glared at him.
Nagulat naman ako nang biglang tumingin sa akin si Jethro, kunot-noo at mukhang papagalitan ako, kaya naman dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko. Sorry na principal gori.
I recognized everyone kaya napagtanto ko agad na wala ang date na bukambibig ni Cohen. Wala rin ang tinik na dapat na celebrant, and worse, wala si Moo.
Lumingon ako sa direksyon ng bahay at napatingala ako sa bintana ng mga kwarto.
"Denver's not coming out. Said he'd rather watch netflix," nagsalita ulit si Principal Gori.
"How about his dog?" I couldn't help but ask.
"Upstairs with his master," he said as he took a sip from his glass.
"Hoy hoy hoy ano pinag-uusapan n'yo diyan?!" Reika suddenly yelled and when I looked at her, doon ko lang napagtanto na kami pala ang ibig niyang sabihin. The cult mistress has a grin on her face, nang-aasar na naman.
For the first time, hindi ako nainis sa pang-aasar niya.
"Panget ka raw!" Magno yelled but Reika just rolled her eyes.
"Grabe, at talagang nag-couple shirt pa kayo," pang-aasar ni Haji kaya nagbaba ako ng tingin sa sarili ko at doon ko lang napansing pareho pala kaming naka-plain white shirt ni Jethro, may suot nga lang itong brown jacket.
"Hoy ano ba! Tagal pa ba yan? Gutom na ako!" Reika grumbled as she held her tummy.
"Malapit na madam!" bulyaw ni Sawyer na hindi na maipinta ang mukha. Pagod na yata sa pagluluto o nasobrahan na sa mga nalanghap na usok. Si Apollo naman, patawa-tawa lang. Chill as always.
A few awkward moments later, dumating na ang dalawang batch ng grilled pork belly. Hindi ko alam kung nananadya ba si Sawyer pero sa akin niya pa talaga inabot ang isa sa mga pinggan at gunting. Mabuti na lang at inabutan niya rin sina Reika kaya naman kanya-kanya kami ng area na kailangang pakisamahan, which is a good thing dahil may excuse ako para huwag tumingin sa direksyon ng puchangamang si Tres.
Normally I'd whine and glare but I was happy to cut the pork for Magno and Jethro. I even helped by handing them everything that they'd need.
"Kimchi?" I asked Jethro at tumango naman ito sabay ayos ng kanyang salamin.
Inabot ko naman agad ito sa kanya.
"Sil, patulong ako sa pag-wrap," malambing na pakiusap ni Magno. Bait-baitan para pagbigyan.
"Sure." I smiled and grabbed some lettuce for him.
Panay ang lamon at inom ni Magno ng wine kaya mabilis itong nalasing. Kahit ako ay napapainom na rin dahil sa kanya. Next thing I know, kapwa na kami parang mga timang na patawa-tawa habang nagra-wrap ng pork. Nage-experimento pa kami at kung ano-ano ang pinaglalagay namin sa lettuce.
"Isaw ba 'yon?" I paused when I noticed the grill.
Tumayo si Magno at pasuray-suray na lumapit doon. Tumayo ako at tumakbo upang sundan siya at napansin kong pasuray-suray na rin ako. The alcohol has already affected my body pero at least malinaw pa rin ang isip ko.
"Hingi kami ng isaw." Patawa-tawa kami ni Magno habang kinukulit si Apollo.
"Lasing na agad kayo?!" bulalas ni Apollo, ang isang kamay nasa bewang habang ang kaliwa naman ay nagpapaypay.
"Hindi ah!" giit ko pero ngumiwi lang si Apollo at malakas na pinaypay ang usok dahilan para dumiretso agad ito sa mga mukha namin ni Magno.
Ubo man kami ng ubo, tawa pa rin kami ng tawa. Nang maibigay ang mga isaw, nag-unahan agad kami ni Magno na makabalik sa kinauupuan namin.
"Easy," bulalas ni Jethro nang pabagsak akong naupo.
"Isaw?" tanong ko sabay lapit nito sa mukha niya kaso hindi ko natantya ang galaw ko at tumama ito sa mukha niya.
My eyes widened when I saw the sauce smeared across his face. Dali-dali kong kinuha ang panyo ko at pinahid ito sa mukha niya. Tumigil naman agad ako dahil sa masama niyang tingin sa akin.
Sa takot ko kay Jethro, humarap ulit ako kay Magno at nakita kong sinusubukan na nitong i-cut ang isaw. Nabasa ko ang naiisip niya kaya agad akong kumuha ng lettuce, kimchi, bean sprouts, at soy. Para kaming mga tangang tawa nang tawa dahil sa ideya namin.
"Hoy! Ang ingay n'yo!" bulyaw sa amin ni Reika, halatang lasing na rin. Para na rin silang mga tanga ni Haji, tawa ng tawa habang sinusubukang kumain ng adidas. Mas maingay pa sila kesa sa amin, kesyo may kalyo daw ang manok at ingrowns.
"May Adidas pala?" tanong ni Magno, parang nanlumo na ewan.
"Masarap ba 'yan?" tanong ko.
"Hindi ka pa nakakain ng adidas?" tanong ni Magno, bahagya pang naka-pout. Cute.
"Paano kakainin eh puro buto? Tingnan mo sila?" tanong ko sabay turo kay Reika na hindi na mainpinta ang mukha sa kakangatngat nito.
"Practice ka?" Magno grinned.
"Sige, sige!" I nodded, completely enthralled by the idea.
I heard Jethro sigh from behind me. "Ako na ang kukuha. 'Wag na kayo malikot."
"Thanks, Dad!" bulalas ni Magno pero suminghal lang si Jethro. Akala mo hindi namutla nang maputol ang karayom.
Habang wala si Jethro, patuloy si Magno sa page-experimento ng wraps. Kung ano-ano ang nilalagay at para naman akong tangang tumatanggap nito. Siyempre, hindi rin ako nagpahuli at gumanti rin ako. Todo ngiwi siya nang lagyan ko ng pickles ang pork wrap niya kaya tawa ako nang tawa.
Biglang natumba ang bag ko kaya naman yumuko muna ako para ayusin ito. Dahil medyo hilo na, ilang beses ko pa itong inayos nang inayos dahil panay na ang pagtumba nito.
"Sa wakas." I sighed as I sat up.
"Oh heto, may special surprise 'yan sa loob," bungad sa akin ni Magno hawak ang isang lettuce wrap.
Sinubo niya ito sa akin at agad ko namang tinanggap.
Nanlaki bigla ang mga mata ko nang may malasahan akong sobrang anghang. Mahilig ako sa maanghang na pagkain pero iba anghang nito ngayon.
"Anghang ba?" Humalakhak si Magno.
I swallowed hard and nodded. Parang nagbabaga ang bibig at lalamunan ko.
"Malamang kasi marami 'yung sili!" aniya kaya naman tumikhim na lamang ako at lumunok nang lumunok. Iinom sana ako ulit ng wine pero ayokong mas malasing pa. Dali-dali akong tumango at muntik ko pang mabangga si Jethro.
"Oh, anong problema?" Jethro asked.
"Anghang." Panay ang ngiwi ko habang pinapaypayan ang sarili ko gamit ang kamay ko.
"Come on, may gatas doon sa ref," aniya sabay hawak ng braso ko at giniya ako papasok.
***
Panay ang pagmumog ko dahilan para bahagyang mawala ang anghang. Sinamantala ko na lang din ang pagkakataon at naghilamos na ako kaya naman parang tuluyan na akong nahimasmasan.
Pagtayo ko nang tuwid, nag-abot agad sa akin si Jethro ng tela at agad ko itong ginamit na pampunas sa mukha ko. Natigilan ako nang bigla kong mapagtantong ang brown jacket niya ito.
"Ooops?" I chuckled.
"It's okay, just use it," aniya.
"Balik ko na lang after laundry." I folded and held his jacket by the arm.
"Here. It will help." Nag-abot siya sa akin ng isang baso ng gatas kaya naman napasandal ako sa counter at ininom ito. Pagkatapos ay humarap ulit ako sa lababo at hinugasan ang baso.
"You have to stop it," he said coldly.
"It's okay, I used it--"
"Stop using Magno just to make Tres jealous."
Nahinto ako sa ginagawa at agad na humarap sa kanya.
"What?" My eyebrows furrowed as I placed the glass aside. My anger rose all of a sudden.
Jethro just looked at me with a stern and cold expression.
"Fuck you, Filimon," I spat out bitterly and walked away, bumping into his shoulder out of spite.
Habang mabilis na naglalakad palabas ng bahay at pabalik sa mesa, dumako ang paningin ko kay Tres at Mayumi na magkahawak ang mga kamay at kapwa masaya sa piling ng isa't-isa.
Tres looks so happy and in love with her... meanwhile here I am, still not over him.
"Oh? Uuwi ka na?" tanong agad ni Magno nang kunin ko ang bag ko.
"Yeah, my folks are coming home. Lagot ako kapag nakita nilang wala pa ako sa bahay nang ganitong oras," I said while trying to muster up every fiber of my being so I won't end up crying right in front of them.
"Tara!" Mabilis naman agad na tumayo si Reika, kung maka-asta parang hindi lasing.
"Hatid ko kayo?" tanong ni Sawyer.
"No, may taxi naman," I assured him.
"Text agad kapag nasa bahay na," bilin ni Magno sa kabila ng kalasingan.
Magkaakbay kaming naglakad ni Reika. I felt like my knees and tears were about to give up, but because of her it didn't.
Paglabas namin ng gate, saktong may dumating na taxi kaya naman kapwa kami mabilis na sumakay sa backseat.
Pagkaupong-pagkaupo, yumakap agad ako kay Reika at ibinaon sa balikat niya ang mukha ko. Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang bumigay ang mga luha ko. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin pabalik.
| End of 26 - Thank you |
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro