Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24 : You'll be alright

Hi! Sorry for not being able to update in a while. Work has been pretty cruel to my schedule lately, rendering me unable to continue my daily updates. Ya girl has to grind for a living huhu. Hope u guys understand <3 By the way, super thank you sa lahat ng sweet and kind comments! I've read them and I totally appreciate it. U guys know who u r <3

Ur kindness and support is the reason why I'm still serialsleeper <3




"Oh hell no!" Haji gasped. 

"Shut it, Kazemi. Magiging doktor ka kaya 'wag kang maarte," I said as I grabbed his hand.

"Ayoko na maging doktor," he whispered with a grimace. Parang iiyak na.

"Kaya mo 'yan pre," Sawyer cheered. Nakaupo ito sa huling baitang ng hagdan, malayo mula sa amin na nasa sala.

"Ikaw susunod," I reminded him dahilan para mahas itong mapalunok.

"Hala paano ba 'yan? Mukhang may homework pa akong gagawin?" Sawyer looked at his watch with a concerned look on his face. 

"'Di ba absent ka kanina?" Magno asked quite innocently. Nanlaglag pa.

"Nakakalungkot na alam mo 'yon at mas nakakalungkot na traydor ka," walang emosyong sambit ni Sawyer. Akala mo sinapian ni Gori.

"Ikaw susunod," paalala ko rin kay Magno dahilan para mamilog ang mga mata nito sa takot.

"Don't worry, parang kagat lang 'yan ng langgam." Reika assured Magno with a grin at inakbayan pa nito ang pinsan.

"Eh ikaw?" sarkastic na bulalas ni Magno kaya proud na ipinakita ni Reika ang bandaid sa braso niya. Siraulo, kaliit lang na turok nilagyan pa ng bandaid.

"Eh ikaw?!!!" bulyaw ni Magno sabay lingon kay Jethro na nakaupo lang sa isang tabi at tahimik na nanonood. 

"I'm waiting for my turn," kalmado at walang emosyon nitong sagot. 

"Oh edi siya na mauna! " Haji yelled at agad na binawi ang kamay niya, mabilis ko naman siyang pinigilan at hinigit ulit ang kamay niya.

"Nahawakan na kita kaya akin ka na!" sigaw ko sa sobrang inis. Ayokong injectionan si Jethro, mamaya masaktan at maging dalawa na ang black eye ko. Magmumukha na akong kakulto ni Reika.

They all gasped; Haji even jumped a little and crossed his arms over his chest, as if trying to protect his purity from me. Akala mo sinong inosente eh mukha naman siyang manyakis na bumbay!

Sa isang iglap, umalingawngaw ang naglalakasang tawanan nina Reika, Magno, at Sawyer. Doon ko lang napagtanto ang karumal-dumal kong pagkakamali.

"That's not what I meant," I calmly announced. "My words jumble when I'm annoyed" 

"Silver, hindi ko alam na may pagnanasa ka pala sa'kin!" Haji said with a whimper. Still with his arms crossed above his chest and a scared look on his face.

I took a deep breath and sighed. Nakakainis sila pero hindi ako pwedeng magpaapekto. Chill lang dapat ako.

Umikot na lang ako at humarap kay Reika na halos maiyak na sa kakatawa habang hawak si Magno na kulang na lang ay maglupasay na sa sahig. Ang babaw ng mga kaligayahan.

"Rei, ikaw na lang," I requested.

"I'm still here," Jethro said out of the blue. Walang emosyon pero pakiramdam ko medyo sarcastic. Humarap na lamang ako sa kanya at bumuntong-hininga. Bahala na nga.

"Bro, 'wag kang magpapahawak! Aangkinin ka rin niyan!" pabirong pagbabanta ni Haji pero nagkibit-balikat lang si Jethro.


Lumapit ako kay Jethro at naupo sa tabi niya. Bigla siyang humarap sa akin kaya pinatagilid ko siya ulit. Mananakot pa ang siraulo.

Saktong tinanggal niya ang jacket n'ya noong naghahapunan kami ka naman malaya ko na siyang matuturukan sa balikat. 

"Hala, 'yan ba 'yung masakit?!" biglang bulalas ni Reika.

Mabilis na napalingon sa akin si Jethro. "'Yan ang masakit?" kalmado lang ang pagkakasabi niya pero halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Reika. 

"Hindi masakit. Tinatakot ka lang niya," pagsisinungaling ko. Tumango naman siya at umayos ng tayo. Uto-uto.

Nilingon ko ang mga alagad ni Reika at lahat sila ay nakatayo sa malapit, nag-aabang sa mangyayari habang may mga ngiwi sa kanilang mukha. 

"'Wag mo akong sisikuhin ulit," paalala ko na lamang kay Jethro habang nililinis ang injection site gamit ang cotton na may alcohol.

"Never again," aniya. Dapat lang dahil pag ako nakaganti, sorry na lang.

"Damn, macho nitong si Jethro," biglang komento ni Reika sabay sipol. She got that right, Jethro's biceps are pretty toned. Halatang medyo sporty.

"Macho rin kaya ako!" Magno argued sabay flex ng muscles niya. Cute.

"Ako rin!" sabi pa ni Haji.

"Hindi baleng 'di macho, basta gwapo," Sawyer chimed in. 

"Kaso gago," singit ni Reika.

Habang nag-aasaran sila, sinamantala ko ang pagkakataon at maingat na tinurukan si Jethro. Nanginginig ang mga kamay ko pero pinilit kong maging mahinahon.

Narinig ko ang paghigit niya sa hininga niya at napansin ko rin ang pag-stiff ng katawan niya. Kawawang Gori.

Itinuon ko ang atensyon sa syringe at laking gulat ko nang may makita akong dugo. "Oh shit," napasinghap ako kasabay ng pa

"Why did you say oh shit? What happened?" mabilis na bulalas ni Jethro, naging rapper bigla. 

"Hala dumugo!" biglang bulalas ni Magno.

"Ha?" Mabilis na humarap si Jethro. 

Sa sobrang bilis ng pagyayari, napasinghap na lamang ako ulit nang makitang naputol ang karayom. 

Biglang namayani ang katahimikan sa buong sala. 

Nanlaki ang mga mata ko at ganoon din ang sa kanila. 

Napatingin ako sa mukha ni Jethro at nakita ko ang biglang pamumutla ng mukha niya.

Biglang umalingawngaw ang sigawan ni Reika at ng kanyang mga alagad kaya naman agad ko siyang tinitigan sa mga mata. "Jethro, look at me."

Jethro's nostrils flared. It was either bubuga na siya ng apoy o mahihimatay sa harapan ko. Luckily, wala sa dalawa ang nangyari. 

"I-It's okay. Don't be scared. I got you," I assured him despite my shaking voice. "You'll be alright, Jethro."

Kalaunan, mukhang kumalma siya kahit papaano habang nakatitig sa akin. Siguro pinagmumura na niya ako sa isip niya. 

***


"Gago! Parang tinakasan ng kaluluwa si Jethro nang makita niyang naputol 'yong karayom!" Patulog na lang kami, tawa pa rin ng tawa si Reika. Akala mo hindi rin siya natakot nang mangyari iyon kanina. 

"Halos mahimatay din kayo ng mga alagad mo kanina," paalala ko sa kanya.

"Muntik nga! Nakakakilabot 'yon!" pag-amin niya habang tawa pa rin ng tawa.

"Matulog ka na," sabi ko na lamang sabay akyat patungo sa kama ko.

"Good night." Nahiga na siya sa kama niya kaso iyon nga lang, tawa pa rin siya ng tawa. "Kahit si Sawyer namutla!" dagdag niya pa kaya kahit ako ay natawa na rin.

It took a while for Reika to get over everything that happened. Alas-dose na nang mapansin kong nakatulog na siya. Sinamantala ko ang katahimikan at kinuha ang cellphone ko upang magtipa ng mensahe kay Jethro. I forgot to apologize to him.

Huminga ako nang malalim at nagtipa ng mensahe sa kanya. 

Silver: 

sorry for what happened

hope you're okay

good night


Hindi na ako nag-expect ng reply sa kanya dahil hatinggabi na. Nagkumot na ako at yumakap sa unan ko nang biglang lumiwanag ang cellphone ko. 


Jethro:

nothing to be sorry about

it was an accident


Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.


Silver:

ok ka na?


Jethro:

why wouldn't i be?

it didn't hurt


Silver:

good 


Jethro:

how about your face

does it still hurt?


Silver:

ok na, naghihintay na lang akong mawala ang pasa


Jethro:

why are you still awake?


SIlver:

Reika


Jethro:

Reika?


Silver:

daldalan


Jethro:

ah


Silver:

good night



****


Kinabukasan, tawa pa rin si Reika nang tawa habang inuungkat ang nangyari. Gusto niya pang ulitin ang turukan session kasi si Jethro lang naman daw 'yung naturukan ko at sobrang fail pa. Nang sabihin kong siya na lang ang tuturukan ko, doon na siya nahinto sa pagtawa.

"Are you sure a-absent ka ulit?" tanong ko sa kanya.

"Sa afternoon na ako papasok," she said while lying in the couch while watching tv. Hindi ko na talaga alam anong balak niya sa buhay niya. 

Paglabas ko ng bahay, nakita ko ulit ang sasakyan ni Jethro. Mukhang nakita niya rin agad ako dahil lumabas na siya at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. 

"Still not done with the guilt trip?" bungad ko sa kanya. Technically we're even dahil sa nangyari kagabi. Hindi niya ba naisip 'yon?

"We had a deal," aniya kaya tumango na lang ako. A man of principles, I see. 

Habang nasa loob ng sasakyan, akala ko wala ulit kaming kibuan pero bigla siyang nagsalita.

"Mamaya sa duty mo sa club, baka may free time ka para makapag-practice tayo," aniya.

Kunot-noo agad akong napatingin sa kanya. "Hindi ka nadala?"

"I've been through worse." He shrugged. 

"You're a slave of your guilt." Napabuntong-hininga na lamang ako.

"It's not a bad thing," aniya.

"Forget about it once my eye heals," giit ko at tumango naman siya.



Jethro is indeed a man of his words dahil nang maging okay na ang mukha ko, huminto na rin siya sa paghatid-sundo sa akin. Hindi ko na rin siya nakikita sa club. Nagkikita lang kami sa tuwing may gala ang grupo. Gaya ng dati, wala ulit kaming kibuan at kaswal na lang na nagtatanguan. 

Salamat naman. No more awkward moments with the Gori of Filimon Heights




| End of 24 - Thank you |

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro