Chapter 20 : Black eye please
Sobrang bigat ng pakiramdam ko nang magising. Kung wala lang talaga akong pasok ay babalik talaga ako sa pagtulog; ayoko rin namang umabsent lalo't first day pa mismo ng bagong school year.
Hindi na talaga ako magpapadala sa mga masamang impluwensya ni Reika De Juan. I love her but I love my liver more.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan na nasa gilid lang ng kama ko. Nang nasa huling baitang na ay saka ako tumalon pababa sa sahig.
"Jesus!" Reika screamed at the top of her lungs kaya naman agad ko siyang sinamaan ng tingin. Para itong tangang nakayakap sa kumot niya, takot na takot.
Nagsimula na lang ang bagong school year, nagugulat pa rin siya sa akin. Wala na, sanay na ako. Next time tatakutin ko na lang siya nang sadya.
"Labas na tayo, baka mamaya gising na ang mga alagad mo," pagyayaya ko sa kanya kaya naman kahit antok na antok pa ay bumangon na si Reika at mabilis kaming nag-ayos.
Pagbaba namin sa sala, naabutan namin sina Magno, Sawyer, Apollo, Haji, at Cohen na nakaupo lang sa mattress na inilatag namin para sa kanila. Para silang mga wala sa sarili habang nanonood ng TV; gulong-gulo ang mga buhok at naniningkit pa ang mga mata dahil sa antok. At least patas kaming lahat na may hangover.
Two months lang akong nawala sa Filimon Heights para sa summer break pero pakiramdam ko ay isang taon na ang lumipas. Sa kabila nito ay hindi ko naman masyadong na-miss si Reika dahil halos araw-araw kaming nags-skype, minsan nga ay sumasali pa ang mga alagad niya sa background para pagtripan ako.
Papasok sana ako ng kusina nang makasalubong ko si Jethro na may hawak nang tray na puno ng mga tasa ng kape. Umuusok pa ang mga ito sa harapan niya kaya mukha tuloy siyang fresh mula sa impyerno. Hmm... Ito rin kaya ang dahilan kung bakit ayaw nina Sawyer na pumwesto ako malapit sa grill sa tuwing nagsa-samgyup kami? Hindi naman siguro, di hamak naman na mas nakakatakot si Jethro kaysa sa akin.
Gaya ng dati, kaswal lang kaming nagtanguan at nilagpasan ang isa't-isa.
Pagdating ko sa kusina, dumiretso agad ako sa cupboard para kumuha ng choco powder dahil siguradong puro kape ang ginawa ni Jethro. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na silang nakitulog sa sala namin at sa bawat pagkakataon ay laging puro kape ang ginagawa niya, kahit pa ilang beses ko nang pinangalandakang mas gusto ko ng hot choco. Hindi gentleman si Gori.
"Puchangama." Napabuntong-hininga ako nang makitang nasa mataas na compartment pa talaga nailagay nina Daddy ang pack ng choco powder. Sila kasi nag-ayos ng grocery namin nang inihatid nila ako ilang araw na ang nakakaraan.
I took a deep breath and extended my arms, trying to reach it. I even had to tiptoe just so my fingertips could reach it. However, just as I was about to grab ahold of the pack, a hand suddenly appeared out of nowhere and took it first.
Napalingon ako at nakitang si Jethro ito na walang kaemo-emosyon ang mukha. Pasasalamatan ko na sana siya pero laking gulat ko nang bigla na lamang niya itong inilagay sa pinaka-ibabaw na parte ng cupboard kung saan imposible ko na talaga itong maabot.
"Hoy?!" I spat out angrily but he just turned his back and walked away as if nothing happened.
I was shocked at what he did. Oo nga at lagi akong pinagt-tripan nina Sawyer pero ni minsan hindi ko inakalang darating ang araw na patI si Jethro ay mamb-bwisit na rin.
I guess people really change... kahit nga si Tres.
Lumapit na lamang ako sa mesa at humila ng isang upuan. Bago pa man ako makapatong rito, biglang bumalik si Jethro at tumayo sa tabi ko, wala pa ring kaemo-emosyon ang mukha. Bigla niyang inabot ulit ang choco powder.
Ayokong matalo kaya tinangka kong agawin ang choco powder pero sa sobrang bilis ng pangyayari, napasigaw na lamang ako sa sakit nang tumama ang siko niya sa mukha ko.
"Oh fuck!" he yelled.
"Puchangama!" I yelled as well as I held on the right side of my face. Nahilo ako kaya sumandal agad ako sa counter at patuloy na nagmura dahil sa sakit.
"I'm sorry! I'm sorry!" Jethro panicked as he held me by the arms, trying to look at my face.
"'Wag mo akong hilahin, gago!" sigaw ko at agad naman siyang bumitiw sa akin pero hindi niya pa rin ako tinantanan.
"I'm sorry! Please let me see! I-is it bleeding? Did I hit your eye?" he asked, fear evident in his voice. I think this is the most emotion I have seen and heard from him.
Umiling na lamang ako habang tinatakpan pa rin ang mukha ko. I could tell that it's not bleeding but it still hurts like hell! Sa bandang mata pa ako tinamaan!s Kapag ako nagkaroon ng deperensya sa paningin dahil sa kanya, bubulagin ko talaga siya!
"Hoy, anong nangyari?!" Narinig ko ang boses ni Reika.
"Everything alright?" si Apollo naman.
"Get a room!" narinig ko namang bulalas ni Cohen. Kung hindi lang talaga ako namimilipit sa sakit, nabato ko na siya ng kawali.
"I hit her face! Get a first-aid kit!" tarantang sabi ni Jethro sa kanila, hindi pa rin ako nilalayuan.
"For real?!" Narinig ko ang malakas na tawa ni Haji na sinundan din ni Magno. Mga bwisit!
****
"Sil, kaya mo ba talaga? Umabsent ka na lang kaya?" Reika asked as I continued to prepare my backpack for school.
"It's the first day of the new school year, ayoko," I said firmly as I held an ice-pack against my hurting face.
"Ako na lang nito, sabihin mo na lang anong libro ang ilalagay," Reika insisted as she took over packing it.
Bago tuluyang lumabas ng kwarto namin, humarap ako sa salamin at dahan-dahang ibinaba ang ice-pack. Napabuntong-hininga na lamang ako sa inis nang makitang namumula ang kanan kong mata at nagsisimula nang mamaga ang ilalim nito.
"Hala sil, magmumukha kang half-panda niyan mamaya at mas lalo pa 'yang mangingitim sa susunod na mga araw!" bulalas ni Reika kaya agad ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.
"Salamat sa support," I said flatly.
"Anytime." She sighed and handed me my backpack.
Pagbaba namin ay naabutan naming sina Jethro at Magno na lang ang natitira sa sala. Siguradong nag-alisan na ang iba para mag-handa para sa kani-kanilang mga klase.
Mabilis na lumapit si Jethro nang makita ako. "Are you sure you're going to school? Okay ka na ba talaga?"
Mukhang sincere naman ang pagsisisi ni Jethro kaya hindi ko na nagawang magalit pa. Tumango na lamang ako, taas-noo lang kahit medyo masakit pa rin ang mukha ko. Laking tao pa naman ni Gori.
"I have my glasses if you want to hide--
"I have my own glasses," sabi ko na lang. Sasama pa lalo ang pakiramdam ko kung gagamitin ko ang kanya. Malay ko ba grado no'n.
Jethro drove us to school at hindi na ako tumanggi pa, makabawi naman siya sa kagaguhan niya. Pagbaba namin sa harapan ng university, mabilis akong bumaba at sumunod naman agad si Reika.
"Silver, wait!" biglang bumaba si Jethro mula sa sasakyan.
"Ano?" I asked, this time I couldn't hide my frustration. Nakalimutan yata niya ang intense rivalry sa pagitan ng mga university basketball teams namin. I learned to ignore the snide remarks of our schoolmates when they see Reika and I hanging out with the guys somewhere, pero iba 'tong nasa Filimon talaga ang isang Rosepike Player. Baka mamaya mapagtripan siya ng kung sinong estudyante gaya ng nangyari noon kay Warren sa pagitan ng mga Rosepike students. Nagasgasan pa ang mukha ni Warren dahil doon!
"Your phone," aniya sabay abot nito sa akin.
Gusto kong kutusan ang sarili ko bigla. Ginawa ko na naman palang baggage counter si Jethro nang nakaraang gabi. Palibhasa naiwan ko ang cellphone ko sa kung saan at nakita niya ulit. Yet another reason for me to avoid drinking! Mamaya mawala pa ang cellphone ko at di na mabalik.
Kinuha ko ang cellphone at hindi na nagpasalamat sa kanya. Iyon na lang siguro ang ganti ko sa kanya tutal ilang beses na namin siyang naging baggage counter ni Reika.
Habang mag-isang naglalakad patungo sa classroom ko, sinilip ko ang cellphone ko at gaya ng inaasahan ay wala na namang dumating na mensahe mula kay Tres. Isang buwan na itong walang paramdam at hindi man lang nag-reply nang i-message ko ito nang isang beses. Ang masaklap ay alam kong may komunikasyon pa rin siya kanila Sawyer kaya hindi na ang schedule niya ang dahilan.
I can't count how many times I've gone through our past conversations, trying to look for my mistakes. Something went wrong between us and I'm sure that I'm responsible for it. Tres is a really nice guy so for him to suddenly avoid me just means that I've done something wrong.
I must've done something to upset him. I must've said something wrong along the way and I just didn't notice it. Or maybe I was too boring to talk to and it pushed him away successfully this time?
I fucking suck at this.
I have to fix this.
****
Kahit napakasama ng pakiramdam, nagpumilit akong pumasok pero sa huli ay balewala rin dahil walang ibang laman ang isip ko kundi si Tres. I was busy trying to come up with the right words to say to him. I'm torn between apologizing on the spot or asking him if there's anything wrong first. I'm torn between just texting him or calling him because God knows how much I want to hear his voice again.
"Bye Sil! Lagyan mo lang lagi ng Icepack 'yan," Colette waved at me goodbye as we went outside the university gates.
"Bye," sabi ko naman.
I was about to message Reika, to let her know that I'll be heading to the club when all of a sudden someone stood right in front of me. I looked up my phone and saw that it was Jethro. He was wearing the same clothes but this time he's wearing a baseball cap.
"Ano?" I asked.
"How's your face?" he asked, still with his cold and emotionless demeanor.
"I told you already, okay na," giit ko. I wanted him to leave right away dahil may mga estudyante nang napapatingin sa amin. Hindi ko tuloy sigurado kung nakikilala ba nila si Jethro o napapalingon lang sila dahil sa tangkad nito. Lechen Gori.
He nodded as he slid his hands inside his pockets.
Tumango rin ako tinangka siyang lagpasan pero muli siyang humarang.
"Ano?" I asked again.
"Cohen knows what happened and he wants you to rest," aniya kaya hindi ko napigilang mapasinghal. Bullshit! May lagnat ako last year pero pinilit ako ng damuho na turuan ang kapatid niyang si Joanna sa homework niya!
Lalagpasan ko sana ulit siya pero muli na naman niya akong hinarang kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Might as well help him ease his conscience.
"Magpapahatid ako sa club." I sighed.
Gaya ng dati wala ulit kaming kibuan sa sasakyan. Sinamantala ko ang katahimikan at nagpadala na lamang ng mensahe at pagkatapos ay chineck ang notes ko kung saan naroroon ang message na kanina ko pa hinahanda para kay Tres. Goodbye pride.
I took a deep breath as I checked my message for the last time. I was about to copy it when all of a sudden I received a message from Reika.
Reika:
Silverianne, anong meron kayo ni Tres?
My breathing hitched upon reading Reika's message. My fingers trembled as it hovered above the screen.
Reika may tease me most of the time but she never asked for anything. Ngayon lang. Kinabahan tuloy ako bigla.
Silver:
Bakit?
Reika:
Kayo ba?
Silver:
Hindi
I could tell my heartbeat was getting louder and faster by the second. Kinakabahan ako kung saan patungo ang usapan namin. Minsan lang kami mag-usap ni Reika nang ganito ka seryoso.
Reika:
Nanliligaw ba?
Silver:
Hindi
Reika:
Nagpakita ng motibo?
I couldn't bring myself to answer Reika's last message.
Silver:
What's going on?
Reika:
May girlfriend ang gago
nakita namin sa twitter niya
I felt numb all of a sudden. I checked his twitter right away and my heart sank the moment I saw his new tweet that said, "Happy Monthsary, l'amour de ma vie"
It even came with a photo... He's kissing her cheek and they both look so happy together.
I took a deep breath and closed my phone right away. I blinked twice and sat straight, trying to compose myself. I bit my lower lip as I heaved a sigh.
"Change of plans, ihatid mo na lang ako sa bahay. May project pa pala ako," I said, trying to sound okay.
| End of 20 - Thank you |
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro