Chapter 17 : Lose it
7:03 PM
Tres:
Just got off my shift. Kakapagod!!!
Silver:
Get some rest
but don't forget to have dinner first
Tres:
Yes Ma'am :)
Don't forget to have dinner before your shift too
Silver:
Cohen gave me the night off
Tres:
Anong problema?
Masama ba ang pakiramdam mo?
Silver:
Cohen promoted Maru so ako na ang nakatoka sa bar ng club
I'll start the night after tomorrow
Tres:
That's great! That means hindi mo na kailangang lumapit sa bawat table para lang kumuha o maghatid ng order. You'll have an easier time at the bar
Wish I was there so we could celebrate your promotion
Silver:
Maru got promoted, not me
Tres:
Technically you got promoted as well hahaha
Silver:
You have a point
Tres:
For someone so smart, you're pretty slow
Silver:
Magkapatid nga talaga kayo ni Haji 4
pareho kayong bwisit
Tres:
Joke lang naman hahahaha
mas pogi ako sa kanya :)
Silver:
sino nagsabi?
Tres:
bakit sino ba mas pogi sa amin?
Silver:
edi ikaw
Tres:
so inaamin mo ngang pogi ako? hahahaha
Silver:
bwisit ka pa rin
Tres:
Hahahahaha gwapo pa rin sa paningin mo <3
"Hoy! Anong nginingiti mo diyan?!"
Dali-dali kong ibinalik sa bag ang cellphone ko nang akmang sisilip si Reika.
"Si Rukawa?" She grinned like a drunk tito. Hindi ko alam kung may ideya na ba siya sino si Tres, hindi rin naman niya tinatanong. Takot yata talaga siya na baka magkatotoo ang banta ko at hindi maging sila ng crush niyang bakla.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" pag-iiba ko na lamang ng usapan.
Wala sana akong trabaho pero pinilit niya akong magbihis. Masyadong mapilit ang siraulo kaya pumayag na lang ako. Hindi naman daw malayo ang pupuntahan namin kaya gaya niya ay nagsuot lang ako ng pambahay na short at oversized university shirt.
"Siyempre magce-celebrate! Na-promote ka, Elemento! Ikaw na ngayon ang diablo!" giit niya sabay suntok sa braso ko. Siraulo.
"Staying at home while enjoying netflix is enough of a celebration for me," giit ko naman.
"We do that all the time! Let's kick it up a notch--" Before Reika could even continue, the doorbell rang. Reika beamed and quickly dragged me out to the house and all I could do was follow while trying to tie my long hair into a ponytail.
Gaya ng inaasahan, paglabas ng bahay ay nadatnan na naman namin ang van ni Sawyer. Ganoon naman lagi eh, kapag lumalabas kami ni Reika hindi pwedeng wala sila. They're basically a package. At least van ni Sawyer ang gamit at hindi ang kotse ni Magno, para kaming mga sardinas na nagsisiksikan doon.
Pagpasok sa loob ng van, nakita ko agad sa front seat si Apollo. Isang himala lalo't minsan lang ito kung sumama sa mga lakad, palibhasa maraming trabaho.
"Hindi sasama si Cohen?" tanong ni Reika.
"Nag-out of town," sagot ni Apollo.
"Maghahasik na naman ng kalandian sa ibang bayan." Reika shivered and grimaced.
Sarap talagang tatakan ang noo ni Cohen ng 'Wag patulan delikado' para naman wala na itong maloko pa. Blessed with good looks, smooth tongue, and a silver spoon in his mouth — Cohen is an unstoppable fckboy. He better prepare himself for his Karma though, I have a feeling it's going to be severe.
I was sitting between the silent Jethro and the noisy Reika, nasa likod naman namin nakaupo sina Haji at Magno kaya hindi ko magawang makapagtipa ng mensahe para kay Tres. Sigurado akong may chismosong makikibasa sa kanila, except kay Jethro na may sariling mundo.
"Where the hell are we going?" I asked for the nth time.
"My elemento friend, we are going to hell." Reika grinned.
Dumiretso kami sa isang KTV lounge na nasa downtown lang ng Filimon Heights. Mukhang mamahalin kaya buti na lang libre ni Reika. Mukha lang myebro ng kulto si Reika pero marami palang pera.
"Baka nakakalimutan ninyong wala kayong trabaho ngayon?" Natatawang tanong ni Magno sa amin ni Apollo lalo't kami ang kumuha at nag-ayos ng mga inorder naming inumin at makakain.
"Force of habit, di ba Sil?" biro ni Apollo.
"We know what to do already. At least the staff can rest a little." I shrugged.
"Alam mo para kang si Bray, kabaliktaran nga lang kayo ng mood at energy level," Reika mused.
"Sinong Bray?" tanong ni Sawyer.
"Cute ba? Pakilala mo naman ako!" Magno chimed.
"Off Limits!" Umingos agad si Reika. "Subukan ninyong biktimahin 'yon at lagot kayo sakin," nagbanta pa ito. Kahit ako papalag din kapag nilandi nila si Braylee. Sayang ang buhay no'n kung papatol lang sa kanila.
"Basta kaibigan ni Reika, siguradong weirdo 'yan kaya 'wag na lang. 'Di ba Sil?" may pang-aasar na sambit ni Haji.
"So you're a weirdo too?" I shot back. Akala mo kung sinong gwapo eh. Pasalamat siya at kapatid siya ni Tres kung hindi ay matagal ko na siyang nilason.
"Hoy dahan-dahan lang may natatamaan dito!" Natatawang anunsyo ni Apollo na nakaakbay na sa nagda-dramang si Magno.
Nang maayos na ang buong mesa ay kanya-kanya na kami ng pwesto. Sa gitna nina Reika at Apollo na ako naupo dahil si Reika ay si Reika at si Apollo ang pinakamatino. Tamang balance lang.
Nagsisimula pa lang kaming uminom, nagsimula nang bumirit si Haji. Tumayo pa talaga ito sa mini stage ng silid.
"Teka hindi ka umiinom 'di ba?" biglang tanong ni Reika nang inabutan ako ni Magno ng isang shot.
"Sinong nagsabi?" tanong ko sabay tanggap at inom, hindi tinatanggal ang tingin kay Reika.
Slade already trained me to drink so no one would take advantage of me when he's not around. It was one of the most thoughtful things he's done for me, i'll admit that.
"Hoy multo lagi kang nasa club pero ni isang beses 'di kita nakitang uminom!" giit niya.
"Eh kasi nagta-trabaho ako," sarcastic ko namang giit sabay lapag ng baso. Nagtawanan naman sina Magno.
"Hinay-hinay lang sa pag-inom. Gumaya ka sa akin na matibay," pagyayabang ni Reika kaya tumango-tango ako. Tingnan natin, De Juan.
****
Reika wasn't kidding. It was hell being cooped up inside a KTV room while listening to Magno, Sawyer, and Haji singing their hearts out to Bohemian Rhapsody, drunk as hell. Pakiramdam ko ay dudugo na ang tenga ko at mabubulag na ako dahil sa strobe lights sa paligid.
"They look so stupid." Reika sighed as she emptied her glass of beer, lasing na. Mabilis siyang tumayo at sumali sa kantahan ng mga lasing. Nag-akbayan pa ang mga ito habang bumibirit nang sabay-sabay. It was as if their crazy minds were wired together!
Apollo was laughing so hard. He volunteered to be the designated driver kaya naman hindi siya gaanong umiinom. Tumayo siya, akala ko sasali rin pero bigla siyang nagpaalam ito na oorder pa ng mga pagkain at inumin. By the time he left, napatingin ako sa direksyon ni Jethro na gaya ko ay tahimik lang na nakaupo sa isang tabi.
"What are you doing?" Hindi ko napigilang magtanong nang makitang nakataas ang cellphone niya at para niyang vine-videohan ang mga siraulo. Para siyang stalker lalo't walang kaemo-emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa kanila.
Napatingin si Jethro sa akin pero nanatiling nakataas ang kamay niyang may hawak na cellphone. "So they'd know how stupid they are when they're older."
Tumango ako. Kung makapagsalita akala mo hindi siya mukhang tanga. Nice idea though.
"Look at Haji," aniya sabay turo sa grupo nila.
Napatingin ako sa mga walwalero. Dala na rin ng gulat, hindi ko na napigilang matawa nang makitang nagte-twerk na si Haji. Hataw kung hataw ang bumbay, mukha na tuloy siyang ibong papalipad. Who even twerks to Bohemian Rhapsody?!
Kahit sina Sawyer at Magno ay kung ano-ano na rin ang sinasayaw dahil sa kalasingan, bilib ako dahil nakukuha pa nilang bumirit at mag-chant nang sabay-sabay. Si Reika naman naghe-headbang na, palibhasa dumating na sa guitar solo part.
Hindi ko na napigilang pumalakpak sabay sigaw bilang cheer sa kanila. I've been to KTV bars with Slade and his band before. I know how to have fun. See, hindi ako bato!
Pagkatapos ng kanta, pagod na pagod silang sumalampak sa upuan — except kay Haji na nagpaiwan sa harap ng machine para kumanta ng Hotel California. Iba rin song choice ng bumbay.
Sa sobrang pagod at kalasingan, halos kumandong na sa akin si Reika. Humahangos man, para itong tangang tawa nang tawa.
I dragged Reika to sit right next to me, asa siyang kakandungin ko siya eh ang bigat niya. Inakbayan ko siya at hinawi ko ang buhok niyang humaharang na sa pawisan niyang mukha. Wala akong panyo kaya pilit kong inabot ang tissue na nasa mesa.
"Sawyer, paabot ng tissue," I asked pero parang tangang tawa ng tawa si Sawyer habang nanonood kay Haji na kumakanta. Nagse-second voice pa ang ulol at ganoon din si Magno.
Mabuti na lang at iniabot sa akin ni Jethro ang tissue. Tinanggap ko ito at agad na pinunasan ang noo ni Reika. Tinanggal ko rin ang tali sa buhok ko at kahit nagpupumiglas siya, itinali ko sa isang ponytail ang buhok niya.
"O? Ano nang nangyayari diyan?" Natatawang tanong ni Magno. "You okay, Rei?" tanong pa nito.
Reika nodded while giggling. Tumayo ito at nagyaya na mag-cr kaya inakbayan ko ulit siya at giniya palabas ng silid.
Pagbalik namin, nahimasmasan na si Reika kahit papaano at ganoon din ang mga dalawa — except ulit kay Haji na kumakanta na ng Aegis. Sabi ni Reika celebration 'to ng promotion ko pero parang album launch na 'to ni Haji.
"Okay ka na?" tanong ni Magno kay Reika.
"Ako pa!" Pagyayabang ni Reika at siya na itong nakaakbay sa akin.
"Kayo?" tanong ko at sabay namang nag-thumbs up sina Sawyer at Magno. Si Jethro tahimik lang at si Apollo naman ay aliw na aliw sa panonood kay Haji.
Naupo kami ni Reika sa pagitan nina Magno at Sawyer. Muntik pa akong matawa nang makita ang mukha ni Sawyer na sing pula na ng kamatis.
Napagod ako sa kakabantay kay Reika kaya naman nagbuhos ulit ako ng beer sa baso ko. Reika looked at me with wide eyes.
"Pang-ilan mo na 'yan pero ba't wala ka pang tama?" She gasped.
"Matibay ako." I couldn't help but smirk as I drank.
"Tapos marupok pagdating kay Kuya?"
Marahas akong napalunok at halos mabilaukan dahil sa sinabi ni Haji. Sa Microphone pa! How did he even come up with that?! Alam ba niya ang tungkol sa amin?!
"Seryoso?!" Natatawang bulalas ni Sawyer at kasunod na nito ang panunukso nilang lahat sa akin.
I shrugged, trying to deny and play it cool.
I was beginning to panic but I tried to stay calm with all my might. Nagpanggap na lang akong hindi apektado at uminom ulit. Sa sobrang inis at kaba, wala na akong nalasahang pait.
Puchanga mo talaga Haji Kazemi IV!!!!
"Check your source, my bumbay friend. Silver is marupok for someone else," Reika claimed with her head held high.
"Talaga? Kanino?" Kunot-noong huminto si Haji sa pagkanta.
"Sa akin!" Pagyayabang ni Reika sabay akbay at halik sa tuktok ng ulo ko. Kadiri.
Sa sobrang stress ko dahil kay Haji, naparami na ako ng inom hanggang sa tinamaan na nga. I'm aware of my surroundings but I'm losing control of myself, para na akong siraulong ngumingiti at tumatawa sa sobrang liit na mga dahilan. At least I know I'm safe with my company.
"Wohooo! That's my demon friend!" I cheered when Reika finally pushed Haji from the stage and took control of the microphone. I screamed even louder when I realized what she was singing.
"When I was a young boy! My father took me into the city! To see a marching band!" Reika sang but suddenly stopped. She ran towards me and dragged me up the stage.
The alcohol made me lose my inhibitions and next thing I know Reika and I were already singing wildly to 'Welcome to the black parade'. Magno, Sawyer, and Haji even ran up the stage, drunk as hell, while jumping around and banging their heads in the air.
We were having so much fun that my chest felt so light. It was as if all of my problems and worries went away and I was just having a great time with my friends.
Thank God, I chose to live in Filimon Heights. I never want to leave this place and these people around me!
| End of 17 - Thank you |
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro