Chapter 12 : Thanks
Talking to Tres used to confuse the hell out of me. I really liked talking to him but I just didn't know how to respond. However, as weeks passed by, our conversations became more frequent that next thing I know I have become comfortable with him. I guess I could say we have become friends.
"Shut up, Tres." I rolled my eyes, trying to stop myself from laughing at his stupidity.
"No, just hear me out!" Natatawa niyang giit. "Bike is short for Bichael just like how Mike is short for Michael," pagmamayabang pa niya sabay turo sa sentido.
Inilapag ko na lamang ang inumin sa harapan niya. "Just drink so you can leave."
"Hey, this isn't what I ordered." He frowned like a little kid upon realizing that I gave him juice. Cute.
"Give your liver a break," I said firmly. Lagi ba naman kasing pumupunta sa club sa tuwing free time niya. Saktong dumating na si Maru kaya lumabas na ako mula sa bar at kinuha na ulit ang notepad at ballpen ko.
"Apple Juice? Alam mo na talaga anong paborito ko." Sumabay sa akin si Tres sa paglalakad habang sumisimsim ng kanyang inumin. Akala mo talaga tutulungan ako eh mandi-distract lang naman sa trabaho ko.
"Go home. Maaga pa duty mo bukas." I reminded him.
"At ngayon alam mo na ang schedule ko?" He grinned. Cute talaga kahit mukhang tanga.
I looked at him flatly kaya naman nagtaas siya ng kamay at ngumiti na para bang isang inosenteng bata. "Oo na, uuwi na. Pero sino maghahatid sa'yo mamaya? 'Di ba nasa bakasyon sina Reika at Magno kasama lolo nila?"
"Mukha ba akong hindi marunong umuwi?" I asked.
"Mukha kang hindi marunong ngumiti." He grinned once again.
"Go home," I repeated and went on to continue my work.
When the clock struck 12, pumunta na agad ako sa locker ko para magbihis tutal wala na rin namang customer. Paglabas ko upang mag clock-out, nagulat ako nang makita si Tres at sa pagkakataong ito ay hindi siya nag-iisa.
I haven't seen Jethro ever since the accident kaya naman kahit papaano ay natuwa ako nang makitang okay na siya. May cast pa rin siya sa braso at nakasaklay pa rin pero at least iyon lang.
Sigurado akong si Cohen ang pinunta nila kaya dumiretso na ako sa paglalakad kaso biglang tinawag ni Tres ang pangalan ko.
"O?" tanong ko na lang.
"Dadaan-daanan mo lang kami na parang wala tayong pinagsamahan?" Bumusangot ang siraulong si Tres. Si Jethro naman, as usual, parang tanga lang na nakatayo. See, siya ang karapat-dapat na tawaging bato at multo!
"Bakit?" Lumapit ako sa kanila.
"Gusto ka raw kasi kausapin nito." Ngumisi si Tres sabay turo kay Jethro na parang estatwa lang habang nakatingin sa direksyon ko. Kinilabutan ako bigla.
Something about Jethro just feels so unsettling. Nakakatakot na ewan. Pakiramdam ko ano mang oras ay sisigawan niya ako at papagalitan. Para talagang si Gori.
"What's it about?" tanong ko, hindi makatingin nang diretso kay Jethro. Saang parte ng mukha ko ba siya titingnan? Hindi ko kaya sa mata. Bwisit.
"I-I just want to thank you. I don't remember anything from the accident but they told me you were there to help me," aniya.
Tumango ako. "No problem. Glad to help."
Nagsimula akong maglakad palayo para matapos na ang usapan pero bigla akong hinabol ni Tres.
"Ito naman, nagmamadali. Hatid ka na namin," natatawa nitong sambit.
"It's okay, I'll just grab a taxi," I assured him.
"Gusto mo ba akong patayin ni Reika?" he joked kaya napabuntong-hininga na lang ako.
It felt so uncomfortable sitting at the back of Tres' car. Minsan na niya akong naihatid pauwi pero ito ang unang pagkakataon na may kasama kaming iba at ang masaklap ay si Jethro pa. Si Jethro na akala mo estatwang multo na hindi kumikibo. Siguro kung siya ang nasa backseat, iisipin kong may kasama talaga kaming multo ni Tres. Siya ang karapat-dapat na tawaging multo at hindi ako.
"Kailan daw pala balik nila Reika?" basag ni Tres sa katahimikan. Mukhang napansin niyang hindi na ako komportable. Bait.
"Sa makalawa pa," sagot ko.
"Ba't kasi hindi ka sumama sa kanila?" biro niya.
"I have work and classes," paalala ko. Reika's grandfather was really nice to invite me but I had to decline. Bukod sa may pasok ako, napapagod na rin ako sa kakatanong nito kung ano ba raw tingin ko kay Magno. 'Di ko naman pwedeng sabihin na siraulo si Magno at gusto ko itong batukan sa tuwing nakikita ko ito.
"Jethro, baka naman may gusto kang iambag sa usapan?" natatawang tanong ni Tres.
"Mukhang uulan," sagot ni Jethro gamit ang karaniwan nitong baritonong boses.
Tumawa si Tres samantalang ako naman ay lihim na napangiwi. Dapat magpalit sila ng pangalan ni Magno.
I didn't have to suffer long because next thing I know nasa bahay na ako. Umalis naman sila agad pagkatapos akong maihatid.
The house felt so weird without Reika. It felt different not hearing loud punk rock songs and not seeing her sprawled in her bed.
All of a sudden my phone beeped. A message came from Tres. Kaaalis pa lang nila pero nag-text na agad.
Tres:
All good? - tres
Silver:
Don't text and drive.
Tres:
no
Stopping by a 7-11
Silver:
get some rest
Tres:
may ipapabili ka?
Silver:
no need
im trying to sleep
Tres:
can't sleep?
Silver:
hindi ako sanay na wala si reika
don't tell her
Tres:
she's lucky to have u
Silver:
it's the other way around
Tres:
get some rest
good night
Silver:
btw, di pa ako tapos sa bio book mo
di mo pa naman gagamitin diba?
Tres:
wait i'll ask
Nagtaka ako sa nabasa kaya naman binasa ko ulit ang usapan namin. Doon ko napansin ang kakaiba sa pananalita niya kumpara sa iba naming usapan. No excessive haha, goodnight, or emotion. What the hell.
"Was I talking to Jethro the entire time?" bulalas ko.
Tres:
wag na muna
Silver:
ok
Isinantabi ko na lamang ang cellphone ko at natulog na lang.
It was uncomfortable sleeping alone in the room kaya naman maya't-maya akong nagigising. Naisipan kong silipin ulit ang cellphone ko at nakita kong may isang mensahe mula kay Tress ilag oras na ang nakakaraan.
Tres:
Home :) Good night!
tulog ka na? hahaha
sa'yo muna yung book ko, di ko pa naman gagamitin
good night ulit :)
"Si Tres na talaga 'to," hinuha ko at napabuntong-hininga na lamang.
Kinaumagahan, nagising ako dahil sa doorbell. Paglabas ko, nakita ko si Apollo na may dalang pagkain mula sa pinagta-trabahuan niyang shop.
"I didn't order anything," giit ko habang nakahalukipkip pa ang braso dahil sa lamig ng hangin.
"Well someone ordered food for you." He grinned.
I sighed, sure that it's Reika being thoughtful again.
"Thanks." Tinanggap ko na lamang ang pagkain. "Had your breakfast yet?"
"Oo tapos na." Humalakhak siya at tumango-tango. "Besides, mamaya may magselos pa."
"Congrats. May girlfriend ka na pala," I surmised. Kunot-noo lang na tumawa si Apollo. Mali ba ako?
|End of 12 - Thank you |
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro