Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 45

Sa sumunod na gabi, nagyaya si Xyrina na magpunta sa Miss A. Gusto niyang magsaya kasama ang mga kaibigan kaya sumang-ayon na rin siya.

"Kira, he's here," bulong ni Xyrina sa kanyang tabi. Pabalik-balik ang sulyap nito sa likuran nila. "Your Black is here."

Naghumerentado ang puso ni Kira dahil sa sinabi ni Xyrina. Diretso niyang tinungga ang isang baso ng margarita kaya napangiwi siya. Nanuot ang lamig nito sa kanyang lalamunan.

"Correction, Xy, it's just Cadmium now." Mapait siyang ngumiti. "No more Black, alright?"

Kira meant it. She, at least her ego, already gave up on him. Cadmium had hurt her enough. He had owned her heart once, yet, he only filled it with dead air and left her suffocated. That made her realize how toxic he was for her.

However, against this thought was her heart screaming in protest and opposition. When she remembered the kisses they shared, her heart crumbled. When she heard his name being mentioned, her heart crazed. She could not deny that she was still into him. It was never easy to forget someone that fast when you had already dug the deepest to love him. No doubt, she still mourned for his presence.


Her heart was soft for him. Her brain was hardened by pain. And that's not a good thing. It's her against herself.

She got herself back to reality when someone tapped her tightly-clamped lap. It was Coleen, trying to get her attention. Her friend was seated in front of her. She thought Coleen was looking at her but her friend's gaze seemed to pass over her shoulders.

Kira had to tilt her head a little to the side so she can see who or what her friend was looking at. To her surprise, she met Cadmium's intimidating stare. She was frozen to her seat and could hardly look away, as if his gaze was magnet. He took a glass of whiskey without leaving a sight of her. Kira's stomach churned.

"She's creeping me out, Kira," komento ni Coleen. Ibinaling nito ang tingin sa kanya. "He's been staring at you for too long now."

Ibinaling niya ang tingin sa kaibigan at marahang umiling. "Huwag niyo na lang siyang pansinin. Mapapagod rin 'yan. Hindi rin naman niya ako maaangkin sa titig niya."

Unti-unting gumuhit ang ngisi sa mukha ni Xyrina. May nakatagong kahulugan sa ekspresiyon ng mukha nito. Nagkatinginan ang tatlo na para bang nag-uusap gamit ang mga mata. Nagkibit-balikat si Klein at sumimsim ng whiskey.

"Bakit, Kira? Hindi ka pa ba naaangkin ng Black mo noon?" tanong ng katabi.

Agad na nag-init ang kanyang mukha. Malakas ang tugtog ng musika sa loob ng bar ngunit klaro pa rin sa kanyang pandinig ang tanong ng kaibigan. Biglang pumasok sa isip niya iyong unang gabing binigay niya ang sarili kay Cadmium. Pinilig niya ang ulo at pilit na iniwaksi ang memoryang iyon sa kanyang isipan, pansamantala.

"That's a very..." Namuo ang bukol sa kanyang lalamunan. "Private thing to discuss."

Umangat ang isang sulok ng labi ni Xyrina. "So, meron nga?"

Inirapan niya ang kaibigan. "I'm not saying that. Ang sabi ko langㅡ"

"Shut it, Kira," natatawang sabat ni Klein. Nakaakbay ito kay Xyrina. "You don't have to deny the obvious. Besides, sex is normal. You can do it with anyone."

Sabay na napasinghap si Kira at Coleen dahil sa naging komento ni Klein. Kahit kailan talaga itong pinsan niya, walang preno sa pagsasalita.

"Anong sabi mo, Klein? You can do it with anyone?" Nakita niya ang pagsimangot ni Xyrina. "What? You've been bedding other girls, huh?"

Marahas nitong hinawi ang braso ni Klein na nakapatong sa balikat. Humalukipkip si Xyrina habang si Klein ay panay sa pagpapaliwanag. Nagkatinginan silang dalawa ni Coleen at napa-iling. Naaamoy na naman niya ang pag-aaway ng dalawa.

"Coleen, labas lang muna ako," pagpapaalam ni Kira at marahang tumayo.

Sinulyapan niya si Klein at Xyrina na kasalukuyan pa ring nagtatalo bago ibinalik ang tingin kay Coleen. "Ikaw na muna ang umawat sa kanila. Better yet, iwan mo na lang din sila at magsayaw ka na sa dance floor."

Umiling lamang si Coleen at ngumiti. "I'll just stay here. Mag-ingat ka sa labas, Kira."

Tumango lamang siya bilang sagot at tumalikod na. Bahagya siyang natigilan sa paghakbang nang muli niyang masalubong ang mata ni Cadmium. Hindi ba siya nito nilulubayan ng titig? Nasa dulo ito ng sofa at kasama nito ang mga kaibigan. Taas-noo siyang naglakad at hindi pinansin ang binata nang dumaan siya sa harap nito.

Nang makalabas si Kira sa bar, dumiretso siya sa kanyang kotse. Pumwesto siya sa driver's seat at ipinatong niya ang noo sa manibela. Marahan niyang ipinikit ang kanyang mata nang maramdaman ang pag-ikot ng paligid.

Tahimik sa loob ng kanyang kotse ngunit ilang saglit pa ay naglikha ng ingay ang pinto, hudyat na may biglang pumasok. Awtomatikong napa-angat siya ng tingin upang alamin kung sino ang nangahas na pumasok sa kotse niya nang walang pahintulot.

"Black!" bulalas niya nang bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Cadmium.

Dahil sa poste ng ilaw sa labas, kahit papaano'y hindi tuluyang nagdilim ang loob ng kanyang kotse. Kitang-kita ni Kira ang pangungunot ng noo nito at ang labi nitong nakaguhit sa isang manipis na linya. Binalot ng kaba ang puso ni Kira nang umusog ang binata palapit sa kanya. Nasinghot niya agad ang amoy ng alak na dumikit sa polo ni Cadmium. Idinikit ni Kira ang sarili sa pinto sa gilid ng driver's seat para kahit papaano'y magkaroon ng distansya sa pagitan nila.

"What are you doing here?" Sa kabila ng pagtataray, halata pa rin ang kaba sa boses niya. "You're tresspassing."

"Sue me for tresspassing if you want."

Tumaas ang sulok ng labi ni Cadmium ngunit ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha nito, seryoso't malamig.


Humalukipkip si Kira at pinilit na nilakasan ang loob. "Pwede ba, Cadmium? Bumalik ka na doon sa loob at uuwi na ako."

Pagak na tumawa si Cadmium. "Pinapaalis mo na ako kaagad?"

Umiwas ito ng tingin at sumandal sa upuan. Ipinikit nito ang mga mata at hinilot ang sariling sentido. "I'm too dizzy to go back inside. Dito na muna ako."

"Bakit dito ka pa nagpunta? Don't you have your own car?" sarkastiko niyang tanong.

"Hindi ko dala ang kotse ko," simpleng sagot nito. Nakapikit pa rin ang mata ng binata. "Nakisabay lang ako sa kaibigan ko."

Kira let out an exasperated sigh. There is no chance she could win this argument. They were suddenly swallowed by silence, but the atmosphere seemed to be at peace. She was able to stay with him without hearing his painful judgments and wrong accusations. The least she could hear was his quiet murmurs and the loud beating of her heart.

"Kira..."

Napakurap siya nang marinig ang malambing na pagbigkas ng binata sa kanyang pangalan. Hindi siya sigurado kung tinatawag siya nito pero agad din naman siyang lumingon sa gawi ni Cadmium. Nakapikit pa rin ang binata.

"O, a-ano?" Nakagat niya ang kanyang labi nang mautal siya.

Tumikhim si Cadmium.

"I..." Matagal bago nasundan ang salitang ito.

Namuo ang pag-asa sa puso ni Kira. Napatitig siya sa labi Cadmium habang hinihintay ang susunod na salitang bibitawan nito. Pigil ang kanyang paghinga nang makita ang muling pag-awang ng labi nito ngunit laking dismaya niya nang humilik lamang si Cadmium at hindi na nagsalita.

Napabuga siya ng hininga kasabay ng awtomatikong pag-ikot ng kanyang mga mata. "I can't believe him. I thought... I thought he has something good to say."

Dahil sa inis ni Kira ay mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Pinaharurot niya ito patungo sa bahay ni Cadmium. Pagdating ni Kira doon, ang sala na lamang ang may ilaw. Mukhang tulog na si Caia. Buti't nasa bulsa ni Cadmium ang susi ng bahay kaya nakapasok siya agad sa loob. Hindi naging madali ang pag-alalay niya kay Cadmium patungo sa kwarto nito. Nangawit ang likod ni Kira ngunit dahan-dahan niya pa ring inalalayan si Cadmium pahiga sa kama nito.

Narinig niya itong umungot. "Init..."

Mukhang naaalibadbaran ito kahit na naka-on ang aircon. Nagpunta siya sa paanan ng kama at mabilis na inalis ang sapatos at medyas nito. Sunod niyang hinubad ang polo nito. Bahagya niyang inangat ang pang-itaas na katawan ng binata upang tuluyang matanggal ang damit.Kakaibang init ang dala ng pagkakasubsob ng mukha ni Black sa kanyang dibdib ngunit sinikap niyang ibalik ang binata sa dating pwesto. Pinagpawisan siya bigla nang tumambad sa kanyang paningin ang magandang korte ng katawan at abs ni Cadmium.

Nag-iwas siya ng tingin upang pigilan ang sarili sa pagpapantasya. Tinabunan niya ng kumot ang katawan nito hanggang dibdib. Inayos niya rin ang kakaunting buhok na tumatabon sa noo nito. Napangiti si Kira habang hinihimas niya ang kunot sa parteng iyon. Isa ito sa mga nagustuhan niya sa binata. Lalo kasing nagiging makisig at dominante si Cadmium sa kanyang paningin kapag nangungunot ang noo nito.

"I wish you knew..." pagkausap niya sa binata kahit na nahulog na ito sa isang mahimbing na tulog. "Hindi naman totoong kabit ako ng papa mo, e. I have been so bad but I'm reserved to you, only to you."

Huminga siya nang malalim at dahan-dahan ibinaba ang mukha sa binata. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Sana alam mong hindi ako ganoong klaseng babae. I hope you could be a little proud of me."

Mapait siyang ngumiti at idinampi ang labi sa noo ni Cadmium. "Sleep tight, Black."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro