CHAPTER 3 - THE NEW RULERS
(YUGI)
"Uy kanina pa tayo nag lalakad, pero parang wala kang balak pumuntang canteen" kanina pa siya nag rereklamo sa akin. Kasalanan ko din naman eh. Kanina pa kasi nag break at heto ako hinahanap ang section 1. Dati kong section, nanduon kasi ang mga tropa ko. May gusto akong itanong sa kanila.
Bakit hindi ako section 1 kahit matataas grado ko? Hindi na pwede eh rules iyon ng school na once naging section 1 ka bawal ka nang lumipat ng ibang school. Kapag lumipat ka and bumalik ka dito there is no way na magiging section 1 ka ulet kahit anong taas ng grade mo.
Pero hanggang ngayon hindi ko parin makita ang classroom nila.
Nasan na kaya iyon? Pagkalingon ko wala na si hanako. Tignan mong babaeng yun iniwan ako.
----------
(HANAKO)
Bakit ba ako nasunod pa sa kanya. Eh kaya ko naman mag isa. Bahala siya, nagugutom na ako. Mukhang wala kasi siyang balak kumain.
Nasan kaya yung canteen?
Hindi naman masama mag tanong.
"Ahm excuse me. My i asked where is the cafeteria?" Tanong ko sa nakasalubong kong babae.
Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa. Kaya ko naman hanapin kung hindi lang talaga ako gutom. Sobrang sakit na ng tiyan ko kaya nag tanong ako. Pero kung ganito naman yung taong pagtatanungan mo na titignan ka muna at parang hindi ka pa sasagutin.
"Do i look like a guard to asked me that question" hayup, wala akong energy para makipag talo pa sa kanya. Pati isa pa may sinabi ba akong guard.
"Ow, my bad i thought you're one of them" don't me. Hindi ako makikipag talo sa kanya. Iniwan ko nalang siya, wala rin naman mapupuntahan ang paguusap namin. Hayst... nawala tuloy ang gutom ko dahil sa kanya. Anyways balak ko pa rin kumain, kaya hahanapin ko nalang yung canteen.
Hindi naman masyadong malaki ang school na ito, kumpara sa school namin. How should i illustrate it hmmmmm... may apat silang building tas gym not sure kung meron sila and ilan ito. Hindi katulad sa school ko six building tas four gym, then three open court for basketball, tennis then badminton.
I finally found it. It's not that big though. But i think i need to buy food now.
Feel ko malapit na mag time. Kakaunti nalang kasi ang mga estudyante dito. Tahimik akong nakain. So ang binili ko ay isang rice and isang ulam. It's not that expensive than i thought.
Isang subo nalang ng may biglang nahulog sa ibabaw ng aking pagkain. Putek, ano ito ipis? Napatangila na lang ako pero imposible na may ipis, sa taas ba naman ng bubong dito sa canteen.
Hanggang sa may tumawa. Napatingin ako sa kanila. Tatlong matangkad na lalaki. Nakangisi na ngayon yung lalaki na nasa gitna na kanina ay tumatawa. Habang ang kasama niya ay parang ewan, na hindi ko maintindihan ang mga ekspresyon ng kanilang mukha.
"What's the problem?" Tanong ko sa kanila. Na para bang ikina asar ng lalaki sa gitna.
"May rules dito na kapag bagong salta ka, kailangan mo kainin yan" sambit niya at itinuro ang ipis na nasa pinggan ko.
Ano tingin niya sa akin uto uto? O tanga?
"I'm not stupid to do that" aalis na sana ako dahil wala namang kwenta ang pinagsasabi niya. Masarap kinakain ko tapos babastusin niya. Kung hindi lang school ni yugi ito kanina ko pang nasapak ang walanghiyang ito.
Hinigit niya ang likod ng uniform ni yugi. Patay ako neto. Oo kay yugi ang uniform na ito na akala niya galing kay makibao. Eh yun pala ninakaw sa kabenet niya noong walang hiyang gumupit ng buhok ko. Hindi ko alam kung papano niya nakuha ang uniform na ito sa kwarto ni yugi. Ang tae kasi ng taong yun, hindi man lang namalayan na may nag nakaw na pala ng gamit niya.
"Bitawan mo ako" nagtitimpi lang ako sa isang ito. Isang higit pa niya.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko" nanlilisik ang kanyang mga mata. Satingin mo na takot na ako dahil dyan?
Kinuwelyuhan niya ako ngayon. Diba sabi ko isa pang higit mo sa uniform na ito, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo.
Inagaw ko kaagad ang kanyang kamay na naka kwelyo sa akin.
Tumalikod ako at binigyan ng force ang aking likod pati ang aking left side na paa. para mabuhat ko siya, at para siya ay bumaliktad.
Beng! Umalingawngaw ang malakas na tunog sa loob ng canteen. Dahil sa impak, pagkatama ng buong katawan niya sa sahig. Masyado atang napalakas. Makakatayo pa kaya ang isang ito?
"Diba sinabi ko sayo na bitawan mo ako. Now you know what will happen to you if you try mess up with me again. STUPID!"
Bago ako umalis ng canteen ay bumili ako ng banana milk at dalawang candy, para duon sa dalawang lalaki na kasama noong napatumba ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Nag taka ang dalawa dahil sa candy na binigay ko.
"It's your lucky day guys" sambit ko sa kanila pagka bigay ko ng candy, at saka ako umalis ng canteen. This is really good, kaso masama kapag nasobrahan ako. Ang tinutukoy ko ay ang banana milk. Makabalik na nga sa classroom.
-------------------------
(YUGI)
"Uy nandito ka na pala" Si Mikay pala.
"Yow!" bati ko sa kanya. kapatid siya ni liam.
"Matanong lang alam mo ba nasan class room ng kuya mo?" Kaharap ko naman siya kaya tanungin ko na. Kanina pa kasi ako naiinis at hindi ko mahanap hanap yung classroom nila.
"Hindi mo pa ba alam?" Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.
"Ha? Hindi pa sinasabi sayo ni kuya?"
"Ano ba iyon?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi dito ang classroom nila sa lumang building"
"Ano?!" Laking gulat ko sa sinabi niya. Papaano napapunta ang section one sa lumang building? Eh ang section one dapat ang may magarang classroom. Tas ngayon ano sa lumang building na ang classroom nila?
"Lahat ba ng section one pamula grade one?" Tanong ko sa kanya at binigyan niya ako ng isang matalim na tingin. May mali ba akong sinabi?
----------
(SHOYO)
Hindi ba parang nakadaan na ako dito?
Wahhhhh! Wag mong sabihin naliligaw ako. The heck! There is no any student in here. What should i do. The heck.
Kanina pa akong paikot ikot na parang tanga. Ang akala ko dito yung daan pabalik sa classroom. Naubos ko na nga at naitapon ang banana milk pero hindi parin ako nakakabalik.
I heard something na hindi masyadong malayo sa kinatatayuan ko. Nag mula ang ingay sa isang maliit na gym, i think it's a gym. Pero bakit parang guguho na?
I can still hear the sound so because of my curiosity, I check what is that stupid sound. Bukas yung pintuan pero madilim sa loob. I search for the switch and turns out iba yung nahawakan ko. Plastic, and i finally found the switch. Laking gulat ko na may tao pala, na nag lalaro ng basketball sa dilim? Ha?
Ano ba siya nakakakita sa dilim? O takot lang siya sa ilaw.
"I'm sorry" sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin ngayon habang hawak ng right hand niya ang bola. Iswiswitch off ko na sana ang ilaw ng bigla siyang mag tanong.
"Can you play basketball?"
"Yes" sagot ko sa kanya at sabay bato ng bola sa akin. I did not hesitate. But i did not expected the force he give in the ball para ipasa lang niya sa akin. Kasi masyado akong malayo, at ang nasa utak ko na mag bobounce ito sa lapag if hindi nakaabot sa akin. But the heck! Ang lakas, pero hindi halata sa kanya na nag binigyan siya ng malakas ng force.
"One on one" he said.
"Sure" hindi naman masama kung makipag laro ako kahit saglit lang.
---------
Sabi ko saglit lang pero put* hindi pa kami tapos. Magaling siya, pero i won't lose to him. I will win this game. I almost shoot the ball, when i hear someone shouting. Napatingin ako sa pintuan, and wh*t the h*ck.
"Nandito ka lang pala!" Sigaw ng isang babae. Nakatingin siya ng masama sa kasama ko. I think they know each other, dahil sa itsura ng lalaki ngayon.
"Ano bang problema mo?" Naiiritang tanong niya.
"May meeting tayo! Nakalimutan mo ba o talagang kinalimutan mo ha!?" Parang nakalunok siya ng microphone dahil sa lakas ng boses niya. Kinuha sa akin noong lalaki ang bola niya at mahinahong sumama duon sa babae.
"Let's play again next time" he said at saka sila umalis. Did she even see me? What ever.
Wait the h*ck why i'm still in here. I need to follow them, para makabalik na ako sa classroom.
But unfortunately nawala na sila. At magisa na lang ako. Ano bayan!
Hays....
I should start walking now.
"Your still here" napalingon ako dahil sa nag salita. Bakit hindi ko siya nakita? Nalagpasan ko siya na hindi ko manlang namalayan.
"Excuse me?" Hindi ko kasi gets yung sinabi niya. It's not like i'm stupid but it's weird that he would say that.
Ang kaso umalis na siya. So i follow him. Wala naman akong magagawa eh kung mag lalakad lakad lang ako dito at wala ding mangyayari. Ang nakakapag taka kasi bakit paiko't ikot nalang ako sa lugar na ito. May nuno ba dito?
He stop, so napatigil din ako. Ano tingin ninyo magtatago ako? Hindi no. Para akong tanga noon.
Tas lumiko naman siya kaya sinundan ko ulit siya. Pero bigla siyang nawala. For real, ano ba ang mga estudyante dito may mga powers? Bigla bigla nalang nawawala or may secret passage dito?
Hays...
And i just realized where i am. Nasa tapat lang naman ako ng class room namin. Anong nangyare? And what the h*ck nasan ang mga tao? Awasan na ba?
Pero nasa kanilang upuan parin ang bag nila. Even the other class room walang laman na estudyante.
Nasan kaya sila? Baka may meeting? Sa pagkakaalala ko kaninayung babae may sinabi siya about sa meeting, baka siguro walang estudyante dito dahil may meeting or something?
Kailangan ko pa ba hanapin kung nasan sila? Baka mamaya maligaw na naman ako. Mas lalo akong mag mumukhang tanga, kapag ganon.
Ang akala ko makakauwi ako ng maaga yun pala nakasarado yung pintuan ng class room namin. So i think i need to wait here. Umupo ako sa may pintuan ng class room namin.
I just remember something that i should not. This feeling again.
Pinikit ko nalang ang mata ko at umubob sa aking mga tuhod. Kailangan ko lang pakalmahin ang sarili ko and everything will be okay. Just calm shoyo.
-----------
(YUGI)
"Ano bang ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kasama ko. Nasa lumang building kami ngayon. Ang balak ko talaga ay hanapin sinda liam pero bigla pinapunta ang lahat ng estudyante dito. sa tutuusin nakakatakot dito dahil luma na ang mga gusali. pero matibay parin kahit papaano, at kung nasaan kami ngayon eto ang pinakang malaking building na meron ang school.
"Magkakaroon ng meeting" Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Para saan ang meeting.
"para saan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"HA? hindi ka ba nakinig sa akin kanina?" Inisip ko kung ano ba ang sinabi niya sa akin. Ng maalala ko si hanako.
"Si hanako!" hala! nakalimutan ko siya.
"Anong hanako? Uy saan ka pupunta?" Pagpigil niya sa akin.
"Hahanapin ko si hanako" Sambit ko sa kanya. Baka kung saan na siya na papunta, hindi pa naman siya familiar sa lugar na ito, lalo't may mga kakabing estudyante na ang nandito sa eskwelahan.
"Sino naman yan, pati isa pa kailangan ka sa stage" Napatingin ako sa stage dahil sa sinabi niya. nanduon sinda mich, liam at ang mga dati ko pang kaklase, sa section one. Ano bang meron.
Wala na akong nagawa at umupo nalang ulit.
siguro naman nandito na rin si hanako. hanapin ko nalang siya mamaya, pagkatapos nito.
"Dapat naintindihan mo yung sinabi ko sayo kanina" kung makapagsalita naman ang isang to parang siya pa yung matanda sa akin.
Sa pagkakatanda ko.
Ang sinabi niya sa akin ay iba na ang mga tagapag bantay i mean sa school na ito may isang club kung saan binubuo ng 20 tao at ang mga miyembro nito, lahat sila ay galing sa section one, kahit anong grade niyan basta section one. tatlong taon na pamula grade 9 hanggang ngayon na section namin ang naging tagapag bantay ng eskwelahan.
Lahat ng miyembro ay galing sa sectio namin. Ayun ang akala ko dahil nag bago ang lahat noong umalis ako, ang akala ko hanggang ngayon ay sinda liam ang tagapag pamahala ng eskwelahan o sa english ay the rulers. kasali ako noong grade 9.
Mas kilala kasi sa mga estudyante na the rulers ang tawag. Pero may bagong estudyante na pumasok, at duon na nag bago ang lahat. Pero sabi ni mikay na mas magandang kausapin ko daw si liam, para mas lalo kong maintindihan kung ano ba talaga ang nangyari. At saka ko lang naalala sa sinabi niya kanina.
Na ngayon lang ginanap ang meeting na ito na dapat nuong pasukan pa ang kaso hinintay nila ako dahil dati akong miyembro ng the rulers, and kailangan daw na nandoon ako.
I mean nandito na ako. Nasa stage na ako at kasama ko ang mga kaklase ko noon, ang akala ko sasalubungin nila ako o kaya ka kamustahin ngunit seryoso ang kanilang mukha. Kaya umupo nalang ako sa tabi ni kyung.Mukhang mahalaga ang meeting na ito, para ganan ang mga itsura nila.
Kahit etong kyung na walang mata ay nanlilisik na ngayon. chinese kasi siya, kaya sinabi ko na walang mata. Nasa left side kami ng stage at sa kabilang side ay may mga upuan din na 20 piraso. Paano ko nalaman na 20 iyon. eh halata naman eh.
Ano pa ba ang hinihintay namin dito? hindi pa ba mag uumpisa?
-----------------
(ELYSE)
"Puta naman oh kanina si ash yung nawawala ngayon si rocco. Ano ba kayo ha, mga bata? na nag lalaro sa mall? Alam naman ninyo na mahalaga ang meeting na ito!" masyado na high blood ang isang ito.
"buti nalang at hindi mo katulad ang kakambal mo" Bulong sa akin ni van. napailing nalang ako sa sinabi niya.
"OY! ano binubulong bulong mo dyan ha van!" Yan napala mo, hehehehehehe
Namula naman siya sa kahihiyan. Nag hiyawan naman ang mga kaklase namin.
"You should find him!" utos ng kakambal ko sa kanya. napakamot na lang siya sa ulo, at hindi makapag reklamo. Umalis na siya.
May biglang sumingit at isa sa mga teacher ng dream high.
"Ahm guys kailangan na kayo sa stage. Completo na ang rulers ng dream high" She said, kaya pinaayos na kami ng kakambal ko. at saka kami umakyat sa stage. Here we go again. With their fear eyes. What i'm talking about? Ang mga estudyante na kaharap namin ngayon o sa madaling salita ang kasama namin sa stage. With a new guy? huh? Siya pala ang hinintay.
-----------------
(HANAKO)
Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na ako. Nagising ako dahil may gumugulo ng aking buhok, akala ko bumalik na sila pero isang estudyanteng lalaki ang kaarap ko at ginugulo ang buhok ko.
HIndi siya kaklase ni yugi, hindi ko kasi nakita ang mukha nya kanina. Pero i'm not sure.
is he going to stop messing up my hair?
------------------
To be continue......
April 19 2020
Please be minded that the author is not perfect person. So expect that there is wrong grammar or spelling. I will edit it ones the story is finished. Thank you.
- Hinata Yugi Chin
Don't forget to VOTE and COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro