CHAPTER 19 - LET ME DO MY JOB
(3RD PERSON)
(SECTION SIX)
Kumalma na ang ilang estudyante sa nangyari kanina. Salamat sa tulong ni lexter ay nagamot ang sugat ng ilan sa mga kaklase niya na nagtamo ng sugat kanina.
Tahimik silang lahat habang hinihintay ang sasabihin ni hanako. Kung hindi pa sinuway ni gin ay hindi pa sila tatahimik.
Hindi inakala ni hanako na gagawin niya ito sa harap ng mga kaklase niya.
"First of all i need to say sorry, dahil sa nagawa ko nadamay kayo sa pustahan" alam niya na magkakagulo sila dahil sa sasabihin niya. At hindi nga siya nagkamali nagumpisa nanaman silang magreklamo dahil sa sinabi niya.
Pinatahimik ulit sila ni gin.
"Didiretsuhin ko na kayo i don't want to f*cking waste my one and a half year here doing nothing, at alam kong ganon din kayo so I got a deal with their president about that and she need to confirm it first in the owner of this school" hindi na siya nagdalawang isip pa at sinabi niya ang gusto niyang sabihin. Ano pa nga ba aasahan ninyo sa kanya.
Lahat sila at napaisip sa sinabi niya hanggang sa may nagtanong.
"What about them ano ang gusto nila kapag natalo tayo?" Tanong ni xez sa kanya.
"I don't know, kahit naman matalo tayo o ano man ang kondisyon nila ganon din naman mangyayari na magsasayang lang ng oras ang section six doing nothing pero kung mananalo tayo iba nang usapan iyan. So we just have one goal and that is to win" Pero alam naman niya talaga ang kondisyon ni elyse pero hindi niya ito sinabi sa kanila.
Sa pagkakataon na ito sumangayon sila sa gusto ni hanako.
May magtatanong pa sana pero nakaalis na siya na wala manlang nakapansin maliban kay Hinata. At napansin niya din ang hawak nitong cellphone pagkalabas ng classroom.
Sa pagkakaalam niya na walang kahit anong gadget si hanako.
----------
Natataranta siya habang tinitignan niya ang kanyang cellphone. Bigay ito sa kanya ng manager niya dahil pamula noong tuesday ay lagi na lang siyang nalalate at wala siya update tungkol sa bago niyang trabho kaya binigyan siya kahapon pagkatapos niya magpalit ulit sa bahay ng manager niya.
Makakatulong ito sa kanya bilang 2nd manager sa fantagon.
Ilang minuto na lang ay mauunahan na siya ng grupo ng Diz X. Sa pagmamadali niya ay hindi na siya kumatok at pumasok na lang siya sa loob ng bahay ng manager niya.
Well dito parin siya nagpapalit at hindi sa eskwelahan natatakot siya na baka may makakita sa kanya.
"Ano b-" hindi niya alam na may iba pa palang tao sa loob ng bahay.
"Sh*t bakit nandito siya kaagad? Hindi ba dapat mamaya pa siya pupunta dito? Buti na lang at nakatago kaagad ako" bulong niya sa aknyang sarili. Hinintay niyang makaalis si hanako at saka siya lumabas sa pinagtataguan niya.
Nahuli naman siya ng kangyan ate na si yuky. Oo may kapatid siya na hindi alam ni hanako.
"Hahahhaha nakalimutan ko pala sabihin sayo ang tungkol duon" natutuwa ang ate nito dahil sa ginawa ng kanyang kapatid.
"Wag mo nga akong tawanan kung tinutulungan mo ako na maalis dito" dahil kasi sa lagkataranta niya kanina ay naisipan niyang magtago sa loob ng malaking baul na nakalagay sa salas.
"Sasusunod sabihan mo naman kaagad ako. Baka dahil sa pagiging makalimutin mo eh mapaalis tayo dito" pagrereklamo niya sa kanyang ate.
"Oo na oo na" umoo nalang ito. Napaisip tuloy siya kung sino ang masmatanda sa kanilang dalawa, dapat siya yung nagagalit.
Habang si hanako ko naman ay tumatakbo papunta sa fantagon. Mayat maya siya tumiting sa orasan ng kanyang cellphone. May 5 minutes pa siya.
Pagkabukas niya ng back door ng fantagon ay tumakbo ulit siya. Nagtaka ang ilan sa mga coworker niya dahil sa ikinilos niya.
At nagawa naman niya, siya ang unang nakarating sa Diz X room.
"Sa wakas maaga din ako" bulong niya sa kanyang sarili. Lagi kasi siya late at minsan ay hindi na niya naabutan ang grupo sa loob. Ayaw niyang mapatanggal sa trabaho, kahit ba na wala pa siya naririnig na kahit anong reklamo sa kanyang boss na si miss lina.
Dalawang minuto ang lumipas ay nag pakita na din ang grupo, kasama na din si miss lina.
Napangisi na lang sa kanya si xen lee. Napapansin din niya na noong umpisa pa lang ng makilala niya ito ay parang may galit si xen lee sa kanya.
Pero wala din naman pinagkaiba sa apat pa na myembro. Ayaw nila kay Rose.
Blue Rose ayon ang pangalan na ginagamit niya dito sa trabaho niya.
"That's great maaga ka na ngayon" bati sa kanya ni miss lian. Wala naman siyang paki kung ayaw o gusto nila sa kanya, nandito lang siya para magtrabaho.
"Okay for today we just have a photoshoot for the comeback and for the new magazine, and next week you guys don't have any work to do because there will be upcoming exam and you all need to review" buti naman ayan ang nasa utak ni Rose.
Ang akala lang talaga niya ay tuwing linggo lang siya magtratrabaho dito pero hindi niya inasahan na meron din tuwing monday to friday.
Nasa special class ang Diz X kung saan may kasama din sila mga kilalang tao na kasing edad lang nila kung tama ang hula niya na kasing edad lang niya ang mga myembro ng Diz X. Syempre kailangan din naman nilang magaral kahit ba sikat sila.
"Si Rose na ang bahala sa inyo, hindi ako makakasama for today dahil may gagawin ako" pamula noong monday kasi ay tinutulungan siya ni miss lina sa Diz X alam nito na wala kaalamalam si Rose sa Diz X at kung ano ba ang trabaho niya.
Pero ilang araw naman ang nakalipas ay naging panatag na siya, kung hindi lang dahil sa matalik niyang kaibigan ay hindi jiya tatanggapin si Rose.
Okay lang naman kay Hanako/Rose na hindi kasama si miss lina pero para sa lima ay hindi. Magrereklamo sana si xen lee ng pigilan siya ni lian.
Lahat sila ay lumabas na nasa huli lang si Rose. May alam siya kung saan ba sila pupunta ngayon, binigyan kasi siya ng mga info about sa Diz X at kung saan sila pumupunta at kung ano pang mahalagang bagay tungkol sa kanila.
Nagpuyat nga ito kagabi para matapos lang niya iyon. Ayaw niya na magmukhang tanga na walang kaalam alam sa kanyang trabaho.
She don't have any idea kung bakit ang sama nalang ng tingin at trato ng Diz X sa kanya. Eh sa pakakaalam niya hindi naman ganon si lian at si leo. Pero baka nagkakamali lang siya ayon ang nasa isip niya.
Nakarating na sila sa building ng photoshoot. Kinausap ni Rose ang photographer. Ilang minuto ay nagumpisa na sila. Binabantayan lang ni Rose ang lima na magpalit. May iba pang tao na tumutulong sa kanila kaya hindi na niya kailangan tumulong pa. Syempre nasa labas lang siya ng dressing room at nakaupo.
Pero nakatulog ito. Napailing nalang si Xen lee ng makalabas siya ng dressing room at nakita si Rose na natutulog, nakaisip naman ito ng kalokohan.
Sumunod na lumabas ay si lian at natawa na lang ito dahil sa nakita niya. lumabas nadin si leo at si lane.
"Ano bang kalokohan yan?" natatawang sabi niya kay leo habang itinuturo niya ang dumi na nasa mukha ni Rose. Napailing na lang ang binata kay lane, at muli niyang tinignan si Rose. Para bang nakita na niya dati ang mukha ni Rose, pero hindi niya maalala kung saan.
"Tayo na nga baka mamaya mamatay pa ako sa pagtawa dahil sa kanya bwahahhaa" Hindi niya talagang mapigilan ang kanyang sarili na hindi mapatawa, kapag nakikita niya ang mukha ni rose.
Ilang minuto pa ang lumipas at sawakas nagising na din siya. Napatingin siya sa kanyang kapaligiran kung nasaan ba siya, ng sakto namang lumabas si LJ sa dressing room. Nakatingin lang sa kanya ang binata.
HIndi alam ni hanako/Rose ang gagawin, ng marealized niya na wala na pala siya suot na salamin kaya agad niya ito hinanap at sinuot. Laking gulat niya na nasa tapat na pala niya si LJ.
"Oh punasan mo yang nasa mukha mo" Sambit ng binata sa kanya at saka ito umalis Nagtaka nalang si rose sa sinabi ni LJ.
Kaya pumunta siyang cr para malaman kung ano bang mali sa kanyang mukha. Nagulat ito dahil sa drawing na nasa kanyang mukha. Nainis na lang siya.
"Bakit kasi nakaidlip ako, ano ba iyan napagtripan nanaman ako" Bulon niya sa kanyang sarili habang tinatanggal niya yung drawing sa kanyang mukha.
Lumabas na siya ng cr kaya kinuha niya sa kanyang bag ang mga binili niya kahapon.
Saktong nasa break ang lima kaya binigay na niya ito.
"Ano ito?" Tanong ni Xen Lee.
HIndi ba siya maalam mag basa ayan na lang ang nasabi ni Rose sa kanyang sarili.
"Banana milk, diba paborito ninyo iyan" isa iyon sa nalaman niya kagabi.
Pero iniwan nalang ni Xen lee ito sa lamesa at saka umalis pati nadin yung apat. Naiinis na siya dahil sa ugali noong lima. Hindi niya maintindihan kung magkagalit ba silang lima o sila yung may galit sa kanya.
Napansin kasi niya na kahit magkakasama ang Diz X ay hindi naguusap na parang magkakaibigan, pero wala na siya duon para alamin pa. Kasi nga wala siyang pakialam.
------
Pauwi na si hanako galing sa bahay ng kanyang manager 11 na ng gabi. Inalok siyang ihahatid na lang siya sa kanila ng kanyang manager pero tumanggi ito.
Kahit alam niya na hindi na niya kayang maglakad pa, pero malapait lang kaya ito ay tumanggi. Masyado siyang pagod kaya ganon nalang ang nararamdaman niya.
Nakikita na niya ang gate ng bahay ni yugi ng bigla nalang siyang bumagsak. Sinusubukan parin niyang tumayo, pero ayaw na ng kanyang katawan.
--------
Habang ang kapatid ni yuky ay pauwi na ng makita niya sa hindi kalayuan ang biglang pagbagsak ni hanako sa lapag.
Agad niya itong nilapitan at sinubukang gisingin. Nagpasalamat na lang ito na siya ang unang nakakita kay hanako kung hindi ay baka kung ano nang nangyari sa dalaga.
"Masyado mong pinapagod ang iyong sarili. Ano pa ba ang bago duon" bulong niya sa kanyang sarili at saka niya binuhat si hanako.
---------
Lumabas ng bahay ang tito ni yugi laking gulat nito ng makita niya kung sino ba ang nasa labas ng bahay nila.
"Yu-yugin?" Laking gulat na tanong nito.
"Kamusta na po kayo" bati ng binata sa kanya.
Napatingin ito sa bitbit ni yugin.
"Bigla nalang po kasi siyang nahimatay sa may karsada kaya binuhat ko na po papunta dito" pagpapaliwanag niya. Agad naman binuhat ni tito ni yugi si hanako.
"Matagal na din. Kamusta kana? Pumasok ka muna sa loob" aya ng tito ni yugi pero tumanggi naman si yugin sa alok.
"Okay lang ho ako. Wag po kayong magalala hindi parin po niya alam ang tungkol sa akin. Bago ko po siya makita kanina ay wala na po siyang malay" gusto niya lang maging klaro ang lahat baka ma missunderstanding nanaman siya, katulad ng dati. Pero alam naman niya na may naging kasalanan siya noon.
"Ah sige po aalis na po ako" paalam nito kaya nagpasalamat ulit ang tito ni yugi. Saktong lumabas naman si yugi pero nakaalis na si yugin.
"Anong nangyari sa kanya?" Gulat na gulat siya ng makita niya ang kalagayan ni hanako.
"Nakatulog dahil sa pagod, kaya pakiakyat na siya sa kanyang kwarto" utos nito kaya sumunod naman si yugi.
---------
"Why are you still working hard? " sambit ni yugi sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya si hanako na natutulog.
"Kahit mga bata palang tayo pursigido ka na tulungan at pasayahin ang ibang tao kahit nasasaktan kana pero hindi halata sa mukha mo. Bakas parin ang saya sa iyong mukha pero ng tumagal unti unti kang nagbago pero hindi mo parin maiwasan na hindi tumulong at hindi kana uhaw sa mga atensyon ng mga tao hindi katulad ng dati. Sana nasa tabi mo ako ng mga panahon na kailangan mo ng makakausap. Sorry kung wala ako noon. Ngayon na kasama mo na ako pero parang ang layo mo naman saakin. Siguro okay nadin iyon dahil iiwanan nanaman kita" ayan ang nasa utak niya ng maalala niya ang nakaraan.
"I wonder kapag nalaman mo kaya ang totoo are you going to stop working? Pero matagal pa iyon next year ka pa magiging 18" dugsong niya sa kanyang sinabi kanina. Alam ni yugi ang tungkol sa palihim na pagtratrabaho ni hanako sa isang korean shop pati nadin sa bagong trabaho nito pero wala siyang pinagsasabihan nito. Sino ba naman kasi hindi magtataka sa ikinikilos ni hanako.
"And i just remember na friday ngayon kaya ganyan siya"
------------
Napamulat kaagad si hanako ng maalala niya ang nangyari sa kanya.
"Nasan ako? Papaano ako napapunta dito. Hindi ba nawalan ako ng malay kagabi sa karsada. Ah baka may nakakita sa akin" ayan na lang ang naisip niya.
(HANAKO SHOYO)
Saglit nga lang ano bang pinagsasabi ko?
Hahahhaha anong nahimatay? Hindi ba kasama ko si....
Sino nga ulit kasama ko?
Pumunta na ako sa cr habang iniisip ko parin kung sino ba ang kasama ko kagabi. Ng bigla akong nagulat ng makita ko kung sino yung nasa salamin.
"M-mukha ko ba ito?" Hinawakan ko ang aking mukha at oo mukha ko nga ito. Pero papaano? At isa pa bakit parang may kakaiba nasan ba ako? Wahhh masamang panaginip lang ito. Ash!!
Agad akong lumabas ng kwarto para i check kung nasa baba ba si mama. Ng maalala ko ang huling nangyari ng makausap ko siya.
"Oh hanako gising kana pala" napalingon ako dahil sa nag salita. Sino siya? At sino si hanako?
Ako ba iyon? Eh ako lang naman ang tao dito pero... papaano hindi ako si hanako ako si...
Si....
Si.....
Bri-
------------
To be continue...
Sept 1 2020
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro