Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER FIVE

HER POV

Recess na namin pero hindi ako pumunta sa canteen para bumili ng merienda ko. Wala akong ganang kumain at wala din akong ganang mabuhay pa sa mundong ito.

Binitbit ko ang mga gamit ko at pumunta ako sa garden para makalanghap ng hangin. Kasi feeling ko hindi ako makahinga at ang sikip sikip na dibdib ko at nabibigatan sa aking dinadalang mga problema.

Buti nalang at walang masyadong tao dito. At sa sandaling ito parang nabawasan ang sakit na aking dinadarama.

Ipinikit ko sandali ang aking mata dahil nararamdaman kong tutulo na naman ang aking mga luha. Napapagod na ako sa pagiyak pero ang mga luha ko ay hindi ata napapagod. Siguro mauubusan ako nito ng luha.

Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko na naman siya. Nakatayo sa aking harapan at halata sa mga mata niya nagaalala siya. Lumapit siya sa akin at tipid niya akong nginitian. Nginitian ko din siya pabalik.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nahihiya kasi ako sakanya.

Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin kaya tinignan ko siya at hindi ako nagkamali ng hinala. Ba't niya ako tinititigan? May dumi kaya ako sa mukha? Nagpupunas ako ng mukha ko na sana matanggal ang dumi na dahilan kung bakit niya ako tinititigan.

Naweweirdohan ako sa kanya at na-a-akward-an. Hanggang ngayon ay wala paring nagsasalita sa aming dalawa.

"Nagmerienda kana ba? Eto oh pasensya kana kung yan lang ang maibibigay ko." Sabi niya at sa wakas at nagsalita rin siya.

May ibinigay siyang sandwich at bote ng tubig sa akin. Tumunog ang tiyan ko dahil ata sa gutom. Nagkatinginan kaming dalawa. At sabay kaming napatawa.

"Sige na kumain ka na. Nagagalit na yung mga bulate mo sa tuyan mo. Haha." Aniya

Nagpasalamat ako sa kanya at nginitian siya. At nagsimulang kumain. Medyo naiilang ako sakanya dahil nakatingin lang siya sa akin kaya napatigil ako at napabagal sa aking pag nguya uminom ako ng tubig. Tumingin ako sakanya. Napatayo siya at lumapit sa akin.

"May suklay ka ba?" Tanong niya. Tumango ako at kinuha ko ang suklay ko mula sa bag ko at ibinigay sa kanya.

"May pantali kaba ng buhok mo?" Tanong niya ulit kaya napatango ulit ako. Binigay ko sakanya iyon at kinuha naman niya agad.

Sinuklay niya ang buhok ko at brinaid ito.

"Kumain ka lang diyan." Sabi niya habang busy buhok ko.

Pagkatapos kong kumain ay sakto naman na natapos din siya sa pagbraid ng buhok ko.

Don't tell me na---

"Kung iniisip mong bakla ako, hindi. Hindi ako bakla marunong lang akong mag braid dahil may kapatid akong babae. Oh diba, mas maganda ka kapag nakatali sa buhok mo." Sabi niya

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Mas gumanda ka dahil ngumiti ka. Kaya dapat nakangiti ka palagi mas bagay mo yung nakangiti eh" Pagcocompliment niya. Compliment nga ba o bola lang?

"Thanks nalang kahit joke mo lang pala." Sabi ko sakanya.

"Hindi ako nagbibiro, totoo ang sinabi ko. Na maganda ka." Sabi niya sa akin. At pakiramdam ko ay namumula ako dahil sa sinabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro