Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Prologue

Natigilan ako sa paglalakad nang may mabangga, nabitawan ko ang phone ko sa sementong daan. Napaupo ako nang tangkaing yumuko para pulutin 'yon. Umiikot ang paningin ko dala ng ilang boteng alak na naubos ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa antok.

Kinapa ko ang cell phone sa daan. Nang hindi makapa ay ngumiwi ako para imulat ang mga mata. Napatingin ako sa isang lalaki. Hawak niya ang phone ko habang nakatingin sa akin.

"My phone... Is that my phone?" I asked.

Umiling ang lalaki. "A-Akin'to, Miss."

"Hoy!" Sinubukan kong tumayo nang itakbo niya ang phone ko. Muli akong natumba sa daan, hilo at hindi magawang habulin ang kumuha sa phone ko. "Gago ka ata? Akin 'yan eh."

Ngumuso ako nang maiwan ako sa tahimik na kalsada.

Did I just lose my phone? Ano nga ba ang tawag sa mga mahilig manguha ng phone na hindi kanila? I forgot the term. Hmmm... Ah! Taong walang cell phone. Right. Hindi naman sila mangunguha kung meron na sila eh.

I laughed. "Akala niya ata sa kanya ang cell phone na 'yon."

Pilit kong iminumulat ang aking mga mata. Pwede ba akong matulog dito sa gitna ng kalsada? Hindi naman ako sasagasaan ng mga dadaan na sasakyan, 'di ba? Kasi pananagutan nila ako. Takot lang nila.

I bit my bottom as I perched my back on the cold asphalt road. Ginawa kong unan ang braso ko habang nakatingin sa langit. Hindi ko alam kung blurry lang ba ang paningin ko o wala talagang makita sa langit.

Where are the stars? The moon? I badly wanted to stargaze. Geez.

Gumilid ako at tumingin sa ilaw sa lamp post. Ito na lang muna ang moon ko.

"Gago talaga 'yong lalaki. Akin 'yun cell phone eh. Siya ata mas lasing sa amin," natatawa kong bulong sa sarili. "Minsan baliw talaga ang mga tao. Bigla-bigla na lang nang-aangkin."

Muli akong tumihaya at tumingin sa dilim. Narinig kong may bumusina na sasakyan pero tinamad akong lumingon. If ever they hit me, it's either they will take responsibility or they will just run away like. What's the term again? Bang and run.

And me? I'm probably lying on this road with blood all over my body.

Would I be the headline of news after the accident?

Would they post my picture on Facebook, asking to type the word 'Amen' to gain likes?

But who would get my dead body if I ever?

I don't know. They can just burn me down or throw me on the garbage. I prefer the latter one. Bagay lang ako sa basurahan. My life is a trash, I am a trashy person. I lost my friends. I lost my Mom. I lost everything.

Can I lose myself, too? I'm so tired breathing this life.

I closed my eyes. Naramdaman kong may pumatak na tubig sa aking mukha. Hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan.

Is this how cruel life can be? Hindi man lang ba nito insip na wala akong payong ngayon? Bakit nung nasa inuman ako kanina, may bubong do'n, pero bakit hindi umulan? Bakit ngayon na wala pang masisilungan.

This is when I should stand up and find a comfortable shelter, right? Either under the tree or waiting shed. Basta ba masisilungan.

Kahit na tinatamad ay tinulak ko ang sarili paupo. Umiling ako bago pinilit na makatayo. Hindi pa man ako tuluyang nakakatayo nang marinig ang nakakabinging tunog ng busina kasabay ng nakakasilaw na liwanag sa harapan ko.

Tiningnan ko nang mabuti ang palapit na ilaw. Ah! Sasakyan pala.

Oh! An approaching car is just about to hit me. Okay.

I stand still, waiting for the moment when I can finally fly. Saan kayo ako babagsak? Sana sa tabi na lang ng kalsada o kaya ay hindi na ako bumagsak pa. Lulutang na lang ang katawan ko sa ere.

One...

Two...

Fuck it. Why did it stop?

Napaupo ako uli sa sobrang panghihina. May lumabas na babae sa sasakyan at nagmadali itong lumapit sa akin. Napatitig ako sa kanya nang makita ang nag-aalala niyang mukha.

Patay na ba ako? Is she an angel? I've never seen that expression before. Is that what they called a worried expression?

Wait... Is she worrying about me?

"Miss. Okay ka lang ba?!"

Napatingin ako sa braso kong dumudugo. Hindi ko maramdaman ang hapdi pero dumudugo. Whoa. Can my body now produce anesthesia? Am I starting to get numb? Cool.

Pinagmasdan ko ang sugat. Mukhang nakuha ko ito dahil sa pagbagsak uli sa magaspang na daan.

"Miss?!"

I looked at the woman again. Mas lalong nag-alala ang kanyang mukha. I tried to reach for her face but my feeble hands wouldn't let me. Wala akong nagawa kung hindi ang tumitig sa kanya.

"I'll help you get in my car. Dadalhin kita sa malapit na ospital."

Inakay niya ako papasok sa kanyang sasakyan. Naramdaman ko na lang na lumapat ang likod ko sa malambot na upuan. This is the most comfortable bed I've had for a long time.

Hindi na ako mababasa rito. May bubong na rin.

"Nighty night, little stars."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life