Epilogue
Darker ends here. Hopefully, you learn something. Remember that when life sucks, it's just your life, not you. Hold on to yourself and conquer the darkness. As long as you're breathing, everything is possible. Thank you for reading this story!
Official Hashtag: #WhenLifeSucksWP
Now Playing: Empiricist by Typhoon
***
EPILOGUE
"Let's fight together until the end," I said, feeling anxious.
Nanatiling nakatitig sa akin si Archeon, hindi nagsasalita. Bawat segundong lumilipas ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Alam kong kahit na anong segundo ay maaari silang dumating at maaaring matapos ito.
"A-Archeon..." I called his name, feeling hopeless.
He suddenly nodded. Kinuha niya ang jacket sa lapag at tumayo na. Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. Akala ko ay nagbago na ang desisyon niya. Ramdam ko na ang pagtatapos ng kwentong ito pero gusto ko pang magnakaw ng ilang sandali pa. Ilang sandali para makasama ang lalaking ito.
"Wait. Where should we go?" tanong niya sa akin nang makalabas kami at hindi alam kung saang direksyon pupunta. "We can't get out of the woods, they will find us."
I gulped as I held his hand tightly. "Let's fulfill your big dream, Arch."
Naguluhan ang kanyang titig.
"Akyat tayo sa pinakamataas na bahagi ng bundok," desidido kong saad habang diretso ang tingin sa kanyang mga mata. "We can't make it to the top but at least, we can make it halfway." Mas lalo kong hinigpitan ang kapit sa kanyang kamay. "Do you like that idea?"
Without any hesitation, he nodded and smiled. "Yeah, but that's not my big dream anymore." Mas humarap siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi. "You are now."
Sabay kaming napatingin sa isang lalaking humahangos papunta sa amin. Umakyat agad ang kaba sa dibdib ko nang makita si Rich, pawis na pawis pa ito at halatang kabado. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Arch.
"Rich," Arch called his name.
Rich was panting heavily when he said, "Umalis na kayo. Papunta na sila." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. "I'm sorry..." Pumatak ang mga 'yon at dumausdos sa kanyang pisngi. Huminga siya nang malalim bago tinuro ang direksyon sa likod namin. "Go to that direction. Go. Now!"
Binitiwan ako ni Arch para lapitan si Rich. "Hey. You are good." Ngumiti ito.
Bumagsak ang kamay ni Rich na nakaturo sa direksyon kung saan niya kami pinapatakbo. Humikbi ito nang hawakan ni Arch ang kanyang mga balikat at pilit itong iniharap sa kanya. Hindi nawala ang ngiti sa labi niya.
"I-It's my fault," Rich mumbled in between of heavy sobs. "A-akala ko ito ang tama. I am such a jerk to decide for you, Kuya. I should have known better. I should have known you are willing to risk everything just to be with Amira. I'm sorry for taking it all away."
Napangiti ako nang niyakap siya ni Arch. Mas lumakas ang hikbi sa kanyang bibig.
"Be good, Rich. You are a good man. Thank you for everything," Arch whispered. His voice was so calm. Like... he knew and saw it all coming. "Kuya will always be proud of you, wherever I am." Kumawala ito sa yakap para harapin ang kapatid. "May ipon ako sa kwarto ko. I don't know if it's enough but it will help you. Take it all, escape the town with Mom. Start all over again. T-tell her... I love her... and I'm thankful for everything."
Lumunok si Rich at pinunasan ang luha sa pisngi. Huminga siya nang malalim bago tumango. "Yeah. Don't worry about us, Kuya."
Ginulo ni Arch ang buhok ng kapatid habang mahinang tumatawa. "Hindi ko napansin na ang laki mo na pala." Huminga siya nang malalim. "Live, Rich. Do everything to live. Make a lot of memories."
Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako habang nakatingin sa kanila. Watching them like this is so painful. I've seen them together, the bond, the friendship and hardship. Even in just a small span of time, I've witnessed the love of the Cheon Brothers.
Inilahad ni Arch ang kamay sa harapan ni Rich. "Cheon Brothers, Always and Forever."
Tumingin sa akin si Rich. "Come here, Amira."
Lumapit ako sa kanila. "Always and Forever," bulong ni Rich bago pinatong sa kamay ni Arch ang kamay.
Sabay silang tumingin sa akin.
Wala sa sariling napangiti ako nang ipatong ko rin ang kamay ko. "Until the end," I whispered.
Ilang segundo kaming tahimik bago isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig ni Arch na hindi kalaunan ay sinundan ni Rich.
"Damn. I'm over dramatic now," ani Arch habang tumatawa.
Natigilan kami nang marinig ang tunog ng sirena sa hindi kalayuan. Sa huling pagkakataon ay niyakap namin si Rich.
"Sige na," ani Rich. "Hindi ko naturo sa kanila ang exact place na ito, bibigyan ko pa kayo ng oras."
Hinawakan ni Arch ang kamay ko at sabay naming tinalikuran si Rich.
Arch looked at me. "Ready, babe?"
I smiled. "Let's do this."
Magkahawak-kamay, sabay naming tinakbo ang papasok sa gubat. Maputik, madulas, malabong ang mga damo. Wala kaming ibang ginawa kung hindi ang tumakbo. Hindi namin alam kung ano ang naghihintay sa amin pero hindi kami tumigil.
It felt like we were inside a dream. Ironically, everything seemed magical.
"Hey." Sandaling tumigil si Arch sa pagtakbo at humarap sa akin. "Sakay ka sa likod ko."
Kumunot ang noo ko. "What?"
"Sige na!" Tumawa ito bago tumalikod sa akin at bahagyang binali ang tuhod. "I always dream of having you on my back. I know I'm weak but please, I want you to feel like a princess now."
Gaya ng sinabi niya ay sumakay ako sa likod niya. Dahan-dahan lang kaming naglalakad. Mas ramdam ko ngayon ang pagod niya, dinig na dinig ko ang mabibigat niyang paghinga at maya't mayang pagsinghap.
"You are hot," I busted out.
He chuckled. "I know. Guwapo pa."
Mahina kong hinampas ang kanyang balikat. "Sira. May lagnat ka!"
Tinawanan niya ako. "Yeah. And you are the only medicine I need. So, stay there. Feel me."
"A-Arch..."
"I lied to you, Amira," bulong niya. "No'ng una kitang nakita, natatandaan mo? Kagigising ko lang at pababa ng hagdan. I thought that was another day to pass by. But, when I saw you sitting beside my brother... I don't know. It felt like, finally, something has changed."
The flashback started in my head. "Yeah. I remember it clearly."
"Damn. Can I say it?" he chortled, embarrassed. "Nagseselos ako kapag si Rich lang ang pinapansin mo. Kasama mo rin naman ako sa bahay pero bakit siya lang?"
Mahina akong natawa. "Because you were a jerk."
"No. I wanted to be the bad boy type." Humalakhak siya. "I wanted to be just like those fictional men in stories. Good girls with bad boys. But, damn. You are not a good girl!"
"Mabait naman ako," pagtatanggol ko.
"But, it turned out, it's the other way around. You are bad and I am the good one." He laughed again. "I am the weak, you are the tough one."
Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang likod.
"Did you ever regret meeting me?" I suddenly asked.
Ilang segundo ang lumipas bago siya nakasagot. "What do you think?"
"I don't know. Maybe?"
"Regret is just for things that you do intentionally, not for things that come naturally," he responded. "You suddenly came, who am I to blame? Life? No. Meeting people along the way is a process going to something else. End game."
I just closed my eyes while listening to him.
"You are my end game, Amira," he said.
Wala na akong narinig sa kanya matapos no'n. Tahimik sana kung hindi ko lang naririnig ang maya't maya niyang pag-ubo. Nagpumilit na rin akong bumaba sa kanyang likod dahil alam kong nahihirapan na siya. Nakita ko ang pagkayamot sa kanyang mukha, hindi dahil sa akin kung hindi sa sarili niya.
"Damn. If I was just not sick, we wouldn't be here." He chuckled the frustration away. "We could be more than what we are now."
"I am contented with this," I responded. "If you were not sick, this wouldn't happen."
Umubo ito at pasimpleng hinaplos ang dibdib. "Yeah." He let out a heavy sigh. "Damn. Thank you for making me feel this."
"Amira, Archeon, bumalik na kayo!" Isang malakas na tinig ang bumulabog sa katahimikan ng paligid, boses ni Tita Minerva na nanggagaling sa paligid. "Archeon, please? Give it up. You can't go this far."
Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Arch. "I'm sorry, Mom," he mouthed.
Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami uli. Sa pagkakataong ito ay mas mabilis, mas matagal at mas malayo ang narating namin. Mas lumala ang paghingal ni Arch at ang maya't maya niyang pagsinghap.
"Magpahinga muna tayo!" sabi ko habang pinipigilan ang kamay niya pero tila hindi niya ako naririnig. "Arch! Malayo na tayo, malayo na sila. Magpahinga muna tayo kahit na ilang sandali."
It seemed like he didn't hear me. Nagpatuloy kami sa pagtakbo. Masyado na akong nababahala sa kanya. Sinubukan ko pa uli siyang pigilan pero hindi siya nagpatigil. Mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa aking kamay.
"Arch!" napasigaw ako nang bumagsak siya sa lupa, nabitawan ang pagkakahawak sa akin.
Mabilis na bumangon ito at gumapang. "Fuck!" Kumuha siya ng bato at itinapon sa malayo. "I can still fight! Fuck this curse! Fuck this sickness!"
Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan siyang magsisigaw sa pagkadismaya. Gumapang pababa ng kanyang pisngi ang luha. Lahat ng mahawakan niya ay ibinato niya sa malayo. Hanggang sa nabitawan niya ang hawak at mas bumagsak sa sahig, nakaawang nang konti ang bibig.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at inakay siya sa aking braso.
He stared at me, teary-eyed. "I can still run, Amira."
Pinilit kong huwag magluha. "You can. You just need to rest."
"I'm sorry," he whispered and coughed again.
Umiwas ako ng tingin nang bumagsak uli ang luha sa kanyang mga mata.
Hinaplos kami ng malakas na hangin, kasabay no'n ang isang pagtanto. Bumaling ako uli ng tingin kay Arch. "Malakas ang hangin, Arch. Ibig sabihin ay nasa mataas na tayo. May malapit na lugar dito kung saan makikita natin kung hanggang saan na ang naakyat natin. Let's go there later."
He smiled. "Let's do it now."
"Stop." Pinigilan ko siya nang aktong babangon na ito.
"Please?" he pleaded, smiling. "I want to see that."
"A-Arch... magpahinga-"
"Ngayon na, Amira," bulong niya sa mahinang boses. "I-I want to see it now so bad. Please?"
I saw the determination on his face. Kahit na labag sa kalooban ko ay pumayag ako. Inakay ko na siya sa pagkakataong ito. Mas lalo kong naramdaman ang init niya. Tumigil kami sandali, hinawi ko ang pawis sa kanyang noo.
"Ang dumi mo na," biro ko.
Tumawa siya. "Guwapo pa rin ba?"
"Mas lalong gumwapo," sagot ko.
Sandaling nawala ang ngiti sa kanyang labi pero mabilis din na bumalik.
Tahimik na kaming naglakad. Ramdam na namin ang mas tuminding lakas ng hangin. Hanggang sa nakalabas kami sa mapunong parte at tumambad ang malawak na lugar. Sa hindi kalayuan ay may hangganan na ang tungtungan namin, kung saan matatanaw na kung hanggang saan na ang narating namin.
Kumawala sa akin si Archeon at naglakad mag-isa. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanya. Dahan-dahan lang siya sa paghakbang at palapit sa bangin. Pinanuod ko kung paano hawiin ng hangin ang buhok niya at kung paano niya itinaas ang kanyang mga kamay.
Habang hindi siya nakatingin ay hinawi ko ang luha sa aking mga mata.
Lumapit ako sa kanya. Nadatnan ko siyang nakapikit.
"Dream," he whispered. Tumingin siya sa akin, malawak ang ngiti. "I made it, right?"
I nodded. "You did. Kaya mo pa ngang mas malayo rito eh."
Umaliwalas ang kanyang mukha.
"I made it," he whispered. Bumaling ito sa harap. "I made it here!" he screamed. "Fuck you, life! Do you think I am that weak to even make it this far? Fuck you! This sick guy made it until here!" he unleashed another scream.
A joyful laugh echoed in the silence. I couldn't help but to feel proud for him, too.
I hugged him from his back as I whispered, "You made it, babe."
Lumuha ako habang nakangiti. Pakiramdam ko ay natupad din ang isang pangarap na hindi ko hinangad.
Umupo kami habang pinagmamasdan ang tanawin. Nakayakap sa akin si Arch.
"There's more than what you can see now," he whispered. "Unfortunately, this is all I can offer you."
"This is enough," I said.
He yawned. "Ang lakas ng hangin dito. Nakakaantok."
Napatingin ako sa kanya. Nakangiti pa rin ito. "Pwede ba akong mahiga sa kadungan mo? Sige na. Nangangawit likod ko eh."
Tumango ako.
"Salamat," sabi niya nang makahiga sa hita ko. Nakatingala siya sa akin, nakangiti pa rin. "Amira, natatandaan mo ba ang daan pabalik?"
Sumikip ang paghinga ko. "M-medyo."
Tumango siya. "Huwag ka nang umakyat sa pinakataas ah? Delikado. Umiba ka na lang ng daan tapos bumaba ka na."
"Arch..."
He laughed, softly. Inabot niya ang mukha ko at hinaplos ang aking pisngi.
Suminghap siya. "The string of your kite, I can't hold it anymore."
I bit my bottom lip to halt my tears.
Bumagsak ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa pisngi ko. Napangiwi ito.
"Damn. I am sleepy again," he said as he yawned again but I know, he faked it. He's faking it all. Damn it. "I don't want to sleep."
"Then, don't," my voice cracked.
He smiled. "If ever I fell asleep, don't wake me up. Just run away."
I shut his mouth with my lips. I couldn't stop my tears anymore.
Kakawala na sana ako sa halik nang yakapin niya ako. "Live, babe. A new life out of the woods is waiting for you."
Tumakas ako sa yakap niya. Andoon pa rin ang kanyang ngiti pero sa pagkakataong ito ay mahina na.
"Yeah." I nodded. "I will live for you, Archeon."
"Damn. That's right, babe!" He showed me his right fist. "Fighting!"
Tumango ako uli.
I will...
"Hey. I-inaantok na talaga ako," ngumuso pa ito.
I stared at him for a moment before I gently nodded.
"I-I don't usually ask for this but," he gulped. "Can you give me a goodnight kiss?"
Yumuko ako at ginawaran ang labi niya ng isa pang halik. Ipinikit ko ang aking mga mata nang nakatingin siya sa akin at nang magmulat ay sa kanya naman ang nakapikit. Katahimikan ang mga sumunod na nangyari.
Malakas ang pag-ihip ng hangin.
Tahimik ang paligid.
Pinagmasdan kong pumayapa ang paghinga ni Archeon. Pinagmasdan kong unti-unting naglaho ang kanyang ngiti sa labi. Pinagmasdan ko ang unti-unting pagbukas ng kanyang mga nakakuyom na kamao.
Umawang ang bibig ko kasabay ng pagbagsak ng luha sa aking mga mata.
Tumingin ako sa malayo gamit ang nanlalabong paningin.
Wala sa sariling napangiti ako.
I thought life is dark, but I found out that it is darker than that.
All I wanted was to have someone who would stay with me no matter who I was. Someone who would give me a tight hug when I cry and someone who would sit beside me in dark and cold nights.
I've reached the peak of my dreams and even surpassed my expectations.
Finally... I can say it now. I've finally lived!
Nakarinig ako ng mga sigaw mula sa malayo, tinatawag ang pangalan namin.
I think that's it.
Bumaling ako kay Arch na hanggang ngayon ay tulog pa rin. "Hey, babe. Sleep well. I just need to go somewhere."
Dahan-dahan ko siyang inalis sa aking kandungan. Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko siya.
"Amira!" I heard someone called my name.
Mabilis na tumayo ako at tumakbo palayo. Sa pagkakataong ito ay ako na lang mag-isa.
Where should I go after?
"Stop!" Someone yelled.
No. Hindi nila ako pwedeng mahuli. Nangako ako kay Arch na mabubuhay. I don't think there's a life in jail. I need to escape and go somewhere far away. I need to live whatever it takes.
A warning shot echoed in the sky but it didn't stop me.
Stop, please. I want to live!
Another warning shot reverberated on the silence.
I kept on running away. Panting heavily, screaming for freedom.
Another shot reverberated but this time... it stopped me.
Wait, what?
Why did I stop?
I just found the world collapsing before my eyes, struggling to find clear images. It felt numb, all the aches suddenly disappeared.
No. I want to live.
"Fuck it! You shot her! Damn you!"
Bumagsak ang kamay ko habang nakatingin sa malabong kalangitan.
I want to fulfill my promise. It can't end like this.
But, I guess we don't always get what we want.
I breathed one more time and smiled one last time.
I want to live for him.
But, I guess the only way left for me to live is to wake up from this nightmare.
What a life, after all.
Wait me, babe. I'm coming with you.
And everything went black, that's when I know...
I am finally free.
THE END.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro