Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9: Baby

Nang mapansin na mukhang walang balak na bumitaw sa tingin si Arch ay ako na ang umiwas. Tumingin ako kay Rich na hanggang ngayon ay tulala pa rin ang manghang-mangha sa tanawin. Nakaawang pa ang bibig nito habang nakatingala.

Napangiti rin tuloy ako. You can make me laugh with simple things but it takes more than that to make me smile. But with Rich, he makes me smile effortlessly. I mean... who wouldn't be? He looks like a mesmerized kid in a park. Cute.

"Can we go back now?" Arch asked, feeling bored. "You've been staring at the sun for five minutes. Baka masira ang mga mata mo."

"Wait," sagot ni Rich na hindi pa rin natitinag sa tingin.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Arch. "Kaya ayokong naaabutan ang paglubog ng araw kapag kasama ka eh. Uubusin mo ang oras diyan."

"Staring at the sunset will never be a waste of time, Kuya. It's always worth your time."

"Yeah, right."

I bit my bottom lip to avoid chuckling. Pagdating talaga kay Rich ay tiklop siya. I'm quite surprised they don't argue that much. I mean... it's a normal thing for siblings. May iba nga diyan na halos magbatuhan na ng mga plato kapag nag-aaway eh. But then again... Rich is so soft. Can't blame Arch.

Napatingin ako kay Arch nang paglaruan niya ang tubig. He really looks bored. Kung pwede nga lang atang languyin na niya hanggang sa pampang ay ginawa na niya.

"You know what's more fascinating than the sunset?" Rich suddenly asked. Saka ko lang napansin na halos madilim na at hindi na nakalitaw ang araw. "Some people leave after the sunset. Shame, right?" He smiled.

I shrugged my shoulders. "Can't blame them. It's all dark without the sun."

Rich shook his head. He pointed his finger in the other direction. Natigilan ako nang makita ang bilog na buwan. I felt goosebumps all over my body.

"People leave after the sunset that they don't notice what shines after."

I never liked the moon... I never appreciated it. But right at this moment, I couldn't take away my eyes from it. Parang nalipat sa akin ang pagkamangha ni Rich.

"Yeah, right. Don't tell me you are going to wait until the sunshine?" putol ni Arch sa pagkamangha ko. "Come on. Give me a break. Kanina pa tayo rito. Wala pang pagkain sa bahay. Gabi na."

"If Amira wants to stay here all night then let's stay-"

"Right," Arch cut Rich out as he started to paddle again. "Not me, not on the boat I run. You can come back after I get out."

Nang nasa pampang na kami ay agad na bumaba si Arch at naglakad na palayo.

"What a short-tempered ass," I mumbled.

Tumayo na rin ako at bababa na sana ng pampang nang mapansin ko ang damit ni Arch. Hindi ba niya ramdam ang lamig gawa ng nakahubad niyang katawan? O baka sanay na siyang gumalaw kahit na walang damit.

Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon nang bumaba ako. Hinarap ko si Rich na nakaupo ngayon sa inupuan kanina ni Arch, hawak niya ang sagwan.

"What are you doing?" I asked, confused.

"Isasauli ko itong bangka," aniya. Ibinato niya sa akin ang dami ni Arch at tumama ito sa mukha ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Mauna ka na sa bahay, baka matagalan ako nang kaunti."

Padabog na inalis ko sa aking mukha ang damit ni Arch at sinamaan ng tingin si Rich na nagsasagwan na palayo.

"You're kidding me!" I exclaimed in disappointment.

"Susunod din ako!" pahabol pa niya bago itinalikod sa akin ang bangka.

Wala akong nagawa kung hindi panuoring siyang makalayo sa akin. Naiwan akong tulala, hawak ang damit ni Arch, at hindi alam kung paano bumalik. Si Arch lang ang nasa bahay. Ayokong umuwi roon. Pero gabi na, mas delikado ako rito.

"Damn it," I cursed.

Padabog na naglakad ako pabalik. Una, alam ni Rich na may nangyari sa pagitan namin ni Arch pero isinama pa rin niya ito sa bangka. Pangalawa, ang pang-aasar niya kanina bago kami lumabas ng bahay. At ang huli ay ito naman.

He's really enjoying the show, huh?

Malamang na nasa sala ngayon si Arch at nanunuod kaya napagpasyahan kong sa likod na lang dumaan.

Papasok na sana ako sa pinto sa likod nang mapatingin sa damit ni Arch.

I gulped hard. Gusto kong iuntog ang ulo ko dahil sa naiisip ko. Lumunok ako bago dahan-dahan itong inilapit sa ilong ko. Napapikit ako nang maamoy ang shower gel niya na kumapit dito. Damn it. It really smells damn good. It's making me high as fuck.

Stop, Amira. I warned myself which I think is already too late.

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Arch. Nakataas ang mga kilay nito at halatang nagpipigil ng tawa. Naistatuwa ako sa kinatatayuan ko at hindi alam ang gagawin. Parang gusto kong sampalin ang sarili ko para magising sa panaginip na ito.

"I-I thought we have the same perfume," I made an alibi. "Ang baho!"

That made things even more embarrassing!

He cleared his throat. "So, do we have the same perfume?"

"Stop," I warned him.

Sumilip ang ngiti sa labi niya pero mabilis niyang inalis 'yon. Kinuha niya sa akin ang damit niya at naglakad na uli papasok. Sumunod ako. Naabutan ko siya sa kusina. Napansin ko ang pagkagat niya sa labi niya. Madiin siyang pumikit at tumakbo papasok sa loob ng CR. Saka ko narinig ang malakas niyang pagtawa.

Ako naman ay napatakbo papasok sa kwarto ko at napasigaw sa sobrang kahihiyan.

"Stupid. Idiot. Jackass. Numbnuts. Ah!" Sinubsob ko ang mukha ko sa kama at sumigaw pa nang sumigaw. Halos mapatid ang mga litid sa leeg ko dahil sa sobrang pagsigaw.

I've never been humiliated like this. Bakit ba kasi addict na addict ako sa showergel niya? Nagmukha tuloy akong tanga sa harapan niya. Baka kung anu-ano na ang iniisip niya ngayon. Wala naman akong karapatang magalit sa kanya dahil kasalanan ko.

Sa dami ng lugar na nadaanan ko bago nakarating sa bahay ay dito ko pa talaga naisipang gawin ang kahihiyan na 'yon.

Wala na akong balak lumabas ng silid na ito. Hinanda ko na rin ang damit ko para kung sakaling kailanganin kong umalis para isalba ang sarili ko sa mas kahihiyan pa. Dumating na si Rich at kumatok sa pinto ko pero hindi ko pa rin binuksan 'yon.

"Amira? Kain na," dinig kong sabi ni Rich sa labas. "What happened? Nag-aalala na ako."

I bit my bottom lip. Kapag naiisip ko ang nangyari kanina ay mas lalo akong nahihiya.

"Are you mad?" he asked. "Dahil ba iniwan kita kanina? I'm sorry."

Hindi pa rin ako sumagot. Nanatili akong nakahilata sa kama at nakatulala sa kisame.

"Amira? What happened?" he asked again. "You're making me worried. Buksan mo ang pinto. Please?"

"Mamaya na lang ako kakain," sagot ko.

"Okay. Can you open the door, please?"

Mukhang wala siyang ideya sa kahihiyan na nangyari kanina. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kapag nalaman niya. That jerk. He better shut his mouth or I'll pull his tongue out of his mouth and feed it to piranhas.

"Later, please?" I pleaded, too. "I'm still not hungry."

Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "Okay. I'll be back after ten minutes."

Nang wala ng nagsalita sa labas ay agad na akong tumayo mula sa pagkakahiga. Nagpalit ako ng damit at hinanda na ang sariling lumabas ng bintana. Aalis na talaga ako sa lugar na ito. I can't stay here anymore.

Bubuksan ko na sana ang bintana nang may mauna na sa akin.

Damn!

Napaatras ako nang pumasok si Arch, may dala pa itong pagkain na nasa tray. Naglakad ito papunta sa lamesa sa gilid ng kama at ipinatong doon ang pagkain at tubig. Saka siya humarap sa akin. Kumunot ang noo niya matapos akong pasadahan ng tingin.

"Again?" he asked. Tumamad ang tingin niya.

"I have to."

"Dahil ba sa kanina?" Nagtaas ito ng kilay. "Why is leaving so easy for you, Amira?"

I refused to explain myself. Lalapit na sana ako sa bintana nang maunahan ako ni Arch, mabilis na isinara niya 'yon at humarang sa daan ko. Naging mabigat ang hangin sa paligid. It feels like the only way to breathe is out of the window and Arch is blocking it.

"I pleaded just to make you stay." Naging malamig ang tinig niya. "After all the sacrifices I did just to make you stay, you really think you can get away just like that? If leaving is so easy for you, I'm afraid not with me."

I gulped. "I never told you to beg in the first place, Arch. Let me go." I tried to push him away but I didn't even move him. "I am tired, Arch. Let me go." Nang mapagtanto na wala siyang balak na umalis ay umatras ako. "Do you want me to beg for my freedom, huh?"

"You need to remember, Amira. You chained yourself with me the moment you made a promise. Your freedom is in my hand. You are mine now. So, no. Amira. You can't leave. Not tonight. Not tomorrow. Not until I let you."

"Are you crazy?!" I bursted out. "I don't owe you anything, Arch."

"I am." He smirked. Umupo ito sa ilalim ng bintana, nakabantay pa rin doon. "If I needed to stay here all night and watch you."

Humalukipkip ako. "This is harassment. Pwede kitang isumbong sa mga pulis."

"I didn't lay my hand on you yet."

"Yet?"

"Why? Do you want me to touch you?"

Kinuha ko ang unan sa kama at binato 'yon sa kanya. Nang tumama 'yon sa mukha niya at panandaliang nawala ako sa paningin niya ay kumaripas ako ng takbo palapit sa bintana. Hindi ko pa man naaapak ang paa ko ay nahablot na niya agad ang kamay ko. Napahiga kami sa sahig... yakap niya ako.

Tila tinakasan ako ng kaluluwa dahil sa ginawa niya.

"Now, this is harassment," he whispered as he tightened the grip on me. "If I needed to hug you all night just to make sure you won't get away, my pleasure."

Parang nawalan ako ng lakas sa mga sandaling ito. Sinubukang kong magpumiglas pero hindi ko nagawa. Masyadong mahigpit ang kapit niya sa akin na hindi ko man lang magawang igalaw ang katawan ko. Nakaipit pa ako sa kanyang mga binti.

"Remember when Rich said I should not touch girls without their consent? Fuck it. You won't get away here."

"A-Arch..." Hinabol ko ang hininga kong napatid.

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. "Tighter, babe?" pang-aasar pa niya.

Namutla ako nang marinig ang boses ni Rich sa labas. "Amira? May duplicate key ako. I will open the door. I'm sorry but I'm really worried."

"Let me go, jackass," I mumbled to Arch. "Baka makita tayo ni Rich."

Hindi sumagot si Arch. Napapikit ako sa inis.

Tama na ang kahihiyan kanina.

Narinig ko na ang pagtunog ng seradura sa labas. Damn it!

"Shit, Arch."

"Promise me first you won't leave."

"What the hell is your problem?!"

"Promise me, babe."

Narinig ko na ang pagtunog ng kandado sa labas. Nang mapagtanto ko na mabubuksan na 'yon ay agad kong sinabing, "Not tonight."

He laughed before he let me go.

Mabilis na umupo ako sa kama at saktong kabubukas lang ni Rich sa pinto. Nadatnan niyang nakahiga pa rin si Arch sa sahig at nakatingin sa labas ng bintana. "The moon is really that bitch, huh? Ang ganda!" ani Arch.

Hatala ang pagkalito sa mata ni Rich. Lumapit siya sa akin.

"What happened?" he asked. Bumaling ito kay Arch na nakahiga pa rin. "What are you doing here, Kuya?"

"I brought her foods," ani Arch na nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

Napasulyap naman si Rich sa lamesa kung nasaan ang tray ng pagkain.

"I'm fine, Rich. Wala lang ako sa mood kanina."

Tumango naman siya. "Mabuti naman. Kumain ka muna." Kinuha niya ang tray ay inilapit 'yon sa akin. "Kuya. Labas na. Hayaan mo nang magpahinga si Amira."

Nang hindi sumagot si Arch ay lumapit na sa kanya si Rich at pilit itong itinayo.

Arch groaned but didn't refuse. Pinaningkitan niya pa ako ng tingin bago lumabas.

Napabuntong-hininga na lang ako.

I was left with no choice but to eat and forget what I needed to do. But then again... if I want to, I can and I will. Hindi ako madaling mapapayag sa bagay na ayaw ko. I can agree on something and break it later. I can make a promise and forget it after.

But something is stopping me this time.

Is this it? Like... finally?

No. It can't be.

Kinuha ni Rich ang pinagkainan ko at siya ang naglabas no'n. Ang sabi pa niya ay pumasok na sa kwarto si Arch kaya kung gusto kong maghilamos ay hindi na ako magdadalawang-isip. He really thinks I am acting like this because of Arch. No. It's just me... alone.

Mabilis na naghilamos ako at bumalik din agad sa kwarto. Ilang oras na akong nakahiga sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nang mabagot ay lumabas ako ng kwarto. Tahimik na. Malamang na tulog na ang kambal.

Uminom muna ako ng tubig bago napagpasyahang lumabas ng bahay at umakyat sa tree house. Nagulat ako nang makitang nakahiga sa upuan si Arch. Aatras na sana ako nang bigla itong nagmulat ng mga mata.

"S-Sorry..." bulong ko.

Bababa na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa upuan. Siya ang bumaba. Sumunod na nangyari ay may nagbato ng lata mula sa ibaba. Akala ko ay lata lang 'to pero may tali pala. Sumilip ako sa ibaba pero hindi ko tanaw kung saan ang hangganan ng tali.

Kinuha ko ang lata at itinapat ito sa aking tainga. "Are you there?" I heard Arch asked.

Hindi ako nagsalita.

"Nasa bench nga pala ako sa ibaba."

Tahimik pa rin ako.

"You can't still talk to me without seeing my face. I thought it will work."

Still, I didn't respond.

"Are you scared of me, babe?"

Umupo ako uli at pinakinggan lang siya.

"That's fine," he chuckled. "Gusto ko talagang kinakatakutan ako. It's making me feel strong."

I closed my eyes. Ngayon ko naramdaman ang antok.

"But, sometimes, I get tired, too. Gusto kong ipakitang mahina rin ako pero natatakot na ako. Natatakot akong talikuran ako ng mga taong malapit sa akin kapag nalaman nilang mahina ako. Baka kaawaan nila ako."

"Stop," I whispered, still eyes shut. "It's fine to pretend, Arch. But you know what is not? It's when it scares you not to..." Just like what happened to me. "Let them leave, fuck them. Fuck those who can't accept who really we are. We are not made for them anyway."

"Are you scared, too?"

Hindi na naman ako nakasagot.

"Are you scared to be yourself, too, Amira? Are you also thinking people will take advantage of you when they find out something about you?"

"I am."

Siya naman ngayon ang hindi sumagot. Sa sobrang tahimik ay dinig na dinig ko ang paghinga niya.

This is the first time we had a calm conversation. It's... relaxing.

"I guess we are the same," he chortled.

"Maybe..."

"So, is this means, we can be ourselves together, huh?"

"No," maaagap kong sagot.

"Why not?" He frowned. "I have been bold in your eyes. I want you to know that I am as soft as a baby, too. You can feed me... dress me... and even carry me. I won't talk back when you badmouth me, I will just slam the door and cry hard."

Hindi ko napigilang matawa. "Baliw ka."

"Told you. I'm crazy."

"Can I sleep here? If you won't mind," I requested.

"It's not safe."

"I can fight. I can handle myself," sagot ko. Hindi talaga ako makatulog sa kwarto ko. Hindi kagaya rito na inaantok ako agad.

"Fine."

"Thanks." I chuckled.

"Close the door, baka gumulong ka pababa."

"Hindi ako malikot matulog kaya hindi ako mahuhulog."

"I'm not worried you might fall. I am worried you might fall on me."

"What?"

"You can sleep there. Let me sleep here. Just don't fall on me."

Hindi na ako nakasagot. Dumulas na ang katawan ko pahiga sa upuan at inunan ang aking aking braso.

"Tulog ka na?" dinig kong tanong niya. "Fine. Just don't fall on me, all right? I am still a baby."

That made me... smile.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life