Chapter 8
Chapter 8: Stare
It almost became a routine. Halos araw-araw kaming sumasakay ni Rich sa bangka at minsan na rin kaming nangisda. It was fun! Rich never bored me. Medyo pilyo rin pala ito. I would lie if I saidy didn't enjoy it. I did. This place was not bad at all.
Hindi na rin ako kinulit ni Tita Minerva na magsabi sa kanya ng mga ginagawa namin habang wala siya.
"I trust you, Amira. Alam kong hindi mo sila ipapahamak." Naalala ko pa kung paano niya sinabi 'yon habang nakangiti. "Mukhang masaya rin sila na andito ka. I couldn't ask for more. Iniisip ko kung paano ako makakabawi sa 'yo."
Kasalukuyan akong nakikinig sa kanta habang nakahiga sa kama. Kaaalis lang ni Tita Minerva. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng kambal. Malamang na nagbabasa si Rich at ang isa naman ay nanunuod sa TV.
Nang mabagot sa pase-cellphone ay bumangon ako sa kama at sumilip sa labas ng bintana. Sariwa ang hangin galing sa labas. Mula rito ay tanaw ang malaking puno kung nasaan ang maliit na bahay. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay andoon si Arch, nakasilip sa bintana at nakatanaw sa malayo. He was probably staring at the lake from afar.
I watched how he closed his eyes when the wind puffed. He looked calm.
Well, I am calm, too. We are both calm without talking to each other. It's better this way.
It's been almost two weeks since the last time we talked. I am glad he is true to his words. It's just... I'm scared when I am with him. Hindi ako mapalagay kapag kausap siya, kapagnagtatagpo ang mga tingin namin. It felt like my body could detect danger and he was the most dangerous person around. I couldn't let my guard down when he was around. Pero ngayon na parang hangin lang kami sa isa't isa, payapa na ako.
Hindi ako agad nakaiwas nang biglang bumagsak sa akin ang tingin niya. Nanuyo ang lalamunan ko nang wala man lang itong reaksyon. He just stared at me using his blank expression. Sa akin lang naman siya ganito. Kapag kausap niya si Rich o si Tita Minerva ay ayos naman siya.
"Gotcha!" Napagitla ako sa gulat nang biglang sumulpot sa harap ko si Rich. Nasa labas ito at mukhang nagbabasa na naman dahil may hawak siyang libro. "Tulala ka ah?" puna pa niya habang natatawa dahil nagawa niya akong gulatin.
Sinundan niya ng tingin ang pinagmamasdan ko kanina. Wala na ro'n si Arch.
"Mag-ayos ka na," ani Rich na nakangiti pa rin. "Magdadala ako ng pagkain para hindi tayo gutumin. Saka para mas matagal. Para makita natin ang paglubog ng araw!"
"Ah?" Ngumiti ako bago tumango.
"Isasama ko si Kuya Arch!" aniya saka na tumakbo palayo.
Naiwan akong gulat.
Makakasama namin si Arch sa bangka? No. That would be awkward as hell. Dito pa nga lang sa bahay ay nakakailang na, paano pa kaya kapag nasa iisang bangka na lang kami? That would make jumping on the water a better idea!
Nag-ayos na ako ng sarili ko. Hindi ko pa rin matanggal sa isipan ko na makakasama namin si Arch. Pero sa tingin ko ay hindi naman papayag si Arch. Alam kong alam niyang awkward 'yon. Yep. He will definitely refuse to come with us!
He better decline.
Napanganga ako pagkalabas ko ng kwarto dahil tumambad sa akin si Arch na nakaupo sa sofa. Sa gilid niya ay nakapatong ang mga baunan ng pagkain. Nakabihis din ito kaya malamang na lalabas siya.
He wouldn't come with us, would he? No!
Wala pa si Rich kaya malamang ay hindi pa siya tapos mag-ayos. Babalik sana ako sa kwarto ko nang mapansin na umusog si Arch sa pinakadulo ng sofa, iniwan niya ang malawak na bakante sa gilid. It felt like he reserved it for me.
Tumikhim ako bago naglakad palapit sa sofa at umupo rin sa dulo. Nasa magkabilaan kaming dulo ng sofa, naiwan ang malaking space sa gitna kung nasaan ang baunan ng pagkain.
Damn it. Nakakailang.
Tahimik lang kami at parang gusto kong sunduin si Rich sa itaas dahil sa tagal nito. Waiting was never been this long and crucial. Pakiramdam ko ay ilang taon na kaming nakaupo rito at nilulumot na. Wala pa rin kaming kibuan. Dinig na dinig ko ang paghinga naming dalawa dahil sa sobrang katahimikan.
Come on, Rich!
Sa wakas ay bumaba na rin si Rich. Tawang-tawa pa ito dahil sa nadatnan niya.
"Did you just reserve the huge space in between of you for me?" biro ni Rich.
Parang nasusunog ang mukha ko dahil sa sobrang init nito. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Kukunin ko na sana ang baunan nang may mauna na sa akin. Naunang hawakan ni Arch ang baunan kaya ang kamay niya ang nahawakan ko.
"Fuck you!" I bursted out of nowhere. Pare-pareho kaming nagulat dahil sa pagsigaw ko.
Napatayo ako at sinamaan ng tingin si Arch na namumula rin ang mukha. Halatang hiyang-hiya rin ito. Sabay naming binitawan ang baunan.
"You touched me first!" pagsagot sa akin ni Arch. Mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang mga balikat.
"So, you are thinking that I really wanted to touch your damn ugly veiny hand?" I crossed my arms infront on my chest. "Never been with someone as delusional as you."
Mapaklang tumawa si Arch na haling irita na rin. "It was a damn accident! I didn't know you were about to grab that damn box and I didn't know, either. Stop playing the victim, will you?"
"Oops!" Pumagitna sa amin si Rich na natatawa. Kinuha niya ang baunan. "Ako na ang magdadala. Tama na ang pagtatalo, mga bata. Pupunta tayong zoo ngayon. Kapag nag-away pa kayo sige, hindi ko na kayo isasama."
Napairap na lang ako. Naunang lumabas si Arch ng bahay.
Binalingan ko ng tingin si Rich na pigil na pigil sa pagtawa.
"Did you enjoy the show?" I raised my brows.
He shook his head. "Did you just talk to him first?"
Natigilan ako at nang mapagtanto ang nangyari ay madiin na napapikit. Parang gusto ko nang umatras pero nakita ko ang dalang baunan ni Rich, mukhang pinagpaguran niya 'yon. Ayokong masayang ang lahat dahil lang sa nangyari.
"Tara na nga!" aya ko sa kanya.
Hindi namin naabutan si Arch sa labas kaya malamang na nauna na ito. Pansin ko ang maya't mayang pagsulyap sa akin ni Rich habang naglalakad kami. Nang mahuli ko ay tinawanan niya lang ako.
"Stop," I warned him.
"Sorry. I just missed it," he chuckled. "Sobrang tahimik kapag hindi kayo nagtatalo."
"You really enjoyed the show, huh?" I mocked him. "Can it pass a scene in a story you read?"
"It really seemed like a scene in a story."
Hindi na lang ako kumibo. Iniisip ko pa lang ang mga maaari pang mangyari ay kinakabahan na ako. Baka lumubog ang bangka namin.
Naabutan namin si Arch sa gilid ng bangka. Hindi pa ito nakasakay. Nakaupo ito sa gilid at nakababa ang mga binti sa tubig. Nang mapansin kami ay agad itong sumakay sa bangka, tapos ay Rich na inalalayan akong makasakay.
"Careful," Rich reminded me.
Nang makaupo ay saka ko lang napagtanto kung sino ang nakaupo sa tapat ko at ang magsasagwan.
What the hell? Si Arch ang magsasagwan!
"Ikaw na lang kaya magsagwan?" suhesyon ko kay Rich na nakaupo sa tabi ko. I couldn't hide how frightened I was with our lives. "Come on, Rich. You are better at this."
Come on, Rich. Save us.
"Pakisabi naman Rich sa kasama natin na huwag siyang umasa sa iba at kung gusto niya ay siya ang magsagwan," ani Arch.
Napatingin ako kay Arch na nakatayo pa rin.
Sinamaan ko siya ng tingin pero sinuklian niya lang 'yon ng isang mapang-asar na ngiti.
"Careful, Kuya."
Napaiwas ako ng tingin dahil naghubad ng damit si Arch at hinagis ito sa gilid. This is getting ridiculous and awkwardly insane. Why would he do that? Unless he wanted me to jump over the water.
"Rich..." Mabibigat ang hiningang lulamalabas sa akin. "Required ba ang paghuhubad kapag magsasagwan?"
"Pakisabi naman Rich na hindi naman pero dahil mainit ay gusto kong mag-alis ng damit," pabalang na sagot ni Arch.
Napakapit ako kay Rich nang pabagsak na umupo si Arch kaya umalog ang bangka. Pinikit ko ang mga mata ko at kinalma ang sarili ko. Naramdaman kong hinawakan ni Rich ang kamay ko kaya napadilat ako.
Sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Rich. "Feeling safe now?" he asked.
"Very dramatic," I heard someone whispered.
Nag-umpisa nang magsagwan si Arch. At dahil nakaharap kami sa kanya ay hirap na hirap akong ilihis ang tingin para lang hindi dumapo sa kanya ang mata ko. Napalunok ako nang mapatingin ako sa katawan niya.
He's right. Ang init nga.
"Damn it," I cursed under my breathe.
"Let's stay here until sunset!" Rich announced, thrilled.
Kinuha ko ang baunan at binuksan 'yon. Mga prutas ang laman nito. Kumuha ako ng nakahiwang mansanas at kumain. Kumuha rin si Rich. Habang kumakain ay palingon-lingon ako sa paligid. May mga mangingisda na napapatingin sa amin. May ibang deadma lang at may ibang ngumingiti.
Narinig ko ang pagtikhim ni Arch. "I wish I had another hand to pick some foods," I heard him said.
"Maybe you should have wished you didn't volunteer to hold those paddles instead," pabulong kong sagot.
Kumuha si Rich ng mansanas at isinubo 'yon kay Arch. Nahuli ko ang tingin niya sa akin, nanlilisik na parang nagpaplanong itulak ako kapag hindi ako tumigil.
Okay. I will just shut up. Baka nga itulak niya ako.
"Naalala ko nung una tayong nagbangka at ikaw ang nagsagwan," biglang sabi ni Rich kay Arch. "Sa sobrang tuwa natin ay napabilis tayo at nagharutan. Sa sobrang tuwa natin ay tumumba ang bangka!" Humalakhak si Rich.
Napangiti rin si Arch. "How can I forget that? Mabuti na lang at malapit na tayo sa pampang!"
"Mabuti na lang at marunong kang lumangoy! Kung hindi..." Napailing na lang si Rich.
Nakikinig lang ako sa usapan nila. I heard them tell past stories and how fun was all that. They really have a strong bond based on those stories. No wonder why Arch is so protective of Rich. I somehow understand him now.
Tumigil sa pagsagwan si Arch nang nasa malayo na kami. Nag-inat ito ng katawan bago kumuha ng pagkain sa hawak kong baunan. Nakatingin lang ako sa kanya habang iniisahang subo ang mga kinukuha niya.
Sana lang ay mapagtanto niyang wala kaming dalang tubig kapag nabilaukan siya. Maliban na lang kung kaya niyang uminom ng tubig galing sa lawa.
Ibinaling ko sa iba ang tingin ko. Halos hindi ko matanaw ang pampang dahil sa distansya namin. Mas malayo ang narating namin ngayon kaysa sa nararating namin kapag kami lang ni Rich. At mas malakas din ang hangin dito na nakakaantok.
"How's Cams?" biglang tanong ni Rich.
Nanatiling sa malayo ang tingin ko.
"Good," tipid na sagot ni Arch.
Mukhang hindi pa alam ni Rich na wala na sila Cams at Arch. Malamang na hindi rin alam ni Arch na alam ko na. Hindi na kami muling bumalik sa downtown.
"Don't you miss her? Ilang linggo na rin kayong hindi nagkikita."
"No."
Lihim akong natawa. Of course not. Why would he miss her? Tandang-tandan ko pa ang huling usapan nila at kung paano sinabi ni Arch na, "I can't feel it anymore." Wala na sila. Why can't he just admit it?
"How about you, Amira?" biglang tanong ni Rich.
"What about me?" tanong ko pabalik.
"Don't you miss your family?"
Napakapa ako ng sagot ko. Do I miss them?
"No," si Arch ang sumagot nang tumagal na tahimik lang ako. "She can't even miss talking to me, how can you expect her to miss her family?"
Napatingin ako kay Arch na ngumunguya pa.
Rich laughed. "That's absurd, Kuya."
"Not really, Rich. Just wait, one of these days, kakausapin na niya ako," pagmamayabang pa nito. "Am I right, Miss Amira?"
Bumagsak ang tingin ko sa hawak kong baunan.
Arch said that to divert the topic. I know. Alam niyang hindi ako kumportable kapag pamilya ang usapan kaya ginawa niyang katatawanan ang tanong hanggang sa mapunto ito sa kanya. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya ito ginawa.
Are you trying to give something you can use against me later?
"Look!" turo ni Rich sa malayo.
Napatingin ako sa tinuro ni Arch. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ang kulay kahel na kalangitan at unti-unting paglubog ng araw.
"I will never get tired looking at the sunset," I heard Rich said.
Naramdaman kong may nakatingin sa akin. Nahuli ni Arch ang tingin ko. The moment our eyes crashed, I couldn't take it away anymore. He got me again... his eyes got me again. Damn it. I didn't know eyes could scare me like this.
Tumagal ang tinginan namin hanggang sa unti-unti kong napagtanto kung bakit natatakot ako sa kanyang mga mata at kung bakit kinasusuklaman ko ito.
Because his eyes scream loneliness, fear, longing... and pain.
Whenever I am staring at him, it feels like I am staring at myself.
I don't understand why. What's with you, Arch?
The staring didn't stop.
While Rich was staring at the sunset... Arch and I were staring at each other.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro