Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4: Cheers

Nasa kalagitnaan ako ng pagligo nang may kumatok sa pinto. Muntik pa akong madulas dahil sa sobrang gulat. Nataranta ako nang marinig ang boses ni Archeon sa labas. Hindi ko gaanong maintindihan ang sinasabi niya kaya mas lumapit ako sa pinto.

"The hell! You're almost there for almost an hour. Naiihi na ako," dinig kong sabi ni Archeon sa labas kasabay pa nang muli niyang pagkatok sa pinto.

"Sa labas ka muna umihi, naliligo pa ako!" sigaw ko pabalik.

Napapikit ako sa inis nang kumatok na naman siya. Hindi nga katok eh, kinakalampag niya ang pinto.

"Bawal umihi sa labas kapag gabi, baka manuno ako!" paggawa niya ng rason. "Come on. It won't take a minute. Magtapis ka muna. Sandali lang naman."

Binuksan ko uli ang shower para alisin ang bula sa katawan ko. Gusto ko sanang huwag na lang siyang pansinin pero kinalampag na naman niya ang pinto. The sound of the loud thuds was breaking my eardrums and it was so damn annoying.

"Kuya, naliligo pa ata siya," dinig kong sabi ni Richeon.

"I know. I've been waiting here," Archeon responded. "What is taking you so long? You have a towel just wrap it around you first. I'll just pee."

I let out a heavy sigh. "Give me a second," I gave up.

Gaya ng sinabi niya ay nagtapis muna ako ng tuwalya bago binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang kambal. Si Archeon ay tumingin sa akin bago pumasok habang si Richeon naman ay agad na nag-iwas ng tingin, bahagya ring pumula ang kanyang mukha.

Nanatili akong nakaharap kay Richeon dahil nasa likod ko si Arch.

"S-Sorry," Rich apologized and he barely looked at me.

I rolled my eyes. "Hindi ka pa ba tapos?" tanong ko.

"Konti na lang," sagot ni Arch. "Count up to 5. Don't look yet."

Napailing na lang ako at humalukipkip. Nang marinig ko ang flush sa toilet ay humarap na rin ako. Sakto lang dahil kakaharap lang din ni Arch. Naghugas ito ng kamay. Napansin ko ang nakangisi niyang labi.

He's at it again.

"Bilisan mo nang maligo, Amira. Gabi na, baka magkasakit ka," dinig kong paalala ni Rich.

"Ang bango ah?" Arch said before skedaddling

Pabagsak na sinara ko uli ang pinto. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para patahanin ang naghuhuramentadong dibdib dahil sa inis. Dahil din do'n ay nawalan na ako ng ganang magpakalinis pa. Nakabihis na ako at nakabalot sa ulo ko ang tuwalya nang lumabas ng CR.

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang mapansin si Arch. He was doing push-ups on the salas. And guess what? He was topless. Napatitig ako sa katawan niyang pawis. I could even hear his soft gasps.

Okay. He is fine as fuck. But his attitude destroys him whole.

Dumiretso na ako sa kwarto ko. Nagulat ako dahil andito pala si Tita Minerva. Inaayos niya ang kanyang mga gamit sa bag. Nakita ko ring ipinasok na niya ang laptop sa kanyang bag. Napansin ko rin na may mga damit sa tabi niya, parang maliligo.

Napalingon siya sa akin.

"Oh, Amira. May blower ako rito." Tumayo siya at lumapit sa isang drawer at kinuha ang blower sa buhok. "Magpatuyo ka ng buhok bago matulog. Kung nagugutom ka ay may pagkain naman sa kusina. Maliligo lang ako bago umalis."

Tumango ako at pinanuod siyang lumabas. I closed the door after. Inalis ko ang tuwalya sa buhok ko at sinampay 'yon. I plugged the hair blower in the socket beside the bed as I started to dry my hair.

Hindi ko maalis sa isipan ko ang mukha ni Tita Minerva bago lumabas. She needs a rest or at least, hours of sleep. But then again, she can't do that. She needs to work hard for his sons. Her sons are lucky to have her.

How does it feel like having someone who cares for you?

I shrugged it away. I can't relate.

Nang mapatuyo ko na ang buhok ko ay nagsuklay ako at lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang kambal sa sala, nakatutok sa TV at may hawak na joystick. They were busy playing that they didn't notice me. And... Archeon was smiling genuinely. He seems always happy with his younger brother.

He is a jerk but when it comes to his brother he is a tamed jerk.

Umiling ako. Why am I feeling this? They are not my family. I don't care what's going on with them. Hindi dapat ako nagpapaapekto sa mga pinagdadaanan nila. I have my own shits to deal with.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Saktong kalalabas lang din ni Tita Minerva galing sa pagligo. Dumiretso ito palabas at malamang pabalik sa kwarto namin. She seemed in a hurry. I can't imagine driving at this hour... I mean, four hours drive? Gabi pa.

Bumalik ako sa sala. This time, Archeon noticed me first.

"Matulog ka na," aniya sa akin.

Napalingon din si Richeon. "Do you want to try?" He showed me his joystick.

Lumapit ako sa kanila. Umusog nang bahagya si Rich para bigyan ako ng pwesto sa sofa. I looked at the TV screen. They are playing basketball. I am not into sports but I enjoy watching them.

"Patulugin mo na," dinig kong bulong ni Arch kay Rich.

Nanatiling sa TV screen ang atensyon ko. What's his problem now? Pati ba naman pagtulog ko ay pakikialaman niya? Agh! I hate people who spend too much time meddling in other people's businesses. They are annoying and they act like they are perfect.

"Ah, Amira?" Si Rich.

"Hmmm?" Sa TV screen pa rin ako nakatingin.

"Baka masyado kang napagod ngayon, matulog ka na," aniya.

That felt strange. May itinatago ba sila sa akin?

Sasagot pa lang sana ako nang makita na si Tita Minerva na bitbit ang kanyang bag. Mukhang paalis na ito. Si Rich lang ang tumigil sa paglalaro para lapitan ang Mommy nila. And there was Arch, giving no fucks.

"Matulog na kayo pagkatapos niyan ah?" bilin ni Tita Minerva.

It frustrated me more when Arch didn't respond. The answer was just freaking yes or no! It's better to say no when you can't say yes instead of not responding at all. I hate it when people tend to complicate small things.

"Sure, Mom. Ingat sa biyahe." Si Rich na humalik pa sa pisngi ni Tita Minerva.

Lumapit si Tita Minerva kay Arch at hinalikan ito sa pisngi. May ibinulong pa si Tita. Nakita ko ang pagkainis sa mukha ni Arch na kulang na lang ay iiwas niya ang pisngi para hindi siya mahalikan.

Sino ang mas maarte sa 'tin ngayon?

Bumaling sa akin si Tita Minerva. Tumayo ako para lumapit sa kanya. Akala ko ay hahalik din ako sa pisngi niya pero inaya niya lang pala ako sa labas para ihatid siya. Sumunod na lang ako.

Hinarap niya ako nang kami na lang. "Natatandaan mo ba ang bilin ko sa 'yo?" tanong niya.

"They are acting strange," pagsusumbong ko.

Napabuntong-hininga na lang ito. "Arch? That's why I need you here. You can stop him. He won't listen to me. And Rich won't stop him either."

What an ungrateful brat!

"Do you want me to deal with him?" I raised my eyebrows.

I can't deal with that jerk without his Mom's consent. At least, I need someone who got my back when I exaggerated.

Mahinang tumawa si Tita. "Kung kaya mo naman, sige lang. You are a strong woman and I adore you for that. Ikaw na ang bahala sa kanila."

Sumilay ang isang ngiti sa aking labi. "Sure, Tita."

Pinagbuksan ko siya ng gate at nang makalayo ang sasakyan niya ay sinara ko rin 'yon. Mula sa labas ay pinagmasdan ko ang buong bahay.

"Ako na ang bahala, Tita," bulong ko.

Malawak na nakangiti akong bumalik sa loob. Naabutan ko sina Arch at Rich na naglalaro pa rin.

"Nakaalis na?" tanong ni Arch.


"Yep." I nodded my head. "So... what's the plan?" I asked, thrilled.

Napalingon silang dalawa sa akin, halatang naguguluhan.

I frowned. "Oh, come on. I know you are up to something! I'm in!"

"Sure ka?" tanong ni Arch. "I am sure Mom told you to watch over us. Don't fool us, Amira. Baka naman gusto mo lang malaman tapos isusumbong mo kami kay Mommy?" He eyed me suspiciously.

"Gano'n na nga." I shrugged my shoulders. "But remember when I swore to keep everything a secret? I keep words, Archeon. I am not a talkshit."

I rolled my eyes. Seriously? I need some fun and restrictions are no fun.

Nagtinginan pa ang kambal na parang nag-uusap gamit ang mga mata. Umiling si Rich sa kanya na parang binabalaan na ito.

Arch looked at me again and... he smirked.

The next thing I know, we are already outside. Nilabas ni Archeon ang dalawang bisikleta. Ibinigay niya ang isa kay Rich habang ang isa naman ay para sa kanya.

Great. I think I need to walk.

"Sa akin ka na lang umangkas," ani Rich.

Oh. I forgot we have an angel here.

"Can I drive instead?" I requested. "Please?"

"I-I don't think that's fair," he responded. "You're a girl. Ako na lang ang magmamaneho para hindi ka na rin mapagod."

And here we are again on the division of things between a man and a woman.

"You're sick. And weak," I hit his weakness.

Natigilan si Rich dahil sa sinabi ko. He seems uncomfortable when his condition is being mentioned. Well he needs to acknowledge the truth, it's for his sake

Arch aggressively grabbed my arms. Ipinahawak niya sa akin ang kanyang bike bago binitawan ang braso ko. "So you can shut your mouth, take mine instead," bulong pa niya bago lumapit kay Rich.

Better!

"Ako na lang ang iangkas mo," ani Arch kay Rich.

Sumakay na ako sa bisikleta. It's been a while since I rode a bicycle! I put on my head the hood of the jacket Rich gave me. Pinagmasdan ko rin na ayusin ni Rich ang hood ng jacket ni Archeon. It really amazes me when Arch can't be stubborn with Rich. Well maybe he cares for him, I mean, his condition.

I wonder if Rich is dying?

Sumakay sa likod si Arch at si Rich ang nagbisikleta. Nanatili ako sa likod nila, nakasunod sa kung saan man sila pumunta.

"Where are we going?" I asked while slowly exerting force on the pedals.

"Out of the woods," Rich as he took a glance at me.

Dinaanan namin ang mga tahimik na bahay. Everything was calm. Hindi naman pala masamang tumira sa ganitong lugar. It's almost isolated and I love the silence it brings. It's a good place to stay in when life is draining you.

Hindi kami dumaan sa daan na tinahak namin kanina ni Tita Minerva. We took the road in the middle of the fields, literally. Medyo makitid ang daan at kaunting pagkakamali lang ay sa putikan ang bagsak mo. May flashlight naman ang bisikleta kaya maliwanag ang daan, idagdag pa ang buwan.

"Last na 'to," dinig kong sabi ni Arch.

"We should lessen this trip, may kasama na tayong babae," I also heard Rich said.

I rolled my eyes. Can't he stop mentioning my gender? It's so annoying.

"Ingat, Amira. Madulas sa parteng 'to," paalala ni Rich.

Tumingin sa akin si Arch. Pinagmasdan niya ang pagmamaneho ko bago bumaling uli ng tingin sa harapan.

"She's good," I heard him said.

Nang makalabas kami sa palayan ay sementado na ang daan. Napansin ko rin na parami na rin nang parami ang mga tao. Hanggang sa natanaw ko ang mga ilaw sa malayo. Nabasag ng ingay ng mga tao ang katahimikan.

We are on the Night Market of the La Trevi. Bumaba kami sa bisikleta at hinawakan na lang ang mga 'yon habang naglalakad. Palinga-linga pa ako. Kabi-kabilaan ang kainan, lalo na ang mga ihawan. Marami ring namimili pero madalas ay mga kabataan lang na gumagala.

"Oh, Cheons!" Bumati ang isang babae sa amin. Tumigil kami sa kanyang harapan. Todo ngiti ito. Agad na napansin ko ang makapal na lipstick niya at ang maikli niyang pang-ibaba. "Naks naman. Nakatatlong balik ata kayo ngayon sa isang linggo? Record-breaking."

"Boring eh," sagot ni Arch na natatawa.

Napairap ako. Maayos naman pala siyang kausap pero pagdating sa akin ay puro pang-aasar lang.

"Buti pumayag si Rich?" nanunuyang sabi ng babae na nakangiti naman ngayon kay Rich. Napatingin siya sa akin. "Oh. Hey."

"Ah. Si Amira nga pala," pakilala ni Rich sa akin. "Amira, si Cams."

"Hi," she greeted me.

Tumango lang ako. I don't like her and I don't need to pretend I do just to be pleasing in their eyes.

"Si Trev?" tanong ni Arch.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay ni Cams na gumapang sa braso ni Arch. She wrapped her tentacles around Arch's arms. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagdiin niya sa kanyang dibdib. And yeah, he seems to enjoy it.

"Hey. You okay?" Rich asked.

"Why are we here?" I asked back.

"To play," he responded.

Sumama sa amin si Cams. Nasa gitna ang kambal at kaming dalawang babae ay nasa magkabilang dulo. Si Rich ang katabi ko at si Arch naman ang kay Cams, nakaakbay pa ito.

"Girlfriend ni Arch," bulong sa akin ni Rich.

I winced in disappointment. Let's not talk about the taste, he clearly doesn't have it.

Pumasok kami sa isang malaking building. It's a casino.

Sumalubong sa amin ang isang lalaking naka-itim na jacket. "The Cheon Brothers being here for the third time in just a week?" And there I think Trev.

Both Rich and Arch greeted him. I just stood beside Rich and gave the place a roam.

"Whoa. Rich? Girlfriend?" And that was when I entered the conversation.

Tumawa si Rich. "Our friend. Amira, Trev."

"Friends?" Nagtaas ng kilay si Trev, mukhang hindi naniniwala.

"I'm Rich's girlfriend," I responded immediately.

Nanlaki ang mga mata ni Rich. Nakita ko rin ang paglingon ni Arch mula sa pakikipag-usap kay Cams.

"Seryoso?!" gulat na tanong ni Trev.

I mentally rolled my eyes. If he can't believe I'm Rich's friend and girlfriend, will he believe then if I introduce myself as their Mom?

"Yep. She's Rich's girlfriend." Arch frowned. "Shall we start then?"

Tumawa si Trev. "Easy, man. Sure!"

Hinila na si Arch nina Trev at Cams. Naiwan kami ni Rich na mukhang hanggang ngayon ay gulat pa rin.

"Hindi ba tayo susunod sa kanila?" tanong ko.

"Ah. Tara," aya niya.

Pumasok kami sa isa pang pinto at tumambad sa amin ang maraming tao, karamihan ay kumpol-kumpol. So... here's where they play. Pumupunta rito ang kambal dalawang beses sa isang linggo para maglaro. I roam my eyes around. Wala naman akong alam sa mga laro sa casino kaya hindi ko rin maintindihan.

"Doon na lang tayo sa bar counter habang hinihintay si kuya," suhestyon ni Rich.

Nang makaupo ay agad na tinawag ko ang bartender.

"A shot of champagne, please?" I requested as I gazed at Rich. "How about you, Rich?"

"I-I don't drink," he said.

Oh. He's sick.

"Don't you think that's unfair?" pakunwari ay nagtatampong sabi ko. Mabilis na lumambot ang mukha niya. "But that's fine as long as your treat. Deal?"

"Sure. But I'll have a shot of champagne, too."

Ngumiti na lang ako. Habang hinihintay ang alak ay muli akong bumaling ng tingin sa mga nagsusugal. Madalas ay mga matatandang naka-office attire. Kaunti lang ang mga babae kung ikukumpara sa mga lalaki. There were girls also hovering around and serving drinks.

Hindi mahirap hanapin si Arch, lalo na 'yung babaeng nakakapit pa rin sa kanya. Sinandal pa ni Cams ang kanyang ulo sa balikat ni Arch. I rolled my eyes when she kissed his neck. Kulang na nga lang ay sumabit na ito sa leeg ni Arch.

Nung dumating ang shot ng champagne ay isang inom ko lang 'yon saka kumuha pa ng isa.

"You're a heavy drinker?" Rich asked, amused.

I looked at him. Namumula na agad ang mukha niya sa isang shot!

Tumawa ako. "There's no such thing as heavy drinker, Rich. If you drink, you're a drinker. And you should not be one." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Are you dying?" I tried to sound sad to at least show empathy.

He chuckled softly. "I have a complication here," tinuro niya ang kanyang dibdib. "That's why I need to avoid a lot of things such as sugary foods and beverages, smokes and other stressful things."

"D-Don't you think that's a blessing in disguise?" I asked. Kinuha ko uli ang nakahandang alak at ininom 'yon. "I mean..." Tumigil ako sandali para punasan ang bibig ko. "You don't need an excuse to die. You could die anytime. And when you die, nothing hurts anymore."

Ilang sandaling tumitig lang siya sa akin bago umiling. "I don't want to die yet, Amira. I still want to make memories with my family. I'd rather get hurt again and again than leave them. And no, Amira. There's no such thing as long-lasting pain. Everything heals."

I envy optimist people because they always think everything is fine when in fact it's not. But somehow pity them, too. They don't usually acknowledge failures.

But for a sick person like Rich, he better be.

I smiled. "Good for you."

"Hey." He grabbed my arms and forced me to face him. "Is there a problem? I'm all ears." He showed me that angelic smile again.

I was stunned by that mesmerizing smile. At first, I wanted to tell him the truth because I see him as an angel but after a few seconds, I remembered what happened that day when I opened my mouth and spilled the truth. Not again.

"You know what?" Lumunok muna ako bago nagpatuloy. "You don't deserve what you got. You are an angel. Your life should be felt like heaven but look, you're suffering. Life really sucks a big time, right?"

Mahina lang itong tumawa habang umiiling pa.

Binalingan ko ng tingin ang isa pang kambal na naglalaro.Natawa ako nang makita kong itinulak niya si Cams palayo sa kanya. That was the best thing that happened so far this night. What made you realize she was no good for you, Arch?

Trev also stood up and pushed Arch in return. Oh, I see.

This is gonna be exciting.

"Whoa. Wait lang, ah?" pagpapaalam ni Rich bago lumapit sa kanila.

Hinawakan ni Rich si Arch na nagpupumiglas. Gulat ang mukha ni Cams, natigilan pa nga ito sa paghithit sa kanyang sigarilyo. Sinubukan pa niyang lumapit kay Arch pero pinigilan na siya ni Trev. Oh, wow. Cams has genuine feelings for Arch!

How 'bout Arch?

Hinila ni Rich ang kanyang kuya palapit sa akin. Sa malapitan ay kitang-kita ang namumulang mukha ni Arch, mabibigat din ang paghingang pinapakawalan nito. But in his eyes, I could see the guilt.

"Calm down," Rich tried to calm his raging brother.

I don't think words will help Arch to calm.

"I didn't mean to push her," Arch defended.

"I know. That's fine."

Kinuha ko ang shot glass ko at inilahad 'yon kay Arch. "Pampakalma," I offered it.

Sinubukang kunin sa akin ni Arch ang alak pero mabilis na hinablot 'yon ni Rich at pinatong sa table. Umiling sa akin si Rich kaya nagkibit-balikat na lang ako.

At least I tried to help.

Nilapitan niya ang bartender at nakita kong naglabas siya ng pera.

"Damn it!" Arch cursed.

"What happened?" I asked him.

Bumaling sa akin ng tingin si Arch. Nagtaas ito ng kilay. "Why do you care?"

"I don't. I'm just curious. Did she try to get in your pants but since you are not that good at fucking, you pushed her away?"

Bumali ang leeg niya. "Stop teasing me, will you?"

Oh, he's really annoyed. He becomes hot when annoyed.

I pouted my lips. "Look at that Trev." Nginuso ko ang eksena na si Trev ang nagpapatahan ngayon kay Cams. "He's just waiting for you to push Cams away so he can replace you. He's been waiting for this moment."

I smirked when his fists clenched. That's right, Arch. Don't let them win this fight.

Sumandal ako sa upuan at nakangiting pinanuod na maglakad si Arch papunta kina Trev at Cams. Natawa pa ako nang biglang suntok ang tumama sa mukha ni Trev. He hit the floor but when he recovered, he hit Arch, too. Napaatras lang si Arch pero hindi natumba.

Cams screamed for help.

"Shit!" Rich ran to save his brother.

Rich tried to get in their way. Nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang tumama ang kamao ni Trev sa mukha ni Rich. Arch punched Trev harder before helping Rich who was lying on the floor.

That's it. Naglakad ako papunta sa kanila.

Humarap ako kay Trev na ngayon ay nagpupunas ng dugo sa labi.

"Hi, Trev," I greeted him. I kicked his balls and I made sure he would cry for help while weeping on the floor. "That's nothing, Trev. Don't hit my guy again or else I will end your entire generation with you."

Lumapit din ako kay Cams na umiiyak. "Don't break up with Arch," I whispered. "Don't be over dramatic and stop crying."

And the next thing I knew... we were kicked out of the casino. And what's worst? We were put on the blocked list. Hindi na kami makakatunton pa sa loob ng casino na 'yon.

Tahimik kaming tatlo nila Rich at Arch habang nagbibiseklata pabalik na sa bahay. Hindi kumibo sina Rich at Arch kaya hindi na rin ako nagsalita.

Mayamaya ay tumawa si Arch na sinundan ni Rich.

"That was fun!" Arch exclaimed.

Bumaling ng tingin sa akin si Rich. "Thank you for that."

I smirked in return. "Cheers to more fun?"

"Cheers!" They both said in unison.

Napangiwi ako nang makitang may pasa sa mukha ang kambal. Kailangan ko nang rason dahil alam kong magtatanong si Tita Minerva. Sasabihin ko na lang ba na sa sobrang magkamukha ng kambal ay akala nila'y nakatingin sila sa salamin kaya nagkabunggo?

Pagkabalik namin sa bahay ay si Rich ang kumuha sa mga bisikleta namin at nagtago nito sa garahe.

Nang kami na lang ni Arch ay bumaling siya sa akin ng tingin. "Are you used to fighting? You looked good when you fought earlier."

Bahagya akong natigilan. "P-Pinag-aralan ko 'yon. That's just for self-defense."

Damn it. Naging pabaya ako sa kilos ko.

"That's cool though," he smirked. "I was amazed. I want to know you more."

I gulped. I should be careful with my moves for now on.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life