Chapter 3
Chapter 3: No Trace
Inabala ko ang sarili ko sa tanawin habang nakikinig kina Rich and Arch na ngayon ay nag-uusap. Parang ang sarap matulog dito kapag gabi. Malamig at malakas ang hangin. Mula rin dito ay malamang na nakikita ang pagsikat at paglubog ng araw. Naalala ko rati. I would wake up early in the morning just to climb on a tree and watch the sunrise, even sunset.
"Kukuha lang ako ng pagkain natin," sabi bigla ni Rich na ikinalingon nito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa pagitan namin ni Archeon. "Sandali lang ako. Maiwan ko muna kayo." Saka na ito bumaba.
Naiwan kami ni Archeon sa pahabang upuan. Nanatili ako sa gilid habang siya naman ay umusog para sakupin ang lahat ng pwesto. He even spread his legs just to occupy the rest. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya, gano'n din siya.
"How was your stay here so far?" He suddenly interrogated.
I had to pinch myself just to remind myself not to be sarcastic.
Seriously? It should be easy but he didn't give me that.
"Rich made me feel at home," I simply answered.
Tumaas na naman ang kilay niya. "And how about me? Didn't I make you feel at home, too? If I didn't welcome you, I wouldn't probably be talking to you."
I just... smiled.
Ayoko nang away. I am here to feel at peace and not to make a commotion with someone. But I know it is impossible knowing a jerk like him is around. He will always tease the hell out of me and will make sure staying with them is not that simple.
Bigla itong umayos ng upo at humarap sa akin. "I forgot to formally introduce myself to you. I am Archeon Harden, 20. More handsome than Richeon and the most attractive person in this place. Aw." He frowned. "Hindi ko na dapat sinabi 'yon, I just stated what was obvious."
I... cringe.
"Have you met all the people in this place?" I asked.
He shook his head. "Why?"
Then how could you say you are the most attractive person here, self-proclaimed handsome?
Umiling na lang din ako. "I'm just curious. It feels like there are no other people around here than us."
Kaunti na lang talaga at iisipin ko nang bampira talaga sila.
"Why? You bored?" There was this kind of tone in his voice like... he is daring me to say something.
"Kind of," I said, honestly.
"Same." He softly laughed. "Hmmm. May ginagawa ako kapag gabi para hindi ako ma-bored. Do you want to know?"
I gulped. "Sex?"
He laughed hard and so I thought I exaggerated again.
"Yes. Damn it. I finally found someone who can say dirty things," he said, thrilled. "Rich is a boring ass. He doesn't even say sex or dick like saying those things are a sin. And here you are, saying it without even stuttering."
Out of all the things he said I only understood that... I was right with my guess.
"What do you mean sex every night?" I asked, curious.
He grinned mischievously.
Hindi pa man ito nakakasagot ay dumating na si Richeon. May dala itong tray na kung saan nakalagay ang mga prutas. There were slices of apples, peeled oranges and bananas, even green grapes on a separate bowl.
"Kain na," ani Rich.
Umupo silang dalawa ni Archeon sa sahig na gawa sa kahoy dahil wala namang lamesa rito.
Bumaling sa akin ng tingin si Rich nang hindi ako sumalo sa kanila. "Ano na naman ginawa mo sa kanya, Kuya? You're scaring her," dinig kong bulong niya kay Archeon kasabay pa ng mahinang pagsiko nito.
Archeon gazed at me, too. "Can you repeat it?" he asked.
"Ano?" naguguluhang kong tanong.
"Show my brother that saying that is not a sin," he dared me.
I rolled my eyes. "You may be right but saying that out of nowhere is not good either."
"Huh?" Si Richeon na naguguluhan.
Umupo ako sa lapag, katabi kay Rich at kumuha ng hiwa ng mansanas.
"He wants me to say the word sex," I said before taking a bite.
Napaubo si Richeon. "What the hell, Kuya? Did you really --- I'm sorry, Amira."
I just shrugged my shoulder.
"We have talked about this," I heard Rich whispered.
"What's not good about saying sex? We all do that, maybe not now, but surely, someday," Arch tried to depend on his shallow argument. "Don't be overdramatic again, Rich."
Napansin kong nakangiwi si Richeon.
"It's fine. I'm used to it," sabi ko na lang para hindi na niya pahabain ang usapin.
"See?" pagmamayabang pa ni Arch.
"Stop," Rich warned him.
Arch just chuckled it away.
"Kukuha lang ako ng tubig," ani Rich.
Tatayo na sana ito pero pinigilan ko siya. "Ako na," pagkukusang-loob ko bago tumayo.
Nagpaumulit pa si Rich pero bumaba na agad ako para wala na rin siyang magawa. Ayoko nang maiwang mag-isa kay Archeon.
Pumasok ako sa kusina kung saan naabutan ko si Tita Minerva na busy sa kanyang laptop. Dumiretso ako sa fridge para kumuha ng tubig. Kumuha rin ako ng tatlong baso para sa amin. Dahil nauuhaw na ay nauna na akong uminom.
"Can we talk?" biglang tanong ni Tita Minerva. Saka ko lang napansin na kanina pa pala siya nakatingin sa akin.
Tumango ako bago binitawan ang pitsel at mga baso. Lumapit ako sa kanya at umupo sa hinarap niyang bakanteng upuan. She closed her laptop before focusing her attention to me.
"I don't usually stay here at night," she said. "Walang nagbabantay sa mga anak ko. Can you do me a favor?"
I think I already know it. I will be the mother of the Cheon Brothers when she is gone.
"Sure," I said.
Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Ngumiti si Tita. "Gusto kong bantayan mo sila. And I want you to tell me everything you know. Hindi na kasi nagsasabi sa akin si Rich. Madalas ay nagsusumbong siya sa akin dati pero nitong mga nakaraang buwan ay madalang na. I'm worried. Kahit na gusto kong huwag nang umalis ay hindi pwede, I need my job."
"Sige po."
Huminga ito nang malalim at hinawakan ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko ro'n. Hinaplos niya pa ito.
"Thank you. Please, do tell me everything you know. All right? Especially about---"
"Richeon," I cut her out. Muli akong tumingin sa kanya.
Natigilan ito. "D-Did he tell you?"
Tumango ako.
"Yes, please?" She smiled again. "I'm counting on you, Amira. My sons' life are at stake here. Ikaw na ang bahala sa kanila. Also, don't forget about Archeon. He's harder to deal with than Rich."
I mentally rolled my eyes. As if I didn't know that.
"Okay po. How about my phone?" I reminded her just in case she already forgot. "I mean I am not obliging you to buy me one but it would be nice if you would do so. Para naman po may panglibang ako rito."
She nodded. "Sure. Pagbalik ko ay bibilhan kita. But I am warning you, the signal here is kind of... you know? Mahirap makakuha ng signal. Kaya nga hindi na nag cell phone sina Richeon at Archeon ay dahil na-frustrate lang sila."
"Really?" I felt disappointed even though I already expected it.
Aw. How 'bout my Facebook account then? Naka-200 likes na kaya ang bagong profile picture ko? The last time I checked it, it was just 150 likes. I'm sure it passed 200 likes by now. I can get 200 plus likes in a span of three weeks.
Matapos ng pag-uusap ay lumabas na rin ako. Pagkarating ko sa taas ay kumunot agad ang noo ni Archeon na nakaupo na ngayon sa pahabang upuan. Si Richeon naman ay nanatili sa lapag, halata ring naguguluhan ito habang nakatingin sa akin.
"May I ask you why you needed to go down?" Archeon asked.
Shit.
"It's not my fault, you didn't remind me," I made an excuse.
Marami kasing sinabi si Tita Minerva kaya nakalimutan kong kukuha nga pala ako ng tubig.
"What?" Arch asked, annoyed.
Tumayo si Rich. "Ako na," aniya.
"Cheons!" dinig kong sigaw ni Tita Minerva sa baba. Sumilip ako. "Nakalimutan mo ata ang tubig na kinukuha mo, Amira? Here! Tate it." aniya.
Si Rich ang bumaba para kunin 'yon. Hindi ako makatingin kay Archeon na masama ang tingin sa akin.
"Fine. I forgot!" pagsuko ko.
"Lame," he whispered.
Did he just call me lame? I need a notebook so I can list down all the things Archeon says, isusumbong ko talaga siya kay Tita Minerva.
And then I remember our rules... Shit. Oo nga pala. Paano ko masasabi kay Tita Minerva kung nangako rin ako sa Cheon Brothers na hindi magsusumbong? And I can't just break it. I'm suddenly torn between the two promises I made.
We had dinner together. Si Tita Minerva lang ang sasalita saka si Rich. Si Archeon naman ay kain lang nang kain. Napapangiwi ako dahil sa lakas nito kumain. Tapos magsasalita siya kahit na puno ng pagkain ang kanyang bibig. Walang respeto.
"Amira, can you help me on the dishes?" Tita Minerva asked when I was about to exit the kitchen.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumulong. Napansin ko pa si Archeon na kumuha ng baso at nagsalin ng tubig saka nito pinatong sa lamesa ang pinag-inuman. Hindi man lang niya inabot sa amin kahit na alam niyang naghuhugas na kami!
"Wala pong respeto si Archeon 'no?" tanong ko kay Tita na ikinatawa nito.
"Hindi naman. Ewan lang kung bakit nagkakaganyan 'yan," sagot ni Tita. "Siguro ay dahil nagseselos lang siya sa binibigay na atensyon sa 'yo ni Rich."
Lame...
"Ang bait po ni Rich," sabi ko.
"Mabait din naman si Arch," pagtatanggol pa ni Tita.
"Kapag tulog siguro," bulong ko pero hindi na niya narinig dahil umalis siya para kunin ang baso ni Arch.
Pagod na pagod ako matapos maghugas ng mga plato. Pagpasok ko sa sala ay naabutan ko si Arch na nanunuod ng TV. Nakahiga ito sa sofa nakapatong ang isang binti niya sa itaas ng sofa habang ang isa ay nakabagsak. Napaiwas ako ng tingin dahil nakaharap pa siya sa akin.
Napatingin ako kay Rich na kabababa lang mula sa ikalawang palapag. Napatingin ito kay Arch at napailing na lang.
"We only have three rooms here," ani Rich. "Dito ka na lang daw sa kwarto ni Mommy. Hindi rin naman kasi siya rito natutulog kaya pwede ka ro'n."
Ngumiti ako. Aakyat na sana ako nang bigla siyang bumaba. Binuksan niya ang isang pinto malapit sa bungad ng kusina.
"Dito, Amira," aniya.
Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.
Hindi ako sa itaas?! Hmmp!
Sumunod ako kay Richeon sa kwartong pinasukan niya. Naabutan ko siyang sinasara ang sliding door na bintana. Ibinaba niya rin ang bintana. May isang kama rito na sapat lang para sa isang tao. May isang cabinet na malamang ay lagyanan ng damit.
Damit?
Wala akong damit.
"Sandali lang, ah? Kukuha lang ako ng mga bagong punda para sa 'yo," ani Rich bago umalis.
Naiwan ako sa loob. Lumapit ako sa salamin ng cabinet. Gulo-gulo ang buhok ko. Ramdam ko na rin ang lagkit sa katawan ko. Gusto ko nang maligo pero wala naman akong isusuot. Hindi rin naman pwedeng matulog ako nang ganito na lang.
Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Tita Minerva sa kusina.
"Oh? Nakita mo ba ang magiging kwarto mo?" tanong niya nang tigilan ang pagpindot sa kanyang laptop.
Tumingin ako sa damit niya. "Pahiram ng damit, Tita. Gusto kong maligo eh."
"Ah. Oo nga pala, sorry." Tumayo ito at lumabas ng kusina kaya sumunod ako.
Pumasok kami sa kwarto ko. Binuksan ni Tita Minerva ang kanyang cabinet. "Maghanap ka na lang nang kakasya sa 'yo, ah? Ngayon lang naman. Bibilhan na lang din kita 'pagkabalik ko bukas."
"I love color white, pero pwede rin pong blue or yellow," sabi ko baka kasi ibili niya ay kulay pink.
Ew.
Yumuko siya at binuksan ang isang drawer. Kinuha nito ang isang plastic. "Ito lang ang mga hindi ko nagamit na underwear. I'm sure kasya naman sa 'yo 'yan. Saka may hindi pa nagamit na toothbrush sa CR, naka-balot pa. Kumuha ka na lang do'n, ah?"
Tinanggap ko 'yon. "Salamat po."
"Sige. Sandali lang, ah? Tinatapos ko pa kasi ang report ko eh," aniya bago lumabas.
I rummaged her closet. May taste naman sa damit si Tita. Hindi pang matanda na bistida ang mga damit niya. Hindi rin ako nahirapang maghanap dahil halos magka-size lang naman kami. Naramdaman kong may pumasok. Kahit na hindi ako lumingon ay alam kong si Rich 'yon.
"Pahiram ng tuwalya," sabi ko habang tumitingin pa nang mas magandang damit.
"Yung akin ba? Okay lang ba kahit na pinantapis ko na sa katawan ko?" Shit. It was Archeon.
Humarap ako sa kanya, naabutan ko siyang nakahiga sa kama habang nakatingin sa akin.
"Never mind," I said.
"Ang arte mo talaga. Mabango naman ako," aniya.
"Pinantapis mo na sa katawan mo eh," nandidiri kong sabi.
"Meron naman po akong hindi pa nagamit, Madam. Kunin ko lang po sandali ah?" Pabagsak na tumayo ito at umirap pa sa akin. "Ang arte," pahabol pa niya bago lumabas.
Pagkalabas ni Arch ay si Rich naman ang pumasok. May mga dala itong punda at inumpisahan nang palitan ang mga luma.
"Maliligo ka? May tuwalya ka na?" tanong ni Rich nang mapansin ang hawak kong damit.
"Wala pa," sagot ko.
Tumango siya. "Ikukuha lang kita."
Lalabas pa lang sana siya nang dumating si Archeon. Walang pasabi na hinagis niya 'yon sa akin at hindi ko nasalo, bumagsak sa mukha ko. Napapikit ako sa inis bago inalis ito sa aking mukha. Wala na rin si Arch pagkaalis ko ng tuwalya sa mukha.
"Bastos," sabi ko.
"Pasensya na," natatawang sabi ni Rich.
Lumabas na ako ro'n. Naabutan ko si Arch na nakahiga na uli sa sofa sa sala. Dumiretso na ako sa kusina kung nasaan ang CR. Hindi na ako nilingon ni Tita Minerva na busy. Pumasok ako sa loob at kinandado ang pinto.
Isinabit ko ang tuwalya ang mga damit ko bago naghubad. Bumagsak ang tingin ko sa puson ko kung saan may mga kalmot. Tumalikod ako sa salamin para tingnan ang aking likuran, namumula pa rin ang mga kalmot. Natigilan ako nang maalala na dinala ako ni Tita Minerva sa ospital.
Nakita ba niya ang mga kalmot na ito?
Umiling ako. Imposible. Hindi niya nabanggit kaya malamang na hindi nila nakita.
I clenched my fists. "I am no longer going back to hell," I whispered.
Inumpisahan kong maligo. I ran the cold water on my body as I made sure that no trace of my past would be left on it. No trace of that girl would stay in me. No. I will make sure that I won't lose this life I have now.
I should forget about that. It doesn't matter anymore. They won't find me. I am safe.
I am no longer that girl... I am no longer that fucked up woman.
I looked at my reflection in the mirror.
"I am Amira now," I whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro