Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Chapter 26: Soon to End

Hindi ko pinagbuksan ng pinto si Archeon kahit na ilang beses na siyang kumatok at tinawag ang pangalan ko. Sinarado ko rin ang bintana kung sakali mang tangkain niyang doon pumasok. Nanatili akong nakakubli sa loob, nakaupo sa kama at hawak ang isang piraso ng papel.

"You will be the downfall of this family."

Sa tingin ko ay alam ko na kung ano ang parusang ipinataw nila sa akin. Sa lahat ng maaaring parusa ay hindi ko inakalang dito ang bagsak. Kilala talaga nila ako. Kilala nila kung sino ang babaeng ito at kung ano ang kahinaan niya. Hindi nakapagtataka. Sila ang nakasama ko sa mahabang panahon.

"Amira, can we talk?" I heard Archeon's voice again. Mukhang wala talaga itong balak na tigilan ako hanggat hindi ako nakakausap."Just give me a second. Please? Pagkatapos ay hahayaan na muna kitang mapag-isa."

Nilukot ko uli ang papel na hawak ko saka itinapon sa basurahan. Huminga ako nang malalim bago pinagbuksan ng pinto si Archeon. Tumambad sa akin ang nag-aalala niyang tingin. Sinubukan niyang lumapit pero huminto rin siya at pinanatili ang malawak na pagitan sa amin.

"You have me whatever happens." That's the first thing that came out of his mouth.

That melted me. After all, you are still with me.

Mas lalo akong natunaw nung ngumiti ito. "That's what all I wanted to say." Mahina pa itong tumawa habang kumakamot sa batok na parang nahihiya. "I hope that makes you feel better. You have me, Amira. Remember? I am holding the string of your kite. I won't let it go."

Wala akong nagawa kung hindi ang tumitig sa kanya. Tila tinakasan ako ng mga salita sa sandali itong. Pero nagawa niyang pagaanin ang nararamdaman ko. Matapos ang lahat, alam kong may isang tao pa ring nandyan para sa akin.

"Take a rest, babe." Saka na ito tumalikod.

Maglalakad na sana ito palayo nang bigla ko siyang niyakap mula sa likod. Sinandal ko ang ulo ko sa kanya. Naramdaman ko naman na hinaplos niya ang kamay ko. Hindi ako nagsalita, gano'n din siya. Nanatili akong nakayakap sa kanya hanggang sa unti-unti na akong kumawala.

Walang lumabas na salita sa bibig ko hanggang sa makapasok ako uli sa kwarto at maisara ang pinto.

Kinuha ko ang cell phone ko at bumalik sa kama. Nakikinig lang ako sa kanta habang nakahiga. Ito ang madalas kong gawin kapag naguguluhan, nakikinig ng kanta. Nakakatulong ito para mas maintindihan ko kung ano ang nararamdaman ko.

Pero hindi ito gumagana sa mga sandaling ito. Naputol ang kanta at napalitan ang tunog. Kinuha ko ang phone ko at sinilip.

Unknown number calling...

Without any hesitation, I answered the call. I heard a chuckle from the other line. "Ang bilis mo namang sagutin. Hindi naman halatang na-miss mo ako."

Goosebumps shivered on my skin when I heard his voice again. I knew it.

Huminga ako nang malalim. "What do you want?"

"You know the answer, Amira," he responded. "Amira. Nice name."

Napansin kong nanginginig ang mga kamay ko. Damn. He didn't change after all. He is the only person capable of giving me this feeling of uneasiness. Just by hearing his voice and knowing he must be staring at me from somewhere.

"It's been a long time." Sumeryoso ang tinig nito. "Wait. Hindi dapat ganito ang unang pag-uusap natin matapos ang matagal na panahon, hindi ba? You should be showering me with kisses just like what you used to do."

I gulped. "I am not that girl anymore."

He laughed loudly. "No matter who you are right now, you are still that girl. Even tho you changed your name, you are still that slut. Do you really think you can escape from me? I have wasted years to find you, bitch. No more hiding now."

Nanghihina ako sa bawat na salitang lumabas sa kanyang bibig. Kahit na anong pagpapakatatag ko ay hindi ko maitago ang pangamba na unti-unting lumalaki sa loob ko. Kilala ko ang lalaking ito at alam na alam ko kung ano ang kaya niyang gawin.

"Try me," I dared him.

He chuckled again. "Is that how you talk to the Alpha?"

I felt goosebumps again. It's been a long time since I've heard that name.

"What's our one and only rule again, Miss Amira?" he asked again. "You must have forgotten the most sacred vow of our packs."

Napapikit ako sa sobrang bigat ng dibdib. "I am ready for any punishment."

"Now, until the end," he said that pushed my tears to fall down my eyes. "And what happens to those who dare to break that rule?"

Hindi na ako nagsalita dahil baka malaman niyang umiiyak ako. Iyon ang pinakagusto niya, 'pag nakikita niyang nanginginig sa takot ang mga tao sa kanya. Iyon ang nagbibigay ng saya sa kanya. Nakita ko na ito. Nasaksihan ko na nang ilang beses.

"Wait. Your punishment?" Humalakhak siya nang malakas.

No... please.

"You really think you are the only one who deserves punishment? I am afraid, not."

"Ako na lang, pakiusap."

"No," matigas niyang sambit. "The punishment will be served to you and to all the people you love."

Doon ko na siya binabaan ng tawag. Nabitawan ko ang cell phone sa kama saka tinakpan ng kamay ang bibig para hindi lumabas ang hikbi.

"You will be the downfall of this family."

Naiintindihan ko na ngayon. Malamang na sila ang may kagagawan kung bakit nalaman ni Rich ang text ni Camille kay Archeon bago siya namatay. Malamang na planado na ang lahat. At malamang na nakahanda na ang susunod nilang hakbang.

Tumunog uli ang phone ko. Isang mensahe galing sa hindi kilalang numero.

"Your story is soon to end."

Natulala na lang ako. Tila naubusan na rin ako ng mga luha.

My story is about to end. It's hard to accept but I know that's the only thing I am sure right now. Natanggap ko na 'yon, matagal na. Pero ang hindi ko matanggap ay maging ang mga kasama ko'y nadamay. Iyon ang labis na bumabagabag sa akin. Kaya kong tanggapin ang sakit pero hindi ko kayang makitang sila ang nasasaktan.

Gamit ang nanginginig kong kamay ay nagtipa ako ng sagot. Nakatitig lang ako sa screen ng cell phone matapos ko 'yong maipadala. Hindi tumagal ng isang minuto ay nakatanggap ako ng mensahe uli.

Wala sa sariling napangiti ako. I need to fix the mess I created. It's happening tonight.

Everything ends tonight.

Meron pa akong natitirang ilang oras. Inayos ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. Namumula pa ang mukha ko kaya gumamit ako ng pulbos. Hindi madalas ay tinirintas ko ngayon ang sa gilid ng buhok ko.

Pigil na pigil akong magbuhos na naman ng luha.

No. I won't shed tears anymore.

Natigilan ako nang mapadako ang tingin sa batok ko. Hinawakan ko ang tattoo doon. Ang ganda talaga tingnan. Sana pala dati pa ako nagpalagay ng ganito. At sana rin ay dati ko pa natagpuan ang pamilyang ito. Hindi ngayon na bilang na ang oras ko.

Wala sa sariling napangiti ako. "You are my best experience, Amira," I whispered.

Lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko si Archeon na nanunuod sa sala. Napunta sa akin ang tingin niya. Nginitian ko siya ngunit titig lang ang naisukli niya. Umupo ako sa tabi niya at binalingan ng tingin ang TV.

"Sports na naman?" Ngumiwi ako. Tumingin ako kay Arch na nanatiling nakatingin lang sa akin. "Can we watch something romantic, please? I am not into romance movies but I am in the mood to watch one."

He just nodded. Kinuha niya ang remote control at naghanap ng magandang romance movie. Out of all the movies, he stopped on Before I fall. It was a movie adaptation of a book. Ang sabi ni Archeon ay nabasa na niya ang libro no'n.

Tahimik lang kami. Ramdam ko ang pagsulyap sa akin ni Archeon. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at inakbayan naman niya ako. Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko pero pinigilan ko. Ayokong magsayang ng segundo sa pagtulog.

The movie ended. Wala pa ring kumilos sa amin ni Arch. Nakasandal pa rin ako sa balikat niya at nakaakbay naman siya sa akin.

Damn. That was a cool movie.

Umangat ang tingin ko kay Archeon. Saka ko lang napagtanto na siya pala ang nakatulog. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakaakbay niya sa akin at marahan siyang inihiga sa sofa. Nilapit ko rin ang mesa para hindi siya mahulog.

Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha. Hindi ako nakuntento at hinawakan ko pa ito. Marahan na hinaplos ko ang pisngi niya, papunta sa kanyang ilong at pababa sa kanyang labi. Yumuko ako at ginawaran ito ng isang halik.

"You are the reason why I don't regret being born in this lifetime," I whispered. "I am so glad I found you before I exit this world."

When life sucks, it's just your life and not you. Hold on to yourself. You can work it out. You can be better. You can conquer.

Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang may bumaba sa hagdan. Si Rich na kagigising lang, halatang nagmamadali ito at may lakad na naman.

"May problema ba?" tanong ko kay Rich.

Naalimpungatan din si Archeon na mabilis na bumangon. "Hey. Where are you going?" Nagkusot pa ito ng mga mata.

"Camille's phone..." Lumunok si Rich, halatang kabado. "Natagpuan ang phone ni Camille sa waiting shed. Kung hawak niya ito nung nasagi siya ng sasakyan dapat ay tumalsik din ito kasama niya pero hindi. Nasa waiting shed pa rin ito."

"Richeon!" babala na sambit ni Arch. "Stop right now."

"Kung gano'n ang nangyari, malamang na nabitawan niya ang phone niya bago pa siya nasagi ng sasakyan," pagbabalewala ni Rich sa banta ni Arch. Nakita kong kumuyom ang mga kamao niya. "Maybe someone pushed her. Nung pagkatulak sa kanya ay nabitawan niya ang phone niya."

Nanlambot ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ang patagong paghawak sa 'kin ni Arch.

"Magpahinga ka muna, Rich," mahinahong sabi Arch. "Medyo nakainom ka pa. Baka kung mapaano ka."

"Baka may CCTV camera na nakakuha sa nangyari," desididong sabi ni Rich. "I will just check it out. Babalik din ako agad dito, Kuya."

Mabilis na tumayo si Arch at humarang sa daan ni Rich. "That can wait. Hilo ka pa, Rich. Kung pipilitin mong umalis ngayon, baka kung mapaano ka sa daan. Kapag may nangyari sa 'yo ay mas matatagalan bago mo makita 'yon."

"Pero, Kuya-"

"Please?" Arch begged. Hinawakan niya pa ang balikat ni Rich at mahinang hinaplos 'yon. "I need you to take a rest for now. Kapag mas maayos na ang pakiramdam mo ay sasamahan pa kita."

Nakipaglabanan ng tingin si Rich at hindi nagpatinag si Arch. Hanggang sa bumuntong-hininga si Rich bago tumango. Napatingin siya sa akin at agad na kumunot ang noo.

Kumabog ang dibdib ko.

"Am I just drunk or there's something wrong with you now?" He narrowed his eyes before a laugh escaped his lips. "You braided your hair. Cool. Bagay sa 'yo."

Nawala ang kaba sa dibdib ko. Napahawak ako sa buhok ko. "Thanks."

He smiled. "Camille does that, too."

"I'm sorry..." That suddenly came out of my lips.

Nakita ko ang pag-awang ng bibig ni Archeon.

"I feel sorry for her, too," Rich said. "And the only way to remedy this feeling is to find out what really happened the night."

Malungkot na napangiti na lang ako. He misunderstood what I said and that didn't help at all, mas lalong bumagsak ang pakiramdam ko. Sa dami ng gusto kong sabihin at sa dami ng gusto kong linawin ay, "Yeah. You do that. She'll be happy." Iyon na lang ang sinabi ko.

I'm sorry, Rich. I'm sorry for taking her away from you. I'm sorry for being the reason why you are always crying. Please, forgive this lonely stranger. When I see her from the outside world, I will tell her how much you loved her. I will tell her the things you didn't get to say. I will make sure she will know how much she meant to you.

Hinatid ni Arch sa itaas si Rich.

Lumabas ako sa likod ng bahay. Namutla ako nang may matanaw sa hindi kalayuan. Nangatog ang tuhod ko nang mapansin na hindi lang isa, dalawa o tatlo ang ngayon ay nasa paligid namin. There were eyes everywhere. So, they were really watching me from afar huh?

But, I know they won't attack us. Nakipagkasundo na ako sa leader nila. Malamang na andyan lang sila para manmanan ako... kami.

Napapikit ako nang dumampi sa balat ko ang sariwang hangin. Pagkamulat ko ay nakangiting mukha agad ni Archeon ang bumungad sa akin. Sobrang lapit niya sa akin. Napaatras ako dahil sa gulat.

Tumawa ito. "Why are you being dramatic and closing your eyes?" he asked.

"Akala ko kasi makakalipad ako," biro ko.

"Do you wanna fly?" Namilog ang kanyang mga mata.

Mabilis na tumango ako. "Do you have some fairy dust to make me fly huh?"

He chuckled. "You love fantasy, babe huh? But I can make you fly. Wait me on the bench." Saka na ito nagmadaling pumasok sa loob.

Umupo ako sa bench habang naghihintay. Pagkalabas niya ay may hawak siyang lubid. Nginitian niya pa ako. Umakyat siya sa itaas ng tree house. Sumunod ako sa kanya. Itinali niya sa puno ang dulong bahagi ng lubid. Saka niya ibinaba ang kabilang dulo ng lubid.

"Zipline?" I asked.

"At least it can make you fly even in just seconds," natatawa niyang sagot. "Wait me here, Itatali ko lang ang kabila." Saka na siya bumaba uli.

Napailing na lang ako. Sumilip ako sa bintana kung saan tanaw ang lawa. Hindi ko magawang pagtuonan ng pansin ang tanawin dahil pansin ko ang mga taong nakapaligid sa amin. Ipinagsawalang-kibo ko na lang 'yon.

"Done!" nakangiting sabi ni Arch pagkaakyat. "Are you ready to fly, babe?"

Pinagmasdan ko ang lubid na nagdudugtong mula sa punong ito hanggang sa hindi kalayuang puno.

"How?" I asked again.

Pinakita niya sa akin ang dalawang tela, sa kanya ang isa at ibinigay naman niya sa akin ang isa pa. Mukhang ito ang panlalambitin namin patawid sa kabila.

"Huwag mong bibitawan kung ayaw mong mabalian ng buto," paalala pa niya.

Pinagmasdan ko ang kabilang puno. "Sira ka ba? Kaya kong hawakan ang tela at makatawid pero 'di ko kayang ihinto ang pwersa ko. Babangga ako sa puno!"

Sapol kami sa katawan ng puno sa dulo kapag hindi napigilan ang pagdausdos.

He laughed softly. "That's why I'll go first. Sasalubungin kita."

"Can you manage to stop your force before you even hit the tree?"

He winked at me as he said, "Basic. Saka ayoko namang halikan mo 'yung puno. Ako lang dapat ang makakahawak diyan."

Hinampas ko ang balikat niya na ikinatawa niya lang.

"I'll go first." Inayos na niya ang tela sa lubid. Ipinulupot niya sa mga kamay ang magkabilang dulo ng tela saka siya bumaling sa akin. "Give me energy. Just one kiss, please?"

I chuckled and gave him a peck on the lips.

"Damn. One more?" He bit his lower lip.

"Sige na!" Tulak ko sa kanya.

Tumawa lang ito bago humarap sa lubid. "I will be waiting for you from the other side," he whispered.

Saka na ito tumalon. Napangiti ako nang makita ang dahan-dahan niyang pagragasa sa lubid at bago pa man siyang sumalpok sa puno ay pinigil na agad niya ito gamit ang kanyang mga paa. Napapalakpak ako na parang bata dahil sa ginawa niya.

Humarap siya sa akin. "Sarap! Ikaw naman, babe!"

Hinanda ko na ang sarili. Ginawa ko kung ano ginawa niya. Mahigpit na ipinulupot ko sa mga kamay ang tela para mas mahigpit ang kapit. Sa hindi kalayuan ay tanaw ko si Archeon na nakaabang na. Nakabuka pa ang mga kamay niya na parang hinihintay na ako.

"I'm waiting from here, babe!" he screamed.

Natulala ako sa kanya. Panandaliang tumigil ang paligid. I will also be waiting for you from the other side of the world. No matter how long it takes, I will be waiting.

Huminga ako nang malalim bago tumalon. Napasigaw ako sa pagkalula. Tinangay ng hangin ang buhok ko. Sobrang sarap sa pakiramdam, nakalutang sa hangin, at may nag-aabang sa akin sa babagsakan ko.

I could see him smiling from afar, waiting for me with arms wide open.

Napasinghap ako nang niyakap ako ni Archeon nang maabot. Dahil sa lakas ng pwersa ay napaatras siya at napasandal sa puno. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa kasabay ng paghigpit ng yakap niya sa akin.

"Ayos ka lang?" alalang tanong ko.

"Nakayakap ka sa akin, paano ako hindi magiging ayos?"

Hindi lang isa o dalawang ulit ang ginawa ko. Nakaapat pa nga ata ako. Kung hindi ko lang napansin na pagod na si Arch ay hindi pa ako hihinto. Pinaupo ko muna siya sa bench saka ako kumuha ng tubig sa loob. Nang maubos namin ang tubig ay ipinasok ko uli ang mga baso.

Wala sa sariling napatingin ako sa wall clock. It's already 5pm. Hours from now, I will leave everything behind.

Tumabi ako kay Arch pagkabalik. Sumandal ako sa balikat niya habang siya naman ay pinaglalaruan ang buhok ko.

"Si Rich..." bulong ko. "Should I tell him the truth?"

Wala akong nakuhang sagot sa kanya.

Aalis na rin naman ako mamaya. Gusto kong sa akin na niya malaman ang totoo. Magpapagod lang siya. Sa bandang huli ay sa akin pa rin naman ang bagsak.

"Dati, ang gusto ko ay mawala na," biglang sabi ni Arch. "I don't know. Maybe because I felt useless and nothing but a burden to my family that time. I wanted to end it all. Pakiramdam ko rin no'n ay wala na akong pag-asa."

Same, Archeon.

Mahina siyang tumawa. "Gano'n pa rin naman ngayon, wala pa rin akong pag-asa. But I don't want it to end yet. Ang dami pang rason para manatili ako. Mom, gusto kong bumawi sa kanya. Sa lahat ng pasakit na dinulot ko. Rich, he needs me now more than ever. I want to be here longer for him. And for you, Amira. I want to be with you longer."

Hinaplos ko ang isa niyang kamay.

"But I am running out of time," he mumbled. "I can no longer make up for every bad thing I gave to Mom. I can still be with Rich but I won't be there anymore when he is completely healed from devastation. I am feeling weaker every day."

"You are a gift for them. You don't need to do anything, Arch."

"But, I mean it when I said you have me until my last word."

I closed my eyes. "Same, Arch. You have me until my last breath."

"Whatever happens, I want to meet you from the other side."

Sumikip ang dibdib ko. "Yeah. Let's meet there, babe."

Kinagabihan, habang tulog ang lahat ay gising ako. Nakaharap ako sa salamin. Pinagmasdan ko ang sarili. Suot ko ang makapal na jacket at maging ang talukbong nito. Inayos ko ang kwarto kung paano ko ito dinatnan no'ng una. Nakapatong sa lamesa ang cell phone na bigay ni Tita.

Sayang lang at hindi ko magagawang makapagpaalam kay Tita Minerva. Pero gagawin ko naman ang pabor na matagal na niyang gusto.

Ngumiti ako sa sarili ko bago tumalikod at lumabas na ng kwarto.

Tahimik na sala ang tumambad sa akin. Pinulot ko ang throw pillow na nahulog sa sahig, itinabi ang remote control. Sumunod ay pumunta ako sa kusina at sinigurong malinis. Nang maayos na ang lahat ay bumalik na ako sa sala. Pinagmasdan ko ang hagdan paakyat.

"Sleep well, babe," I whispered. "Be good, Rich."

Thank you for accepting this stranger, Cheon Brothers.

Pinasok ko sa loob ng bulsa ng jacket ang aking mga kamay at pagkalabas ay may nakaabang ng itim na sasakyan. Sandali akong tumigil para pagmasdan uli ang bahay. Patay ang ilang sa itaas at mahimbing ang tulog ng kambal.

I know I will break your heart by leaving without goodbye. So, forgive me, Cheon Brothers. Go back to what you guys used to. You will also forget about the stranger girl who was once a part of the Cheon Brothers. Thank you for the memories. Until then.

I wiped my tears before I stepped inside the car.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life