Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25: Downfall

I'm marked and that means I am their target now. What will be my punishment? I couldn't help but wonder what would it be. They have a long list of punishments ready to impose on someone who broke the rule. And that someone is me. Nevertheless, I know where it is coming. There's only one ending to this story. I can see it now.

Hindi ako nakatulog nang maayos. Sa tuwing nakakarinig ako ng kaluskos ay napapabangon ako sa kama. Kasabay ng pagtakbo ng oras ay ang pagtakbo ng kaba sa dibdib ko. Alam kong maaari silang umatake kahit na anong segundo. Gagawin nila 'yon sa oras na na hindi ko inaasahan.

Nagising ako na may pakiramdam na mali. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ay ang pader dahil nakagilid ako paharap sa bintana. Sa likod ko ay alam kong may tao.

Gumilid ako sa kabila. Bumungad sa akin si Archeon na nakasandal sa ulunan ng kama at nagbabasa ng libro. Bumaba ang tingin niya sa akin. Ang pagkaseryoso ng mukha niya ay nalusaw ng isang matamis na ngiti.

"Good morning, babe," he greeted me.

Napakurap ako. Ngayon ko lang napagtanto kung ano ang mali na nararamdaman ko. Archeon is inside my room, sitting beside me while reading a book.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Bahagya siyang umusod palayo sa akin. "Breathe." He chuckled as he continued, "To make your morning even better? I mean, ako ang bubungad pagkagising mo. Isn't that a better way to start a day?"

Hindi ako kumibo. Bumangon ako at nag-inat ng katawan. Lumapit ako paharap sa salamin. Gulo-gulo ang buhok ko at may muta pa sa mga mata. I look like a witch ready to cast a spell on someone who broke in my room while I was asleep.

Nakita ko sa reflection ng salamin si Archeon na sa libro na ang atensyon. Seryoso ito sa pagbabasa. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. This is my first time seeing him reading a book. He looks peaceful.

"I can feel you staring at me," he said, still eyes on the book.

Mabilis na nag-iwas ako ng tingin. Kumuha ako ng damit sa closet at kinuha ko rin ang nakasampay na tuwalya. Palabas na sana ako pero huminto ako sandali para balingan si Archeon na nanatili sa kanyang pwesto, tutok pa rin ito sa pagbabasa.

"Wala ka bang balak lumabas?" tanong ko.

I didn't get any response from him. Napailing na lang ako saka lumabas na. Naabutan ko si Rich na pababa ng hagdan. Bagong ligo ito. Nakasandong ito na may mga mga patak pa ng tubig. Mukhang nagmamadali ito.

"Hey. May pagkain na sa kusina," aniya bago dumiretso sa mga lalagyan ng tsinelas. "Kumain na kayo ni Kuya. Huwag niyo na akong hintayin."

"Saan pumunta mo?"

Sandali siyang tumingin sa akin. "Downtown. Sige na, Amira. Baka mamaya pa ako makabalik. Ikaw na muna ang bahala kay Kuya ah?" bilin pa niya.

Tumango ako. "Ingat," paalala ko pa bago siya tuluyang nakalabas.

Dumiretso na ako sa CR. Sinampay ko ang mga damit ko at tuwalya. Tumingin ako sa salamin. Hinawi ko ang mga kumawalang hibla ng buhok sa tainga ko. Natigilan ako nang mapatingin sa aking kamay. Wala na ang bahid ng dugo pero hindi ibig sabihin no'n ay wala na.

Nagsisimula pa lang.

Hinubad ko na ang saplot sa katawan ko at nagbabad sa tubig. Pumikit ako habang dinadama ang malamig na tubig sa katawan. Mabilis na napamulat ako nang maalala ang dugo. Tila bangungot 'yon na paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko.

I know where this one is heading but that doesn't mean I will let it happen it just a swift. I am not going to escape anymore. I am not going to hide. I am staying. I will face them. They can do anything they want. And I will fight.

If they think they can easily get rid of me, they better think of another plan just in case the first one fails.

Nang matapos maligo at makapagbihis ay lumabas na ako. Tumambad sa akin si Archeon. Andito na pala siya sa kusina. Hanggang ngayon ay sa libro pa rin ang tingin niya. Pero napansin ko ang dalawang plato na nakahanda.

"Bilisan mo para makakain na tayo," aniya nang hindi man lang lumilingon.

Napatingin ako sa mga maruming damit na hawak ko. Dumiretso ako sa mga labahan at nilagay 'yon doon. Saka ko lang napagtanto na hindi pa dumadating 'yong labandera na kumukuha sa mga maruming damit.

Sandali akong bumalik sa kwarto at nagpatuyo ng buhok. Nagsusuklay na ako nang masagi ng kamay ko ang pulbos. Gumulong ito sa ilalim ng kama. Yumuko ako at pinulot ito. Napansin ko ang isang papel na naroon. Kinuha ko ito.

"Marked." Ito 'yung kagabi. I crumpled it on my hand. I tore it into small pieces and threw it in the traschcan. Saka na ako bumalik sa kusina.

Umupo ako sa tapat ni Archeon. Ibinaba niya ang libro at itinabi. Pinanuod ko siyang ipagsalin ako ng pagkain sa plato. Ako ang inasikaso niya bago siya. Napansin kong mas marami ang pagkain ko kesa sa kanya.

"Tapos ka na?" tanong ko nang maubos niya ang kaunting pagkain. "Seryoso ka ba, Archeon? Ang konti lang ng kinain mo."

"I'm still full," he said. "Kumain ako kanina."

Siya ang nagprisinta na maghugas ng mga plato. Sinabi kong tutulungan ko siya pero kaya na niya raw. Hindi na lang ako nagpumilit. Nasa gilid niya lang ako at pinapanuod siya. Marunong siyang maghugas. Mabagal pero malinis.

Napadako sa mga maruming damit ang tingin ko. Kinuha ko ang mga 'yon at lumapit sa CR. Itinaktak ko ang mga labahan sa sahig at pinaghiwalay ang mga puti sa may kulay. Ramdam ko ang maya't mayang pagtingin sa akin ni Archeon.

"Marunong kang maglaba?" tanong niya.

"Gagawin ko ba 'to kung hindi?" pabalang na sagot ko.

I heard him chuckled. "The answer is just yer or no. Chill, babe."

"No."

He laughed softly. "Wait. Let me help you." Lumapit siya sa akin. Binalingan ko ng tingin ang kaninang ginagawa niya. Tapos na pala siya.

"Ihihiwalay ang mga puti sa may kulay, hindi ba?" tanong niya. "Tinulungan ko na rin dati si Mommy sa paglalaba."

Hindi ako kumibo.

"It was fun," he said.

I mentally rolled my eyes. Where's the fun on this? Kung hindi ko lang iniisip na wala na kaming susuotin ay hindi ko papakialaman ang mga labahan.

"Where should I put this one?" tanong ni Archeon, hindi ako lumingon. "Pwede siyang sa mga puti o sa may kulay."

Nilingon ko siya. Nanlaki ang mga mata ko nang hawak niya ang underwear ko. Mabilis na inagaw ko sa kanya 'yon at itinago sa likod ko.

"Oh, ibang category ba ang mga underwear?" tanong niya pa.

I just tsk-ed.

"Hey," he tried to call my attention. "Hindi mo ako pinapansin. Is there something wrong?"

Really, Archeon? Did you just forget what happened yesterday?

"No," tipid kong sagot.

Pareho kaming natigilan nang may marinig na kumatok sa labas. Tatayo na sana si Archeon nang hawakan ko ang braso niya. "A-ako na," kinakaban kong sabi. "Dito ka na lang."

Nangunot ang noo niya. "Ayos ka lang?"

I gulped before nodding. Iniwan ko siyang naguguluhan pa rin. Mahihina lang ang hakbang ko habang naglalakad papunta sa sala. Ramdam ko ang kaba sa dibdib kong naninikip. Nawala lahat ng kaba ko nang makita ang babaeng labandera.

"Pasensya na. Medyo tinanghali ng gising eh," natatawang sabi ni ate. "Kukunin ko lang 'yung mga labahan."

Napahinga ako nang maluwag. "Sige po, Ate. Sandali lang ah?"

Lumingon ako sa likod. Napatalon ako sa gulat nang makita ang nangingilatis na tingin sa akin ni Archeon. Naglakad lang ako at nilagpasan siya. Ramdam kong nakasunod siya sa akin. Muli kong ibinalik sa lalagyan ang mga labahan. Bubuhatin ko na sana ito pero naunahan ako ni Archeon. Siya na ang naglabas no'n.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Damn. I'm being paranoid. And damn I event more because Archeon noticed it. Alam kong magtatanong siya pagkabalik kaya maagap na lumabas ako habang wala pa siya. Imbes na sa tree house ang bagsak ko ay lumagpas ako.

Pumunta ako sa palayan. Sumilong ako sa lilim ng puno at umupo sa ugat nito. Tinanaw ko ang luntiang lugar. Niyakap ko ang mga tuhod ko habang dinadama ang paghaplos ng sariwang hangin.

"Damn," I mumbled.

Kahit na anong gawin kong pagpapakalma sa sarili ay hindi bumababa ang pangamba ko.

"New spot?" Nilingon ko si Archeon na nasa tabi ko na pala. Umupo siya sa tabi ko at tinanaw kung saan ako nakatingin. "Not bad. Malamang na dito ka pumunta nung bigla kang nawala. Ngayon na alam ko na ang hiding spot mo ay wala ka nang kawala."

Suminghap ako ng hangin. Naninikip ang dibdib ko.

"What am I to you, Amira?" he suddenly asked.

Natutop ako sa kinauupuan ko. Naramdaman kong lumiko sa akin ang tingin niya.

"I am confused. Please, enlighten me," he sounded pleading. "You are being unfair. I let you see the real me but you don't do the same. You always come out but reserved. That's confusing me. Are you scared of me?"

"Archeon..."

"I don't know if you are scared of me but, I am scared of you." Doon niya nakuha ang tingin ko. Siya naman ngayon ang nakatingin sa malayo. "I'm scared because it feels like I still don't know you yet. It feels like I don't even know even a bit of you. And I'm scared because of that."

Our eyes met. Nalunod ako sa tingin niya. Ngayon ko lang uli nabigyan pansin ang kanyang mga mata. It didn't change. It still looks lonely, scared, and in pain. It feels like I am staring at him for the first time.

"What are we?" he asked.

"I thought you wouldn't bother to know who I really am?" I asked.

He shrugged his shoulders. "I don't know. It just feels like knowing you is the only way to save you."

"It's me, Archeon," I said straight into his eyes. "You don't need to know me whole. But whatever you see right now, it's me. The girl staring at you right now, that's the real me."

"What if I want to know you whole?"

I gulped. "How would you know me whole if even I, myself don't even know me," I chuckled. "Confusing, right? But that's the truth. I don't even know myself. I am just like you, Archeon. We are both curious who this girl really is."

Hindi siya kumibo. Nanatili siyang nakatitig sa akin.

"Maybe you are right after all." I smiled. "I could be a prisoner who just got escaped the jail or a devil sent to make you suffer. Who knows?"

Napasinghap ako nang mas lumapit siya sa akin. "I don't care who you are. I don't give a damn if you are really a prisoner who escaped the jail or a devil sent for me to suffer. I don't fucking care, Amira."

"You must care," matapang kong sagot. "That's the only way for you to save yourself."

"Then, I don't want to be saved anymore." He grinned. "I don't want to be saved if I am not with you."

Nangilid ang luha sa aking mga mata. "Don't let it fall," he whispered.

I tried to hold back my tears. "I could be your greatest downfall."

"My pleasure." He gave me a peck on my lips. "I would bring down everything for you... even myself."

I chuckled in the midst of confusion. "You are doomed," I said.

He chuckled, too. "I guess that's your answer to my question, what are we?" He caressed my cheek using his warm hands. "We are doomed together. Can you do me a favor?"

I forced a feeble smile. "Anything."

"I know I am such a hypocrite guy because I asked you first to leave but..." He let out a heavy sigh. "Don't leave me or don't don't leave without me."

Doon ko hindi napigilan ang luha sa aking mga mata.

"Promise me, Amira," he begged.

"Do you believe in promises?" I asked instead. "I mean, nothing is promised to happen. We are never sure. That's why I don't also make promises."

He smiled. "Just promise me, babe. I just want to hear it from your lips."

Muli niyang hinaplos ang mga pisngi ko, nakatitig sa aking mga mata habang naghihintay ng mga salita mula sa akin.

"I am always by your side, babe," I responded in a serious voice. "You have Amira until her last breath."

"And you have Archeon Harden until his last word." And he claimed my lips.

Another set of tears escaped my eyes. I closed them to halt the tears. It feels like I am drowning, drowning of his kiss and the looming tears. In the coherence state of my mind, one thing is clear to me now. Archeon is the only reason why I am staying.

Nanatili pa kami sa lugar na 'yon. Pareho kaming tahimik at tulala sa kawalan. Nakasandal ako sa dibdib niya habang siya ay nakayakap sa akin. Nakaramdam ako ng antok at hindi ko 'yon napigilan. Nagising ako na nasa kwarto na ako.

Bumangon ako at nag-ayos ng sarili. Natigilan ako nang makarinig ng mga pagtatalo sa labas ng kwarto. Dali-dali akong lumabas. Naabutan kong nakatingin sa isa't isa sina Archeon at Richeon. Napansin kong may kakaiba kay Rich.

"Magpahinga ka na muna, Rich," ani Arch.

Doon ko nakumpirma na nakainom si Rich.

"You are the last person she texted," ani Rich. "Kung sanang sinipot mo siya nung gabing 'yon ay baka hindi siya naaksidente. You ignored her message, Kuya."

Nanlamig ang katawan ko.

Napatingin sa akin si Arch. "Pumasok ka na muna sa kwarto, Amira."

"I know you fell out of love, Kuya," mahinang sabi ni Rich. "But I wish you gave her a little bit of consideration. She came back for you. Ikaw pa rin ang inisip niya bago siya nawala. But you are acting like nothing happened at all."

I bit my bottom lip.

"She's gone!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Archeon. "Stop the drama right now, Rich. Wala na siya."

Mahinang tumawa si Rich. "She must be cold that night, waiting for someone who wasn't planning on meeting her. Damn it!" Mahinang tinulak ni Rich ang kuya niya. "Dapat sa akin mo na lang sinabi. Sana ako na lang ang nakipagkita sa kanya!"

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tila pinapako ako ng bawat katagang lumabas sa bibig ni Rich. He seemed in deep pain and frustration at the same time. He was blaming himself for what happened to her.

Arch tried to hug him but her pushed him away. "Stay away!" Rich screamed. "J-just don't touch me now, Kuya." Bigla siyang lumapit sa akin at pabagsak na yumakap. Napaatras pa ako dahil sa bigat niya. "Amira... I wish I was there when she needed me. I wish she needed me instead. I wish it was me."

Inalalayan namin si Rich na maakyat sa kanyang kwarto. Mabilis itong nakatulog dahil sa sobrang lasing. Kanina pa siya tulog pero hindi ko man lang magawang umalis. Nanatili akong nakatingin sa payapa niyang mukha. May mga bakas pa ng luha sa kanyang pisngi.

"I-I'm sorry," I whispered with my trembling lips.

"Camille..." Rich whispered unconsciously.

Bago pa man pumatak ang luha ko ay tumalikod na ako. Tumama ako sa dibdib ni Archeon na nakaabang pala. Tinulak ko siya pero niyakap niya ako. Sinubukan ko pang kumawala pero hindi niya hinayaan.

"Hush..." he whispered. "You are always crying."

He's mad at his own brother. What more if he found out it was me? What more if he found out it was me who killed his love?

Tinulak ko si Archeon at nang makawala ay tumakbo ako pababa at pumasok sa kwarto ko. Kinandado ko ang pinto para hindi siya makapasok. Tila nagyelo ang mga luha ko nang makita ang isang papel sa ibaba ng bintana.

Wala sana akong balak na pulutin ito pero dala ng kuryosidad ay kinuha ko rin ito.

"You will be the downfall of this family."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life