Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24: Marked

"Magpahinga ka na rin," sabi ni Rich kay Arch matapos niyang ipatong sa harap ko ang tasa ng tsaa. "Ako na muna ang bahala kay, Amira."

Nakita ko ang pagtutol sa mga mata ni Arch. Bubuka pa lang sana ang bibig niya nang maunahan ko na siya, "Sige na, Arch. You need to rest. Kapag bumuti ang pakiramdam ko ay baka tumuloy rin tayo mamaya." And I gave him an assuring smile

"Are you good?" mahinang boses na tanong ni Arch sa akin.

I nodded. "Please be good, too."

He let out a heavy sigh as he nodded gently. "I will." And he forced a feeble smile.

Pumasok din sa kusina si Tita Minerva. "Naayos ko na ang higaan mo, Arch. Ginamit ko rin 'yung favorite scent mo. Halika na," aya niya sa anak.

Sa huling pagkakataon ay nilingon niya ako. Tumitig lang siya sa akin nang ilang segundo bago ito tumalikod at sumama kay Tita.

Sumimsim ako sa tsaa nang maramdaman ang pagbabara ng lalamunan,

Umupo sa tabi ko si Rich. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya napalingon ako. Nakayuko ito at pinaglalaruan ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. Halatang malalim ang iniisip nito.

"H-hindi pa siya kailan nagsuka ng dugo," dinig kong bulong niya. Umangat ang tingin niya sa akin. "I'm so scared, Amira. What's next?"

Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinimas 'yon para pakalmahin siya. Ramdam ko pa rin ang pagbabara sa lalamunan ko. Sobrang bigat din ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano ngayon ang nararamdaman ni Rich pero alam kong walang-wala ang nararamdaman kong ito sa kanya.

"Nakita mo ba siya kanina, Rich?" I asked him. "He immediately stood up and wiped the blood on his lips. He's fighting." I bit my bottom lip to stop the mounting emotion. "He's fighting hard. Don't doubt him."

He gulped. "He's fighting something that gets harder every time he wins."

"No. He gets tougher every time he wins. He won't fall." That's the belief I've been trying to embrace. He won't fall.

Napangiti si Rich. "Can I say something?"

I nodded.

"Kuya Arch likes you."

Natigilan ako sa sobrang gulat.

Mahinang tumawa si Rich. "Well, I like you, too. I like you as a woman. You are kinda unique. But I think he likes you in a romantic way."

Nagtaas ako ng kilay.

"Are you playing with me?" Sinubukan kong magtaray kahit na alam kong apektado ako, ramdam ko ang init ng aking mukha. "I don't have time for this, Rich. Masama ang pakiramdam ko. Give me a break."

He shook his head. "Why would I? I am a good observer, Amira."

"Then, elaborate the things you have observed that will prove your accusation," I dared him as I took a sip on my tea.

Sumandal siya sa upuan habang nag-iisip. "Sa 'yo lang siya nagkalabas ng loob para umamin. He let you see the real him. He let his guard down for you to see his vulnerable side. You are the first one to know, aside from us, who really he is. Hindi niya 'yon ginawa kay Camille. You know why?"

I gulped.

"Because he was scared that people would either pity him or change the way they treat him. That's why he kept it from Camille." He chuckled while shaking his head. "But then you came. You changed it all. For the record, you have seen him whole. Why? Because he believed in you. He wanted you to know him."

I took another sip of my tea. I could feel my lips shaking.

If that's the case, I think we are the same. Nagawa ko ring ibaba ang sarili ko dahil sa kanya, sa kanila. Sila lang uli ang nakalapit sa totoong ako sa loob ng mahabang panahon. Sila ang naglabas ng lakas ng loob kong ipakitang muli ang sarili kong matagal na nakakubli.

"He risked so much for you, Amira."

Am I worth it? Iyon ang unang katanungan na pumasok sa isipan ko.

"Anyway. Are you feeling good now?" pag-iiba niya sa usapan.

Tumango ako. "Medyo napagod lang siguro ako kagabi," sagot ko.

"The tattoo..." Nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata. "Nakwento sa akin ni Kuya kagabi ang tungkol dyan. I was so envious." He pouted his lips.

"Gusto mo rin?" tanong ko.

Mabilis na tumango siya. "Pasama ka kay Arch," saad ko.

"Ang daya. Dapat sinama niyo na lang ako kagabi," aniya.

Biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari kagabi. Lumunok ako. "Are you good now?"

Payak na ngumiti ito. "Not really. Pero medyo magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Thanks to Kuya Arch." Mahina siyang tumawa. "He's the best when it comes on comforting. I don't know what will I do if he's not with me. That would be a total disaster probably."

"You really depend on him that much," I said.

"He's my other half." He shrugged his shoulders. "He completes me."

Matapos no'n ay nagpaalam si Rich na sisilipin muna si Arch. Si Tita Minerva naman ang pumasok. Kumuha ito ng tubig at uminom saka siya tumabi sa akin.

"I saw you," she said.

I just shrugged my shoulders.

"Thank you," she whispered.

Again, I just shrugged it away. I did what I have to.

"Babalik na uli ako mamaya," aniya pa. "May mga kailangan pa akong tapusin bago tuluyang mag stay dito." Bumuntong-hinga siya. "You may stay here while I am gone. But, please. Para sa ikabubuti ng lahat, sana ay maayos mo na ang lahat para makaalis ka na."

"Okay," tipid kong sagot.

"Amira-"

"Hindi na rin naman ako magtatagal," putol ko sa kanya. Saka na ako tumayo at nilagay sa sink ang pinag-inuman ko ng tsaa. "I'm sorry for everything, Tita Minerva. Don't worry, malapit na rin akong mawala sa paningin niyo. This threat will fade one day. But let me say this, I never regret meeting you, Tita."

Imbes na pumunta sa kwarto ay lumabas ako sa likod. Dinaanan ko lang ang bench at ang tree house. Dirediretso lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng daan na tinatahak pero hindi ako huminto.

Napadpad ako sa malawak na bukirin. Halos mga palayan ang tanawin. Malakas ang hangin dito na tumatangay sa nakalugay kong buhok. Tumayo lang ako at pinagmasdan kung gaano kaluntian ang tanawin.

Tumingala ako at tinanaw ang mga ibon na lumilipad sa malawak na himpapawid. If I would be an animal, I wanted to be something that could fly. In that case, I wouldn't have to follow the crafted road. I wouldn't have to follow the lines. I could cross a river, a wall or any boundaries that set not to be crossed to. Isn't that wonderful?

Napalingon ako sa gilid nang may lumiwanag na tumama sa akin. Saka ko lang napansin ang isang lalaki na may hawak na camera. Nakita kong napangiwi ito dahil nahuli ko siya.

"H-hey," he greeted, tensed. "I was capturing something, I accidentally captured you. I'm sorry."

I raised an eyebrow. "Is that my fault?"

"Binura ko na rin naman," aniya pa. Napansin ko ang bahagyang pag-ismid nito. "Sige. Mag muni-muni ka lang dyan." Saka na ito naglakad palayo.

Napailing na lang ako. Nagpalipas pa ako nang ilang minuto bago napagpasyahang bumalik. Papasok pa lang sana ako nang biglang lumabas ng bahay si Archeon na halatang aligaga. Nang makita niya ako ay napapapikit ito.

"Where have you been?" he asked.

Kumunot ang noo ko. "What happened?"

"Really, Amira?" Halata ang pagkairita sa kanyang boses. "You were nowhere to be found! Wala ka sa tree house, sa lake. I thought..." He gulped as he shook his head. "Sa susunod magpaalam ka kung saan ka pupunta."

I shook my head. "Why would I?"

He smirked. "Because I told you to."

Biglang dumating din si Rich na hinihingal. "Amira!" aniya nang makita ako. "Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap."

Imbes na matawa ay parang natutunaw pa ako. They care, right? Nung akala nila ay umalis na ako ay hinanap agad nila ako. Damn. That felt good.

"Sa palayan," tipid kong sagot. "Nagpahangin lang."

Tumawa si Arch, pero ramdam kong panunuya 'yon. "Nagawa mo pang lumabas matapos ng nangyari sa 'yo? Damn girl. You are so brave."

I smirked. "I know right."

Kumunot ang noo niya. "You know I am being sarcastic, right?"

"Oh. Are you?" I chortled.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rich. "Sabi ko sa 'yo, Kuya. Nasa tabi-tabi lang siya. Ikaw naman kasi Amira. Magpaalam ka naman kay Kuya. Halos mabaliw na 'yan kakahanap sa 'yo. Akala niya umalis ka na."

Bumaling ng tingin si Arch sa kapatid. "What the fuck, dude? Bakit naman ako mababaliw sa kanya?"

"Because you like me," I said.

Nanlaki ang mga mata ni Arch at dahil sa sobrang gulat ay hindi nakapagsalita.

Humalakhak si Rich. "May gagawin pa pala ako," aniya bago mabilis na umalis.

"W-what did you just say?" gulat na tanong niya sa akin.

I crossed my arms on my chest. "You like me, Archeon."

Hinila niya ako papunta sa ilalim ng tree house. "How dare you accuse me of liking you?!"

"You don't like me then?" I raised an eyebrow.

"Did I say not?!"

That left my mouth parted.

What?

Mukhang hindi rin sinasadyan ni Arch na masabi 'yon. "Then, you really like me?" I asked in disbelief.

Pulang-pula na ang mukha ni Archeon at gano'n din ako.

He let out a heavy sigh. "Not that. But, I don't know. I don't know if I like you or I am still in the process of liking you."

"Same," I mumbled.

Archeon's eyes widen in shock. "You like me, too?"

I shook my head. "Too? You didn't even say you like me."

"What if I like you?" he asked.

"Then, I like you, too!" I responded.

"Oof. What if I love you?"

"Then, I lo- What?!" Halos malaglag ang panga ko nang mapagtanto kung ano ang sinabi niya.

"No. I just like you." He shrugged his shoulders. "I am not ashamed to admit it since you like me, too. But, damn!" He chuckled. "Am I really that likable, huh? Even, Camille. Siya ang unang nagkagusto sa akin."

Doon ako tuluyang natawa. He was just looking at me. Lahat ng tawa ko ay nalunok ko nang maramdaman ang kanyang labi sa labi ko. Isinandal niya ako sa puno habang patuloy pa rin sa paghalik sa akin.

I was stunned at first but I kissed him back.

Damn. Yeah. I really like him!

Pareho kaming hinihingal nang matapos ang matagal na halik. Nakasandal pa rin ako sa puno habang sa akin naman nakasandal si Archeon. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa mukha ko dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin.

"I like you, Amira," he whispered.

I smiled. "Same, Arch. I like you, too."

Napangiti rin ito. "Tayo na ha?"

Kumunot ang noo ko. "What do you mean, Arch?"

"We are already in a relationship," he said.

"Okay," I simply responded.

Nakatingin lang kami sa isa't isa matapos no'n. Hanggang sa natawa na lang kami. Itinulak ko rin siya palayo sa akin dahil nangangawit na ako.

"Girlfriend na kita," ani Arch na parang proud pa. "Ang swerte mo sa akin."

I rolled my eyes. "Sure, I am," I said, sarcastically.


"Wait." Nagtaas ko ng kilay dahil mukhang may naiisip na naman siya. "Does that mean I can kiss you anytime I want?"

"You can kiss me if I let you, Arch. Not anytime," I corrected him.

He shrugged his shoulders. "You liked my kiss. That means you will also let me do that anytime."

Napaismid na lang ako. "Teka. Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito. Naglakad ito at umupo sa bench. Sinenyasan niya akong umupo rin kaya ginawa ko naman. Inakbayan niya ako at mas inilapit sa kanya.

"Saan mo gusto mag date, girlfriend?" tanong niya bigla.

Mahina akong tumawa. "Hindi naman ako mahilig sa date. Mas gusto ko kung parang dati pa rin. As if we are not in a relationship."

"Like friends but kissing?" he teased.

I chuckled. "Maybe."

Nagpaalam muna ako sa kanya na iinom ng tubig. Pumasok ako sa loob ng bahay. Naabutan ko si Rich sa kusina, nakaupo at tutok sa kanyang phone. Uminom ako ng dalawang baso ng tubig bago kumuha uli ng panibagong baso para kay Arch.

"Dati kapag nakikita ko ang puno sa likod ay tree house agad ang naaalala ko," biglang sabi ni Rich na ikinalingon ko. Nakatingin na pala siya sa akin. "Ngayon ay halikan naman. I think that's more remarkable, right?"

I bit my bottom lip. "Stop..."

He laughed. "Tell me what's that."

"Kami na," mahina kong sabi.

"What?"

Huminga ako nang malalim. "Boyfriend ko na si Archeon."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Ang bilis. Hindi ka man lang niya niligawan?"

I shrugged my shoulders. "I'm good. Mukhang wala naman sa hitsura ni Arch na marunong siyang manligaw."

Mahinang siyang tumawa. "But he was quite good when he courted Camille."

Natigilan ako. "N-niligawan niya si Camille?"

Tumango siya. "Flowers. Chocolates. Surprises. Letters. He's that guy."

"Okay." Imbes na dahil ko ang baso na para kay Arch ay iniwan ko na 'yon saka na ako bumalik sa likod. Naabutan ko si Arch na nakangiti sa akin. Umupo ako sa kabilang dulo ng bench.

"Akala ko ikukuha mo ako ng tubig?" tanong niya bago lumapit sa akin.

"I forgot," sabi ko.

"What happened?" He tried to hug me but I pushed him away. "Whoa. Easy. Bakit na naman?"

Huminga ako nang malalim. "Break na tayo," sabi ko.

"What?"

"We are over, Arch."

Tinangka pa niyang lumapit sa akin kaya tumayo na ako.

"Damn. We just got in a relationship. Why? Don't you like me anymore, babe?" He pouted his lips.

I shook my head. "You forgot something. That's why."

"I don't get it."

Bumusangot ako. "Seriously?"

"I'm sorry. Tell me."

Huminga ako nang malalim. "I need flowers! Chocolates. Surprises. Letters. Ligawan mo naman ako!"

He eyed me lazily. "Then, yeah. Break na tayo."

Sumikip ang paghinga ko. "Cool," I smirked and left.

Sinalubong pa ako ni Rich 'pagkapasok pero hindi ko na siya pinansin. Dumiretso ako sa kwarto kung saan naabutan ko si Tita Minerva na nag-aayos na ng mga gamit. Humiga ako sa tabi niya at niyakap ang unan.

Ramdam kong nakatingin siya sa akin. "What happened?" she asked.

"Nothing," I responded.

Kinahapunan din ay nagpaalam na si Tita Minerva. Hindi gaya ng madalas ay nakangiti ngayon si Archeon. Nakangiti niyang hinalikan sa pisngi ang Mommy niya. Nakangiti niya itong niyakap. At nakangiti niyang hinatid sa labas.

That's sweet. Pero hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya kanina.

He really broke up with me just because I asked him to court me first. Is that even too much?

"Nag-away kayo?" tanong ni Rich nang maabutan niya ako sa kusina. Malamang na iniwan niya sa sala si Arch. "Naging kayo pa lang pero may tampuhan na agad. Ang galing niyo naman."

Umiling ako. "Wala na kami."

"Talaga?" Mahina siyang tumawa. "I doubt it. Kasasabi lang ni Arch ngayon sa akin na kayo pa. I know I will ruin his plan but he's planning on giving you letters secretly. Don't tell him I said it, please. Baka mabatukan ako."

Nabuhayan ako ng loob. "R-really?"

He nodded. "Pretend to be shocked."

"Aw..." I chuckled. "Thanks."

Kinagabihan ay hindi agad ako nakatulog. Hindi ako mahilig sa mga letters pero kung galing naman 'yon kay Acheon, why not? Saka gusto ko ring maranasan na bigyan ng letter. Napapanuod ko lang kasi ito at base sa reaksyon ng nakakatanggap ay sobrang saya no'n.

Napatingin ako sa bintana nang may nalaglag na papel doon. Mabilis na bumangon ako sa kama at kinuha 'yon.

Really, Archeon?

Hindi nawala ang ngiti sa labi ko hanggang sa mabasa 'yon. "Tree house," it says.

Mabilis na lumabas ako ng kwarto ko at lumabas sa likod. Sa sobrang excited ko ay tumakbo na ako. Mabilis din na nakaakyat ako sa itaas. Nawala ang ngiti sa labi ko nang wala akong madatnan. Nakapatay pa ang ilaw.

"Archeon?" I called his name.

Wala akong nakuhang sagot.

"Wala akong panahon makipaglaro," tamad kong sabi at nang walang makuhang sagot ay napailing na lang ako. "Fine! Maglaro kang mag-isa." Saka na ako bumaba sa tree house. Umasa pa akong lalabas siya pero wala.

Mabibigat ang paghakbang ko papasok ng bahay. Nang makapasok ako sa loob ay sinarado ko uli ang pinto. Natigilan ako. Hindi ko sinarado ang pinto nung lumabas ako kanina. Sa sobrang excited ko ay hindi ko na 'yon nagawa. Sino ang nagsara?

Damn. Pinaglalaruan mo talaga ako?

Padabog na bumalik ako sa kwarto ko. Nadatnan ko na naman ang isang papel sa ilalim ng bintana. Tamad na pinulot ko ito.

"Marked," it says.

Saka ko lang napagtanto na may mga dugo pala ang kanan kong kamay.

Panandaliang nablangko ang isipan ko.

Mabilis na kumuha ako ng tela at lumabas uli ng kwarto. Binuksan ko ang pinto sa likod ng bahay at pinunasan ang dugo sa doorknob. Nanginginig ang mga kamay ko. Nang matapos mapunasan 'yon ay itinapon ko sa basurahan ang tela.

Bumalik ako sa kwarto ko at mabilis na kinandado ang mga bintana.

Humiga ako sa kama at niyakap ang unan na nahagip.

They found me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life