Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22: Kite

Camille and Trev are both dead.

I didn't want it to end like this. All I wanted was to make sure the Cheon Brothers are safe. All I wanted was to protect them from anyone who would threaten their lives. Did it really have to end like this? Nevertheless, I did this for them. They are safe now, right? No one can hurt them now. That's the only thing that matters at this moment.

And in the process of saving them, I failed one of my promises. That is to make sure not to hurt them which is now I think absurd and impossible. This pain is temporary only. They will also forget it. This feeling will also subside as time passes by.

Will they understand me if ever they find out? I don't know. Maybe, or maybe not. Baka nga kapag nalaman nila ay sila pa ang magpalayas sa akin sa bahay. That would be painful and I don't think I could stand seeing them disgusted on me. No. They won't find out... at least not tonight.

"C-Camille is gone," I heard Rich whispered again.

Hinigpitan ko ang yakap sa kanya habang hinahagod ang kanyang likod.

"I'm here," I mumbled. Mabilis kong pinahid ang lumandas na luha sa aking mga mata.

"A-ang sakit," bulong pa nito. "I haven't had the chance to say it..."

"R-Rich..." Narinig ko ang tinig ni Arch.

Kumawala sa pagkakayakap sa akin si Rich at mabilis na pinahid ang kanyang luha. Huminga ito nang malalim at aalis na sana nang humarang sa daan niya si Arch. Sinubukang lumiko ni Rich pero maagap na kinulong siya ni Arch sa kanyang mga bisig.

Rich tried to push him away but Arch didn't let him. Sa tingin ko rin ay walang sapat na lakas ngayon si Rich para kumawala... o baka may parte rin sa kanya na ayaw ring umalis.

"Sshhh..." Suminghap si Arch. Ramdam ko ang pagpipigil nito na sabayan ang paghihinagpis ng kapatid.

"L-let me go..." Rich begged.

Hindi sumagot si Arch, nanatili itong nakayakap sa kapatid. Nagpumiglas pa rin si Rich hanggang sa bumagsak ang kanyang mga kamay dahil sa panghihina. Tuluyang bumuhos ang kanyang mga luha.

"I'm sorry..." Arch whispered.

Nangilid ang luha sa aking mga mata kaya minabuti ko na munang iwan sila. Naglakad ako palayo sa kanila. Nakakuyom ang mga kamao ko habang binabaybay ang makipot na daan papunta sa ibang bahagi ng ospital. Sa paligid ay may mga berdeng halaman. Maliwanag ang paligid dahil sa mga lamp post na nakalagay sa bawat sulok ng sementadong daan.

Ilang segundo pa ay tumambad sa akin ang malawak na parke. May mga palaruan din dito para sa mga bata. Naglakad ako papunta sa duyan at umupo roon. Tinulak ko ang sarili ko para gumalaw. Nilakasan ko ang pagtulak hanggang sa maramdaman ang hangin. Hininto ko ang pagtulak para tumingala at tingnan ang buwan.

"Amira..." I sobbed. "You are so painful."

Napapikit ako nang muling lumandas sa aking pisngi ang tubig na galing sa aking mga mata. Nanatiling nakapikit ang aking mata habang dinadama ang pag-ugoy ng duyan at ang paghaplos ng malamig na hangin sa aking mukha.

I think the most painful feeling is once the best one.

Dumilat ako nang tumigil na ang pag-ugoy. Bumagsak ang tingin ko sa batong nasa ibaba ng aking paa. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Hinawakan ko ang matalim na bahagi nito at dahan-dahang inilapit sa aking braso.

Huminga ako nang malalim at aktong ibabaon na ito sa aking balat nang may humablot sa akin nito. Ibinato ito ni Arch sa malayo bago bumaling sa akin. Napasinghap ako nang makita ang galit niyang mga mata.


"What the fuck are you doing?!" he asked, enraged.

"Turning pain into art," I chuckled.


"Literally?" he mocked.

Napausog ako nang umupo siya sa tabi ko. Isinandal niya ako sa kanya at siya ang nagtulak sa duyan. Unti-unti kong pinakawalan ang kapit sa duyan hanggang tuluyan ko nang pinawalan ang kapit. Ironically, it feels safer. Maaari akong mahulog kahit na anong segundo pero panatag akong hindi 'yon mangyayari.

"H-how's Rich?" tanong ko.

Ilang segundo ang lumipas bago siya nakasagot. "Do you know what's the reason why I broke up with her?" he asked instead.


"Nalaman mong may gusto sa kanya si Rich," I responded.

He chuckled. "So fucked up, right? I just found out when it's already too late."

"Did you love her?" I asked.

"I did," he answered.

Natutop ako sa kinauupuan ko. Bumagsak ang tingin ko sa mga paa namin. Dahan-dahan ang pagtulak ni Arch sa duyan. Ramdam ko ang palapit na palapit na paghawak niya sa akin. Hanggang sa naramdaman kong umakbay na sa akin ang kanyang braso at mas isinadal ako sa kanya.

"A-Arch..." Hinabol ko ang napatid kong hininga.

"W-what did you do, Amira?"

Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa tanong niya. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko nagawang sumagot. Nanatiling sa mga paa namin ang aking tingin. At alam ko rin na roon siya nakatingin.

"I saw you last night..." he whispered.

I remained silent but deep inside... I'm so scared.

"Binalikan ko ang cell phone ko at nakita kitang hawak mo ito, nagmamadaling umalis sakay ng bisikleta. I found my phone in your room this morning." Mas hinigpitan niya ang pagkakaakbay sa akin palapit sa kanya. "And I saw Cam's text."

He knew. Is this my end, too?

"Amira..." he called me. "It's you, right?"

Itinulak ko siya at tumayo ako. Tatakbo na sana ako nang mahawakan niya ang isa kong braso at iniharap ako sa kanya. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat. Sinubukan niyang hulihin ang tingin ko pero mabilis ko itong iniiwas.

"Damn!" he softly cursed. "Damn it, Amira!"

Nilakasan ko ang loob kong tumingin pabalik sa kanya. "Y-you're right," I admitted. "It's me, Arch. I pushed her." Kumawala uli ang luha sa aking mga mata at sa pagkakataong ito ay sumabay na ang mahinang hikbi sa aking labi.

"A-Amira..."

"Bago mo ako palayasin sa bahay o bago mo ako ipakulong," suminghap ako. "Give me more time. Sasabihin ko rin kay Rich ang totoo. Pero huwag muna sa ngayon. H-hindi ko pa kaya."

"Are you insane?!" he asked in disbelief.

"Please?" pinaglapat ko ang aking mga palad. Luluhod na rin sana ako pero hindi niya ako binitawan. "G-give me more time..." I sobbed harder. "Just give me this night. Iyon na lang, Arch. Ibigay mo na lang sa akin ang gabing ito, sa 'yo na ang desisyon kapag sumikat ang araw bukas."

"Fuck it!" He pulled me on his arms.

"P-pakiusap..." bulong ko.

"Stop..." pumaos ang kanyang boses. Rumagasa sa aking likod ang kanyang palad at mahina itong tinatapik. "Stop pleading. Stop crying, babe."

Nanlabo ang buong paligid dahil sa kapal ng luha na nakapaligid sa aking paningin. Sobrang sikip ng dibdib ko... parang pinipiga... at pinagkakaitan ng hangin. I'm about to lose the only home I have loved.

"Come with me..." he whispered.

Kumawala siya sa pagkakayakap at humarap sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at hinawi ang mga luha roon. Nginitian niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod no'n. Saka niya hinawakan nang mahigpit.

"Fine, Amira. This is your night," he said. "I'm giving you this night but I will come with you. To make sure you won't escape."

Napahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. Tumango ako. "S-salamat, Arch."

"Wait me here..." Sinamaan niya ako ng tingin. "Huwag na huwag kang aalis dito. Babalik ako."

Binitawan niya ang kamay ko at tumakbo palayo. Ilang minuto ang lumipas bago siya bumalik dala ang isang bisikleta. Lumapit siya sa akin at sinenyasan akong sumakay sa kanyang likod na ginawa ko naman. Alam kong hindi magandang ideya na siya ang magmaneho pero alam kong mas hindi magandang ideya na iparamdam sa kanyang mahina siya.

"Yakap," babala niya nang nakahawak lang ako sa kanyang damit.

Ginawa ko ang gusto niya. Yumakap ako sa kanya kaya mas pinabilis niya ang pagmamaneho. Sa sobrang bilis namin ay parang nasa sasakyan din kaming may makina. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"Having fun?" I heard him asked.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Kahit saan," natatawa niyang sagot. "Pero... may gusto akong puntahan. Samahan mo ako."

Hindi na ako kumibo. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero hindi na importante 'yon. Tumingala ako at pinagmasdan ang mga bituin na tila sinusundan kami. Sa sobrang pagkahalina ko sa tanawin ay hindi ko namalayan na huminto na pala kami. Ako ang unang bumaba at itinabi naman ni Arch ang kanyang bisikleta.

"Tara na." Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa isang shop. Sa bungad pa lang ay alam kong tattoo shop ito. Nakalapat sa dingding ang iba't ibang disenyo na ginagawa ng artist dito.

Ang gandang tingnan lalo na dahil kulay pula at asul na ilaw ang gamit. It feels aesthetically calming in the eyes. Plus, the soft music that's coming somewhere. Kumatok si Arch sa isang pinto at pinagbuksan naman din siya agad. Pinapasok kami sa loob.

Bumitaw ako kay Arch para pagmasdan ang mga tattoo design sa loob. There were shapes, symbols, and also words in different writing. This kind of art doesn't need an explanation to appreciate it.

I've been wanting to have a tattoo. It's not for the sake of being cool but just to simply express myself without explaining it.

"Dito, Amira," tawag sa akin ni Arch kaya lumapit ako. Inabot niya sa akin ang isang catalogue kung saan naka-imprinta ang iba't ibang disenyo na kayang gawin ng artist. There was also definition for each. "Choose your design."

Umiling ako at ibinalik sa kanya ang catalogue.

"Ayaw mo?" Kumunot ang noo ni Arch.

"I want a kite," I said.

Namilog ang mga mata ni Arch. "Really?"

"Yes." Tumingin ako sa artist na naghihintay sa amin. Halos buong katawan niya ay may tattoo. "Pwede po ba 'yon?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat ito bago nagbuga ng usok sa ibang direksyon. "Ikaw. Kung ano'ng gusto mo," sagot nito. Binitawan niya ang sigarilyo sa bakal na lalagyan bago kinuha ang mga gamit sa pag-tattoo.

Tumingin ako kay Arch. "Ikaw? Ano'ng design ang sa 'yo?"

"Kite," he answered, casually. "Hala. Pareho tayo ng naisip?"

I eyed him lazily. "Pumili ka naman ng iba!" singhal ko.

"Kuya, pwede po bang gano'n din sa akin?" tanong ni Arch.

"Pwedeng-pwede," natatawang sagot ng artist.

Nakangising hinarap ako ni Arch. "Freedom," he teased.

"Gaya-gaya," bulong ko.

Pinaupo na ako ng artist at tinanong kung saan ko balak ipagawa ang tattoo. Hinawi ko ang buhok sa likod ng aking tainga. Itinuro ko ang sa bandang batok at malapit sa tainga. Sinuri niya ang balat ko ro'n kung maaari bang markhan ngayon.

"Okay. Pero matatakpan din ng buhok mo," sabi ng artist. "Okay lang ba?"

"Mas gusto ko po 'yon," sagot ko.

Hinawakan ni Arch ang kamay ko habang ginagawa ng artist ang tattoo. Halos hindi ko maramdaman ang hapdi dahil nagpapatawa si Arch. Medyo nahirapan din ang artist dahil magalaw ako pero hindi naman ito nainis, sa katunayan ay natatawa rin ito sa kalokohan ni Arch.

"Stop," I warned Arch.

He chuckled. "Bakit? Totoo naman, 'di ba? Baka tangayin ka dahil sa saranggola na 'yan."

"Baka ikaw," panunukso ko rin. "Gaya-gaya ka eh. Kung baga, original ang akin at pirated ang iyo."

"Done!" sabi ng artist matapos ang ilang minutong pahinto-hinto na paggawa.

"Yes, thank you." Nakahinga ako nang maluwag. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Arch.

"Ito oh." Tinanggap ko ang salamin na inalok ni kuya.

There was this different kind of satisfaction when I saw the simple kite embedded on my skin. Madali lang na natapos dahil sobrang simple lang at hindi kalakihan. Namumula pa ito dahil kagagawa lang.

"Cool..." I mumbled.


"Drink, babe." Inabutan ako ni Arch ng tubig. Sumilip din siya sa tattoo ko. "Cool. Gusto ko rin doon ang-"

"No," putol ko sa kanya. Tumayo na ako at siya na ang pumalit sa pwesto ko. "Pumayag akong pareho tayo ng design pero sa ibang parte naman sa 'yo. Huwag mo naman ipagkait sa sarili mo ang originality, Mr. Harden."

Umupo ako sa kaninang pwesto niya at uminom ng tubig. Medyo mahapdi pa rin pero hindi katulad kanina na ginagawa pa.

"Saan mo gusto?" tanong ni Kuya kay Arch.

Sa huli ay pinagawa ni Arch ang kanya sa kaliwang balikat. Pigil na pigil akong tumawa dahil sa mukha niyang hindi maipinta. Nagmakaawa pa itong hawakan ko ang kamay niya na ginawa ko naman. Ang sabi pa niya ay libangin ko siya para hindi niya maramdaman ang sakit. Natatawa na lang ako.

"Kuya, bakit parang sa akin lang ang masakit?" nakangusong tanong ni Arch. "Kanina si Amira hindi naman e."

"Don't cry, babe..." I teased him. "Parang kurot lang 'yan. Big boy ka na, hindi ba?"

Nagtaas siya ng kilay. "Masarap ba ang makurot?" irita niyang tanong.

Tumawa ako bago umiling. "Okay, fine. Hingang malalim, Arch. Kaya mo 'yan."

"Stop teasing," he hissed.

Matapos ang ilang minutong pang-aasar at pagrereklamo ni Arch ay natapos din. Nakataas ang manggas ng kaliwang braso ni Arch kung saan nakamarka na ang saranggola. Pareho lang kami ng disenyo pero 'di hamak na mas malaki ang kanya.

"Hindi naman pala masakit," ani Arch. Kinuha niya sa akin ang hawak kong tubig at inubos 'yon. "Tara na?"

Si Arch ang nagbayad dahil wala naman akong pera. Habang palabas kami ng tattoo shop ay pasulyap-sulyap si Arch sa batok ko. Nakatali ngayon ang buhok ko para hindi madikitan ng buhok ang aking bagong gawang tattoo.

"Stop!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Naiilang na kasi ako sa pagnakaw-tingin niya.

"What? Ang cool kasi," ani Arch.

Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin na tumigil si Arch, nakayuko ito. Napansin kong nakakuyom ang kanyang kamao. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang nakakuyom na kamao.

Napatingin siya sa akin.

I smiled, "Pahinga muna tayo."

Mahina siyang tumango.

Umupo kami sa labas ng tattoo shop kung saan may bench. Sumandal si Arch. Napasinghap ako nang ipatong niya sa hita ko ang kanyang kamay kaya napalingon ako sa kanya.

"Pipikit ako. Hawakan mo ang kamay ko para alam kong andyan ka," aniya.

Hindi ako nagsalita, ginawa ko ang gusto niya. Payapang ipinikit niya ang kanyang kamay at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Are you good?" I asked.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Sumandal na rin ako habang hawak ang kamay ni Arch. Pinagmasdan ko ang pagdaan ng mga tao at ang maya't mayang pagpasok ng mga customer sa shop. Kumunot ang noo ko nang may tumabi sa amin. Ayos lang sana pero nagsindi ito ng sigarilyo.

"Excuse me?" I called his attention.

Napalingon siya sa akin.

"Do you know that smoking is dangerous?" I asked, politely. "But do you know that secondhand smoke is more dangerous? Pwede po bang doon kayo sa walang makakalanghap na ibang tao?"

Nakipaglabanan ito ng tingin sa akin at hindi ako nagpatinag. Nang mapansin na wala siyang balak tumayo ay nagtaas ako ng kilay. Umangil ito pero tumayo rin at naglakad palayo.

"Thanks," I whispered.

Napalingon ako kay Arch nang marinig ang mahina nitong pagtawa. "You're really a dangerous girl huh?"

I rolled my eyes. "I just stated facts, Mr. Harden."

"But don't do that next time." He narrowed his eyes. "Kung kaya mo namang mag-adjust, ikaw na lang. Not all men are like him. You don't want to fight a man with no respect to women, babe."

"Are you good now?" I asked instead.

"I guess so?" he shrugged his shoulders. "Will you drive for us?"

That made me smile. "Ako pa ba? Tara na!"

Ako ang nagmaneho para sa amin ni Arch pero ilang minuto lang 'yon, mabilis siyang pumalit sa akin. Napansin kong ibang direksyon ang tinatahak namin, hindi pauwi. Katulad ng kanina, hindi na lang din ako kumibo.


I knew it. Our destination is the lake. Itinabi ni Arch ang bisikleta bago ito humiga sa mga damo. Umupo ako sa tabi niya at niyakap ang aking mga tuhod. Pinagmasdan ko ang lawa sa kalayuan. Ibang-iba sa umaga, halos hindi makita ang tubig ngayon. Ang mga ilaw din ay masyadong magkakalayo para maliwanagan nang maayos ang paligid.

"I haven't thanked you yet," dinig kong sabi ni Arch. Nanatiling sa malayo ang tingin ko. "You stood for me earlier. You don't know how much it means to me. Thank you."

Yumuko ako at bumunot ng damo. "Wala 'yon."

"Wala?" mahina siyang tumawa. "That's everything to me."

Hindi ako kumibo.

"Hindi ka ba galit sa akin?" tanong ko.

"Why did you do that?" he asked instead.

I shrugged my shoulders. "I don't want to explain my ways. It's done."

"When Rich finds out..." He let out a weighty sigh.

Panandalian akong natigilan.

"You know what, Amira?" Napatingin ako sa kanya. Nakatulala ito sa langit at ginawang unan ang kanyang mga braso. "I don't understand why you did that. Sa katunayan ay bahagya akong natakot. How could you do such a terrible thing? But you're right, it's done."

Kumunot ang noo ko. "What are you talking about?"

He looked at me. "What do you think?"

I gulped. "I have no-" Napasinghap ako nang hilahin niya ako pahiga sa kanyang tabi.

"I can keep a secret," he whispered.

Napanganga ako sa sinabi niya. "A-Archeon..."

"She's dead. We can't do anything about that anymore. Though it's shocking and painful, it's done."

Humarap siya sa akin. Itinukod niya ang kanyang siko at ipinahinga ang ulo sa kamay.


"Sa atin na lang ito?" tanong niya sa mababang boses. "You won't talk about this anymore and I will do the same. Let's forget what happened."

Malungkot na ngumiti ako. "Secrets are meant to be revealed, Arch. Kung hindi ikaw, may ibang maglalabas nito. I don't want you to get in trouble because of me."

Kumunot ang kanyang noo. "Do you think I don't feel the same?"

Natikom ang aking bibig.

"Ayokong masira ka kay Rich," seryosong sabi niya.

"Sira na ako sa kanya." Suminghap ako. "Just do what you have to, Arch."

"Really?" he raised his brows.

I nodded. "Do it."

"Okay." Nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ako sa labi. Sa sobrang bilis no'n ay parang hinaplos lang ng hangin ang labi. "I did what I have to." Sumilip ang mapang-asar na ngiti sa kanyang labi.

I blinked. "W-what?"

He chuckled. "Let's keep this between us."

"No, Arch. Masasabit ka sa akin kapag nalaman nila."

"Then, what?"

Umiling ako. "Kung kinakailangang ikaw mismo ang maghatid sa akin sa kulungan, gawin mo."

"I don't want to."

"Arch-" Napasinghap ako nang pumatong siya sa akin. Bumigat ang paghinga ko. Ramdam ko ang katawan niya, ang mainit niyang hininga sa mukha ko at ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

"You stood for me when no one did and I will do the same for you."

"You can't do-" He pressed his lips into mine. Sa pagkakataong ito ay mas matagal. I don't exactly know what's happening but I kissed him back. Sa halip na gumaan ang pakiramdam ko ay mas lalo pa itong bumagsak.

Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari. Natatakot akong madamay si Arch dahil sa akin. I can survive the trials... but not him.

He parted our lips just to whisper, "You're free now. Run, Amira. Run and don't look back."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life