Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21: Coward

Pagkapasok ko sa CR ay agad na naghubad ako ng saplot sa katawan. Dumaan ako sa salamin pero hindi ko nilingon ang sarili. Dumiretso ako sa shower at isinara ang kurtina. Binuksan ko ang malamig na tubig na mabilis na dumausdos sa katawan ko. Tiningala ko ang sunud-sunod na patak ng tubig.

I closed my eyes when I felt a warm liquid escaped my eyes. Yumuko ako pagkatapos para suminghap. Tahimik lang akong nakababad sa tubig hanggang sa kumawala sa bibig ko ang mahinang hikbi. Ang mahinang hikbi na hindi katagalan ay bahagyang lumakas.

Gano'n ba ako kadaling talikuran? I couldn't help but to ask myself.

Am I still just a stranger that they can easily get rid of? I thought what I found is home. Pero bakit parang napakadali para sa kanilang itaboy ako nang gano'n-gano'n lang na parang wala kaming pinagsamahan? Is this really home? Am I really belong here? Or it is just me and my delusional desperate thinking?

I sat on the tiled floor and embraced my knees.

I am just starting to love my life... myself. Why does it have to end this soon? I am not completely healed and yet I am back to bleeding again.

I covered my mouth with my hands and let a scream escaped my lips. I was shaking in frustration. I wanted to bang my head on the wall, hoping it could at least overpower the pain inside me. It's killing me and draining my energy.

"Why?" I asked myself.

Why does life have to be this hard? Why does living have to be this painful? Out of all the people in this world, why me? What did I do in my past life to have this kind of life now? Why am I always hurting? Why am I feeling like this world has no place for me?

Tita Minerva. She has been good to me. Hindi niya ako kilala nang patungtungin ako sa kanyang pamamahay at binigyan ng masisilungan. I almost looked at her like my own mother. And what did I do in return? I ruined her in the eye of her son.

But I was left with no choice.

I felt a little regret. Just a little. Natakot ako. I did that to save myself. Pinaplano na niya akong ipagtabuyan sa kanyang pamamahay at palayo sa pamilyang ito. I can't... I don't think I can survive without this family anymore. If I needed to break free from her and cling myself to her son instead, I would. And I did.

I want to stay longer. No. I want to stay here for good.

Nang mahimasmasan ay tumayo na ako at naglinis ng katawan. Nawala na rin ang init na tumutulo sa mga mata ko. Binalot ko sa katawan ko ang tuwalya bago lumabas ng shower room at humarap sa salamin.

Bakas ang matinding pag-iyak sa aking mga mata. Binagalan ko ang pagbibihis para kapag lumabas ako ay hindi na gaanong halata na umiyak ako.

Nang matapos ay lumabas na ako ng CR. Natigilan ako nang bumungad sa akin si Tita Minerva na mukhang kanina pa naghihintay. Masama ang tingin nito sa akin. Namumula pa ang mga mata niya gawa ng maghapon na pag-iyak.

"Liar," she mumbled. Napalunok ako nang lumapit siya sa akin. "Remember that truth always prevails, Amira. Sisiguraduhin kong ako ang maglalabas nito." Binangga niya ang balikat ko bago pumasok sa CR.

Lumunok ako uli. Inalog ko ang ulo ko para iwaksi ang mga sinabi niya. Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Pumasok ako sa kwarto at mabilis na nagpatuyo ng buhok. Ayokong madatnan ako ni Tita Minerva rito. That was enough for now.

Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang biglang bumukas ang pinto. I thought it was Tita Minerva.

"You done?" Rich asked.

"Yeah," sagot ko.

Inalis ko sa pagka-plug ang saksakan ng blower at itinabi ito. Sinuklay ko ang buhok ko bago lumabas. Saktong papasok na si Tita Minerva. Hindi niya ako nilingon. Nilagpasan niya lang ako na parang hangin.

"She's also mad at you?" nakangiwing tanong ni Rich.

"Sa 'yo rin?"

Tumango siya. "She doesn't talk to me. Malamang na dahil sa pagsang-ayon ko sa gusto ni Kuya." He shrugged his shoulders. "Anyway, let's go? Nasa labas ni si Kuya."

"Mauna ka na sa labas," sabi ko. "May nakalimutan lang ako sa kwarto."

Hinintay ko munang makalabas si Rich bago pumasok uli sa kwarto. Naabutan ko si Tita Minerva na nakatapat sa kanyang laptop. Nang marinig ang pagsara ng pinto ay umangat ang tingin nito sa akin.

"What?" she asked, irritated.

I gulped. "Ang gusto lang ni Rich ay sumaya si Arch-"

"Stop acting like an angel because you're a devil, Amira," she cut me out. "You really think you can take them away from me? I'm afraid you are being delusional, honey. Anak ko pa rin sila at sa akin sila." Nginisian pa niya ako.

Ako naman ang ngumisi. "Sa tingin mo ba ay ganyan pa rin ang tingin nila sa 'yo kapag tumagal na ganyan ka? Hindi mo sila itinatali sa 'yo dahil sa paghihigpit, itinutulak mo sila palayo."

"You will never understand because you are just... you. You are no one here while I am their mother," madiin niyang saad.

"Yeah? Isang ina na hindi marunong makinig sa hinaing ng kanyang mga anak?"

Sumama ang tingin niya sa akin. "I regret bringing you here. I should have just left you on that road."

"The only thing you can do now is to regret, Tita." Bahagya akong lumapit sa kanya. "I'm a good person but when you try to take away what's mine? You're right. I'm just an angel in disguise."

She gave me a mocking laugh. "Yours? Walang sa 'yo, Amira. Hindi rin magtatagal at babalik ka sa dating kinalagyan mo. Enjoy every second. It won't last that long."

"Oh," I faked a laugh. "Sounds exciting. Let's see."

Saka na ako lumabas ng kwarto. Hindi ako agad lumabas. Nagpalipas ako ng ilang minuto para pakalamhin ang sarili ko. Pinakawalan ko ang pagkakasalikop ng aking mga kamay. Nakaramdam ako ng kaba sa mga pagbabanta niya.

Lumabas na rin ako matapos. Naabutan ko na masinsinang nag-uusap ang kambal. Nang mapansin nila ako ay agad na lumapit si Rich.

"D-did she really slap you?" gulat na tanong ni Rich.

Bahagya akong kinabahan. "H-hindi naman niya siguro sinadya."

Kumunot ang noo niya. "I don't understand. Hindi niya pa kami napagbuhatan ng kamay."

"Y-you think I am lying?" I gulped.

Mabilis na umiling siya. "No. It's just... I don't know. Gano'n ba talaga siya kagalit? I don't understand her."

Nakita ko ang labis na pagkagulo sa mga mata ni Rich. He was doubting... I could see that. Who am I fooling? He is always the good guy! He sees the good in people. At hindi lang basta ibang tao ang pinag-uusapan namin, it is her Mom. I understand him doubting and it is scaring me a bit.

I bit my bottom lip. "I-it's fine, Rich. I understand. She is your Mom," I said as I forced a smile.

"No." Lumapit sa amin si Arch. "I will never forgive that," madiin na sambit niya. "You were hit because of me, while protecting me. It won't happen again. Hindi ko hahayaan na paalisin ka niya rito."

"Yeah," Rich agreed and smile. "You are one of us now."

That gave me relief. At least, I am saved now.

Nilabas ni Rich ang mga bisikleta sa garahe at inabot sa akin ang isa at si Arch naman ay inangkas na lang niya. Umabot din ata ng dalawampung minuto ang pagbibisikleta namin pero hindi ko gaanong dama ang pagod gawa na rin ng malamig na klima.

I knew it. Trev's family is elite. Ang malaking gate nila ay malawak na nakabukas ngayon. Sa labas pa lang ay kitang-kita na ang karangyaan ng mga nakikiramay dahil sa mga magagarang sasakyan. Ang mga tao rin na nakikita ko ay naka kulay itim na formal attire. Everything was screaming luxury and wealth.

Saka ko lang napagtanto na nakakulay pula akong damit.

"Pwede na 'yan," ani Rich. "It's just a color."

Tumawa si Arch. "You will surely stand out, Amira."

"Is that good?" I asked.

"No," Arch smirked. "Pero hindi na tayo babalik sa susunod na araw. We have to do this now."

Nauna sa amin si Arch papasok habang kami naman ni Rich ay nasa kanyang likod. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay nakapukaw na agad ako ng mga atensyon. I could even hear them mumbling, "Why does that woman wearing red in a funeral?"

Sa pinaka-main door pa lang ay puno na ng mga bulaklak. There was also a woman beside the main door, she was wearing a black veil covering her face and a long dress. Halos hindi makita ang mukha niya dahil sa belo. If I could make a guess, that woman is his Mom or someone related to him.

"Tita." Lumapit si Arch sa kanya.

"Archeon," banggit ng babae. Her voice sent a chill on my body. It was cold... just cold.

Yumakap sa kanya si Archeon. "I'm sorry, Tita. Trev was a good friend," he said.

Kahit papaano ay nakita ko ang pagngiti ng babae, malungkot na ngiti.

Si Rich naman ang sumunod na yumakap. Nagpaabot din ito ng pakikiramay. At nung ako na ay bahagyang nagulat ang kanyang mga mata. Bumaba ang tingin niya sa suot ko. I could see how my red dress affected her. Wala rin siyang nagawa kung hindi ang ngitian ako sa huli. Pinaabot ko lang ang pakikiramay ko pero hindi ko siya hinawakan. I don't even want to talk to her but I have to.

Humawak ako sa braso ni Rich nang pumasok na kami sa pinakaloob. Wala gaanong tao rito dahil karamihan ay nasa labas. When I saw the coffin where he was lying, I tried hard not to smirk. His coffin was surrounded by flowers. Again, even the flowers looked expensive.

"A-are you?" tanong sa akin ni Rich na mukhang walang balak na sumilip sa kabaong.

Bumitaw ako sa kanya at lumapit kay Arch. Lumapit kami sa kabaong. Parang may bumara sa lalamunan ko nang makita si Trev. His mischievous eyes were now shut, forever. Sa mga susunod na araw ay sa hukay na ang bagsak niya. Sa paglubog niya sa lupa ay kasama na lahat ng mga alaala namin. He would get buried together with his darkness.

"H-he was not a very good friend," I heard Arch mumbled.

I wanted to laugh. Really? Hindi ata 'yon ang narinig ko kaninang sinabi niya sa Mommy ni Trev.

"But I never wanted him to end like this," sunod na banggit nito. "May mga hindi pa kami pagkakaintindihan. Nakakalungkot lang na hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkaayos. May he rest in peace and I hope he can forgive me."

Bumigat ang paghinga ko. If only you knew how evil this person was, you wouldn't even attend his funeral. But then again, Arch was right. He's dead now. Nothing matters at this point. Lahat ng ginawa niya sa mundong ibabaw ay babalik sa kanya.

"This place is so quiet," bulong ni Arch. "I hate it. When I die, I don't want this kind of funeral. It's so sad."

"Stop," I warned him.

"I don't like flowers, too," he continued.

Napabuntong-hininga na lang ako. Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang lalaking nakahimlay sa harapan ko. Why is it so unfair? His life has ended so soon. He didn't suffer that much. That's something I always look for. But I don't get it. I don't get the painless dying. It's just the pain of living.

After all, you're still lucky, Trev.

Umupo kami sa tabi ni Rich matapos naming tumingin sa kabaong. May babaeng nag-abot sa amin ng juice at biscuit. Tumanggi ang kambal pero lang sa akin. Kinuha ko agad ang ibinigay na pagkain. Pinatong ko sa hita ko ang plato na may biscuit at ang baso naman ng juice ay sa gilid ko.

Tahimik lang akong kumakain habang pinagmamasdan ang mga tao rito. I find the silent in this place weird. I mean... I have already attended a funeral. Hindi naman ganito katahimik. May mga nagdadalamhati pero sa ibang parte ay may mga nagkukwentuhan naman at tumatawa.

"This is not their real house, right?" Rich asked.

Napalingon ako sa kanila. "Yeah. Sa pagkakaalam ko ay sa likod."

"I must say Trev's wealth is not a joke," Rich mumbled.

"They are Alvato, Rich. They have been in this place since the very start," ani Arch. "Of course, they have connections everywhere. They have built a good reputation in La Trevi. Everyone knows them. One of the most powerful families here."

Uminom ako sa juice ko.

"That's not good," I said. Napalingon sa akin ang kambal. "Fame sucks. When everyone knows you, everyone is curious, too. You have all their eyes, waiting for one damn failure then... boom. You are over."

Tumawa si Rich habang si Arch ay nagkibit-balikat lang.

Mayamaya ay nagpaalam na rin kami. Paalis na sana kami nang may masagap na kwento mula sa dinaanan naming grupo ng mga matatanda. Ang pinag-uusapan nila ay pumukaw sa aming atensyon.

"They were couples, right?" the old man asked.

"I think so. Mr. Trev Alvato is dead, and the girl he was dating got hit by a car. I heard she is in a critical condition."

"That's so sad."

Napalingon ako kay Rich nang lumapit ito sa mga nagkukwentuhan.

"I'm sorry, I overheard your conversation. May I know who is the girl you are talking about?" magalang na tanong ni Rich.

Kumabog ang dibdib ko.

"I-I don't know her," the old man responded.

"Camille?" The other one interrupted. "That's what I've heard."

Sumunod kami kay Rich nang bigla itong tumakbo. Sumakay agad ito sa bisikleta at mabilis na umalis. Kinuha naman ni Arch ang isa pang bisikleta. Sinenyasan niya akong umangkas na ginawa ko naman. Sinundan niya si Rich.

My heart was beating rapidly. Shit.

"W-where is he going?" tanong ko kahit na mukhang alam ko na.

Hindi sumagot si Arch. Ilang minuto ang lumipas bago ko natanaw ang isang malaking building, ospital. Sa bungad ay naabutan naming ang bisikleta ni Rich, nakatumba ito at mukhang hindi niya na inayos ang pagkakatayo.

Bumaba ako sa pagkakaangkas. Binitawan ni Arch ang bisikleta at sumunod sa loob. Wala akong nagawa kung hindi ang pumasok din. Naabutan ko si Arch sa Information Area. Sumunod ako sa kanya nang tumakbo ito papasok.

Naabutan ko si Rich na nakatulala sa isang kwarto. May mga umiiyak do'n. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang may makitang inilabas na katawan doon na tinatakpan ng kulay puting tela.

Nilapitan ni Arch si Rich pero tinulak niya ito palayo.

Tumakbo uli si Rich. Dinaanan niya ako pero hindi niya ako pinansin. He just passed on melike I was not even here.

Lumapit si Arch sa pamilyang umiiyak. Hindi ako lumapit... nanatili ako sa malayo at nakatingin sa kanila.

"B-bumalik siya para sa 'yo," dinig kong sabi ng babae. "N-nalaman niyang may sakit ka kaya nagpumilit siyang bumalik para kausapin ka. She was crying when she left. We tried to revive her..." Hindi na naituloy ng babae ang kanyang sasabihin dahil humagulgol ito uli.

Napaatras ako.

She's dead.

Camille is dead...

Lumabas ako para hanapin si Rich. Natagpuan ko siya sa madilim na parte, nakayuko ito sa puno. Napansin kong dumudugo ang kanyang kamao. May bakas din ng dugo sa puno. Hindi ako agad nakagalaw nang marinig ang paghikbi nito.

"Damn it!" he punched the tree again.

Lumapit ako sa kanya. "R-Rich..."

Napasinghap ako nang biglang yumakap siya sa akin. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa balikat ko at mas hinigpitan ang yakap. Humagulgol ito at ramdam ko ang labis na paghihinagpis sa kanya.

"I-I'm such a coward," he whispered.

That's when I found out... it was not a crush.

He loved her.

***

Tweet me your reactions using #WhenLifeSucksWP

Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life