Chapter 20
Chapter 20: Mine
Ibinalik ko sa garahe ang bisikleta at siniguro kong ang pagkakaayos nito ay gaya ng kung paano ko ito kinuha. Nagpahinga ako nang ilang segundo roon para pababain ang paghingal ko. Inalog ko ang ulo ko para alisin sa isipan ang nangyari saka ilang beses na huminga nang malalim.
"Nothing happened," I convinced myself.
Umikot ako sa likod ng bahay. Natigilan ako nang matagpuan na malinis na. Wala na ang mga talutot ng rosas at ang mga kandila na kanina ay nakapaligid sa buong puno. Tiningala ko rin ang bahay sa itaas ng puno, hindi ko na rin makita ang liwanag doon.
"Saan ka galing?"
Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang may nagsalita. Saka ko lang napansin si Rich na nakaupo sa bench sa lilim ng puno. Madilim sa parteng 'yon kaya hindi talaga siya agad makikita.
Lumapit ako sa kanya. "Nagpahangin lang," sagot ko.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang alak.
Tumango siya. "Sana sinabi mo sa akin. Delikado sa labas nang ganitong oras," aniya.
Umusog siya nang kaunti kaya umupo ako sa tabi niya. Agad na naamoy ko ang alak. Napansin ko rin na nakatatlong bote na siya. Hindi ko pa siya nakitang uminom lalo na ng matapang na alak. Oo nga pala, hindi na niya kailangan magpanggap. He doesn't need to watch his back anymore. He doesn't need to worry that he might get caught.
Narinig ko ang mahina niyang pagsinghap.
"Hmm?" Inalok niya sa akin ang hawak niyang bote.
Tinanggap ko 'yon. Lumagok ako hanggang sa makalahati ko. Sinubukang bawiin ni Rich ang bote pero inilayo ko ito. Mahina lang itong natawa pero hindi na nagpumilit na bawiin ang alak. Sumandal ito sa upuan at pinatong ang mga braso sa sandalan, ang isa ay bumaba sa likod ko.
"How does it feel now, Amira?" he asked.
"Feel what?" Sumandal din ako at tinagilid ang ulo paharap sa kanya.
He chuckled. "Hindi ba no'ng sinabi ko sa 'yong may sakit ako, ang sagot mo ay sana si Arch na lang? How does it feel that your wish came true?"
Sa halip na sumagot ay tumungga ako uli sa alak. Matagal na rin nung huli akong nakainom kaya hindi ko maintindihan ngayon ang pakiramdam na dulot nito. Dahil ba sa alak kaya naninikip ang dibdib ko? Sa pagkakaalam ko ay sumasaya ako kapag umiinom, bakit parang mas nalulungkot ako ngayon? Bakit nag-iba ngayon ang epekto sa akin ng dati ay siyang nagpapasaya sa akin?
"It must have been hard," I whispered.
"It gets harder every freaking day," he sniffed. "But, you know what is worst?" tanong niya habang sa malayo nakatingin.
Tumungga ako uli sa alak, hindi sumagot.
"When there's no another day anymore!" he laughed the pain away. "I want his sufferings to end but I still want him to fight at the same time." Ramdam ko ang galit sa kanya, galit sa sarili at sa mga nangyayari.
Itinaas niya ang mga tuhod, yumuko siya roon at pinatong ang kanyang mga kamay na nakasalikop sa kanyang ulo. Napansin ko ang bahagyang pagyugyog ng kanyang mga balikat at ang mga mahinang hikbi.
"Kuya..." I heard him called.
Niyakap ko ang likod niya at pinatong ang aking mukha. Lumakas nang bahagya ang paghikbi niya. I hugged him tighter to make him feel that he is not alone in this. I didn't say anything, I just let him cry in the dark where no one can see except us. I hugged him until his sobs waned and he calmed.
Lumipas ang gabi nang tahimik. Nakatulog ako nang maayos. Kinabukasan ay isang katahimikan ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng kwarto. Kakaiba sa madalas kong datnan sa umaga. Hindi ako binati ni Rich nang may ngiti sa labi. Si Arch ay wala talagang kibo.
"Breakfast," malamyang aya sa akin ni Rich.
Sumunod ako sa kanya sa kusina kung saan nadatnan ko si Arch na walang kibo. Wala akong ibang maisip na dahilan ng pananahimik nila kung hindi 'yon. Alam na ba nila? Is that the reason of this silence?
"Thanks." Ngumiti ako kay Rich nang abutan niya ako ng kape. Ikinulong ko sa aking mga palad ang kape at dinama ang init nito. Ilang sandaling katahimikan pa ang lumipas at hindi ko na napigilan ang sarili. "May nangyari ba?" patay-malisyang tanong ko.
The bloody night that happened last night flashed in my mind. Do they know it's me?
Nagkatinginan sina Arch at Rich na parang nag-uusap gamit ang mga mata. Si Arch ang tumango kaya humarap sa akin si Rich. Nakita ko pa ang pag-aalangan sa kanyang mukha pero sa huli ay bumuka rin ang kanyang bibig.
"Trev is dead," malungkot na sabi ni Rich.
Natigilan ako sa mga sandaling ito. It felt like my mind stopped functioning. That's not what I was expecting and it really sounded wrong. Malinaw ang pagkakadinig ko pero gusto ko uli marinig para makasiguro.
"W-what?" I asked, confused.
"I'm sorry." Hinawakan ni Rich ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa. "He was about to go to the airport for his flight but he met his demise on the way. Sinubukan pa nilang itakbo sa malapit na ospital pero... I'm really sorry, he didn't make it."
Parang lumubog ako sa upuan ko.
Bumaling ako ng tingin kay Arch na nakatingin lang sa ibaba. Sinubukan kong suriin ang nararamdaman niya pero bigo ako. Inilipat ko ang tingin kay Rich na hinahaplos ang aking kamay para patahanin ako.
"Why are you sorry?" tanong ko kay Rich na ikinalingon ni Arch.
That was the best news I've ever heard so far!
Si Rich naman ang naguluhan. "You were the last girl he dated. He liked you, Amira."
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hinawakan ko ang tasa ng kape at sumimsim doon.
"Ow. I like this coffee!" I laughed a bit before taking another sip. "It suits on the best morning ever. You really know me well, Rich."
Umawang ang bibig ni Rich at hindi nakasagot.
Muli akong sumimsim sa kape.
"Amira," madiin na tawag sa akin ni Arch.
I mentally rolled my eyes and asked, "What?"
"Watch your words," he warned.
I smirked at him. Ibinaba ko uli sa lamesa ang tasa ng kape. "Don't tell me you feel bad for him? You loathed him, Arch. You even tried to steal me from him."
Bumali ang kanyang leeg. "He's dead," bahagyang bumaba ang boses niya. "Give a little consideration, will you? If you don't respect him alive, at least give some now that he's dead!"
I shrugged my shoulders. "Okay. Give to his fam my deepest condolence."
Kumuha ako ng tinapay sa basket at isinawsaw 'yon sa kape bago isinubo. Nakangiting kumakain ako habang nakatingin lang sa akin ang kambal. Rich seemed confused and Arch looked like he was ready to throw another heavy word to me.
"Restroom," sabi ko bago tumayo. Ramdam ko ang mga nakasunod nilang tingin hanggang sa maisara ko ang pinto.
Humarap ako sa salamin. Ang malawak na ngiti sa labi ko ay unti-unting naglaho. Lumapit ako sa lalabo. Hinugasan ko ang aking mga nanginginig na kamay. Kumawala ngayon ang panginginig ng katawan na kanina ko pa pinipigilan.
"You deserved more than that," I whispered.
Muli akong tumingin sa sarili sa salamin. Lumandas pababa sa aking mga mata ang luha. Nanginig ang mga labi ko. Inayos ko ang buhok ko sa likod ng aking tainga bago pinahid ang luha sa pisngi.
"We are not over yet, Trev," bulong ko. "We will still see each other on Hell."
Pagkalabas ko ng restroom ay wala na si Arch sa kusina, si Rich na lang ang nadatnan ko. Tinulungan ko siyang magligpit ng mga gamit. Napansin ko ang maya't mayang pagsulyap niya sa akin. He's probably wondering why I acted like that awhile ago.
"Pupunta kami ni Kuya Arch mamaya sa unang gabi ng lamay ni Trev," ani Rich nang matapos kami sa pagliligpit. "I-I just want to know if you want to come - but it's fine if you don't want to!"
"Sige," simpleng sagot ko.
"Ano?"
"Sasama ako," sabi ko.
Nakuha ko siyang mapangiti dahil sa sagot na 'yon.
Nabasag ang pag-uusap namin nang makarinig ng mga pagtatalo sa sala. Sabay kaming pumunta roon ni Rich. Nadatnan namin si Tita Minerva na nakatayo sa harapan ni Arch na nakaupo sa sofa. Napansin ko agad ang remote control ng TV na nasa sahig at basag.
"M-mom," tawag ni Rich.
Hindi siya nilingon ni Tita Minerva na diretso ang tingin kay Arch na nanatiling nakayuko, nakakuyom ang mga kamao nito sa kanyang hita.
"You leave me with no choice, Archeon," madiin na sambit ni Tita. "Sasama ka ngayon sa akin sa ospital at doon ka mananatili nang matagal. I don't care if you hate hospitals or what. We won't argue about this anymore."
"Ayoko," bulong ni Arch.
Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Tita. "Rich can't handle you anymore!"
"I never asked him to handle me in the first place!" Tumaas ang boses ni Arch na ngayon ay sinabayan na ang tingin ni Tita. "You can even leave me in this house alone. I don't care! I can take care of myself without Rich's help or yours!"
Natahimik si Arch nang dumampi sa pisngi niya ang palad ni Tita. Doon na lumapit si Rich at pumagitna. Hinawakan niya ang braso ng kanyang Mommy. He tried to calm the situation but it didn't work.
"Stop, please?" Rich begged.
Bumuhos ang luha sa mga mata ni Tita. "H-hindi na bumubuti ang kalagayan mo, Arch. Please? Do yourself a favor. Pakiusap, sumama ka sa akin sa ospital. Babantayan kita. Hindi ako aalis sa tabi mo. I will be there with you."
Tumayo si Arch at aktong aalis na nang hawakan ni Rich ang kanyang braso para pigilan.
"Mom's right," Rich said.
Kumunot ang noo ni Arch bago mahinang tumawa. Sumikip ang dibdib ko nang makita ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.
"I am hopeless," Arch whispered. "There's no right anymore when it comes to me."
Tita Minerva shook her head. Niyakap niya ang kanyang anak. Suminghap ako ng hangin nang dumapo sa akin ang tingin ni Arch. Mas nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. Sinubukan niyang itulak si Tita pero tila masyado siyang mahina para magawa 'yon.
"T-there's still a hope, baby," Tita convinced him in between of heavy sobs. "Come with me."
"I cut the hope when I threw away the medicines, Mom," Arch said as he chuckled. Bumaba ang tingin nito sa sahig. "Right, Mom. I stopped taking medicines a long time ago."
Kumawala sa pagkakayakap si Tita. "A-Archeon..."
Kumuyom ang mga kamao ni Rich. "You are so selfish," he said.
Mabilis na pinahid ni Archeon ang kanyang luha nang pumatak ito. Huminga siya nang malalim bago tumango. He forced a weak smile in front of us.
"Let me live, please?" Arch begged.
"You must," Rich responded.
Malungkot na ngumiti si Arch. "Let me live before I die."
"You're not dying!" madiin na sambit ni Tita.
"All my life, I have endured the pain of having this curse, Mom," bumaba nang bahagya ang tinig ni Arch. "I've put a line in every thing I do. I avoid taking what I should not. I survived and made it until now." He shook his head. "But I never lived."
Napahawak si Tita kay Rich nang manghina ang kanyang mga tuhod. Dinaluhan naman siya agad ni Rich. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Arch at ang kagustuhan na tulungan ito pero hindi siya kumibo. I could see the determination in his eyes. He has been waiting for this moment, when he can finally voice it out.
"I won't ask for anything, Mom. J-just let me go..." Bahagyang lumapit si Arch kay Tita na ngayon ay humahagulgol. "Don't worry, I will drink medicine again. I will still try to prolong my stay here but this time, I want to live, too."
"You know you can't, Kuya," ani Rich.
Ngumiti si Arch. "I can. You will help me, right?" he asked, hopeful.
Natigilan si Rich at natutop sa kinatatayuan.
Nakita ko ang bahagyang pagkawala ng ngiti sa labi ni Arch nang wala siyang makuhang sagot. Parang unti-unti na ring nawawala ang pag-asa niya.
"I am with you, Archeon," I said.
Napatingin sa akin sina Arch at Rich.
Ngumiti ako. "Member na ako ng Cheon Brothers, hindi ba? It's sad that you don't even ask me about that. Pero kahit na hindi mo ako tanungin..." I raised my right thumb. "You have me. Always and forever."
Katahimikan ang sumunod na nangyari. Nakatulala sa akin si Arch, hindi makapaniwalang sa akin pa manggagaling ang mga salitang 'yon.
"Always and forever," bulong ni Rich. Ngumiti ito at hinawakan ang mga balikat ni Arch. "Cheon Brothers. I am also with you, Kuya."
Muling nabuo ang ngiti sa labi ni Arch.
"I-I'm sorry..." bulong ni Tita na umiiling. "I can't." Saka ito pumasok sa kwarto namin.
Gano'n pa man ay hindi napawi no'n ang ngiti sa labi ni Arch. It seemed like no storm could wipe that smile away – nothing could make him lose that anymore. Parang lumundag ang puso ko dahil sa wakas ay nakita ko rin siyang ngumiti nang ganito.
"I want to try new things! Are you guys in?" he asked, thrilled.
"Anytime," Rich responded.
Arch nodded. "Thank you."
Iniwan ko muna sila. Sumunod ako sa kwarto ni Tita Minerva. Nadatnan ko siyang nakaupo sa kama, nakayuko sa kanyang mga kamay at umiiyak. She was mumbling something I couldn't understand. Pero kung may naintindihan man ako ay, "I'm sorry but I will never be strong to let you go."
Umupo ako sa kanyang tabi. "Every life in this world is numbered. No one knows when it ends. But one thing is for sure... there's always a time for us to go. That's the worst, don't you think? When you are clueless when. You have no idea if it's next month, next week, tomorrow... or today."
Pinaragasa ko sa kanyang likod ang aking kamay. "But in Arch's condition." Parang may bumara sa lalamunan ko na pumigil sa akin dugtungan 'yon. "We all know it's not that long enough." My lips trembled. "Help him, Tita. He needs you."
Umangat ang mukha ni Tita. Basang-basa ng luha ang kanyang mukha.
"T-that's why I am doing this," madiin niyang sabi. "But he doesn't understand. You don't understand!"
Tinamaan ako sa sinabi niya. "At least I'm trying."
"You killed him the moment you agreed on him!"
Naramdaman kong uminit ang paligid ng mga mata ko. At bago pa man niya ako makitang umiyak ay tumayo na agad ako at tinalikuran siya. Bago pa man ako makalabas ay may sinabi pa ako.
"Don't put the blame on me," I whispered. "He has been waiting for this moment, when he is finally brave enough to say it. What did you do?" I chuckled. "He's right. This family is over dramatic."
Maybe she's right. Somehow, I have no idea what's happening. Wala ako gaanong alam pagdating sa pamilya kaya hindi ko rin sila gaanong maintindihan. But when I saw how he smiled and hoped, I knew I did the right thing.
Hindi kumain nang tanghalian si Tita, nagkulong ito sa kwarto. Sinubukang siyang ayain ni Rich pero tumanggi ito. Pinagdala rin siya ng pagkain sa kwarto pero hindi niya ginalaw. Arch didn't bother to come in. He was just silent the whole time. Hindi man niya sabihin ay alam kong dinaramdam na rin niya 'to.
"Ayaw pa rin," nakangiwing sabi ni Rich nung dinner na at sinubukan niya ulit ayain si Tita Minerva.
Sandaling natigilan sa pagkain si Arch pero nagpatuloy din ito. Nakayuko lang siya. Napansin ko ang sunod-sunod na pagsubo nito ng pagkain. Nang mabulunan ay agad na kinuha ang baso ng tubig at sinimot 'yon. Hindi niya naubos ang pagkain.
Kumuyom ang mga kamao ko. She's giving him a hard time.
"Pupunta pa ba tayong lamay?" tanong ni Arch.
Nakita ko ang pag-alangan na sumagot si Rich.
"Why not?" I raised my brows.
"Okay," ani Arch. "Magbibihis lang ako." Saka na ito tumayo at lumabas ng kusina.
Naiwan kaming dalawa ni Rich.
"Ako na," pigil niya sa akin nang aktong maghuhugas na ako ng mga plato. "Magbihis ka na. Ako na ang bahala rito."
Tumango ako at hindi na nakipagtalo. Pumasok ako sa kwarto. Nadatnan ko si Tita na nakaupo sa kabilang bahagi ng kama, nakatalikod sa akin at nakaharap sa bintana. Nakatulala ito roon at halatang malalim ang iniisip.
Kumuha ako ng damit sa cabinet.
"Luluwas ako uli bukas," dinig kong sabi ni Tita. Nanatili itong nakatalikod sa akin. "Ang sabi mo ay isama kita kapag kukunin na ang cell phone mo. Dalhin mo na rin ang mga damit mo."
Natigilan ako. "I-I'm not leaving."
"Yes, you are." Tumayo ito at humarap sa akin. "Enough, Amira. I know what you did. You scared him, right? You let him drink alcohol. I brought you here to take care of them and not to bring chaos!"
Suminghap ako. "T-that's because you didn't tell me. Ang akala ko ay si Rich ang may sakit. I had no idea it was him."
"Enough!" sigaw niya. "Sasama ka sa akin bukas at hindi ka na uli babalik dito. I can't trust them with you anymore."
"No." Napalingon kami sa likod ko nang may magsalita. "If you want to go alone, just go, Mom. Amira is not going anywhere. Mananatili siya rito."
Bumuhos ang luha sa mga mata ko at mabilis na yumakap kay Arch. "I-I want to stay here longer, please. Don't push me away," I begged.
"Ssshhh..." Niyakap ako ni Arch. "Hindi ka sasama sa kanya."
"Magsimula no'ng dumating siya ay nagkaganyan ka na!" sigaw ni Tita sa pagkadismaya. "Kapag umalis na siya ay babalik ka sa dati. This is for the best, Archeon. She's no good for you!"
"She slapped me..." bulong ko kasabay ng muling paghagulgol. "N-nung pumasok ako kanina para kausapin siya, sinampal niya ako. Nagalit siya sa akin dahil pumayag akong samahan ka. She blamed me. Naiintindihan ko, pero... I didn't expect her to slap me." I wept even more.
"W-what? Liar!"
"Enough, Mom!" Arch fought back. "Let's go," bulong sa akin ni Arch.
"She was lying!" sigaw ni Tita pero hindi na siya pinakinggan ni Archeon.
Bago pa man kami makalabas ay binalingan ko uli ng tingin si Tita.
I smirked.
This family is mine now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro