Chapter 19
Chapter 19: Lights
Kinalag ko mula sa pagkakatali ang bangka bago dahan-dahang sumakay roon. Hinawakan ko nang mahigpit ang mga mabibigat na sagwan. Hindi ko alam kung paano gamitin ito. Nakailang sagwan na ako pero hindi ako umaalis sa lugar ko. Hindi ko alam kung papasok ba o palabas dapat ang pagsagwan para umatras.
After several tries, I managed to pushed the boat a bit away from the lake shore. Inulit ko lang nang inulit ang ginawa ko hanggang sa unti-unti na akong lumayo sa pampang. Ang tuwa ko ay umabot sa aking labi.
It felt good riding a boat alone. I have the authority to everything. Kung gustuhin kong manatili nang matagal sa gitna ng lawa ay walang magbabawal sa akin. Pwede akong pumunta sa kahit na anong panig ng lawa. Kung gustuhin kong huwag nang bumalik ay walang pipigil.
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magsagwan. Naramdaman ko ang pangangawit ng mga braso ko pero hindi ako natinag. Nilagpasan ko ang pinakamalayong parte sa lawa na napuntahan ko. I can't measure the center of this lake but at least I want to be near it.
Huminto ako sandali at nilingon ang paligid. Hindi ko na makita ang pampang. Sa napagtanto kong 'yon ay tumigil na ako sa pagsagwan. Itinaas ko uli ang mga sagwan para ipahinga ko aking mga kamay at braso.
I stretched my aching arms. Sa isang ihip lang ng hangin ay parang nilipad nito ang sakit.
Napagawi ako sa dakong Silangan. Ang swerte ko dahil mukhang maabutan ko ang paglubog ng araw. Medyo malayo pa ito sa daungan kaya maghihintay pa ako ng mga ilang minuto bago ito masilayan.
Nang mangawit ang likod ay bahagya akong humiga sa bangka, nakatalikod sa araw dahil hindi kaya ng mga mata ko ang sinag nito.
I felt at ease when my back perched on the wooden boat.
Ipinagsalikop ko ang mga kamay ko at ipinatong ito sa aking tiyan, habang nakatingin sa kulay kahel na langit. Pinanuod ko ang pagtawid ng mga ibon sa himpapawid at ang pabago-bagong anyo ng mga ulap.
Nung makatulog si Arch ay kinausap ako ni Rich tungkol sa kalagayan niya.
Arch doesn't want people to pity him for having that kind of curse. Marami na siyang pagtatangkang masama sa tuwing nakikita niyang kinakaawan siya ng mga tao. He feels more weak and vulnerable. That's why Rich decided to take the curse and pretend it's him who is sick. It's always like that. It has been always like that.
Why didn't I see that? He has given me enough clues.
Arch pushed Cams that night because she was holding a cigarette. He didn't mean to do that but he had no choice but to do it anyway. That was the only way to save himself. If he didn't do that, his heart will react and he would suffer. I also tried to give Arch a shot of alcohol that night but Rich took it away from me immediately. I should have noticed that Rich had a gulp but Arch had not.
That's also the reason why Arch didn't have a normal student life. He always end up in the clinic or worse rushed in the emergency room of the nearest hospital. He was always left at home alone. Out of boredom and frustration in life - that was when he tried to do the magic spell. He tried to bring fantasy to life just for a bit of satisfaction that it would somehow help him.
The reason why Arch is always happy to see her Mom at home but avoiding her when leaving is that... he blames himself. He blames himself because she has to travel a long road just to get home. He always blames himself. There are here because of him.
I remember when Rich screamed at me for the first time, that was when I tried to scare Arch by a spider. His pale face and how he immediately ran and locked himself inside his room... I remember it all.
That night when we had a calm conversation, he told me about him, being tired of pretending strong.
I should have known. Damn it!
Ilang beses na ba niyang tinangkang sabihin sa akin? Ilang beses na ba siyang naglakas-loob na umamin? Iniisip ba niyang mag-iiba ang tingin ko sa kanya kapag nalaman ko? Is that reason why he is always afraid? Is that the reason why his ways are always unexpected?
Hinawi ko ang luha sa aking mga mata.
My heart was aching again.
I now understand why I was so afraid when looking at his eyes. I now understand why I always see the sadness, longing, and pain in his eyes. I now understand why I am seeing myself in him.
We are the same. Our lives suck... and cursed.
I never found beauty in life. It always sucks. But I managed to get where I am today because... I am alone and I have no one to worry for except me and myself. Walang ibang magdudusa kapag may nangyari sa aking masama.
But not for him. He is suffering... but not alone. May ibang nagdurusa kapag nakikita siyang nasasaktan at doble ang balik no'n sa kanya. Pain is somehow endurable but thinking someone close to your heart suffering just by seeing you - that's the worst.
I chuckled, "I finally found someone who sucks even more."
Napalalim ang pag-iisip ko na hindi ko napansin na nakatulog ako. Nagising ako sa ingay mula sa kalangitan. Bumaling ako sa Silangan. Nanghinayang ako nang takpan ng mga makakapal at itim na ulap ang liwanag doon. Sumabay pa ang malakas na pag-ilaw sa langit at pagkulog.
Wala na akong nagawa kung hindi ang bumalik. Mas lumakas ang hangin kaya nahirapan ako sa pagkontrol sa bangka. Nagawa ko naman itong ilapit sa pampang. Umahon ako at itinali uli ito sa kahoy para hindi tangayin ng alon. Patapos na ako nang bumuhos ang malakas na ulan.
Yumuko ako at tumalikod. Tatakbo na sana ako nang may humarang sa daan ko. Nawala ang malalakas na patak ng ulan.
"Ang galing mo naman magsagwan." Sinalubong ko ang nakangiting mukha ni Arch. "First time? Nung kami nga ni Rich ay nagpatulong pa sa mangingisda eh."
"Why are you here?" I asked, a bit shocked.
"Makulimlim na kasi pero wala ka pa," aniya. "I didn't find you in the tree house and there's no hell you would go to the abandoned amusement park alone. So..." He shrugged his shoulders.
Inakyabayan niya ako at nilapit sa kanya para hindi mabasa ng ulan. Sabay kaming naglakad pabalik.
"Ayos na ba pakiramdam mo?" pabulong kong tanong, nakatingin sa mga paa namin.
"You're getting over dramatic just like Rich," he chortled. "But I'm good, Amira. Hindi naman na bago sa akin 'yon."
Hindi na ako nagtanong pa. Pagkabalik namin sa bahay ay nadatnan namin si Rich na hindi mapakali. Nang makita niya kami ay agad na nagbago ang hitsura niya. Mula sa inis ay napalitan ng galit.
"Don't be over dramatic." Inunahan na ni Arch si Rich. Ibinato niya pa kay Rich ang payong na nasalo naman nito. "Let's cook dinner. Gutom na ako."
Naunang pumunta sa kusina si Arch.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Rich. "Kanina pa kita hindi mahagilap. Nagpunta lang akong bathroom, pati si Kuya Arch ay wala na rin." Napailing na lang ito.
"Stubborn," I smirked.
Rich frowned. "Sometimes, I just want to kick him on his face," biro pa niya.
"Let's help him," sabi ko.
"Wait!" Rich stopped me. Mas lumapit siya sa akin. "Sana huwag magbago ang pakikitungo mo sa kanya, Amira. Mas lalo niyang dadamdamin ang lahat. At least, stay who you are. If you need to pretend not knowing at all, please," he whispered.
I gulped. I get it.
Ngumiti ako. "I am a short-tempered girl, too, Rich. Kahit na may sakit 'yan kapag nang-asar, papatulan ko talaga 'yan. Duh. It's not an excuse to be rude to people."
Tumawa si Rich sa sinabi ko.
But in the back of my mind I know... something has changed.
We ate dinner together. Arch has been talking non-stop. Sa dami ng kwento niya ay nasabi na rin niya kay Rich ang pang-iiwan na ginawa ko sa kanya kanina at kung paano siya naging tanga roon kahihintay.
"Halos nakabisado ko na lahat ng bulaklak, hindi ka pa rin bumabalik!" asik niya sa akin.
"You're confused. Pabago-bago ang desisyon mo, Arch. Paano kung pumayag akong i-date mo tapos pag nasa kalagitnaan na tayo bigla na namang magbago ang isip mo? Ayoko namang magmukhang tanga at maging laman ng usap-usapan tungkol sa babaeng iniwan ng ka-date niya!"
Kasalan ko bang pabigla-bigla siya? I was not prepared. May plano na ako at gano'n din siya. Lingid sa kaalam ko na ang plano niya ay sirain ang plano ko!
"Sayang 'yung pera!" giit pa niya. "Binalik mo 'yung bulaklak, bayad na 'yon eh!"
"Malay ko ba," umirap ako.
Natatawa lang si Rich sa amin.
"At least you should have brought that flower with you," sambit pa ni Arch. "Hindi ka marunong magpahalaga ng mga ibinibigay sa 'yo!"
I rolled my eyes and shut my mouth. Baka maibato ko sa mukha niya ang baso na hawak ko.
Tumahimik na rin kami matapos no'n. Tapos na kaming kumain at nakaligpit na ang mga pinagkainan pero wala pa ring tumatayo sa aming mga upuan.
Tumikhim si Rich mayamaya. "Baka bukas na makauwi si Mommy."
Isang tango lang ang naisukli ni Arch.
Bumaling sa akin si Rich. "Sa tingin ko ay alam na rin niya kung sino ang kumuha sa phone mo, Amira."
Natigilan ako. "Really?"
"That's what she said," he shrugged his shoulders. "Bakit parang ayaw mo nang makuha phone mo? Sayang din 'yon," biro pa niya.
"Memories," I simply responded.
"Should be kept," tuloy ni Arch. Nakatutok na ito ngayon sa kanyang cell phone.
"Maybe some," pagsalungat ko.
Tumahimik kami uli matapos no'n.
"I still want to date you." Napalingon ako kay Arch dahil sa sinabi niya, pabulong 'yon pero malinaw na narinig namin. Nakatutok pa rin ito sa kanyang cell phone.
Is that for me?
Hindi ako sumagot.
"Tell me when so I can prepare things." That's the moment he looked at me. "Just make it happen soon, babe. You don't want to date a corpse." He chuckled.
Sumikip ang paghinga ko.
"Now," I immediately responded.
Nanlaki ang mga mata niya. "Now, babe?!" manghang tanong niya.
I nodded.
Ngumiwi siya.
"Ako ang maghahanda sa date niyo!" Biglang tumayo si Rich. Napansin ko agad ang panunubig ng mga mata niya. Tumalikod ito sa amin para hindi 'yon makita. "I will arrange the place. Wait here."
Naiwan kaming dalawa ni Arch sa kusina.
"Very dramatic," Arch mumbled.
Pumahalungbaba ako sa lamesa habang nakatitig kay Arch.
Kumunot ang noo niya. "What?"
Without saying anything, I smiled.
Naging limitado ang kilos niya na parang naiilang.
"Stop staring!" bawal niya sa akin.
Mas lumawak ang ngiti sa labi ko.
"Amira!" He pouted his lips. "Are you playing with me, huh?"
I shook my head. "This will be your first date, right?"
Namula ang kanyang mukha. "N-no! I had a lot of date before!"
"Okay," kunwari ay naniwala ako. "So, what do you think the couple usually does when dating?"
Nakita ko ang paglunok niya at pagkaubos ng masasabi.
"K-kakain!" sagot niya.
"And?" I forrowed my eyebrows.
"Mag-uusap!"
"Iyon lang?" pang-aasar ko pa.
Umiling siya. "Holding hands," mababang boses na sabi niya.
"Ano?" tanong ko.
"Holding hands!" He glared at me. "I won't hold your hand! We will just sit there and eat our food."
Isang tango lang ang nakuha niya sa akin.
Mayamaya ay dumating na uli si Rich. Malawak ang ngiti nito sa labi na parang may masamang plano. Napansin ko agad ang hawak niyang dalawang panyo. Ibinigay niya ang isa sa akin habang ang isa naman ay kay Arch.
"What's this?" takang tanong ni Arch. Binuklat niya ang panyo at sinuri na parang naghahanap ng kakaiba roon. "I don't get it."
"Surprise?" tanong ko kay Rich.
"Cover your eyes." Ngumiti ito.
I frowned. "Hindi na kailangan-"
"Let's do this." Arch cut me out. Napatingin ako sa kanya, sinimulan na nitong takpan ang kanyang mga mata.
Wala na rin akong nagawa kung hindi gawin ang nais ni Rich.
"Si Amira muna ang dadalhin ko ah?" dinig kong wika ni Rich. "Stay here, Kuya. Don't remove your blindfold."
"Okay," tipid na sagot naman nito.
Naramdaman ko ang kamay ni Rich sa likod ko. "Let's go," he whispered.
Inalalayan niya akong makatayo. Nakakapit ang isa kong kamay sa kanya para kung sakali mang madapa ako dahil sa gawa niya ay kasama siya. I don't like surprises because I tend to high my expectations. And I usually get disappointed.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. That's when I knew we just got out of the house. If I can make a guess, we are in front of the huge tree now.
"Make him happy for me," I heard him whispered.
Inalis niya ang pagkakatakip sa mga mata ko. Tama ako, sa likod nga. Kumikinang ang malaking puno ngayon dahil sa mga pailaw. Sa paligid ay maliwanag gawa ng mga maliliit na kandila at nakakalat din ang mga talutot ng pulang rosas.
"W-whoa," I mumbled.
"Ngayon ko lang uli binuksan ang Christmas lights. I really hope you find it romantic," he chuckled. "Sandali, ah? Susunduin ko lang si Kuya Arch. Baka inip na agad 'yon."
"Thanks," sabi ko.
Ngumiti lang ito bago bumalik sa loob.
Muli kong pinagmasdan ang paligid. Basa pa ang lupa dahil sa nagdaan na ulan pero hindi ito nakabawas sa ganda. Naglakad ako papunta sa bench sa lilim ng puno at umupo roon. Nakatingin ako sa pinto papasok sa bahay.
Mayamaya ay lumabas na roon ang kambal. Tawa nang tawa si Rich habang si Arch ay nakasimangot na. Muntik pa silang matumba dahil hindi magawang balansehin ni Rich ang bigat ni Arch. Sinubukan pang alisin ni Arch ang piring pero agad siyang inawat ni Rich.
The Cheon Brothers... I will protect them at any cost.
"Ready?" dinig kong tanong ni Rich.
Hindi sumagot si Arch, agad niyang inalis ang panyong tumatakip sa kanyang mga mata. Namilog ang kanyang mga mata at bahagyang umawang ang kanyang bibig.
I couldn't help but to smile when I saw how amused he was.
"You did this?" manghang tanong ni Arch.
"Yes," proud na sagot ni Rich.
Napatingin sa lupa si Arch at agad na kumunot ang noo nito.
"T-the petals of roses." Tumingin si Arch sa kanyang kapatid. "Kinuha mo sa kwarto ko 'yung binili kong bulaklak at nilagas ang mga petals nito?!"
Humalakhak si Rich. "Isn't it beautiful?"
"B-but that's for..." He let out a heavy sigh.
Hinila ni Rich si Arch palapit sa akin. Napaayos ako ng upo habang si Arch naman ay nagbaling ng tingin sa itaas ng puno.
"Kayo na lang ang umakyat sa itaas," ani Rich.
Inilahad ko kay Arch ang aking kamay para alalayan akong tumayo pero hindi niya ito pinansin. Tumalikod ito agad at naglakad papunta sa likod, malamang na nauna na siyang umakyat sa itaas.
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa inakto niya kahit na inasahan ko na 'yon.
"Sumunod ka na, Amira," aya sa akin ni Rich. Mahina pa itong natatawa. "Enjoy the night. Sana habaan mo ang pasensya mo."
"Ano pa nga ba?" pabalang kong sabi.
Tumayo na rin ako at umakyat sa itaas. May mga petals of roses din sa itaas at may magandang kandila sa gitna. Tumingala ako sa bubong ng maliit na bahay, ang mga pailaw roon ay mga iba't ibang kulay na bituin. Simple lang pero sobrang lakas ng dating sa akin. Mas malamig din ang hangin ngayon.
"Let's eat," ani Arch.
Saka ko lang napansin si Arch na nakaupo sa lapag at kumakain ng prutas. Umupo ako sa tabi niya pero agad itong umusog palayo. Hindi na lang ako kumibo. Akala ko ba date ang gusto niyang mangyari? Ang yabang mag-aya tapos...
Kumuha ako ng mansanas at kumain na lang. Tiningala ko uli ang mga bituin sa bubong. Ilang segundo ang lumipas ay narinig ko ang mahinang tugtugin mula sa loob ng bahay. Napangiti ako nang wala sa oras.
Napagawi kay Arch ang tingin ko, nahuli ko ang kanyang tingin kaya agad itong umiwas.
"So..." I cleared my throat. "What should we do?"
Kumunot ang noo ni Arch. "I-I don't know..."
"Let's talk." Humarap ako sa kanya. "We have talked about Cams and Trev before. Sinabi ko sa 'yo ang tingin ko kay Trev at sinabi mo sa akin ang tingin mo naman para kay Cams."
"I find you annoying and that's all," agad niyang sabi.
"Sweet," I giggled.
Nagtaas siya ng kilay. "That's not a compliment."
"I find you annoying, too," I said. "You're hot sometimes but annoying all the time."
He chuckled. "I know."
"But that's not all." Mas lumapit pa ako sa kanya pero hindi na siya lumayo. "You told me that you pretend to be strong but I want to tell you I don't think you need to pretend, Arch.. I see you strong and annoying. A good brother but annoying. Bold but annoying. Yeah, annoying."
He laughed, softly. "Good to hear, babe."
"Yeah."
Natigilan ako nang umubo ito. Napansin kong bahagya siyang napahawak sa kanyang dibdib.
"Are you cold?" I asked, worried.
"Sleepy."
Tumango ako. Umayos ako ng upo, itinuwid ko ang mga binti ko at sumandal sa dingding. Sinenyasan ko siyang humiga at gawing unan ang hita ko. Hindi ito nagtanong o nag-atubili, ginawa nito ang gusto ko. Nakatihaya siya at nakatulala sa bubong.
"Do you regret meeting us?" he suddenly asked.
"Yes," I said. "I regret meeting you just now. Kung sanang dati pa..."
He coughed again. Sa bawat pag-ubo niya ay napansin ko ang pagngiwi ng kanyang labi.
"I want to see Mom," he suddenly said.
"Bukas."
"No," he chuckled. "I want to see Mom before I-"
"You will see her tomorrow," I cut him out. "Are you tired?"
"My Mom is tired." He closed his eyes. "I hate myself."
Pinaragasa ko sa kanyang buhok ang aking daliri. "Same," I agreed. "We are the same, Arch. You're not alone."
Nakita ko ang bahagyang pagsilip ng ngiti sa kanyang labi.
"Pero hindi na rin naman magtatagal ang paghihirap niya," bulong nito na sinabayan pa ng mahinang tawa. "Rich can go to school again and enjoy his life. Hindi rin magtatagal ang lahat at babalik sila sa dating kinagawian."
"H-have you ever blamed Him?"
"No. But I have always wanted to write for Him," he answered. "If I could write a note to God, I would ask him not to take away whatever I have but just to simply remove the pain. In that case, it won't hurt. I won't feel it. I wouldn't need to go here. I'll just disappear."
"Does it always hurt?"
Isang ngiti lang ang nakuha kong sagot sa kanya.
"Aside from that, ano pa ang gusto mong gawin?"
Nagdilat siya ng mga mata. "I don't think Rich or Mom would let me do that."
"How about me?" I raised my brows.
He gulped. "Gusto kong maranasang umakyat sa tuktok ng bundok. I know it is impossible but... that's what I've always wanted. Matagal ko nang tinanggap 'yon. It was one of the dreams I couldn't reach. I'm fucked."
"Let's do that."
"Yeah?" He laughed.
"Seryoso ako!"
"Okay," aniya bago muling ipinikit ang mga mata. "Inaantok na ako. Ituloy na lang natin itong date sa susunod?" Umayos ito ng upo.
"Okay. Rest well. Magpapalamig lang ako sandali rito," sabi ko.
Tumango ito. "I had a great time."
"Yeah. Let's make it best next time?" I smiled.
"Sure!"
Bumaba na siya. Mayamaya rin ay nawala na ang tugtog mula sa loob ng bahay.
Napadako ang tingin ko sa isang bagay na mukhang nahulog ni Archeon, ang kanyang cell phone. Kinuha ko ito at ihahabol sana sa kanya nang mapansin na umilaw ito. Saka ko napagtanto na may nasasagap na signal mula rito sa itaas.
One message from Cams. Nang mabasa ko ito ay agad akong nagkumahog bumaba. Imbes na dumiretso sa loob ay umikot ako papunta sa harap ng bahay. Kinuha ko sa garahe ang isang bisikleta at lumabas ako ng bakuran.
She's back.
I'm so scared right now. Ayos na kami. Bakit pa siya bumalik?
Damn it. Paano kung bumalik din si Trev?
Ilang minuto akong nagbibisikleta hanggang sa matanaw ko ang isang babae na naghihintay sa waiting shed. Nakaupo ito roon at nakatingin sa kanyang cell phone. Halatang may hinihintay ito.
Nang makita niya ako ay napatayo ito.
"W-where is Arch?"
Itinabi ko ang bisikleta bago lumapit sa kanya.
"Bakit ka bumalik?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya. "For Arch."
Hinawakan ko ang kanyang balikat. "Huwag ka nang bumalik. Just leave us alone, please?"
Sumama ang tingin niya sa akin.
"Do you like Arch?" she asked.
"Does it matter?"
"No," she chuckled. "Hindi ikaw ang pinunta ko. Pwede mo ba akong dalhin kay Archeon?"
Umiling ako.
"Why?" Nagtaas siya ng kilay. "I want to see him! What's wrong with you?!"
"You bring trouble!" I screamed at her face. "Ayos na kaming wala ka! He's not even mentioning you anymore. Wala ka nang lugar sa pamilya nila, Camille! Umalis na!"
Natigilan ako nang maramdaman ang kanyang palad sa pisngi ko.
"I'm going to talk to him!" giit niya.
Hinawakan ko ang braso niya nang aktong aalis na ito.
"Leave," kalmado kong pakiusap. "Please?"
"Bitawan mo ako!"
Madiin akong napapikit. Manganganib na naman sila sa pagbabalik niya. Baka mas malala pa ang gawin ni Trev. They are not safe while Cams is around. I will protect them at any cost. I promised that. I did it before and I will do it again.
"I'll ask you one more time, Camille. Please... just leave."
She pushed me. "No!"
And she left me no choice. Hinawakan ko ang braso niya at itinulak siya sa dumaan na sasakyan. Nasagi siya noon at agad na tumalsik. Gumulong ito sa gilid ng kalsada at agad na kumawala ang maraming dugo sa kanya kasabay ng pagkawala niya ng malay.
Nagmadaling sumakay ako sa bisikleta.
"I have to," I whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro