Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18: Cried

His ways were complex and unexpected. Ilang beses na ba akong nahuli sa mga pabago-bago niyang plano? I don't know why but he is always confused. His plans are easily changed. I want to understand him but I can't. He seems scared of something I don't understand.

"Sigurado ka ba rito?" tanong ni Trev na nagmamaneho.

Nanatiling diretso sa kalsada ang tingin ko. Alam kong mali ang ginawa kong pang-iiwan kay Arch pero mas mali ang gusto niyang mangyari. Trev has prepared for this day and already spent too much time just to be wasted – just because someone's plan has changed.

"I could turn this car back to the flower shop, just tell me," Trev said when I didn't respond.

"No," I shook my head. "We have a plan today. Let's stick to it."

"Okay."

Trev brought me to Sky Resto. Literal na parang nasa sky kami. Sa sobrang taas namin ay kitang-kita ang kabuuan ng La Trevi sa likod habang sa harap ko naman ay ang malawak na dagat. I could even hear the crashes of waves below us and it felt like good music in my ears. I could stay here for a day and not eat anything.

Si Trev ang kumakausap sa staff habang ako ay lumapit sa barandilya para mas tanawin kung gaano kami kataas. Alam na ba niyang umalis na ako? Is he mad? He has the right to. Hindi ko nga alam kung paano pa siya haharapin 'pagkauwi ko mamaya. Maybe he will raise another hell with me but this time, worse.

"You like it?" Tumabi sa akin si Trev.

"Thank you," I mumbled.

"Gusto mo bang ipalabas ko rito ang table?" tanong niya. "Pero masyado kasing mahangin dito baka hindi tayo gaanong makakain."

"No." Humarap ako sa kanya. Hinawakan ko ang buhok kong nililipad ng hangin. "Let's go inside."

Sabay kaming pumasok sa loob. May isang waiter na nag-assist sa amin sa isang table. Pinanghila pa ako ni Trev ng upuan kaya nginitian ko siya. At nang makaupo na kami ay nag-serve na sila ng pagkain. May kandila rin sa gitna na humahalimuyak sa bango. Ang chill din ng vibes dito, isama pa ang slow music.

I am not a romantic person but I appreciate Trev's effort in arranging this. Hindi ko nga inakalang seseryosohin niya ng ganito ang date na inalok niya. It feels good to receive such an effort.

"Let's eat?" I asked.

He chuckled and nodded. "Sure. Go on."

Hindi ako gaanong nakakain kanina ng agahan, pero ngayon ay naramdaman ko ang gutom. Napansin kong ako lang ang kumakain habang si Trev ay nakatingin lang sa akin. Hindi ko siya pinansin. I'm hungry and if he doesn't want to eat, none of my business.

"You are not that bad," biglang sabi ni Trev na sinabayan pa ng mahinang tawa. "No'ng una kitang makita ay parang pasan mo ang mundo. Hindi mo man lang ngang magawang ngumiti sa mga tao."

Sandali akong tumigil sa pagkain. "Smile takes energy, too. I save energy."

"Is that the reason why you don't smile often?"

I refused to answer. Kumain na lang ako ulit. Inalok pa nga sa akin ni Trev ang kanya pero umiling na ako. Busog na rin ako pero kapag may dumadating na pagkain ay natatakam ako. Ang bagsak ko ay kakain na naman.

"You're spoiling me," I chuckled.

Pumahalungbaba ito sa lamesa habang nakatingin sa akin. Sinabayan ko ang titig niya.

"Do you regret it?" he asked.

"He deserved it," I answered, casually.

"What I mean is, coming with me instead of him? Do you?" he asked.

That caught me off guard. Do I? Maybe. Pero ginawa ko lang kung ano ang sa tingin ko ay tama.

Umiling na lang ako bilang sagot.

He cleared his throat and stood beside me.

"Can I dance you?" he asked and offered his hand.

Oh, no. This is why I hate romantic scenes. It involves romantic dance.

"I-I don't dance," I said, stuttering. "I'm sorry."

I don't dance, simply because I don't know how to.

"Please?" he begged. "Ako ang bahala sa 'yo. Don't worry."

He gave me an assuring smile.

Sa huli ay wala rin akong nagawa. Tinanggap ko ang kamay niya at hinayaan siyang itayo ako. Pinahawak niya ako sa kanyang balikat habang siya naman sa aking bewang. Inumpisahan niyang igalaw ang katawan ko.

It felt awkward. Ilang beses ko rin atang naapakan ang kanyang paa.

"Sorry," I mumbled.

Nakatungo lang ako habang mahinang gumagalaw. Gusto ko nang huminto pero si Trev ay patuloy pa rin.

"You're good. Don't worry." Nakiliti ako nang bumulong sa akin si Trev. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko.

Napaigtad ako nang mas bumaba ang hawak niya sa bewang ko. Napaangat ang mukha ko at sumalubong sa akin ang kanyang ngiti. Parang wala lang 'yon sa kanya kaya ipinagsawalang bahala ko. Is this really part of the dance?

"I have something for you in my car," he whispered.

Sumikip ang dibdib ko. That answered my question. No. That's not part of the dance. It was a sign.

Naghuramentado ang dibdib ko sa mga sandaling ito. Gusto kong tumanggi pero nagawa niya akong ilabas doon. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa lobby.

I was shaking, I knew he felt it.

I gulped before I said, "I-I'm good." Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mas humigpit lang ang kamay niya. "T-Trev. I think I need to go to the bathroom," I made an alibi.

"It can wait." That's the moment he looked at me. All the smiles he showed me earlier tuned into ashes and all I could see was his cold eyes.

"No!" I pushed him. Nagawa kong makawala sa kanyang pagkakahawak.

"I just want to show you something, what's wrong?" he asked a bit irritated.

No. There's really something wrong.

"I will call Arch to fetch me here," I said. "Mauna ka na, Trev. Okay na ako rito."

Kumunot ang noo niya. "You are my date. Ako ang mag-uuwi sa 'yo!"

Napapatingin na ang mga tao sa amin.

Bumuntong-hininga si Trev. "Come on, Amira. Kapag naipakita ko na sa 'yo ito ay iuuwi na kita."

Hinawakan niya uli ako at walang-lakas na nagpatianod ako. Nasasaktan na ako dahil sa sobrang higpit ng hawak niya sa akin. Parang bumabakas na nga ang kuko niya sa braso ko. Nag-iisip ako ng dahilan para makatakas pero wala akong makitang ibang paraan kung hindi ang dahas.

No'ng nasa parking lot na kami ay hinablot ko uli ang kamay ko sa kanya. Nung humarap siya ay sinipa ko ang pagkalalaki niya. He wept on the floor while holding his thing. I took that chance to run. Nanginginig ako sa takot, maging ang tuhod ko ay nanghihina.

"Come back here!" I heard him screamed.

Nagtago ako sa malayong sasakyan. Umupo ako sa sahig at niyakap ang mga binti ko. Napapikit ako nang mag-umpisa na namang umakatake ang mga bangungot na matagal ko nang ibinaon. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako sa takot.

Sinubukan kong ayusin ang sarili ko para tumakas. Mas lalo akong manganganib kung paiiralin ko ang takot. I need to save myself and crying won't help me.

Come on, Amira. You are better than this. You can save yourself. You did it before, you can do it again.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Tahimik. Walang mga tao. Walang kahit na sinong mapaghihingian ng tulong. Napatingin ako sa daan pabalik sa loob. I need to go there and ask for help.

Tumayo na ako at nag-umpisa nang tumakbo palayo. Hindi pa man ako nakakalayo nang may humawak na sa braso ko. Pagkaharap ko sa kanya ay tumama ang kanyang kamao sa aking puson. Napaluhod ako sa sakit.

"Stop trying to escape now," he said.

Binuhat niya ako at sa pagkakataong 'yon ay hindi na ako nakapagpumiglas pa. Wala akong nagawa kung hindi ang tumingin sa kulay asul na kalangitan. Hanggang sa maging malabo ang lahat sa aking mga mata.

Naipasok niya ako sa loob ng kanyang sasakyan at isinara ang pinto. Nang maramdaman kong gumapang sa puson ko ang kanyang kamay ay sinipa ko ang mukha niya. Nauntog siya sa bintana pero hindi natinag.

"Fuck!" he screamed, dizzy.

Palabas na sana ako sa pinto nang may sinabi ito. "I will kill the Cheon Brothers!"

That stopped me. "Asshole," I gritted my teeth.

He smirked. Pinunasan niya ang dugo sa kanyang ilong na gawa ng pagsipa ko.

"You need to choose, Amira. Let me do this or I will kill the Cheon Brothers."

Doon uli pumatak ang luha sa aking mga mata. No, he can't do that. I vowed to protect that family while I am here. I will do it. This is my home now. I finally have a home. Not now.

Hinawakan ni Trev ang aking kamay at hinila ako pabalik sa loob. Sa pagkakataong 'yon ay hindi na ako nanlaban pa. I could escape and save myself but I didn't do it. Mas mahalaga sa akin ang pamilyang mayroon ako ngayon. I will protect it even until I bleed and until I lose my breath.

Lumapit sa akin si Trev. "Fuck Archeon. He's an asshole. Ipinaubaya ko sa kanya si Camille pero anong ginawa niya? He hurt her. He broke her. I will take my revenge using you. Tell Archeon what I did to you."

Itinaas niya ang damit ko.

I just closed my eyes and let him do what he wants to. Humawak ako sa upuan nang maramdaman ang sakit. Inisip ko na lang na sa ganitong paraan ay maililigtas ko sina Arch at Rich. This is nothing. I can endure it. I've been here... it's no longer new to me.

In the midst of pain, I forced a smile.

Nagsawa rin si Trev matapos ang ilang minuto. Sandali siyang lumabas para magyosi. Nang mahuli niyang nakatitig ako sa kanya ay ngumiti ito. Mabilis kong iniiwas ang aking tingin.

Nanginig uli ang labi ko pero sinikap kong hindi umiyak. Kailangan kong bumalik sa bahay nang parang walang nangyari. Ayokong makita nila ang bakas ng luha sa aking mga mata. Ayokong pag-alalahin sila.

I hugged myself when I felt cold.

"I want to go home," I whispered.

I'm so tired. I just want to sleep and forget everything. Just like what I always do.

Pumasok si Trev nang matapos mag-yosi. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at inilabas ito ng parking lot. Ang tinatahak naming daan ngayon ay pabalik sa bahay. Lumuwag ang paghinga ko.

"Tell Arch what happened," Trev chuckled. "Pero sa tingin ko ay hindi na niya ako maaabutan. Still, you need to tell him. I want him to feel what I felt."

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Naramdaman ko pang hinawakan niya ang aking hita pero hindi ako kumibo.

"You're beautiful, Amira. Arch will be happy to have you."

Ipinikit ko na lang uli ang aking mga mata. This is what I do when I am scared. I close my eyes and pretend that it's fine. Nothing lasts. This pain will subside. This memory will be forgotten. I don't care about the scar.

I forced a feeble smile.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas sa sasakyan ni Trev. Narinig ko pa ang paghalakhak nito bago nagmaneho palayo.

Huminga ako nang malalim bago nag-umpisang pumasok sa loob ng bahay. Ang unang bumungad sa akin ay si Rich na nakaupo sa sofa. Nang makita niya ako ay napatayo ito at mabilis na ngumiti. Isang ngiti lang sa kanya at parang kalahati ng sakit ay napawi.

"How's it?" Rich asked, thrilled.

"Nothing special," I chuckled.

Ngumuso ito. "Sana sinama mo ako."

Umiling ako.

Lumunok ako. "Where's Arch?"

"Labas. Hindi ba natuloy ang date nila?" tanong ni Rich. "Hindi niya ako kinakausap eh. May nangyari ba? Kanina pa siya sa tree house."

Muli akong umiling. "Puntahan ko lang, ah?"

"Sige. Kausapin mo siya, ah? I'm worried."

Lumabas ako sa likod. Tinanaw ko ang maliit na bahay sa itaas. Kumunot ang noo ko nang makitang may usok na nanggagaling doon. Dali-dali akong umakyat. Tumambad sa akin si Arch na nakaupo sa sahig at humihithit ng yosi. Sa kanyang kabilang kamay ay may bote ng alak.

Umangat ang tingin niya sa akin. "Don't tell Rich," he said.

Imbes na sumagot ay umupo ako sa tabi niya. Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at nagsindi rin. Ibinuga ko ang usok sa hangin kasabay ng isang mabigat na hininga.

"I'm sorry," I whispered.

"Am I selfish?"

Napatingin ako sa kanya. Tulala lang ito sa malayo.

Kinuha ko ang alak sa kanyang kamay at tumungga rin doon.

"We all are," I responded.

"I expected you to do that," he chuckled.

"Are you not mad?" I asked.

Bigla siyang tumingin sa akin. Kumunot ang kanyang noo. "Bakit may punit ang damit mo. Wala naman 'yan kanina ah?"

Mabilis na inayos ko ang damit ko.

"Naipit lang sa table kanina," sagot ko.

Tumango naman siya. "Did you enjoy it?"

I shrugged my shoulders.

Ilang minuto rin kaming tahimik. Naubos ko na ang sigarilyo. Napansin ko ang mga nakakalat na boteng walang laman. Mukhang kanina pa talaga siya umiinom dito at hindi man lang alam ni Rich.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang nanginginig. Humithit ito uli ng sigarilyo pero hindi niya naibuga 'yon. Napaubo ito.

"I'm tired," he said.

Hinawakan ko ang kamay niya pero hinawi niya ito.

"Ayos ka lang?" alalang tanong ko.

Hindi niya ako sinagot. Bumaba siya agad. Naglalakad na ito papasok sa bahay. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tumumba siya sa sahig at hawak-hawak ang kanyang dibdib. Nagkumahog akong bumaba.

Shit!

"Kuya!" Naunang nakalapit si Rich at binuhat ito. Halos patakbo niya itong ipinasok sa loob at maingat na ibinaba sa sofa sa sala.

"What's happening?" alalang tanong ko habang nakatingin kay Arch.

"Get my phone! Nasa itaas!" utos ni Rich. Kumunot ang noo niya nang hindi ako kumilos. Natulala ako sa namumutlang mukha ni Arch. "Amira! Get my phone!" Nabalik ako sa huwisyo nang sumigaw si Rich saka ito tumakbo sa kusina.

Mabilis na kumaripas ako ng takbo pataas at papasok sa kwarto ni Rich. Nakita kong naka-charge ang kanyang cell phone sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko ito at nagmadali rin akong bumaba. Naabutan kong may ipinainom si Rich kay Arch.

"I'm calling, Mom," sabi ni Rich.

"D-don't," mahinang sabi ni Arch.

"Enough, Kuya," madiin na sambit ni Rich.

Binigay ko kay Rich ang cell phone. "Hahanap lang ako ng signal. Stay with him," paalala niya sa akin bago tumakbo palabas.

Tumabi ako kay Arch at hinawakan ang malamig niyan kamay. Sinubukan niya akong tingnan pero hindi niya magawang imulat ang kanyang mga mata. Mahina itong natawa na ikinakunot ng noo ko.

"Archeon..." Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.

"A-Amira..." he whispered.

I bit my bottom lip.

"You fooled me," bulong ko kasabay ng pagluha muli.

He flashed a feeble smile.

Niloko niya ako at pinaniwalang si Rich ang may sakit. It's him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life