Chapter 15
Chapter 15: Date
I don't remember the last time I cried in front of someone or I let someone see me in my weakest point. I don't cry that much but when I do, I hide behind a curtain or a tree so no one will see me. Sa lahat ng taong nakapaligid sa akin ngayon, hindi ko inakalang si Arch pa ang makikita. At sa lahat ng taong magpapatahan sa akin, hindi ko inakalang siya pa ang gagawa.
But the strange part is... I am not scared. I don't regret that I let him see my tears.
He was there until I fell asleep. Nang magising ako ay umaga na. Bumalik na ang sigla ng katawan ko. Sa tingin ko ay nabigla lang talaga ang katawan ko kahapon dahil sa layo ng nilakad namin at idagdag pa ang maghapon naming pagliliwaliw sa abandonadong amusement park. But all in all... it was worth it. I can't wait to be back there one of these days.
Nauna akong matapos mag-ayos kina Arch at Rich. Nakaupo ako ngayon sa sofa rito sa sala at hinihintay sila. Ngayon kasi kami mamimil ng mga pagkain na sa amin iniatas ni Tita. Umalis din siya kagabi. Hindi ko man lang siya nakita.
Umangat ang tingin ko sa unang lalaking bumaba sa hagdan. Hindi nagsalita si Arch at tumabi lang sa akin. Sandali niyang binuksan ang TV at nilipat sa sports channel. He just checked the game and turned it off again. Sumandal siya sa sofa.
Tumikhim ito. "Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo?"
Tumango ako nang hindi siya nililingon.
Tumahimik siya sandali bago nagtanong na naman, "You sure? Pwede ka namang manatili rito para hindi ka mapagod. Kasama naman namin si Cams."
Nang marinig ko ang pangalan na binanggit niya ay napalingon ako sa kanya.
"I'm good," I said.
Ayoko namang maiwan dito mag-isa. Puro puno na lang ang nakikita ko. Tapos ngayon na nga lang ako magkakaroon ng pagkakataon na lumabas ay binibigyan pa niya ako ng dahilan para manatili?
Mayamaya ay bumaba na rin si Rich kaya lumabas na kami. Hindi kami nagbisikleta. Ayon sa sinabi ni Rich ay kailangan lang naming maglakad nang kaunti papunta sa terminal ng mga tricyle at ihahatid kami no'n sa sakayan ng jeep papuntang mall.
Napangiwi ako dahil alalay na alalay sa akin si Rich. "Careful. Kuya, bagalan mong maglakad!" puna niya kay Arch na nauuna sa amin.
Huminto naman si Arch at tamad na bumaling sa amin. Hinintay niya kaming makalapit sa kanya at sinabayan kami sa paglalakad.
Hindi naman ako mabagal maglakad, nababagalan lang dahil nakaalalay sa akin si Rich. Kulang na nga lang ay buhatin na niya ako para lang hindi mapagod. Si Arch naman ay naiiling na lang sa inaakto ng kanyang kapatid.
Hindi niya binanggit kay Rich ang nangyari kagabi. Malamang na iniisip niyang baka mas lalo itong mag-hysterical kapag nalaman niyang umiyak ako. Kilala ko si Rich, ang tawag nga ni Arch sa kanya ay "over dramatic."
Pasimple ang paglingon ko kay Arch na nakayuko lang at sinisipa ang mga maliliit na batong madadaanan niya. Nakatulog ako agad matapos niya akong patahanin. I haven't had the chance to thank him. I don't know how to voice it out now. It frustrates me that thanking him is hard for me.
"Naghihintay na niyan si Cams sa terminal," banggit ni Arch na parang sinisisi ako.
Napaismid ako.
"Sasama siya sa atin mamili?" tanong ko.
Lumingon sa akin si Arch. "Ayaw mo ba?"
Hindi ko alam kung bakit pero may bahid ng panunuya ang tanong na 'yon.
Mabilis na umiling ako. "Ikaw lang naman ang pinunta niya. Why not bring her to other places? Like a date? Baka ma-bored lang siya."
"I don't do dates," he responded, lazily.
"Of course you don't," I chortled bitterly. "Because if you do, you will end up embarrassing yourself. You can't keep a conversation working."
Nag-iba ang timpla ng mukha ni Arch.
Nakangiwi na lang ako. I crossed the line again. Ayos naman ako kanina pero nang marinig ko ang pangalan na 'yon ay nakaramdam na naman ako ng inis. Masyado siyang malapit sa kambal at naaagaw niya agad ang atensyon ng mga ito.
"You didn't really change at all." Iyon ang mga huling sinabing kataga ni Arch bago nito binilisan ang paglalakad para unahan kami.
"Y-you should have not said that." Napatingin ako kay Rich dahil sa sinabi niya. "I mean... words dig deeper than anything. Minsan ay kailangan nating pag-isipan ang sasabihin natin kasi maaaring sa atin ay wala lang 'yon pero hindi sa iba."
Pakiramdam ko ay bumalik ang pagkasama ng pakiramdam ko. Hindi na lang ako kumibo. Alam kong kasalanan ko. I should have not said that. Pero ang hindi ko matanggap ay ang labas nito ay tungkol pa rin kay Cams. The conversation started because of her.
Bahagya akong dumistansya palayo kay Rich. Nabigla ito sa ginawa ko pero hindi naman siya lumapit pa.
Hanggang sa makarating kami sa terminal ng tricycle ay tahimik lang kami. Sa malayo pa lang ay nakita ko na agad si Cams. Nakaupo ito at halatang kanina pa naghihintay. Nung nakita niya si Arch ay mabilis siyang tumayo.
Nakita ko kung paanong ang walang emosyong mukha ni Arch ay napangiti.
Nilapitan din siya ni Rich habang ako ay nanatili lang sa likod nila at nanunuod. Kung magbatian sila ay parang ilang taon silang hindi nakita. Like... they just met last night!
"Tara na?" aya ni Rich nang sa wakas ay tapos na ang madamdaming pagtatagpo nila.
"Wait!" pigil ni Cams.
What now?
Napatingin ako sa lalaking lumapit din sa amin. Trev greeted the Cheon Brothers. Parang hindi nangyari ang pagtatalo. Humingi ito ng tawad sa kambal dahil nakainom daw siya no'ng gabing 'yon kaya hindi niya rin napigilan ang sarili. And Rich being an angel said, "Wala 'yon. Misunderstanding happens sometimes."
But unlike Rich, Arch just nodded. Mukhang hindi pa rin ito ayos.
"Hey there, Amira!" Trev greeted me.
I just nodded.
Gusto ko na agad umuwi. Dapat pala ay nakinig na ako kay Arch. I'd rather see trees than be in this situation.
Sumakay na kami ng jeep. Si Trev ang namasahe para sa aming lahat. Umupo kami sa kaliwang hilera. Nasa tabi ng pinto si Rich, kasunod ako at sa tabi ko ay si Trev na ang katabi naman ay si Cams. Si Arch ang nasa kabilang dulo.
"Uy, sorry nga pala nung last time ah?" biglaang untag sa akin ni Trev.
Bahagya pa akong nagulat sa pabigla niyang pagtapik sa akin.
For the second time, I just nodded.
I don't feel like talking right now and God knows I can't even start a conversation. Pakiramdam ko ay lahat ng bagay ay nakakainis. I'm annoyed at how slow this vehicle moves, I'm annoyed at how these high school girls in front of us look at the guys I am with and I am annoyed that I am easily annoyed.
Narinig ko ang tawanan nila Arch at Cams. Pinag-uusapan nila ay ang pagkapanalo ni Arch sa laro nung huling gabi. Puring-puri si Arch kay Cams dahil ang galing daw nito para sa first timer. Mukhang enjoy si Arch sa mga papuri na ibinabato sa kanya.
Are they even aware they aren't the only passenger in this vehicle? Kung makapag-usap ay parang nasa magkabilang bundok sila.
"Tubig?" alok sa akin ni Rich sa dala niyang tubig.
Tumango ako at tinanggap 'yon. Nanunuyo na kasi ang lalamunan ko dahil sa hindi ko pagsasalita. Binalik ko rin 'yon kay Rich pagkatapos. Inalok niya pa ako ng panyo pero umiling na ako. Mukha na akong bata sa kanya.
Napalingon ako kay Trev nang mahina itong tumawa.
"What?" I asked, irritated. Sa akin kasi siya nakatingin kaya malamang na ako ang tinatawanan niya.
"Finally," he chuckled. "Akala ko ay wala kang ibang gagawin kung hindi ang tumango at umiling."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Whoa." Nagtaas ito ng mga kamay. "Easy, girl. If stares could kill, I am dead now."
Hindi ko siya pinansin. Umayos siya ng upo kaya naumpog ang ulo niya sa bubong. Sa sobrang lakas no'n ay napalingon ang mga pasahero ng dyeep. Halata naman na nahiya si Trev dahil napatikhim ito at bumaba ang tingin.
Mahina akong natawa na ikinalingon niya.
"What?" he asked, irritated.
"Whoa." Ginaya ko ang pagtataas niya ng kamay. "Easy, boy. If stares could kill, you couldn't kill me."
Nagkatitigan kami bago sabay na natawa. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Rich sa tabi ko.
"Marunong ka rin palang tumawa?" puna pa ni Trev.
"Are you being sarcastic, dude?" I raised my brows.
"I just haven't seen you laugh." He shrugged his shoulders.
"May I just remind you, Trev. This is just our second meeting each other," I chuckled.
Mukha namang natauhan siya sa sinabi. "You are right. But at least in our second time, I finally see you smile."
"Are you flirting with me?" I narrowed my eyes.
Namilog ang kanyang mga mata. "Talking is not flirting."
"I know that style, dude. It won't work for me.
"Paabot naman ng tubig!" Nagulat kami sa pagsigaw ni Arch sa dulo. Nakadungaw ito sa direksyon namin, papunta kay Rich.
Inabot sa akin ni Rich ang tubig. Iaabot ko na sana ito kay Arch nang kunin ito ni Trev at siya ang nag-abot. Hindi ito kinuha ni Arch na nakatingin lang kay Trev. Masama ang timpla ng mukha nito.
"May kamay si Amira," ani Arch.
"Not long enough." Ngumisi si Trev.
Padabog na kinuha ni Arch ang tubig sa kamay ni Trev at muli nang sumandal.
Bumaling ng tingin sa akin si Trev na natatawa. "Ano'ng nangyari kay Arch? Mukhang may dalaw."
"Baka nga," pagsang-ayon ko.
Hindi ko inakalang si Trev pa ang makapagbabalik ng good mood ko. At parang lumipat naman kay Arch ang bad mood. Pagkababa namin ng jeep ay hindi sinasadyang natulak siya nang bahagya ng lalaki sa likod, sinamaan niya agad ito ng tingin.
Nag-sorry ang lalaki pero mukhang hindi 'yon sapat para kay Arch.
Mabuti na lang at hinila na ni Cams ito palayo. He was ready to start a fight! Masama rin palang mainis ang lalaking ito.
Pagkapasok namin sa mall ay sumalubong agad sa amin ang malamig na hangin. Napawi ang alinsangan na nararamdaman ko. The temperature lightened my mood even more but not to someone.
"He pushed me!" dinig kong giit ni Arch kay Rich.
"Calm down," Rich said.
"I am calm!" Saka na naunang naglakad si Arch.
Lumapit ako kay Rich. "Ayos ka lang?"
"He is so stubborn," Rich frustratedly messed his hair.
Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin ito. I can't handle Arch but at least, I can with Rich. And I don't think I should be the one doing that when Cams is here.
Pumunta kami sa Supermarket. Si Rich ang kumuha sa pushcart at tinulungan ko naman siya sa pagtutulak no'n. Si Arch ang may hawak sa listahan ng mga bibilhin, tinutulungan siya nina Cams at Trev sa paghahanap ng mga 'yon.
Sa tuwing kukuha ako ng chips at ilalagay sa cart ay kukunin naman ito ni Rich at ibabalik.
"It's not healthy," aniya.
"Amira!" Napalingon ako kay Trev nang tawagin niya ako. Ipinakita niya sa akin ang hawak niyang in-can na alak. "Let's make a deal."
Napansin kong natigil din sa pagpili ng mga bibilhin si Arch at pasimple itong lumingon kay Trev. Si Cams naman ay busy pa rin sa pagpili ng mga nakalista.
"What deal?" tanong ko.
"Do you think I can drink this?" tanong niya.
I rolled my eyes. "Yes."
He winced, "I mean. Hindi pa ito bayad. I would be in trouble if someone caught me drinking this."
"And what about it?" I furrowed my brows.
"Date me and I will drink four of this, straight!"
Napaayos ng tayo si Arch, bakas na talaga ang sobrang pagkairita sa kanyang mukha. Kinakausap nga siya ni Cams pero tanging iling lang ang isinagot nito.
"You can't, Trev. Hindi pa 'yan bayad," suway ni Rich.
"That's the challenge, Baby Rich," Trev smirked.
"Stop the shit, Trev," pag-aangas ni Arch. Lumapit ito sa akin at nilagay sa pushcart ang hawak niya. "We are not here to play. Leave Amira out of this childish game."
"Fine." I smirked at Trev. "But, five."
Lumawak ang ngiti sa labi ni Trev. "Anim pa gusto mo," pagmamayabang nito.
Napaigtad ako nang hablutin sa akin ni Arch ang pushcart. "You raised hell with me the moment you agreed with this childish play," bulong pa nito bago tuluyang inilayo sa akin ang pushcart.
Si Rich naman ay halatang naguguluhan sa nangyayari. Hindi niya alam kung susunod siya sa kuya niya o hihintayin ako. Pero sa huli ay hindi ito kumilos sa kanyang kinatatayuan.
"Watch me," Trev said as he started to drink the in-can alcohol. Nakatatlo pa lang ito ay halos isuka na niya ang iniinom, inisahang inom ba naman. Nang makaapat na siya ay namumula na ang mukha nito. I watched him drunk the fifth one.
"Trev. May guard na palapit," bulong na sabi ni Rich na natataranta.
Nung pang-anim na ay inagaw ko na sa kanya ang iniinom. "Enough. It's not good anymore. Fix this mess first then set the date."
Lumapit ako kay Rich at hinila na ito palayo kay Trev. Nilapitan ng guard si Trev at tinawanan niya lang ito. "I know I did something bad, so..." Inilahad nito ang dalawa niyang kamay. "Take me with you, Sir," dinig kong sabi nito.
Bago pa siya isama ng guard ay bumaling ito sa akin at kumindat.
"Is he in trouble?" Rich asked.
Hinanap namin sina Arch at Cams. Naabutan namin silang nakapila na sa counter para magbayad. Nakahawak sa balikat ni Arch si Cams at bahagya pa niya itong hinihimas na parang pinapatahan.
We waited for Trev outside the Supermarket. Hindi pa kasi siya lumalabas. Pagkalabas nito ay tawang-tawa siya. Ang sabi niya ay pinagbayad siya sa mga ininom niya at kinuha ang kanyang pangalan.
"Hindi ka naman makukulong, hindi ba?" nakangiwing tanong ni Cams.
"It wasn't that serious tho," he responded, arrogantly then looked at me. "Bukas?"
"Ikaw ang susundo at mag-uuwi sa akin," paalala ko.
He grinned and raised his brows. "Pleasure."
I mentally rolled my eyes. He is worse than Arch. Hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at pumayag ako walang kwentang deal na ito. I should have just rolled my eyes, just like what I always do.
"Rich, uwi na tayo," ani Arch. Hawak niya ang mga plastic bags na pinamili namin.
Lumapit si Rich kay Arch at tinulungan ito sa pagbibitbit.
"Wait," pigil ni Cams. "Can we go to the department store first? May bibilhin kasi ako."
"I'm sorry. I'm not feeling good to stay here longer," Arch said.
Umiling naman agad si Cams. "No biggie. Magpapaiwan na lang ako."
"You sure?" Si Rich.
"Si Trev na lang ang isasama ko," ani Cams.
Napalingon naman sa kanya si Trev. "No. I'm drunk. Gusto ko nang umuwi. Saka gusto kong ihatid sa bahay ang date ko bukas."
"Fuck it. Let's go, Rich!" Saka na tumalikod si Arch.
"Tara na, Amira!" aya naman sa akin ni Rich.
Sumunod din ako. Tinawag pa ako ni Trev pero hindi na ako lumingon.
Hindi katulad nung papunta ay nag-taxi kami hanggang sa bahay. Si Arch ang nasa harap at kami naman ni Rich sa likod. Tahimik lang kami. Sa rear-view mirror ay nakita kong nakapikit si Arch. Nawala na rin ang pagkakunot ng kanyang noo.
"Sasamahan kita bukas," ani Rich.
I laughed. "It is a date, Rich."
"Hindi naman ako uupo sa tabi niyo," pagdadahilan pa nito. "I just want to watch you."
"You are staying home the whole day tomorrow, Rich," ani Arch. Nakapikit pa rin ito.
Rich pouted his lips as a sign of defeat.
Pagkabalik sa bahay ay kami na ni Rich ang nagbayad sa mga pinamili namin. Si Arch naman ay diretso sa itaas. Mukhang bad mood pa rin. Maybe he needs some sleep.
"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama?" tanong ni Rich.
Umiling ako.
Tapos na kaming mag-ayos nang biglang dumating si Arch. May dala itong dalawang polo shirt na naka-hanger pa. Agad na kumunot ang noo ko nang may mapansin sa kanya. Oh, he was smiling. What?
"What do you think is better?" Arch asked, pertaining to the polo shirts. "I like brown but black is not bad."
"For what?" Rich asked.
Biglang tumingin sa akin si Arch.
"I have a date tomorrow."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro