Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14: Loved

Hapon na rin no'ng mapagpasyahan naming umuwi. I feel so tired yet satisfied. There was a bit of regret in me that I just came to see it today. Kung sanang dati pa ako pumayag sa gusto ni Rich na pumunta sa abandonadong lugar na 'yon ay matagal ko nang nasilayan ito at malamang na nakailang balik na rin ako.

"Laki ng ngiti natin ah?" puna ni Rich sa akin. Ngayon ko lang napansin na masyado pala akong mabagal maglakad. Malayo na ang pagitan namin kina Arch at Tita Minerva. Mukhang sinabayan lang niya ako.

"Bakit ngayon mo lang ako dinala rito?" biro ko.

"Ngayon ka lang naman kasi pumayag," natatawa niyang sagot.

"Pero salamat," wika ko. Hinawakan ko ang kamay niya at mahina 'yong pinisil. "Thank you for everything."

He squeezed my hand back.

"Your smile has changed," he said. "I'm happy for you."

Nabalin sa harap ang tingin ko. Nahuli ko ang tingin ni Arch. Mabilis din itong umiwas.

Sa isang iglap ay naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita kung sino ang nasa harapan ng bahay, nakatayo at nakayuko. Mukhang kanina pa ito naghihintay.

I immediately looked at Arch. His fists were firmly clenched.

Cams greeted us with a wide smile. Nasa likod lang ako ni Tita Minerva na kumakausap sa kanya. Ngayon ay napagtanto kong hindi sikreto ang naging relasyon nila ni Arch. They seemed really happy back then. I could also see how glad Tita just by seeing her.

"Oh, sige. Maiwan na muna namin kayo ni Arch," saad ni Tita bago naunang pumasok sa loob.

Sa akin naman siya napatingin. Just like the first time I met her, she smiled... but I just nodded.

There was this feeling inside me that I couldn't understand. I know her purpose. I know why she's here. There's only one reason why she came here and waited this long. The reason is the guy who is just looking at her from afar.

Rich approached her, too. "Kumusta na? Pasensya na at hindi kami nakakabisita ah? We were quite busy these past few days." Kumamot pa sa batok si Rich na parang nahihiya.

Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mga mata ni Cams. I think I know it. Yup, girl. Hindi pa sinabi ni Arch na wala na kayo. You're not officially over in the eye of his family.

"A-ah? Ayos lang," binura niya ng isang mahinang tawa ang pagkabila. "Naging busy rin kasi ako nitong mga nakaraang araw. Ngayon lang ako nagkaroon ng free time."

"Gano'n ba? Halika sa loob," aya ni Rich.

Cams shook her head. "Hindi na. Hindi rin naman ako magtatagal," bigla itong tumingin sa direksyon ni Arch. "Gusto ko lang makausap si Archeon."

Binalingan ko ng tingin si Arch na diretso lang ang tingin kay Cams. Hindi ko mabasa kung galit ba siya, walang gana o kahit papaano'y nagagalak siyang makita uli ito. He was just simply staring at Cams like he was staring at nothing.

For once, I wanted to know what he's thinking. I don't know why... but I just want to know what he is feeling for her at this moment. Is he happy? Did he change his mind? Or it still the same as the last time?

"Iwan muna natin sila, Amira." Hinawakan ni Rich ang kamay ko at hinila na ako papasok.

Binalikan ko pa ng tingin ang dalawa bago kami tuluyang makapasok. Si Camille ang unang lumapit kay Archeon at hinawakan niya ang kanyang kamay. I didn't expect what he did next... he held her hand back.

"Magpalit ka na," paalala ni Rich pagkapasok namin sa loob. "Baka matuyuan ka ng pawis."

Tumango ako bago dumiretso sa kwarto ko. Naabutan ko si Tita Minerva na nakapagpalit na ng damit. Lumabas din ito agad dahil magluluto pa raw siya ng hapunan para sa amin. Napansin ko agad ang bagahe niya. Hindi katulad ng madalas ay mas marami siyang dalang damit ngayon.

Nagbihis ako sandali. Inalis ko rin ang pagkakatirintas ng buhok ko. Napangiti ako nang makitang kumulot ito. Bahagya ko pa itong iniayos para mas maganda tingnan. Matapos no'n ay pabagsak na humiga ako sa kama.

He held her hand back. Is that it? Ayos na ba uli sila? Tama ba si Camille? Was that fight just one of the fights they had before? Perhaps, she's right. Matagal na rin nung huli sila nagkita at sapat na panahon na 'yon para malinawagan sila sa mga nangyayari.

Ngayon ko mas naramdaman ang pagod. Para matanggal ang antok ay tumayo ako at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina kung saan naabutan ko sina Rich at Tita Minerva na naghahanda na ng hapunan.

"Isama mo na lang si Amira," biglang sabi ni Tita Minerva nang makita ako.

"Po?" tanong ko.

"Hindi kasi uuwi si Mommy nang ilang araw kaya tayo ang mamimili ng mga pagkain," pagpapaliwanag ni Rich. "Siguro ay bukas na lang ng umaga. Medyo pagabi na kasi. Isama natin si Arch saka si Cams para mas masaya!"

Cams again?

Napatango na lang ako.

"Exam week kasi," ani Tita Minerva habang nakaharap sa kanyang niluluto. "Stressful days for us. Pero pagkatapos nito ay luluwag na rin ang schedule namin lalo na't patapos na ang school year."

"Ilang araw po kayong hindi makakauwi?" tanong ko.

"Not sure. But it will take days," she answered. "Ikaw na muna ang bahala sa mga anak ko, ah?" bilin pa niya.

"Mom!" nahihiyang pigil ni Rich sa kanyang Mommy. "We can handle ourselves, okay? Hindi mo kami kailangan ipagbilin kay Amira."

Natawa si Tita. "Siya lang kasi ang matino sa inyo. Nahahawa ka na sa kalokohan ng Kuya mo eh." Mahina pang kinurot ni Tita ang ilong ni Rich.

Nakangiti na lang ako sa kanila habang pasimpleng hinihintay ang pagpasok ni Arch. Hindi pa ba sila tapos mag-usap?

Nasa kasalukuyan akong pag-aayos ng mga plato nang may marinig akong mga tawa. Umangat ang tingin ko sa mga bagong pasok. It was Arch and Cams... and they were both smiling. Bumagsak ang tingin ko sa kamay nilang magkahawak.

"Whoa," Rich narrowed his eyes at them. "Hindi naman halatang na-miss niyo ang isa't isa, hindi ba?" pang-aasar pa nito.

Tawa lang ang tanging naisagot ni Cams. Nalipat kay Arch ang tingin ko. Nakangiti rin ito.

I think that's it. I-can't-feel-it-anymore my ass.

"Ah, Amira?" tawag sa akin ni Arch. Huminga ako nang malalim bago muling humarap sa kanya. "Can you add another plate for Cams, please? Dito na rin kasi siya magdi-dinner."

"Yeah, sure." I faked a smile.

"That's good!" ani Tita na mukhang na-excite din. "Na-miss din kitang kakwentuhan. Wala ka bang bagong nakakatawang kwento d'yan?"

"Naku, Tita. Sabihin mo lang kung handa kang makinig sa akin magdamag!"

Sabay-sabay silang tumawa. I felt out of place.

Naglagay pa ako ng isa. Naghugas ako ng kamay sa sink habang nakikinig pa sa usapan nila na hindi ko maintindihan. Pagkaharap ko sa lamesa para sana umupo na ay may nakaupo na sa upuan ko. Magkatabi ngayon sina Arch at Cams. May isa pa namang upuan pero nakasanayan ko na kasing doon ako lagi, sa inuupuan ni Camille.

"Dito ka sa tabi ko, Amira," tawag sa akin ni Rich nang mapansin na nanatili akong nakatayo

Nilagpasan ko ang tingin ni Arch at umupo ako sa tabi ni Rich. Iwas na iwas na mapagawi ang tingin ko sa harapan kung saan nakaupo sina Cams at Arch. May pinag-uusapan pa sila pero dahil nagbubulungan lang sila ay hindi namin marinig 'yon.

Shit. What's happening to me? This is so strange. Siguro ay dala lang ng pagod.

We ate together. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kwento ni Cams. Sa dami ng nasabi niya ay nalaman kong lagi pala siya rito dati. She even slept here once. Pansin ko malapit talaga ito kay Tita Minerva. I suddenly got conscious of myself. Was Cams a better accompany than me? Siguro. I don't even talk to Tita Minerva that much.

"Kanin ka pa?" alok ni Rich sa akin.

"I'm good," pigil ko.

"Kaunti lang ang kinuha mo, ah?" puna pa niya at pinaningkitan ako ng tingin. "Ang lakas mo dating kumain. May sakit ka ba ngayon?" Sinubukan niyang hawakan ang noo ko pero iniiwas ko ito.

"I'm tired... sleepy," I reasoned out.

"Matulog ka na pagkatapos nito," pagsalit ni Tita. "Kami na lang ang magliligpit. You need to take a rest. You don't look good."

I just smiled, wry.

Hindi ko napansin na lumapit pala sa akin si Rich at hinawakan ang noo ko. Hindi ko agad ito naiiwas.

"Mainit ka," nag-aalala niyang sabi bago tumayo. "Wait me here. Ikukuha lang kita ng gamot." Mabilis na lumabas ito ng kusina.

Naiwan ako sa harapan nila Arch at Cams.

Tumayo si Cams at pinagsalin ako ng tubig sa baso. Ngiti lang ang naisukli ko sa kanya.

"You should wait for Rich in your bed," biglang sabi ni Arch.

Umiling ako. "I'm good here."

"Ihatid mo muna kaya siya sa kwarto niya, Arch?" suhestyon ni Cams.

Ayoko sa ideya niya at dahil sa kanya nanggaling ang ideya na 'yon ay mas ayokong gawin. I don't want anyone dictating what should I do. I get it. She's a good woman. Kaya malamang na nagustuhan siya ng pamilyang Harden. While me? I can't even compare myself to her.

Tatayo na sana si Arch nang sinabi kong, "Si Rich ang maghahatid sa akin."

Muling umupo si Arch. "Okay."

Suminghap ako ng hangin, Ngayon ko naramdaman na mukhang may sakit nga ako. Nanghihina ang katawan ko at mainit ang pakiramdam ko. Gusto kong matawa kasi pakiramdam ko ay tao ako uli ngayon. I don't even remember the last time I got sick. But unlike the last time... someone is here for me.

Bumalik din agad si Rich at inilahad sa akin ang gamot. Diretso ko 'yong ininom.

"Sige na, Rich," ani Tita. "Ihatid mo na siya sa kwarto niya."

Hindi na rin ako nagpumiglas sa pag-alalay ni Rich. Maingat na nilakad niya ako papasok sa kwarto ko hanggang sa makahiga ako sa kama. Itinaas niya hanggang sa leeg ko ang kumot. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa isarado niya ang mga bintana.

"Magpahinga ka na, ah?" nakangiti niyang sabi.

"Can you stay here for awhile?" tanong ko.

"Y-yeah, sure." Umupo ito sa tabi ko.

I held his hand before I closed my eyes. Sa kanyang kamay ang hawak ko pero ibang tao ang nasa isipan ko. It makes me even sadder... and terrified. Hindi ko dapat nararamdaman ito. I know my limit. I am myself but still, I reserved something I shouldn't cross for the sake of being myself.

Shit. Am I jealous of Cams?

No. I can't be.

Cross the line and you're dead. I reminded myself.

Naramamdan kong hinawakan ni Rich ang mukha ko. "You've become strong all your life, Amira. You deserve all the happiness."

Napangiti ako sa sinabi niya. I don't think so...

I cheated the game all the way here. I cheated just to get where I am right now.

I opened my eyes again. "I have something to tell you..."

Dala siguro ng sakit ko ay lumakas ang loob kong magbukas tungkol sa akin. Hindi ko alam kung maiintindihan niya o paniniwalaan pero gusto kong malaman niya.

Hindi siya kumibo.

Lumunok ako at naghanap ng mga tamang salita.

"I-I am not who you think I am," I whispered in a feeble voice but I made sure he heard it right. Sinabi ko 'yon sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.

I can't tell him everything about me but at least, I warned him.

"Okay," he chuckled.

Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Hindi niya sineryoso ang sinabi ko.

I knew it.

"Don't ever trust me." Iyon na lang ang sinabi ko bago muling pumikit.

Kung may masasaktan man ako, ayokong madamay siya. If there is only one I can protect from pain, I will choose him. Sa kanya ko unang naramdaman ang pagtanggap. Siya ang unang kumausap sa akin nang hindi kinikilatis ang pagkatao ko.

"You shouldn't say that," he whispered. "Hindi ikaw ang magpapasya kung paano ka titingnan ng mga tao."

Binitawan ko ang kamay niya at tumalikod sa kanya.

He really didn't get my point.

I'm afraid I might be the reason for the disappearance of his halo. Ayokong ako ang dahilan kung bakit takot na siyang magtiwala sa susunod. I can't be the reason for his sufferings. No... I am not here for that.

Hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nagising ako sa kaluskos mula sa bintana. I opened my eyes. Sa una ay malabo ang paningin ko hanggang sa lumiwanag ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may lalaking pumasok sa bintana at nakabalot ng itim na tela ang kanyang mukha.

Hindi ako agad nakasigaw nang bigla itong tumalon sa tabi ko at tinakpan ang aking bibig.

Kinagat ko ang kanyang kamay at nang mabitawan niya ako ay agad akong tumayo. Kinuha ko ang vase sa gilid at hinampas 'yon sa kanyang likod. Napahiga siya sa kama. Tatakbo na sana ako palabas nang mahawakan niya ang braso ko at hinila ako pabalik sa kama.

Umawang ang bibig ko nang tumama sa puson ko ang kanyang kamao.

"You don't deserve this," he whispered as he started to throttle me.

I tried to push him away but I was too feeble to even flinch him. I tried to scream but I couldn't find my voice. I was slowly losing my breath just like my sights became blurry.

"Hindi ka kailanman makakatakas!" he screamed in my ears. Sa sobrang lakas no'n ay parang nabingi ako at wala akong ibang marinig kung hindi ang paulit-ulit na pag-alingangaw ng mga katagang 'yon. "No one is capable of loving you!"

Umawang ang bibig ko dahil sa unti-unting pagkawala ng hininga ko. Nagpumiglas ako sa kanyang pagkakasakal pero sa bawat paggalaw ko ay siya namang paghigpit ng hawak niya sa aking leeg.

Ang paggalaw ng mga kamay ko ay unti-unting bumagal... hanggang sa bumagsak na ang mga ito sa kama... hinang-hina at wala nang lakas.

"Amira!"

Naramdaman kong may yumugyog sa akin. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay si Arch ang bumungad sa akin. Nanlalaki ang kanyang mga mata kung saan bakas ang labis na pag-aalala.

"You're having a bad dream," he whispered.

Without saying anything, I hugged him and wept in his arms.

It was just a dream... I wanted to comfort me with those words. Pero kahit na panaginip lang 'yon ay tila ramdam ko ang pagsakal niya sa akin. Sobrang sikip ng dibdib ko at sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay wala akong nagawa kung hindi ang umiyak nang umiyak.

"Sshhh..." Hinagod ni Arch ang likod ko. "Calm down."

"I-I'm scared."

"You're good," he whispered as he tightened the hug. "Stop crying, please? I hate it."

Naaalala ko ang mga sinabi ng lalaki sa aking panaginip. Wala ba akong karapatang maging masaya? Ito lang naman ang gusto ko. Hindi naman kayamanan o materyal na bagay ang nais ko. Gusto ko lang naman ay maging masaya.

I just want to be loved. Is that too much to ask for?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life