Chapter 13
Chapter 13: Tale
Rich has been telling me that I don't need to worry anymore because I'm already part of their family. He was sincere and I felt it. But I never believed. There were always walls that stopping me from believing or maybe it was just simply unbelievable. But when Arch put my name beside them, I felt it now. It felt like he removed my doubts and cemented the truth the moment he put my name beside them.
I finally have a home now.
Nang marating namin ang pinakatuktok ng kastilyo ay mas napagtanto ko kung gaano kahiwaga ang lugar na ito. Malakas ang hangin mula rito. Mas lumapit pa ako sa gilid kung saan kitang-kita kung gaano kami kataas.
Mula rin dito ay tanaw ko si Tita Minerva na nakaupo sa nilatag nilang tela, nakaharap ito sa kanyang laptop. I roamed my eyes around but Arch was nowhere to be found. Maybe he was wandering around.
I still can't believe Arch did that. I mean... out of all the people.
"Medicines don't work anymore," I heard Rich said.
Nanatili sa malayo ang tingin ko. Kahit na hindi ako lumingon ay alam kong malungkot ngayon ang mga mata niya. Hindi naman na ako nagulat. I felt it earlier. There's something wrong and no matter how hard they try to hide it away by their smiles, it was not enough.
"Pero maayos pa naman ako," aniya pa. "It's just.. my moves have been restricted even more."
I remember how I dragged him here. "I'm sorry..."
Umupo siya sa edge at ibinaba sa mga binti. Ginaya ko siya, umupo rin ako sa kanyang tabi habang tinatanaw ang buong paligid.
I suddenly remembered the old woman I met earlier, she doesn't know they already abandoned her. Or maybe she already knew but she just couldn't accept it. Parang mas naging malinaw ngayon ang naramdaman ko sa lugar na ito noong una. I found this place, La Trevi - weird, quiet, mysterious, dark... and abandoned.
There's a feeling of melancholia and longing hovering around.
And then I realized... I think I am really bound to get in this place. It reminds me of myself.
"Always and forever," dinig kong bulong ni Rich. "It hurts knowing someone needs to go first. It hurts knowing someone needs to be left."
Yumuko ako at binalingan na lang kung gaano kami kataas. I don't want him to tell me this. It's making me sad. I just found a home but unfortunately, I am bound to lose it soon. If I can't have it forever, at least I want it to last longer.
"It hurts knowing you are still alone at the end of the day."
Umangat ang ulo ko at napatingin sa ferris wheel. It's not that big. An idea suddenly popped in my mind.
"Let's climb there!" Itinuro ko ang ferris wheel.
Nanlaki naman ang mga mata ni Rich. "It doesn't work anymore. And we don't have a ladder."
I rolled my eyes. "That's why we are blessed with hands and feet. Come on!" I got up and offered my hands for him. He just stared at my hand and I felt how hesitant he was. Yumuko ako at hinablot ang kanyang kamay patayo. "Let's climb."
Hihilahin ko na sana siya pababa nang maalala na naman ang sinabi niya kanina. Shit. I forgot. Limitado nga pala ang mga kilos niya. He can't climb. I can't force him to climb that place. That will be dangerous for him.
"Fine!" I let out a heavy sigh. "Just watch me climb."
Naglakad kami pababa ng castle. Napangiti pa ako nang makita uli ang inukit naming mga pangalan. It still feels surreal seeing my name beside them, and weird at the same time knowing the jerk wrote it for me.
"Are you sure?" tanong ni Rich. Napalunok ito nang makita ang taas ng ferris wheel. "Masyadong mataas. It looks like it will collide any moment."
Tinanaw ko rin kung gaano na ito kaluma. He's right.
"You love to read books? I don't. But watch me climb," I said, thrilled.
Kumuha ako ng tuyong buhangin at nilagyan ang kamay ko dahil medyo madulas. Inumpisahan kong akyatin ang pinakamababang bakal bago tumungtong sa isang capsule ng ferris wheel. Imbes na matakot ay mas naengganyo pa ako. Hindi ako takot sa mga matataas na lugar kung ang babagsakan ay lupa lang, takot ako kung babagsakan ko ay tubig. I don't know how to swim. I don't want to die drowning.
"Careful!" Rich screamed. Mahina akong natawa dahil ramdam ko ang pagkabahala sa kanyang tinig.
Tumigil ako sa pag-akyat para tanawin siya sa ibaba.
"Can you catch me if I fall?" I asked.
Napangiti ako nang makitang nanlaki uli ang mga mata niya. Napansin kong nabahala ito dahil sa sinabi ko na parang iniisip na niya kung paano ako sasaluhin kung sakali. He was hesitant when he nodded.
"I think I can!" he announced.
I chuckled. What an angel.
Napailing na lang ako. Nagpatuloy na ako sa pag-akyat. Sakto dahil may isa pang capsule sa pinakatutok kung saan pwede akong mamahinga. Sinuri ko muna ito dahil baka marupok na at bumagsak ako kung sakali. Nang mapagtanto na ayos pa naman ay pumasok ako.
Narinig kong may pumapalakpak sa baba.
Sumilip ako. It was Rich. "You're amazing, Amira!"
"I know right!" pagmamayabang ko.
"Stop screaming!" Napatingin ako sa isang capsule sa bandang ibaba ko. Andoon si Arch na masama ang tingin sa akin. "Can't you see I'm sleeping here?"
"I-I didn't know," I said, shocked. I didn't notice him.
He just hissed and closed his eyes again.
Naalala ko ang ginawa niya kanina. "Why did you do that?"
I didn't get any response from him. Can he really sleep here? Hindi na lang ako nagtanong pa.
Basag na ang mga salamin ng capsule na sinasakyan ko kaya damang-dama ko ang hangin dito. Sumandal ako at pinagmasdan ang kulay asul na kalangitan. Nakaramdam ako ng antok. Pipikit na sana ako pero natigil nang maramdaman na gumagalaw ang capsule na sinasakyan ko.
I thought it was because of the wind but no, it was Arch trying to climb from where I am.
"Stop!" I warned him. Papasok siya sa capsule na sinasakyan ko. "Mabigat ka! Baka bumagsak tayo!"
"That's fine," pagbabale-wala niya sa babala ko. "At least you won't fall on me."
"We will both fall!" I reminded him, trembling.
"As long as you won't fall on me, that's fine."
Umusog ako dahil umupo siya sa tabi ko. Napakapit pa ako sa kanya dahil umuga ang sinasakyan namin. Hindi ito gumalaw nang pumasok ako. Shit. Huwag lang talagang bibigay ang sinasakyan namin at kung sakali man na bumigay ay sana buhay pa kaming dalawa para masapak ko siya.
Narinig ko ang pagtikhim niya. Saka ko lang napagtanto na nakakapit pala ako sa kanya. Mabilis naman na bumitaw ako.
"Ang kulit kasi," bulong ko.
Naramdaman kong sumandal si Arch. "Nakakasawa rin ang lugar na ito," bulong niya. "Nakalimutan ko na nga kung ilang beses ko nang nabisita ang kinakalawang na lugar na ito. Walang bago."
"You are not expecting something magical will happen in this place, are you?" I asked, sarcastically.
"I don't believe in magic."
"Same," I agreed.
"Why?" he asked.
"Because it simply doesn't exist," I responded, making it seems like a dumb question. "It's just for kids. We are not kids anymore," I shrugged my shoulders.
But I admit it. I was a fan of fairytales. I once wished to fall in love with a prince I just met once and live in his castle. Or even without the castle, I just wanted to live happily ever after. But as I grew up, I realized that life is not a fairytale. Nothing lasts.
"But Rich said that magic exists within us," he chuckled. "Kinumpas ko na ang kamay ko at hiniling na makalipad pero walang nangyari. I even read books about magic spells and follow the procedure but I ended up burning my hair. Still, nothing happened."
I laughed. "Talaga ba?"
He nodded. "Then I found out that the book was not about magic spells. Libro talaga siya for experiments at ang mga ginamit ko ay chemical ingredients. Buti na lang buhok ko lang ang nasunog, hindi ang mukha ko."
"That's cute tho. How old were you when you did that stupidity?"
"10? I don't even remember."
Napailing na lang ako. "Buti hindi mo isinama si Rich sa kalokohan mo?"
"May pasok siya sa school no'n eh. Ako lang ang naiwan sa bahay," natatawa niyang sabi. "The things you do when bored."
Napahinga na lang ako nang mabigat. Ang dami na talaga niyang kalokohan na ginawa. Hindi na ako magtataka kung may mas malala pa sa sinabi niya.
Tahimik lang kami hanggang sa nagsalita na naman siya. "Ang sabi pa ni Rich ay hindi raw basta-basta lumalabas ang magic kapag ginusto mo. It comes out naturally. Like... you can't feel it yourself but someone else can."
Napailing na lang ako. "Bakit ba paniwalang-paniwala ka kay Rich? Mas matanda ka naman sa kanya at siguro naman ay mas malawak na ang pang-unawa mo sa kanya no'ng mga panahong 'yon!" singhal ko sa kanya.
Natawa siya habang umiiling. "Rich always knows the best. He's better than me at everything."
"Like what? About magics?" biro ko.
Ang malayong tingin niya ay napunta sa akin. "Love..." he mumbled.
"What?" I am confused.
"He said that the magic is called love."
I winced, "I've heard it all before."
I don't even remember how many times I've heard that before.
He nodded. "We are all ignorant until it happens to us."
Kumunot ang noo ko. "Do you believe him?"
He shrugged his shoulders. "I'm still ignorant, babe."
"You are going to die ignorant then," I smirked.
"Don't be hard to me," he chortled. "Malay mo baka sabay pa nating maramdaman ang magic na 'yon."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Humalakhak ito nang malakas sa naging reaksyon ko.
Napairap na lang ako. Sa tingin ko ay namumula ngayon ang mukha ko.
"Arch, Amira, baba na kayo!" sigaw ni Rich sa ibaba. "Kain na muna."
"I'm not hungry!" Arch responded.
Bababa na sana ako nang hawakan ni Arch ang braso ko. Napatingin ako sa kanya.
"Where are you going?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko. "Mag-eeroplano pababa?" sarkastiko kong tugon.
"You're hungry?"
"I am," I answered, lazily.
Binitawan niya ako pagkatapos kaya bumaba na rin ako. Palakad na ako papunta kina Rich at Tita Minerva nang maramdaman na may tao sa likod ko.
"Nagutom din tuloy ako," dinig kong sabi ni Arch.
They prepared us sandwiches and orange juice. May mga prutas din sa plato. Halos si Arch lang ang nakaubos. Akala ko ba hindi siya gutom?
"Are you two good now?" may pang-aasar na tanong ni Rich.
Umiling ako. I still can't forget what he did earlier.
"We are even," napaatras ako nang bumulong sa akin si Arch. "Remember when you scared me with a spider?"
Hindi na lang ako kumibo.
"Oo nga pala, Amira," biglang sabi ni Tita. "I think malapit na naming matunton kung sino ang kumuha sa cell phone mo."
Natigilan ako sa pagnguya dahil sa sinabi ni Tita.
"W-what cell phone?" I asked, confused.
I don't remember I told anyone about the cell phone I lost.
"Malamang na hindi mo na natatandaan. Lasing ka kasi nung sinakay kita sa sasakyan ko. You mentioned about the guy who stole your phone. I've asked for help to track it down. Sa tulong ng mga CCTV ay mas napapadali ang paghahanap namin."
Kukunin ko na sana ang baso ng juice na nakalaan para akin pero nung hinawakan ko 'yon ay nabitawan ko rin agad dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Natapon sa kulay pulang telang inuupuan namin ang juice.
"Shit. I'm sorry..." Hinawi ko gamit ang kamay ko ang tubig pero mas lalo lang kumalat.
I was shaking that I couldn't think well.
"Hey, hey!" Inalis ni Rich ang kamay ko sa natapon na juice. "It's fine." He smiled.
"Ako na," ani Tita Minerva, pinigilan si Rich na magpupunas sana.
My hands were still trembling. No. I don't want to get that phone back again.
Umusog palapit sa akin si Arch at hinawakan ang kamay kong nanginginig, pinasok niya ito sa loob ng jacket niya. I didn't complain. He's helping me here. Magtataka si Tita Minerva kapag napansin niyang nanginginig ako.
"What are you doing?" kunot-noong tanong ni Rich nang makitang nasa loob ng jacket ni Arch ang kamay ko.
"Don't be over dramatic, Rich. It's just me drying her hand," Arch said.
"May panyo ako rito." Inilahad ni Rich ang kanyang kulay asul na panyo.
"Mainit ba 'yan?" tanong ni Arch.
Umiling naman si Rich na naguguluhan.
"Then inside my jacket is better. Mainit kaya agad na matutuyo ang kamay niya."
Oh, god. Ayokong mag-inarte dahil tinutulungan na niya ako... but his excuses are lame!
Binawi ko ang kamay ko mula kay Arch at kinuha ang panyo sa kamay ni Rich. Binalot ko 'yon sa kamay ko bago ito itinago sa hindi halata. Napansin kong naguguluhan si Rich sa inaakto ko.
"Ayos ka lang?" tanong pa ni Rich.
Payak na ngumiti na lang ako. Alam niyang may mali sa kinikilos ko at kapag nagsinungaling ako na ayos lang ako ay mas maghihinala siya.
Matapos naming kumain ay umalis na naman kami para mag-ikot sa paligid. Pero sa pagkakataong ito ay ang kambal naman ang naiwan para bantayan ang mga gamit namin. Si Tita Minerva ngayon ang kasama kong naglalakad-lakad.
"Naaalala ko pa nung una akong nakarating dito, agad kong nagustuhan ang lugar," pagkukwento niya. "Masyado nang maingay sa siyudad. Unlike here. "
I nodded. Kunwari ay nakatuon ang atensyon ko sa mga sinabi niya pero ang talagang nasa isip ko ngayon ay ang nawala kong cell phone na pinapahanap ni Tita. I want to tell her that I don't want it anymore but that would be wrong. Baka maghinala siya nang hindi maganda sa akin.
"I still remember the first time I've heard the tale of La Trevi," aniya. "It gave me chills."
"The tale of La Trevi?" tanong ko.
That piques my interest. I don't like stories but when it comes to this place, I always get interested. There's really something fascinating about this place. I can't explain but I can feel it. And that tale she's talking about is hitting my curiosity.
"It was in the most distant part of La Trevi," she said.
"What happened there?" tanong ko pa.
"You mean, here?"
I felt chills when she said that. "This abandoned place?" I asked.
She bobbed. "Ayon sa pagkakaalam ko ay sakop din ang lugar na ito."
"What's the tale all about?"
Natawa siya. "Marami na akong narinig na mga usapan sa iba't ibang lugar. But I must say... The Tale of La Trevi was the darkest tale I've ever heard. It was so sad... tragic... and bloody. But, I don't think it's true. I mean... it's just a tale."
She's right. It was just a tale. No one can prove it really happened.
"Oo nga pala, Tita." Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Kapag po natagpuan niyo na kung sino ang kumuha sa cell phone, pwede po bang sumama ako? I want to get my phone back personally."
"Yeah, sure. Sasabihin ko sa 'yo agad."
Napangiti ako sa sinabi niya.
I need to get it first. I need to wreck it into pieces. I need to eradicate all the things that can use against me. Not now that I already found this home. If I needed to burn down every possible way that is connected to my past, I would do it... without hesitation. Anything... anyone... in any way.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro