Chapter 12
Chapter 12: Write
I want to ease her pain but I have no idea how. I'm not good at comforting other people. I don't even comfort myself in dark times, I just let everything pass and forget it afterward. I believe that when you absorb things, it gets harder to release. But right at this moment, I wish I could do something.
The woman who just saved my life is crying in my arms. I want to save her, too, from this misery – this family, I want to protect it. I must admit... I treat them as a family now. Insane but I am feeling at home with them. I don't care if they don't see me the same.
"It's fine," I whispered again. Hinagod ko ang kanyang likod. Hindi ko na marinig ang pag-iyak niya pero ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan niya. "Arch is with him. Hindi niya pababayaan si Rich."
The moment I mentioned Arch... I remember our conversation last night – that he's afraid to show how down he is. Sa tingin ko ay naiintindihan ko na ngayon. Kailangan niyang maging malakas para kay Rich. He needs him. When Rich is feeling weak, Arch should be strong for him
Lumipas ang ilan pang minuto bago kumawala sa yakap si Tita Minerva. Mabilis na tumayo ito at humarap sa salamin. Madiin na pinunasan niya ang kanyang luha sa mga mata. I could feel how frustrated she was because she cried... and let the feeble part of her overpowered her emotions.
Nang humarap siya sa akin ay nakangiti na ito "I'm sorry," mahina siyang tumawa. "Hindi ko lang napigilan."
"It's fine," I smiled, too. "You're good."
She let out a weighty sigh. "I shouldn't worry. It's fine. Everything is fine," she convinced herself.
Yes. Everything is fine.
Tinulungan kong magluto ng lunch si Tita para 'pagbaba nila ay ayos na ang pagkain. Sinabi ko kay Tita ang paglilinis na ginawa namin nina Arch at Rich. Natatawa siya na namamangha. Ngayon lang daw kasi nangyaring naglinis ang dalawa.
"But if I would do a general cleaning again, I'd rather do it alone," I winced while imagining how they messed everything even more. "Mas nakakapagod kasama ang kambal. Sinusuway ko pa dahil nagtatalo."
Tawa nang tawa si Tita sa mga sinasabi ko. "I didn't know. Hindi ko pa sila gaano nakitang nagtalo. Makulit ba?"
"Makulit is an understatement," natatawa kong sabi. "Rich is tolerable but... let's not talk about his other half."
"It's good to hear that," nakangiting saad ni Tita. "It's good to hear they are having fun. Thanks to you."
Isang ngiti lang ang naisukli ko. I don't deserve that compliments. I'm having fun, too. I'm currently experiencing the best in my life... with them.
Saktong tapos na kami maghain ay bumaba na ang tatlo. Nag-unahan pa ang kambal sa pag-upo habang si Doc Garcia ay natatawa na lang. Hinatid ni Tita si Doc sa labas kaya kaming tatlo ang naiwan sa kusina.
"Ako ang magsasabi," ani Arch kay Rich.
"No! Mas nakakapagod ang magpunas ng bintana!" angal naman ni Rich. "Kaya ako ang may karapatan na ipagyabang kay Mommy na naglinis tayo."
Umiling si Arch. "Halos buong paligid ng bahay ang winalisan ko!"
Napangiwi ako dahil sa pagtatalo nila. Malamang na ang habol nila ay ang papuri ng kanilang Mommy. Kapag si Arch ang unang nagsabing naglinis kami ay siya ang unang mapupuri, hindi naman papayag si Rich.
"Ah, boys?" I called their attention. "I think I already mentioned that to your Mom. Sorry."
I laughed when they groaned in unison. They looked disappointed.
I want to ask what happened upstairs but I don't think it's good. They don't open it and that means they don't want to talk about it. Pero base sa kinikilos nila ay hindi naman 'yon masama. It's not something serious, is it?
Kumain na agad ang kambal habang ako ay hinhintay ang pagbabalik ni Tita. Nagutom daw sila dahil sa paglilinis at hindi na makapaghintay.
"Let's go out later?" Arch asked while chewing his food.
Natigilan naman sa pagnguya si Rich. "I don't feel going out today. May tinatapos pa akong basahin na libro."
"Oh, come on!" Arch frowned. Tumingin siya sa akin. "Are you in?"
I shrugged my shoulders. "Dipende,"
"Not you," Arch glared at me. "Si Rich lang ang pwedeng tumanggi sa akin. You can't say no." Ngumiti pa na parang sinasabi na wala na akong magagawa.
"That's unfair," I retorted.
Habang kumakain ay agad kong napansin na kaunti lang ang nasa plato ni Rich habang si Arch naman ay halos puno. Parang walang ganang kumain si Rich. Hindi naman siya ganito. Something is bothering him.
Is there something wrong?
"Count me in!" Biglang umangat ang ulo ni Rich. "I can't just sit here while you two are having fun!"
That confirmed my thoughts. There's something wrong.
Matapos naming kumain ay bumalik kami sa kanya-kanya naming kwarto para magbihis. Ang sabi nila ay medyo malayo raw ang abandonadong amusement park na 'yon at masukal. Nagsuot na lang ako ng pants. Nakaharap ako ngayon sa salamin at inaayos ang buhok ko. Tinirintas ko ang buhok ko sa gilid.
Narinig kong tumunog ang cell phone ko kaya kinuha ko 'yon. Umawang ang bibig ko nang may masagap akong kaunting signal. Dahil doon ay nagawa kong buksan ang FB account ko. I was scanning my feed when a messaged popped up.
"Run while you still can," I read it in my mind.
I immediately deactivated my account again and turned off my phone. Natagpuan ko ang sarili na kinakapos sa hangin. I was panting heavily and I could feel the heat rushing in my head. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga katagang 'yon.
No... I won't run. They won't find me here. I'm safe.
No matter how much I convince myself... I'm still shaking in fear.
Fear... I have fear now.
Napatalon ako sa gulat nang may kumatok sa pinto. "Amira? Hindi ka pa tapos?" dinig kong tanong ni Rich sa labas.
I cleared my throat. "Give me a minute, please?"
"Sure. Take your time," he responded.
Muli kong tiningnan ang sarili ko sa harapan ng salamin. Hindi ko hahayaang mawala kung ano man ang meron sa akin ngayon. I would rather die than to watch this family disappear before my eyes. This is what I've been looking for. Home.
Lumabas na ako ng kwarto ko. Nagulat ako nang makita si Tita Minerva. Nakaayos din ito at mukhang sasama sa amin. Sa tabi niya ay si Rich na nakaawang ang bibig habang nakatingin sa akin. Nailang ako dahil hindi pa ito kumukurap.
Si Tita Minerva ang lumapit sa akin. "You look gorgeous, baby," puna niya.
"Let's go!" Sabay kaming napalingon kay Arch na kalalabas lang ng kusina. May dala itong basket na sa tingin ko ay pagkain ang laman. Nang mapatingin siya sa akin at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napakurap ako nang umirap ito at nauna nang maglakad palabas.
Problema ng isang 'yon?
Nang makalabas kami ng bahay ay lumapit din sa akin si Rich.
"I think you are beautiful," Rich whispered.
I raised my brows. "You only think?" I teased him.
Natigilan naman ito at mabilis na umiling. "No. You're really beautiful!" he immediately said, tense.
Narinig ko ang mahinang pag-angal ni Arch na nauuna sa aming maglakad.
"How about me, Rich?" biglang tanong ni Tita. "Don't you see me beautiful anymore?" Kunwari ay nagtampo pa ito.
"Of course, you are!" Mabilis na sabi ni Arch. "You are the most beautiful woman here, Mom. The other one is just on the average level." And he turned his head on my direction.
Sinamaan ko ng tingin si Arch na inirapan lang ako uli.
Tumawa si Tita Minerva. "Did you and Amira just had a fight?"
Tumingin uli sa akin si Arch. "No. But she's not that beautiful. Rich is being over dramatic again."
"Ako na naman?" pagsingit ni Rich.
"Sino pa ba? Puring-puri si Amira sa 'yo, baka akala niya ay totoo ang mga sinasabi mo!"
Kung wala lang si Tita Minerva sa tabi ko ay kumuha na ako ng stick at hinampas sa mukha ni Arch. He's being jerk again
"At least I never claimed myself to be the most beautiful woman here," pabalang na sagot ko. "Hindi katulad ng isa dyan. Ang sabi niya ay siya ang pinakaguwapo sa lugar na ito. Pero nung tinanong ko siya kung nakita niya na ba lahat ng tao rito ay hindi raw. The delusion is on the god level."
Sabay na tumawa sina Rich at Tita Minerva habang si Arch naman ay namumula na ang mukha at sobrang sama na ng timpla ng kanyang mukha. He started this game! Kung hindi siya mayabang ay hindi sana siya mapapahiya.
Hindi na kami nagsalita matapos no'n. Dinaanan namin ang mga matatas na damo. Sampung minuto na ang lumipas pero naglalakad pa rin kami. Mukha ngang masyadong malayo 'yon. Buti na lang at hindi na nang-asar si Arch dahil baka mapatulan ko na talaga siya lalo na't pagod na ako.
Nang nasa makitid na tulay na kami ay tumigil sa paglalakad si Arch. Pinauna niya si Tita Minerva. Napangiti ako sa ginawa niya. Akala ko kahit papaano ay maginoo siya pero nung dumaan na rin si Rich at ako na ang susunod ay bigla itong naglakad agad. Napunta ako sa pinakahuli.
I remained calm. I didn't react. It's not a big deal tho.
Napansin ko na masyadong mabagal ang paglalakad ni Arch at dahil nasa unahan ko siya ay napapasunod lang ako sa bilis niya. Nakatawid na sina Tita Minerva at Rich pero nasa gitna pa rin kami ng tulay ni Arch.
Nangangatog ang tuhod ko dahil ilog ang nasa ilalim at dumuduyan pa ang tulay. Naiisip ko pa lang kung gaano kalalim 'yon ay napapalunok na ako.
"Pakibilisan naman, please?" pakiusap ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
Oh, god. Don't tell me he's trying to fool around. It's not a good place to fight!
Humarap sa akin si Arch na malawak ang ngiti. I knew it. Pinlano niyang ihuli ako at pabagil ang paglalakad niya para maiwan kami sa tulay. Mukhang alam ko na rin kung ano ang iniisip niya ngayon.
"Paano nga ulit 'yung sayaw mo?" mapang-asar na tanong niya.
"Archeon..." I warned him.
"Hold on tight." Nanlaki ang mga mata ko nang igalaw niya ang tulay. Napahawak ako sa gilid at mas lalong nangatog ang tuhod. "You know she's a little bit dangerous." Tumalon-talon pa ito habang kumakanta.
"Shit!" I cursed.
"Archeon! Stop playing!" I heard Rich screamed.
But the jerk kept on swaying the bridge.
Napalunok ako nang makita ang ilog sa ibaba. I was breathing heavily. I'm scared... I want to tell him that but I couldn't voice it out. Pakiramdam ko ay bibigay na ang tuhod ko dahil sa sobrang panginginig nito.
Stop...
Naipikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa tumigil ang pag-ugoy ng tulay.
"I-I'm scared..." I whispered, eyes still shut.
"Ssshhh..." Naramdaman kong umangat ako sa ere. "You're safe now," I heard Rich said as he gently walked across the bridge.
Hindi ko iminulat ang mga mata ko hanggang sa sinabi ni Rich na wala na kami sa tulay. Napahinga ako nang maluwag. Pero ramdam ko pa rin ang pangangatog ng mga tuhod ko. Maingat na ibinaba ako ni Rich.
Tuminingin ako kay Arch. He was smirking.
Was it fun to play with someone's weakness, Arch?
Imbes na makipagtalo pa ako ay nilampasan ko na lang siya ng tingin.
Pinagalitan ni Tita Minerva si Arch pero ang dahilan nito ay katuwaan lang daw.
Hanggang sa makarating kami sa sinasabing abandonadong theme park ay hindi na ako nagsalita. Pansin ko ang maya't mayang pagsulay sa akin ni Arch. Don't tell me he's planning to play with me again?
Tinanaw ko ang buong lugar. Halos balutan na ng mga halaman at kalawang ang mga sakayan. Some rides were just broken while some are totally ruined. It feels strange looking at this place. Ngayon lang ako nakakita ng amusement park na ganito katahimik. I mean... it's abandoned. I must admit Rich was right... abandoned places are somehow fascinating.
"Naabutan niyo bang bukas ito?" tanong ko. I couldn't help but to visualize how was this place when still running.
"Unfortunately, no," Tita Minerva answered.
Napatango naman ako.
"Is that a castle?" turo ko sa pinakadulo, sa likod ng ferris wheel.
"It is!" masayang sabi ni Rich. "That's my favorite spot in this place!"
Namilog ang mga mata ko. "Nice. Puntahan natin?" tanong ko.
"Sige lang, Amira," sabi ni Tita. "Maiiwan muna kami ni Archeon dito para maglatag at ayusin ang mga pagkain. Huwag masyadong lalayo, ah? Balik din kayo agad para kumain."
"What? Sasama rin ako sa kanila!" angal ni Arch.
"Help me here first," ani Tita.
Hinawakan ko ang kamay ni Rich at hinila na siya palayo roon at papunta sa kastilyo. Tumigil din kami sa pagtakbo nang masiguro kong hindi na nakasunod sa amin si Archeon. Hingal na hingal kami pareho.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na hinihingal din si Rich. "Ayos ka lang?"
Shit.
Tumango siya. "Ang bilis mong tumakbo ah," natatawa niya pang sabi.
"Sigurado ka?"
"Oo nga. Tara na," aya niya pa.
Naglakad na lang kami papunta sa kastilyo. It's not that huge. Parte pa rin naman siya ng mga pakulo sa park na ito.
"Be A Kid and Be Happy," I read the note on the arc.
Pagkapasok namin sa loob ay puro mga halaman ang laman. The colorful castle turned into full green because of the vines covering the walls up to the roof. Si Rich ang nauuna sa pag-akyat sa paikad na hagdan. Tumigil siya sa gitna.
"Look," sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Tinuro niya ang isang bahagi ng wall na hindi binabalutan ng halaman. May mga nakasulat doon. "We wrote our names there." Lumingon-lingon sa paligid si Rich. Kinuha niya ang isang bato at inabot 'yon sa akin. "It's your turn."
Tinanggap ko ang bato sa kanya na gagamitin para pang-ukit sa pader.
Lumapit ako sa pader at pinagmasdan ang mga nakasalutat.
Cheon Brothers, Always and Forever.
Archeon
Richeon
Umiling ako bago binitawan ang batong hawak ko.
"May problema ba?" tanong ni Rich.
Umiling ako. "I don't want to write my name."
I don't think I deserve it.
"You sure?" paniniguro niya.
I nodded again. "It's fine."
Tumango siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Sumunod na rin ako.
Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga nakasulat sa pader. I want to write my name but I don't think I deserve a place in that. I just came in their lives. They don't know me yet. They don't know me at all.
Tumigil sa paglalakad si Rich at humarap sa akin. "Don't ever think you do not belong in this family, Amira. You are one of us now. Always remember that."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"You are one of us," aniya pa saka na tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko maalis sa isipan ko ang sinabi niya. I'm one of them?
A spark of joy ignited inside me.
"Can I write my name?" I asked.
Nanatili siyang nakatalikod nang sinabi niyang, "Whenever you want."
Doon na ako tumalikod at bumalik sa ibaba. Pagdating ko ay wala na ang bato. Natatandaan kong ibinaba ko lang ito sa malapit pero parang nilamon agad ito ng mga halaman. Nalungkot ako dahil mukhang maging ang lugar na ito ay hindi sang-ayon sa gagawin ko.
Umangat ang tingin ko sa nakasulat sa pader.
Cheon Brothers, Always and Forever.
Archeon
Richeon
Amira.
Parang may sumabog sa loob ko. Hindi ko maipaliwanag.
Mabilis na tumakbo ako uli sa itaas. Naabutan kong nakasilip sa bintana si Rich, malayo ang tingin.
"Someone wrote my name..." I said.
Hindi ito kumibo. Nanatili siyang nakasilip sa bintana.
Hindi ko napigilang sumilip din. Nakita ko si Archeon na naglalakad palayo sa lugar. Pinaglalaruan niya ang bato sa kanyang kamay.
"I told you," Rich whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro