Chapter 11
Chapter 11: Angel
Sumunod ako sa kanila. Naabutan kong nakatayo si Rich sa labas ng kwarto ni Arch. Kumakatok ito at pilit na kinukumbinsi ang kapatid na buksan pero wala siyang nakuhang sagot. Rich's face looked pale and I could see how worried he was.
Guilt pinched me. This is what happens when fun gets too much. Hindi ko napansin na sumobra na pala ako. I thought we were still playing. Hindi ko alam na ganito pala katakot si Arch pagdating sa gagamba.
Humugot ako ng lakas ng loob bago lumapit kay Rich. Hindi niya ako nilingon kahit na alam kong alam niyang nasa tabi na niya ako. He just keeps knocking on the door, begging for Arch to open the door.
"Kuya? Open the door, please?" Rich pleaded again. "Let me in."
Napansin kong namumula na talaga ang mukha ni Rich. Mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko. I wanted to calm him down but I'm worried he might get even madder. He's worrying too much. It's not good for him.
"Ikukuha kita ng tubig," sabi ko sa kanya.
Tumalikod na ako at maglalakad na sana pababa nang magsalita siya. "Don't bother, Amira. Pumasok ka na lang sa kwarto mo at magpahinga. Pagod ka sa paglilinis."
Humarap ako sa kanya. Nakabaling pa rin siya ng tingin sa pinto. He couldn't even look at me.
"I'm sorry..." I whispered, feeling feeble.
"Please?" he pleaded.
Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang gusto niya. Walang-gana na bumaba ako at pumasok sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan na nahagip ng aking kamay. Sobrang bagsak ng pakiramdam ko.
Sobrang bilis talaga magbago ng mga pangyayari. Parang kanina lang ay masaya pa kami tapos...
What should I do?
Pumikit ako para sana magpahinga pero ang mukha lang ni Rich ang nakikita ko. Malamig ang pakikitungo niya sa akin kanina. Kahit na hindi siya pagalit magsalita o kahit na hindi niya ako tingnan nang masama ay alam kong may pait siyang nararamdaman sa akin. He is disappointed.
He said stop but I didn't listen!
I've been accusing Arch as stubborn and hardheaded but little did I know... I am, too.
I still can't accept the fact that the angel is now mad at me.
I remember when I once aspired Rich to get angry because he's always an angel, no. I wondered how would it be when Rich gone mad. But now... I don't want him to get mad anymore, especially if I am the reason. I just can't stand it.
Mapait akong napagiti. I really came back to my old self. That little girl who always worries about other people – that little girl who cries over small things. I remember when I promised not to be like this anymore. I promised to be bold and to not let anyone have a touch of my soul.
I hugged the pillow tightly when I felt cold.
Hindi ako napakali sa loob kaya lumabas ako uli ng kwarto ko. Dadan-dahan akong naglakad paakyat. Mas lalong bumagsak ang pakiramdam ko nang ang tumambad ay so Rich na nakaupo sa tabi ng pinto ng kwarto ni Arch. Yakap-yakap niya ang kanyang mga tuhod at halatang maraming iniisip.
"Magpahinga ka muna, Rich," paalala ko sa kanya. "It's not good for you."
Nakayuko lang ito nang umiling siya. "He's scared..." he whispered.
Humarap ako sa pinto ng kwarto ni Arch. Kung si Rich nga ay hindi niya pinagbuksan, ako pa kaya?
But I tried... I knocked on the door.
"Arch?" I called his name. "Open the door-" Hindi pa man ako tapos nang bigla itong bumukas. Hinila ako ni Arch papasok at agad ding sinara ang pinto. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ako nakapagsalita.
Napakurap ako nang ilang beses. Binitawan din ako ni Arch at pabagsak na humiga sa kama. Kinuha niya ang librong nasa tabi at binuksan ito sa pahinang may nakaharang na papel.
Lumipas ang ilang segundo bago ko napagtanto na pinapasok niya ako samantalang ang kapatid niya ay hindi niya man lang nagawang sagutin.
I gulped. "I'm sorry..."
"I'm good," he lazily responded.
Pinagmasdan ko siya. Nakadapa pa ito habang nagbabasa. Mukhang ayos naman nga siya. Maybe he's just really scared of spiders.
Hahawakan ko na sana ang busol ng pinto nang magsalita si Arch.
"Stay," he commanded, eyes still on the book.
"I will. Papapasukin ko lang si Rich-"
"Why do you think I didn't let him in?" Binitawan niya ang pagbabasa at tumingin sa akin. "He's over dramatic. I have no time for drama."
Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kanya. Sobrang nag-aalala sa kanya si Rich tapos ganito pa ang sasabihin niya?
"He's worried," pagpapaala ko dahil baka sakaling hindi niya pa alam.
"Always," he languidly said before going back to reading.
Umawang ang bibig ko sa sobrang pagkabigla. I can't believe this is how he treats people who worry about him. Hindi ba niya alam na sobra ang pag-aalala sa kanya ng kanyang kapatid tapos tatawagin niya lang itong over dramatic?
"It's not good for him to worry too much!" giit ko.
"Yeah. He knew that." I could feel the lack of energy in his voice.
Really, Arch?
I bit my bottom lip. I did him wrong and I am about to do it again. Damn it! Kapag talaga naaalala ko ang mukha ni Rich ay naaapektuhan ako. Nakakagalit na ang dahilan pa ng pag-aalala niya ay walang pakialam sa kanya.
"At least, let him know you are fine," kalmado kong sabi. "He's been waiting outside."
"He knew I am fine." He frowned. "But because he is over dramatic, he won't believe. He's always like that."
Kinailangan kong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili dahil baka mamaya ay ipakain ko na sa kanya ang gagamba na 'yon. Kung may dapat may siyang ikagalit ay sa akin 'yon, hindi sa kanyang kapatid!
"Hindi ka ba naaawa sa kanya?" pabulong kong tanong na ikinatigil niya.
"Why?" Isinara niya ang librong hawak pero nanatili pa rin siyang nakayuko. "Why do you pity him?"
"He is sick for pete's sake and worrying too much can affect him!" Tumaas na nang bahagya ang boses ko. "Hindi ako makapaniwalang sa akin pa talaga manggagaling ang mga salitang 'to. He is your brother and you should know him better."
"That's my point." He looked at me just to smirk. "I know him better than you do."
Bumalik na uli ito sa pagbabasa. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Lalabas na ako," pagpapaalam ko.
"Hindi mo ba ako narinig? I said stay," sambit niya, tutok pa rin sa pagbabasa.
Napailing na lang ako. Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa kama. Pinagmasdan ko siyang tahimik na magbasa. It feels weird seeing him reading a book. But who am I to judge?
"I'm really sorry," bulong ko.
"Don't feel sorry," he responded in a low voice. "That should be fun but since I am a scared kid who hates spiders, I ruined it. My fault."
"No. I ruined the fun when I scared you."
Mahina itong natawa. "All right, babe. I won't argue anymore."
Napaatras ako ng upo dahil umupo rin ito mula sa pagkakahiga. Malaki ang ngiti sa kanyang labi na ikinakunot ng noo ko.
"Am I cute?" he suddenly asked.
Napangiwi ako. "H-huh?"
Pabagsak na ibinaba niya ang libro bago mas humarap pa sa akin. "I acted like a baby earlier, right? That's the real me, Amira. I get scared, too. You can frighten me, too. That is me as a baby. So, am I cute?"
"Seryoso ka ba?"
He nodded. "That's not so masculine of me. I mean..." He shrugged his shoulders.
"Nakakabigla pero hindi cute," sagot ko.
He looked disappointed. "Kahit na kaunti?" pangungumbinsi niya pa.
Umiling ako.
He let out a heavy sigh. "Okay. But can I say you were cute when dancing?"
Namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Stop," I warned him.
Tumikhim ito bago tumayo sa kama. Itinaas niya ang kanyang kamay, "Hold on tight. You know she's a little bit dangerous." Mas lalong namula ang mukha ko nang gayahin niya akong sumayaw at kumanta. Umaalog ang kama dahil sa pagtalon niya.
"She's got what it takes to make ends meet." Umikot pa siya habang sumasayaw.
I tried hard to stop but I failed, I bursted out into laughter. He didn't stop dancing. Hindi pa siya nakuntento. Bumaba ito ng kama at kinuha ang walis-tambo at kunwari ay nag-aagiw habang kumakanta pa rin.
Bumagsak ako sa kama dahil sa sobrang pagtawa.
"Am I cute now?" tanong niya nang humiga rin sa kama at nakaharap sa akin. Hingal na hingal pa ito dahil sa ginawa niyang pagsayaw.
"That was cringeworthy! Huwag mo nang uulitin 'yon ah?" babala ko.
He laughed, too. "That made you laugh hard. How?"
"Don't!" Natatawa pa rin ako. "It's disgusting."
"Unfair, I always see you cute in everything you do."
Doon ako natigilan sa pagtawa. Natulala na lang ako sa kanyang mukhang nakangiti. Hindi ako nakakilos nang bigla itong lumapit sa akin. Sa sobrang lapit namin ay ramdam ko na ang mainit niyang hininga sa mukha ko.
"Don't ever change," he whispered. "I like the way you are."
Umawang ang bibig ko sa sobrang pagkabigla.
Tumikhim ako bago umupo na. Umayos naman siya ng higa, mula sa patigilid ay tumihaya siya.
Natahimik kami nang ilang minuto bago umalingawngaw ang halakhak ni Arch. Napatingin ako sa kanya. He's laughing so hard at something I don't understand. And I don't need to understand to smile.
Ilang minuto matapos niyang tumigil sa pagtawa ay tumayo ito at binuksan ang pinto. Sumalubong sa kanya si Rich na nakatayo at nakayuko. Nang makita niya si Arch ay bigla itong yumakap nang mahigpit.
"Don't be over dramatic, Rich," natatawang sabi ni Arch.
"Stop," Rich said.
"Baka kung mapaano ka," pagpapaalala ni Arch. "Uminom ka muna ng gamot. Magluluto na ako ng lunch. Malinis nga ang bahay kapag dumating si Mommy pero wala namang pagkain," nanatawa niya pang sabi.
Kumawala sa pagkakayakap si Rich bago tumango. Napatingin siya sa akin at lumapit.
"T-thank you," sabi niya.
Nagulat ako nang yakapin niya ako. Hindi kalaunan ay niyakap ko rin siya pabalik.
"Thank you for coming into our lives," he mumbled.
I cried inside when I heard that. Parang tuluyang nalusaw ang mga pader sa paligid ko dahil sa sinabi niya. Someone is thankful for having me in their lives? That's what I've been looking for. Damn it. Is this what happiness feels like?
I finally found it.
Dumating si Tita Minerva na may kasamang lalaking may hawak na suitcase. Mabilis na lumapit si Rich sa lalaki at bumati. Ang dinig ko pa ay siya si Doctor Garcia. Sumama sa kanya si Rich paakyat. Naiwan kami nila Tita Minerva at Arch sa sala.
"Arch..." tawag sa kanya ni Tita. "Please?"
"M-mom... "
"He needs you," nakangiting sabi ni Tita. "Give him strength, please?"
Walang nagawa si Arch kung hindi ang sumunod kina Rich at Doc Garcia. Ako naman ay naiwang nakatingin kay Tita Minerva. Kahit na nakangiti ito ay bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Natulala ako nang bigla itong umiyak. Umupo siya sa sofa at tinakpan ng mga kamay ang kanyang mukha.
She cried in silence.
Kusang gumalaw ang katawan ko, umupo sa tabi niya at niyakap siya. I was stunned when she hugged me back and wept harder. Sa sobrang higpit ng yakap niya sa akin ay ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan.
"Rich will be fine..." I tried to comfort her. "He will be fine."
But in the back of my mind... I can't help but to feel scared, too.
What's going to happen to our angel?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro