Chapter 10
Chapter 10: Scared
Hindi gaya ng madalas ay maaga akong nagising ngayon. Hindi pa man sumisikat ang araw ay mulat na ang mga mata ko at nakasilip sa bintana dito pa rin sa tree house. I closed my eyes and feel the puff of cold wind.
It feels like I am floating in the air. I've never been this calm for a long time. This place has been bringing back the feels I thought I already lost a long time ago. And... I don't think it's good. I still shouldn't let my guard down.
Nagising din ako na may kumot na. I have no idea who brought here up here.
Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakita ko si Rich na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa isang babaeng madalas na tanghaliin ng gising, pero ngayon ay mulat na mulat na at nasa itaas pa ng puno. And based on his reaction, he didn't know I slept here. That answered who brought me a comforter.
Tumingin ito sa diretso at naglakad siya roon. Narinig ko ang pag-uusap nila ni Arch mula sa ibaba, pero malabo dahil mahina lang ang mga boses nila.
Oh, he really didn't leave. Well, I must say that Arch is true to his words.
"How's your sleep?" tanong ni Rich pagkaakyat. Sa likod niya ay si Arch na humihikab pa. Hindi katulad ni Rich na nakapag-ayos na ay gulo-gulo pa ang buhok nito at halatang inaantok pa.
"Pwede ba ako ulit matulog dito?" Sa halip na sagutin ang tanong niya at nagbato ako ng tanong pa.
"Y-Yeah?" Rich answered, hesitant. "I mean... no worries. But you sure? Masyadong malamig dito baka magkasakit ka."
Hindi ko pinansin ang ibang sinabi niya, basta ang alam ko ay pumayag siyang matulog uli ako rito at gagawin ko talaga 'yon. If I could sleep here every day, hell I would.
Kay Arch naman nabalin ang tingin ko. Nag-iinat pa ito ng katawan. I remember what happened last night and I couldn't help but to shake my head. I wonder if it will happen again. I mean... Arch and I talking to each other without being sarcastic.
"Jog?" tanong ko kay Rich nang mapansin na naka-jogging pants siya. "Can I come?"
"Yes. Sure!" maagap na sagot ni Rich.
"I'll pass," ani Arch. "I still need to get some sleep."
Pagkapasok namin sa bahay ay agad na umakyat si Arch sa kanyang kwarto. Ako naman ay nag-ayos na para samahan si Rich na mag-jogging. We had our first coffee of the day while having a conversation about the abandoned amusement park he wants to show me.
While staring at my reflection in the mirror, I realized something.
I never liked these things – this quiet place, the deep lake, riding a boat, staring at the moon. It still feels strange how much these people influenced me, especially Rich. And I can't help but to feel afraid. I know this has to end... just like everything.
These are all temporary only.
We jogged around the place. Nadaanan namin ang mga bahay na dati ay akala ko'y abandonado, pero hindi pala. Halos mga matatanda ang nakatira dito at madalas ay mag-isa lang sila o kung hindi man ay may isa silang kasama. Some of them are just gawking at nothing. I could feel longing around.
Natigilan ako nang makita ang isang matanda na nakangiti habang nakatingala sa langit. Parang may pinagmamasdan ito sa langit dahilan ng kanyang malaking ngiti. Sinundan ko ang tingin niya pero wala akong ibang makita kung hindi ang madilim na langit.
"Water?" Rich offered me a bottle of water.
I accepted that and had a gulp. "Is this town for oldies?"
"You can say that," he chuckled. "Pero madalas ay mga matatanda na hindi na kayang alagaan ng kanilang mga pamilya kaya pinili nilang ipadala rito para ipaalaga sa iba. That's so sad, right? Matapos tayong arugain at palikihin, minsan lang nating tatalikuran dahil sa kaunting hirap."
Kumirot ang dibdib ko nang makitang lumandas sa pisngi ng matanda ang kanyang luha. Her lips and eyes scream different emotions. That's why I think eyes are the sincerest thing in this world -the truth lies in our eyes.
Hindi ko napigilang lapitan ito. Hindi man lang niya ako napansin, nakatingala pa rin ito sa langit, nakangiti habang lumuluha. She's mumbling something I can't understand. Masyado na rin itong matanda na sa tingin ko ay umaasa na lang sa wheelchair.
May isa pang babae na lumabas ng bahay, hindi ito katandaan. Sa tingin ko ay siya ang nag-aalala kay Lola.
Ngumiti ito sa akin nang makita ako.
"Bukas na ako bibisitahin ng anak ko," iyon ang narinig ko kay Lola nang mas lumapit pa ako. "Sa wakas ay makikita ko na uli siya."
Napangiti ako dahil ramdam ko ang tuwa niya na sa wakas ay makikita na niya uli ang kanyang anak.
Umiling sa akin ang babae. "Iyon ang sabi ng anak niya bago siya ipinadala rito at ipaalaga sa akin. Ang sabi niya ay bibisitahin niya ito bukas. Ilang buwan na ang lumipas. Ang bukas ay bukas pa rin."
Nakagat ko ang labi ko dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko. Shit. She's waiting for something that won't happen. Malamang na alam na niya ito, ramdam na niya ang totoo. But I can still see the excitement in her eyes. Parang pinapaniwala na lang niya ang sarili na makikita na niya bukas ang kanyang anak at doon na lang siya kumukuha ng lakas.
"Bukas na," bulong na naman ni Lola.
Tumalikod na ako at naglakad uli pabalik kay Rich na nanatili sa kaninang pwesto niya. Nanginginig ang labi ko sa sobrang sikip ng dibdib ko. I pity whoever her daughter is, she's missing something she will surely regret for the rest of her life.
I hate her.
"Same," nakangiting sabi ni Rich nang makita ang mukha ko. "That's what I felt, too, when I found out the story of this place. But unlike you, I locked myself in my room and cried a lot. It was so sad that I couldn't contain the feels so I wept the whole day."
"You shouldn't be in this place," sabi ko kay Rich.
Nakangiting umiling siya. "I'm afraid this is where I really belong."
I shook my head. "No, Rich. This place is hopeless. You don't belong here. It's not good for you."
This melancholic place won't help him. Baka mas lalo lang bumagsak ang pakiramdam niya.
Naglakad na ito kaya sumunod ako sa kanya.
"A-are you dying?" I asked.
I didn't get any response from him. Hinawakan ko ang braso niya para huminto kami. Tinawanan niya lang ako at gusto ko siyang batukan dahil doon. I'm asking him an important thing and he's making me feel like it's not something I should worry about.
"Tell me, Rich," I pleaded.
"All of us are dying, Amira. It's just a matter of time."
Nabitawan ko ang kanyang braso. Napayuko ako. Naramdaman ko ang pag-init sa paligid ng mga mata ko. Bumilis ang paghinga ko. I'm about to cry when Rich held my hand and squeezed it. Inangat niya ang mukha ko at itinapat 'yon sa kanya.
"Don't be afraid to die, Amira. I mean... you shouldn't worry about that thing," he sincerely said while looking at my eyes. "The moment you care about dying is the moment you stop living. Just live."
I pushed him away. Doon na bumagsak ang luha sa aking mga mata ko.
"How to live?" I asked.
He smiled and said, "Stop worrying about dying."
Umiling ako. "I am living."
"You're." He nodded. "But you always worry about something. I am in no position to tell you stop thinking about that but you must. Risk and live. We don't have that much time to be afraid to try."
Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. "Can I walk alone?"
"Sure."
Tumalikod na ako at naglakad palayo. Natagpuan ko ang sarili ko sa gitna ng mapunong lugar. Masyadong tahimik. Tanging lagaslas lang ng mga puno, pag-ihip ng hangin at pag-apak ko sa mga tuyong dahon ang naririnig ko.
Tinanaw ko ang isang malaking puno bago napagpasyahang umakyat. I am good at climbing trees. Ito ang madalas kong gawin kapag gusto kong mapag-isa.
Umakyat ako sa pinakataas kung saan kitang-kita ko ang kabuuan ng lugar. Mula rin dito ay nakikita ko ang lawa sa malayo. Sa Silangan naman ay damang-dama na ang pagsilip ng araw. Ilang sandali na lang ay liliwanag na uli.
Lumipas na naman ang isang araw.
"Risk and live," I remember Rich.
When was the last time I risked? I don't even remember. I don't risk that much and when I try to live, with caution. I've been avoiding things that can hurt me. Not just because I'm afraid but also because it's already too much. I don't think I can withstand another storm anymore.
The sun started to show its shine and now trying to wipe darkness. Another day is ahead of us. Today is the most awaited day for some while for others it's just another day to pass by – just like for me. Nothing new.
It still is the same as yesterday.
"Should I risk again?" I asked myself.
Umihip ang hangin na humaplos sa mukha ko, pakiramdam ko rin ay hinawi nito ang mga luha sa aking mga mata.
Tumingala ako sa langit, nakapikit pa rin. "Dear God, I need your guidance for today, I am breaking my walls and letting this world see me... once again," I mumbled in the air, hoping He's listening.
Napamulat ako nang may marinig na kaluskos. Minabuti ko nang bumaba at bumalik na. Naabutan ko si Arch sa labas ng bahay, hindi ito mapakali. Nang makita niya ako ay agad itong lumapit at hinawakan ang braso ko.
"Saan ka galing?" tanong niya.
Hinablot ko ang braso ko sa pagkakahawak niya. "Sa paligid lang po, Papa," sarkastiko kong tugon.
"Hindi mo naman binalak na umalis na naman, hindi ba?"
"Hindi na," sagot ko na ikinatigil niya. Nginitian ko siya. "Hindi na ako aalis. Hindi rin ako aalis kahit na palayasin mo ako. I'm staying here for good, babe. So, yeah. Starting now, you have to deal with this girl every single day." Saka na ako pumasok at iniwan siya sa labas.
Nadatnan ko si Rich na nag-aayos na ng mga pagkain para sa agahan. Tinulungan ko siyang mag-ayos. Wala kaming kibuan hanggang sa dumating si Arch. Kumain kami nang tahimik. Pansin ko pa rin ang pagsulyap sa akin ni Arch.
"What should we do for today?" pagbasag ko sa katahimikan.
Natigilan sa pagsubo ang kambal na ngayon ay nagtataka.
"H-huh? Anything you want," Rich responded.
"Hmmm..." Uminom ako ng tubig habang nag-iisip ng pwedeng gawin. I don't feel like going out today. "Ah!" I snapped my finger. "Let's do general cleaning?"
Nagkatiningan ang kambal na parang nahihiwagaan sa nangyayari sa akin.
"N-no need, Amira," si Rich na naman. "Nagha-hire naman si Mommy ng tao para maglinis dito. Mapapagod ka lang."
Here we go again. Rich being an angel.
"Come on," I rolled my eyes. "I don't want to lay in my bed the whole day."
"I'm in," biglang sabi ni Arch.
Napalingon sa kanya si Rich, "Not you."
"I'm serious, Rich. Let's do cleaning today! I want to surprise Mom with a cleaned house!"
I smirked when Rich lost the debate.
Sa huli ay wala ring nagawa si Rich. Sina Arch at Rich ang naghugas ng pinagkainan habang ako naman ay pumunta sa sala. Nilagay ko sa speaker ang cell phone ko at nag-play ng kanta para mas masaya ang paglilinis. Cleaning is more fun with music. I mean... music has a magic that suits in every situation.
Kinuha ko ang walis tambo at itinali ito sa mahabang stick para gamiting pang-agiw. Hindi naman gano'n kaagiw. I was all smiles while wiping the ceiling.
"Hold on tight. You know she's a little bit dangerous," sinabayan ko ang kanta habang palipat lipat nang lugar para mang-agiw. I couldn't even help but to dance with the beat."She's got what it takes to make ends meet."
Nang matapos maghugas ng mga plato ay sumunod din sa sala ang kambal. Si Arch ay may hawak na walis-tambo habang si Rich naman ay sa basahan. Nagtatalo pa ang dalawa kung sino ang unang maglilinis ng sahig.
"Ako nga!" pagpupumilit ni Arch na pinipigilan ni Rich. "Kailangan ko munang walisin ang sahig bago mo punasan. Hindi mo ba alam 'yon?"
"Punasan muna!" pagpupumilit naman ni Rich. "Ayaw mo ba no'n? Malinis na ang sahig kaya hindi mo na kailangang walisan."
Nakahalukipkip lang ako habang pinapanuod silang magtalo. Mukhang wala talaga silang balak na paunahin ang isa. Ang daming pwedeng gawin pero sa sahig sila nagtatalo.
"Huwag na kasing makulit, magwawalis muna ako!" ani Arch na halatang naiinis na.
"Stop!" I interrupted the argument. Lumapit ako sa kanila. "Can't you see? Nag-aagiw pa ako. Bumabagsak pa sa sahig ang mga agiw kaya wala munang gagalaw sa sahig hanggang hindi pa ako tapos. Okay?"
Sabay naman silang tumango.
"Ikaw kasi," siniko ni Arch si Rich.
"Anong ako? Ikaw nga ang gustong mauna sa sahig!" sumbat naman ni Rich.
And... they started to argue again.
"Ssshhh..." Pagsingit ko na naman sa usapan nila. "Rich, mas mabuting punasan mo ang mga bintana. Ikaw naman Arch, walis-tingting ang kunin mo para walisan ang bakuran. Stop arguing over small things, will you? Ang daming pwedeng gawin!"
Mabilis na naman na tumakbo ang dalawa para kumilos.
"Paunahan tayo, Arch!" paghahamon ni Rich. "Kapag ako ang naunang matapos mag punas ng mga bintana ay susundin mo lahat ng utos ko."
"At kapag ako naman ang nauna ay ako ang susundin mo!" pagsang-ayon ni Arch.
I mentally rolled my eyes. Naglalaro lang sila eh.
Napailing na lang ako nang magbilang sila bago nag-umpisang kumilos. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aagiw. Napansin kong dahil sa pagmamadali ni Rich sa pagpupunas ng mga bintana ay halos pasadahan niya lang ang mga 'yon. Gano'n din si Arch na halos balutan na ng alikabok dahil sa sobrang bilis niyang magwalis.
Napangiwi ako dahil dumidikit uli sa mga bintana ang alikabok mula sa ginagawa ni Arch.
The are not helping! Oh, god. Mas lalo lang dumudumi dahil sa ginagawa nila.
After a few minutes, we are done cleaning on the first floor. Nakatingin ako ngayon kina Arch at Rich na bagsak sa sofa. Pagod na pagod ang dalawa kahit na wala naman sila gaanong ginawa. Halatang proud pa ang kambal dahil sa ginawa nila.
"Second floor?" tanong ko.
Sabay na umiling ang dalawa. "Malinis ang kwarto ko," ani Arch.
"Same," si Rich.
Tumango na lang ako. Napatingin ako sa likod nilang dalawa. Hindi nila pansin na may gumagapang na gagamba. Malamang na nabulabog ko ito nang mag-agiw ako. Kinuha ko ang walis-tambo ang lumapit.
"What are you doing?" nagtatakang tanong ni Arch.
"Ssshhh..." I hushed them. "Don't move. There's a spider behind you."
"What?!" Sabay na sabi ng kambal. "Malaki ba?" tanong pa ni Rich.
"Medyo," sagot ko.
Dahan-dahan akong lumapit at hinampas ito ng walis-tambo. Mabilis naman na tumayo ang kambal at lumayo. Dumikit sa walis-tambo ang gagamba na gumagalaw pa.
"B-buhay pa," kinakabahan na sabi ni Arch.
"Yeah." I smirked.
"Shit!" Napatalon si Arch sa gulat nang ilapit ko sa kanya ang gagamba. Namutla ang mukha niya na ikinatawa ko.
"Stop," sabi ni Rich sa akin.
Ngumisi ako at mas inilapit kay Arch ang gagamba.
"D-don't..." Arch whispered.
"Takot siya sa gagamba, Amira," pagsingit na naman ni Rich.
Binalewala ko ang sinabi ni Rich.
I'm enjoying seeing Arch being scared of a spider.
"Takot ka 'no?" pang-aasar ko at mas lalo pa itong inilapit sa kanya.
"I said stop!" Hinablot sa akin ni Rich ang walis at itinapon sa malayo.
Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ako nakaimik.
Tumakbo si Arch paakyat sa kanyang kwarto.
Napapikit si Rich bago sinundan si Arch.
Ako naman ay naiwang lutang.
What happened?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro