Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1: While

Their voices were echoing in my head and all the questions were making me even sicker. I was here in the emergency room, lying in the hospital bed while the doctor and nurses were around me. And there was the lady who brought me here, she was just staring at me and I could feel how guilty she was.

Bumaling ako ng tingin sa iba.

"Nasagasaan ko siya," I heard someone said and if I could make a guess, that was from the lady. "I don't know who is she but please doc, take care of her."

Lumobo ang pisngi ko nang maramdaman na may lalabas sa bibig ko. Gumilid ako at sinuka ang nasa bibig ko. I heard gasps around and someone screamed for a cleaner.

"I don't think you hit her," I heard a manly voice, probably from the doctor. "She's fine, just drunk. We will still run tests to make sure. At kapag walang nakitang mali sa kanya, we will send her out."

Send me out?

"Ah!" I screamed.

Lumapit sa akin ang doktor, nakatingin sa isa kong braso na hawak ko. "Ano masakit sa 'yo, hija?" alalang tanong niya.

"M-My arms," I responded, wincing. "They hurt. And my back hurts, too."

"We will do an x-ray," the doctor said.

"Please," the lady begged.

"No!" I shook my head.

Parang nawala ang bisa sa akin ng alak sa mga sandaling ito. They can't do that test to me. Kapag nalaman nilang wala namang problema sa akin, palalabasin na nila ako. They will probably send me to my house.

Yes, house. I don't have a home, just a place where I sleep. And I don't to go back there anymore

"It won't hurt," sabi pa ng doktor.

Sinubukan pa nila akong kumbinsihin.

"I said, no!" madiin kong sabi.

Itinaas ko ang kumot hanggang sa ulo ko para hindi ko sila makita. Mas nahihilo lang ako sa kanila. Narinig ko pa ang mga pag-uusap nila na baka magpadala sila ng mga tao rito para tulungan nila akong matunton ang mga magulang ko.

I shook my head. Puntahan nila sa sementeryo.

"Pwede ko na ba siyang iwanan?" dinig kong tanong ng babae. "Kailangan ko na kasing umuwi."

Mabilis na inalis ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa aking mukha.

"D-Don't leave me here," I pleaded on the lady. "P-Please, Ma'am. Take me with you instead."

I was so desperate to get out of this place. And this lady, she looked too kind to refuse me. Saka magagamit ko ang dahilan na siya ang dahilan kung bakit ako nandito. It could trigger her kindness even more.

Naguluhan ang tingin sa akin ng babae. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Hinaplos niya pa 'yon habang malungkot na nakatingin sa akin.

"Hindi naman kita pwedeng isama lang, hija. May mga magulang kang naghihintay sa 'yo."

"Wala!" mabilis kong sabi. "I'm all alone now. I don't care if you're living in a small house or even if you're homeless, just take me with you."

Napansin kong may ibinulong ang doktor sa nurse. Kinabahan ako nang tumango ang nurse at lumabas. They are going to send me out. No. I won't get back to that house anymore.

"Leave me alone," sabi ko bago muling umayos ng higa.

"Siguro nga ay mas mabuting magpahinga muna siya," sabi ng doktor. "Miss Harden, maaari ba kitang makausap sa labas?"

Gumilid ako, patalikod sa kanila.

"I'm sorry, hija," the lady said.

Hindi ako umimik. Narinig ko ang mga yabag nila palayo at hanggang sa tumahimik ang paligid. Bumangon ako agad. Nagdilim ang paningin ko dahil sa biglaang pagtayo pero matapos ang ilang segundo ay nawala rin. Napatingin ako sa bintana.

Mabilis na tumakbo ako papunta roon.

Bumaling ako sa isang batang nasa kabilang kama. He was just staring at me.

"Where are you going?" he asked.

"Escaping. Do you want to come?" I offered help.

He shook his head. "My Mom would probably freak out. She won't even let me leave the house without her beside me."

I rolled my eyes. "Stay here then, momma's boy."

"Wait!" He stopped me when I was about to go. May kinuha ito sa kanyang bulsa at inilahad 'yon sa harapan ko. "You need this gummy bear. It will give you a super power. You could fly!"

Napatingin ako sa braso niyang nakabalot. "You fractured your bone. Did you just try to fly?"

"Yeah. This candy didn't work for me. Try it. What if it works to you? Come on!" he said, thrilled with the idea that, that candy could really make a person fly.

Agh! Kids.

Tinanggap ko na lang 'yon. "Uh, thanks. Should I just eat this so I can fly? Do I need to scream something or do something else, huh?"

"No. Just eat that. Go. Fly!"

I let out a heavy sigh as I ate that. Napadila pa ako dahil lasang pabango ito. Oo nga pala. Wala itong balot nang kunin niya sa kanyang bulsa. Baka imbes na makalipad ako ay malason pa.

"Be a badass boy, kid. Bye."

Binuksan ko ang sliding door ng bintana at umakyat doon. Tumalon ako pababa, mali ng pagbalanse kaya napaupo ako. Napangiwi ako bago tumayo at pinagpagan ang sarili.

Nakarinig ako ng mga usapan sa loob. "Did you see her?!"

"She's probably flying now," I heard the kid responded.

Mabilis na tumakbo ako palayo roon. Napansin ko ang babaeng nagdala sa akin, naglalakad ito papunta sa isang sasakyan. Mabilis na tumakbo ako sa kanyang direksyon.

She's really going to leave me in this place, huh?

Pagbukas niya ng pinto ng sasakyan ay ako agad ang pumasok. Dumiretso ako sa tabi. I buckled myself with a seatbelt and opened the window slightly.

"Let's go," I uttered.

Dumuwang ang babae, gulat habang nakatingin sa akin.

"W-Why are you here?" she asked, amused.

I rolled my eyes. "You're the reason why I am here. So come on. Take me with you."

"No. You still need to stay here."

"Stay here then. Give me your key." Pumalad ako sa kanya.

Umiling ito. "Hindi kita maaaring isama sa akin. Baka nag-aalala na ang mga magulang mo-"

I frowned. "I said I don't have a family! It's you now."

"Miss..."

"Please?" Mabilis na tumulo ang luha sa aking mga mata. "M-My arms still hurt and I want to take a rest. Ayokong maiwan dito sa ospital. Ayokong manatili rito. Naaalala ko lang si Mama."

I wept. Of course it was just for a show.

Napatingin ako sa mga nurse na tumatakbo palapit sa amin. Mas lalo akong napaiyak. Napansin kong natataranta ang babae at sa huli ay isinara niya agad ang pinto bago pa makarating ang mga nurse.

"Ma'am, tumakas po ang babaeng dinala niyo rito," dinig kong sabi ng isang nurse.

"Napansin niyo po ba siya?" tanong pa nila.

I smiled when the lady responded, "H-Hindi. Baka dumaan sa likod. Go. Look for her."

Mayamaya ay umalis na rin ang mga nurse at pumasok na ang babae sa loob. Bumaling ito ng tingin sa akin. Gusto kong matawa dahil hindi maipinta ang mukha niya.

"T-Thank you," I mumbled.

"Wala ka na ba talagang pamilya?"

Umiling ako. "T-Tumakas lang ako sa bahay ampunan. I've been stuck in that place for almost a decade. I need more than what an orphanage can offer to a homeless girl like me. I need a free life outside."

Bumuntong-hininga ang babae. "Sige. Pero kapag may nagtanong uli sa akin tungkol sa 'yo, hindi na ako magsisinungaling."

"Fine. Whatever --- I mean, thank you, Ma'am."

"I'm Minerva," she introduced herself before she put the car in ignition.

"I-I'm Amira, Tita Minerva. S-Salamat po."

Ngumiti lang ito at hindi na nagsalita. Tahimik lang kami sa byahe. Hindi rin ako nagreklamo kahit na ilang oras na kaming nasa byahe at hindi rin ako umarte kahit na gutom na ako.

Mayamaya ay hininto niya sa gilid ang sasakyan at may kinuha sa likod. Binigyan niya ako ng tubig at tinapay. Masaya ko 'yong tinanggap at dahil sa gutom ay hindi ko na nagawa pang magpasalamat.

"Huwag kang magdalawang-isip na magsabi sa akin," naiiling niyang sabi. "Baka mamaya ay may gusto ka pala pero dahil sa nahihiya ka ay hindi mo lang sinasabi."

"I need a phone," sabi ko.

I lost my phone or should I say... someone stole it.

"Maybe next time, Amira." Nagsimula na ulit itong magmaneho.

Nang maubos ko na ang pagkain ay nagbalik ang lakas ko. "Do you still live inside the Philippines?" because she's been driving for like forever.

Mahina itong tumawa. "We live in the Province of La Trevi. Four hours drive from here."

"You must love driving," panunuya kong sabi.

"I must because I have no choice."

"And why?"

Hindi na siya sumagot. Ipinagkibit-balikat ko na lang din.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Naglaho ang mga matataas na building at ang mga malalaking sasakyan na kasabayan namin kanina. Napalitan ng malawak na palayan ang dinadaanan namin. Ibinaba ko nang tuluyan ang bintana. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinarama ang malamig na hangin.

"What happened to your parents?" Tita Minerva asked.

With my eyes shut, I responded, "Gone"

"Wala ka bang kapatid?" sunod na tanong niya.

"I never wished to have one," I answered.

Wala na akong narinig na tanong sa kanya matapos. Binuksan ko ang mga mata ko nang maramdaman ang pagbagal ng sasakyan namin. Pinanuod ko ang pagdaan namin sa mga bahay. Kaunti lang ang mga nakatira rito at malaki pa ang pagitan sa bawat bahay.

"We're here," Tita Minerva stopped the car in front of a blue gate. Behind that was a two-storey house painted in white and brown.

Bumaba si Tita Miverva para buksan ang gate. Ipinasok niya ang sasakyan sa loob saka na ako lumabas. Pinagmasdan ko uli ang bahay. It's not that bad. Malaki rin kung ikukumpara sa dating bahay ko.

"Halika," aya niya nang buksan ang main door.

Sumunod ako. Bumungad ang sala nla. The floor was covered with white tiles and the wall was painted with the same color as well. May kulay pulang sofa at sa harap no'n ay maliit na lamesang babasagin. There was a flatscreen TV and a game console.

"Dito, Amira," tawag pa sa akin ni Tita Minerva.

Binalingan ko ng tingin ang hagdan papunta sa ikalawang palapag bago sumunod sa kusina.

Pinanuod kong magsalin ng tubig si Tita Minerva at inabot 'yon sa akin.

"Salamat," sabi ko.

"Sandali lang, ah? Hahanapin ko lang ang dalawa," aniya bago umalis.

Naiwan ako sa kusina. Napansin ko ang isang pinto palabas. Lumabas ako roon. Tumambad sa akin ang malawak na paligid. There was a huge tree and underneath that was a bleacher being occupied by a man who was reading book.

Naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya kaya umangat ang tingin niya.

"H-Hi?" I greeted him shyly.

I was stunned a bit when he smiled. "Hey. What are you doing here?"

He closed the book he was reading. Inayos din niya ang salamin sa mata. Tumayo ito at naglakad palapit sa akin.

Whoa. He's cute.

"Hmmm..." I grasp for words. "Actually-"

"Oh, Richeon." Sabay kaming napatingin sa likod ko, si Tita Minerva. "Ah. Amira, si Rich nga pala, anak ko. Rich, she is Amira. And she's going to stay with us for temporarily."

Rich smiled even more. "Nice to meet you, Amira."

Inabot ko ang kamay niyang nakalahad. "Same with you, Rich."

"Tulog pa rin ang kuya mo," ani Tita Minerva. "Halika. Pumasok muna kayo. Maghahanda ako ng miryenda."

Dumiretso kami ni Rich sa sala habang si Tita Minerva ay naiwan sa kusina para maghanda ng miryenda.

"Do you read books, too?" tanong ni Rich nang mapansin na nakatingin ako sa libro.

Umiling ako. "Why do you read?" I asked instead.

"I love reading," he shrugged his shoulders. "You can go to different places just by sitting. Enchanting, isn't it?"

"I can't relate," I chortled.

"I shouldn't ask this because I might offend you but... why are you staying here?"

"I-I... need a shelter. Pero hindi rin naman ako magtatagal," maagap kong sabi.

Medyo uncomfortable ako sa pagsalubong niya sa akin. He's too kind just like his Mom. Hindi ko inaasahan ito.

"Feel at home, Amira. Gusto mo bang iikot kita sa paligid pagkatapos nating magmeryenda? There's not many places to go around but... I just want to know you more."

I smiled. "Yeah. Sure."

"I'm hungry!" Sabay kaming napatingin sa lalaking pababa sa hagdan. He wasn't wearing a shirt. Halatang kagigising lang nito base sa mga naningkit niyang mata at magulong buhok.

He stopped in the middle of the stair when he saw me.

"May girlfriend ka na, Rich?" manghang tanong nito.

"A-Ah? No. S-she's Amira."

Tumamad ang tingin ng lalaki. "I knew it. Akala ko ganyang babae ang type mo. I would honestly vomit here if ever," he chuckled.

At iyon ang unang pagkakataon na may nanlait sa aking hitsura. He must be kidding or must be blind. Or... he's just a jerk.

Still, I remained silent.

Imbes na tahakin pa niya ang mga hagdan ay tumalon ito sa gilid pababa. Saka ito tumakbo sa tabi ko. Napasandal ako kay Rich nang pabagsak itong umupo. Kinuha niya ang remote control ng TV at binuksan 'yon.

"Kuya, natatakot siya sa 'yo," ani Rich.

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang biglang tumingin sa akin ang lalaki. Ngumisi ito bago nagtaas ng kilay.

"What's your name?" he asked.

"A-Amira," I stuttered.

He nodded his head. "Amira," he repeated it. "Amira," and again. "Ang panget," sabi pa niya bago pinatong ang binti sa lamesa at tumuon na ng atensyon sa pinapanuod na sports.

"Palit tayo ng pwesto," bulong sa akin ni Rich.

Tumayo si Rich at siya ang tumabi sa lalaki, siya rin ngayon ang nasa gitna namin.

"Ang arte," dinig kong bulong pa nito.

Umiwas ako ng tingin. Napansin kong nakakuyom na ang kamao ko.

"Jerk," I mumbled but I made sure no one heard it.

Mayamaya ay dumating na si Tita Minerva na may dalang tray. Masama agad ang tingin na ipinukol niya sa lalaking nakahubad.

"Magdamit ka nga, Archeon. Nakakahiya kay Amira," ani Tita Minerva.

"Hays." Pabagsak na tumayo si Archeon, nag-inat pa ito ng katawan. Kumuha siya ng tinapay sa tray at inisahang kain 'yon habang nakatingin sa akin. "Kain ka na," aniya habang puno pa ang bibig.

Pigil na pigil akong sumagot.

Nakita kong napapailing na lang si Richeon.

"Sige. Maliligo muna ako," pagpapaalam pa ni Archeon bago umalis.

"Sandali lang, ah?" pagpapaalam ni Tita Minerva. "Pagsasabihan ko lang ang lalaking 'yon."

Nang makaalis si Tita Minerva ay agad na humingi ng paumanhin si Richeon.

"Pagpasensyahan mo na ang kambal ko, ah? Ganyan lang talaga 'yon," nahihiya niya pang sabi.

I just smiled... hiding the fact that I was shocked they were twins. Malayo ang ugali nila sa isa't isa pero hindi maipagkakaikala ang magkakahalintulad nila sa mukha. Hindi ako nahirapang kilalanin sila.

Richeon was an angel and that, Archeon was a... jerk.

Richeon was easy to deal with while Archeon --- I wouldn't even dare to deal with that jerk.

Richeon wasn't hard to fool while Archeon --- I wouldn't even dare to fool around him.

I shouldn't do something that will make 'temporary-staying-here' lose so soon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #life