T W O
Chapter 2: Black Lady
Riene Allison's POV
Minulat ko ang aking mga mata sa isang hindi pamilyar na lugar. Kinusot kusot ko ito at agad kong inilibot sa paligid kasabay ng aking paninibago.
"Nasaan ako?" tanong ko sa sarili at tuluyang bumangon mula sa aking pagkakahiga.
Luminga linga ako sa buong kuwarto at wala paring ideya kung saan ako napadpad matapos ang mga nangyari kagabi.
"Kagabi... May humahabol sa aking hindi ko alam kung ano, tapos tumigil ako sa pagtakbo dahil hinahapo ako, tapos... Everything went black?" Tanong ko sa sarili
"Pero saan ako napunta?" Bulong ko pa sa hangin.
Narinig ko ang pagbukas ng isang pintuan galing sa aking gilid kaya naman agad kong ipinaling ang aking tingin doon.
Niluwal ng pinto ang isang Timothy Ford na walang suot kundi isang tapis ng tuwalya na ngayo'y nakatingin sa akin.
Damn! He's so hot as fuck.
Makikita sa kalamnan niya ang kanyang six pack abs na naging dahilan upang mapalunok ako ng laway.
Basa pa ang buhok nito kaya mahihinuhang katatapos pa lamang nitong maligo.
"Gising ka na pala." Sabi niya sabay ngumiti.
Fuck! Bakit ba ako napadpad sa bahay niya?
Agad kong iniiwas ang tingin ko na ikinatawa niya.
Nakaka-ilang lang kasi, hindi ko tuloy mapigilang mapatingin sa mga pandesal niya shit!
"Sorry, kakaligo ko lang."Kamot ulo nitong sambit.
"Pwede bang magbihis ka na." Ilang kong utos sa kanya.
"Sige, pero wag kang titingin ha. " biro nito.
"Fuck! Bakit naman kita pag-aabalahang silipan?"pagtataray ko dito.
Ilang minuto rin ang nakalipas nang tuluyan na siyang makapagbihis.
"Ok na, pwede ka nang humarap."
Humarap na nga ako sa kanya. Nakasuot siya ng simple fit white shirt at maong pants pero kahit na simple lang ito ay ang hot niya parin tingnan.
"Damn." Napabulong na lang ako dahil sa mga pinag-iisip ko.
"Ha?" Tanong niya.
Narinig niya ata ang mura ko.
"W-wala, sabi ko I have to go." Palusot ko sabay pagtayo sa kama.
"Are you sure okay ka na?" Tanong niya ng may pag-aalala.
Natigilan ako bigla dahil sa tono ng pagtatanong niya.
Fuck you! I don't need that shitty care of yours. Edi sana matagal mo na iyang pinaramdam sa akin kung kailan hindi pa huli ang lahat. Ikaw naman mismo ang sumira nito kaya kailangang panindigan mo. Fuck you Tim. Huwag mo sa akin ngayon iparamdam yan dahil hindi ko alam at baka bumigay nanaman ako at mahulog ulit sa patibong mo.
"Yeah, I'm really fine." Malamig kong tugon habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Nakita kong iniwas niya ang kaniyang tingin na parang alam ang tinatakbo ng aking pag-iisip.
"Nakita pala kitang walang malay sa daan kagabi kaya dinala muna kita dito." Pag-iiba niya sa usapan.
"Thank you." Walang buhay na tugon ko at tumalikod na.
"Sorry, Riene." Mahinang sambit niya pero sapat para marinig ko.
May naramdaman akong mainit na likido na nanggigilid sa aking mga mata.
Fuck! Bakit ganito? Bumigay nanaman ba ako?
Bakit ang sakit parin?
"I don't need your sorry." Tugon ko habang pinipigil ang mga luhang kanina pang naghihintay ng pagkakataon upang maisahan ako. "It's all my fault..." Pagpapatuloy ko. Mahahalata na rin ang panginginig ng boses ko dahil sa mga nagbabadyang luha. "... kasalanan kong naging tanga ako." Dugtong ko sabay tulo na ng aking mga luha.
"Riene, hindi ko sinasadya. Aksidente lang ang lahat."
"Fuck you!" Mura ko sa kanya habang hindi parin siya hinaharap. "I don't need those fucking explanations Tim. Sapat na lahat ng sakit bilang eksplanasyon sa mga nangyari."
"But Riene, you know my situation..." pagpapatuloy niya kaya naikuyom ko ang aking mga kamao.
Ayoko nang makinig sa kanya. Ayoko nang marinig ang mga explanations niya. Ayoko na... Ayoko nang maniwala ulit sa kanya. At huli sa lahat, ayoko na kapag narinig ko ang explanation niya ay bumigay agad ako at muli siyang pagbigyan.
Hindi ko na napigilang hawakan ang door knob at kumaripas ng takbo palabas.
"Riene!" rinig kong tawag niya sa aking pangalan ngunit nagpatuloy lang ako at tuluyan nang lumabas ng kaniyang bahay.
Fuck you two! Magsama kayo ni Kim!
For the second time, naglakad ako sa kawalan na para bang walang patutunguhan. Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko nang mapagtantong nasa tapat na pala ako ng aking bahay.
Walang buhay na kinuha ko ang susi sa aking bag at pumasok na.
7:30 am palang naman kaya humiga muna ako sa aking kama at ipinagpaliban ang paghahanda sa aking klase mamayang 9:00.
Wala paring pinagbago sa loob ng bahay, tahimik parin kagaya ng dati dahil ako lang naman ang tao rito. Nasa states kasi ang parents ko at iniwan nila akong mag-isa dito since 10 years old ako.
Nagulat ako at napatayo mula sa pagkakahiga nang may marinig akong kung anong nabasag mula sa kusina.
Nasa 2nd floor ang kuwarto ko at nasa baba naman ang kusina kaya dahan-dahan akong bumaba ng hagdan dala-dala ang isang payong na kinuha ko mula sa aking kuwarto.
"Fuck." singhal ko habang papalapit ng papalapit sa kusina.
Ramdam na ramdam ko ang panlalamig sa buo kong katawan at ang lakas ng tibok ng aking dibdib.
Paano kaya kung may magnanakaw or killer dito? Anong gagawin ko?
Narito na ako sa may dining room at katabi nito ang kusina kung saan may cabinet ng mga glass wares na nagsisilbing divider nito.
Idinikit ko ang aking katawan sa cabinet na para bang natatakot na may makakita at unti-unting sumilip sa kusina.
"Hayyy." buntong hininga ko nang makitang walang tao dito.
"Kinabahan naman ako doon." natatawa kong sinabi sa sarili.
Agad na akong tumalikod nang masuri ang buong kusina. Panatag na ang aking loob nang sa aking pagtalikod ay sumalubong sa akin ang isang mukha ng maputlang babae na walang itim sa mata na anytime ay magdidikit na ang aming mga mukha.
"WAHHHH!" sigaw ko sabay takbo patalikod.
Napasandal ako sa may lubabo nang makitang unti unti itong lumalapit sa akin.
Fuck! She's so creepy!
May hawak-hawak siyang kutsilyo na may mga bahid ng dugo. Itim ang suot niyang bestida at kapansin-pansin ang maitim na usok na pumapalibot dito. Isama pa natin ang mahaba niyang itim na buhok at mga ngiting nakakapangilabot ay perfect na siyang tawaging Black Lady.
Black Lady? Fuck! Isa nga siyang Black Lady!
Nangatog ang mga tuhod ko kasabay ng panlalaki ng mata noong mapagtanto kong ilang hakbang na lang ay matutunton na niya ako.
ANONG GAGAWIN KO?
Halos maligo na ako sa aking malamig na pawis at hindi parin malaman ang dapat gawin.
Napatakbo na lang ako sa aking unahan at mabilisang nilagpasan siya. Makikita ang unti-unti niyang pagpaling sa aking direksiyon kaya naman agad akong tumakbo papuntang kuwarto at nagtago sa loob ng aparador na naglalaman ng aking mga damit.
Shit!
Mangiyak-ngiyak na ako ngayon habang sinisilip ang kaunting kawang sa saradura ng aking aparador. Pigil ang aking paghinga na tila ba nag-iingat na gumawa ng kahit anumang ingay upang hindi ako matunton.
Makikita mula sa kawang ang pigura ng babaeng nanghahabol sa akin kanina. Paikot-ikot lamang ito sa buong kuwarto na tila ba ay may hinahanap.
Tumigil ito sa harapan ng aparador na tila ba pinapakinggang mabuti ang bawat galaw sa paligid.
Fuck!
Agad kong pinigilan ang aking pag-hinga.
Naramdaman ko namang humakbang siya palayo ng aparador kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Hayy." pikit mata kong paghinga.
Agad kong iminulat ang aking mata nang makita ang mukha ng black lady na katapat na mismo ng aking mukha.
"WAAAAAHHHHHHHH!!" Sigaw ko.
Hindi ko na alam ang nagawa ko nang makita nalamang ang sariling tumatakbo pababa ng hagdan.
"Riene!" rinig kong tawag sa akin ng isang babae.
Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha dahil sa takot at nagsimula nang humikbi.
"Riene, anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" sunod-sunod na tanong ni Sandra habang tinatapik-tapik ang aking likuran.
"Umalis na tayo dito." Hagulhol ko sa kanya.
"Ano? Bakit? Ano bang nangyari?"
"Basta, please ilayo mo ako dito." pagmamakaawa ko.
Agad nga kaming umalis ng bahay at nagtungo na sa school.
Nasa cafeteria kami ngayon habang nakaupo sa isang bilog na lamesa.
Tulala parin ako hanggang ngayon at hindi parin makapaniwala sa mga nasaksihan.
"Riene, magsalita ka nga. Bakit ang putla mo?" tanong nito.
Hindi ako tumugon sa bagkus ay nakatulala parin.
"Riene!" sigaw niya sabay sampal sa akin upang matauhan ako.
"M-may black lady sa bahay." utal kong tugon sa kanya.
Natawa lang siya dahil sa sinabi ko. "Seryoso ka? Riene ikaw ba talaga yan? Nasaan na ang matapang na Riene na kilala ko?" tanong niya habang patuloy sa pagtawa.
"Sandra maniwala ka!" kumbinsi ko dito habang niyuyugyog ang kaniyang mga balikat. "Sa tingin mo magkakaganito ako kung hindi totoo ang mga nakita ko?" pagpapatuloy ko.
"Huwag ka ngang manakot diyan! Kinikilabutan ako sayo." hindi naniniwalang tugon niya sabay alis ng aking kamay na nakakapit sa kaniyang balikat.
Hindi ko na kinaya ang kaibigan kong ito kaya naman nagwalk-out ako at tumungo sa una kong klase.
Tulala parin ako magpasa-hanggang ngayon habang nagdidiscuss ang prof. ko ng lesson namin sa Trigonometry.
"Ms. Allison, I'm talking to you." muli na lamang bumalik ang aking ulirat nang mapagtantong tinatawag ako ni Professor.
"P-po?" utal kong sagot kasabay ng mabilis na pagtayo.
"Equate this." utos nito sabay turo sa trigonometric equation na nakasulat sa white board.
Paano yan hindi ako nakinig.
Lalapit na sana ako upang kunin ang inaabot na white board marker ni prof. ng mapansin ko ang isang maputlang kamay na gumagapang sa balikat nito.
Shit! Ano na naman to?
Unti-unting lumitaw ang isang ulo ng babae mula sa likod ni prof. at lumapit sa tenga nito na para bang may binubulong.
Nakakatakot ang itsura nito. Magulo ang kaniyang buhok at tila ba may bakas ng dugo galing sa kaniyang mata papuntang pisngi na tila ba luha. Makikita din ang maiitim at halos bulok-bulok nitong ngipin habang bumubulong.
Halos matigilan lang ako sa aking kinatatayuan nang mapansin ako nito at tumingin sa akin ng nanlilisik.
"AHHH!" sigaw ko at naglakad paatras.
Hindi ko na namalayan na may nakaharang na upuan sa likod ko kaya natumba ako nang mapadali ako dito.
"Miss Allison, anong nangyayari?" alalang tanong ni Prof.
Tinuro ko lamang ang likod nito kaya napatingin siya at nagtaka.
"Miss, ayos ka lang ba?" muli nitong tanong.
Napatingin ako sa mga estudyanteng nasa loob ng classroom. Lahat sila ay nakatuon sa akin ang atensyon.
Tuluyan na akong nilamon ng aking hiya at tumakbo palabas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro