Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T W E N T Y - S E V E N

Chapter 27: Promise

Riene Allison's POV

Inutusan ko muna silang magstay sa quarter at i-lock lahat ng pinto at anything na pwedeng madaanan ng kahit sino para masiguradong hindi sila mapapasok ng sinumang naghahanap ng target nila.

Samantalang kami nina Grey kasama sina Sandra, Riko, Zac, Kim, Jenny at Tim ay lumabas upang hanapin ang kinaroroonan ni Dean Ferrer at the same time ay magplano na din kung paano namin maitatakas ang iba pa.

"Maghiwa-hiwalay tayo." Suggestion ni Riko.

"Dalawang grupo?" Suggestion din ni Tim.

Tumango na lang ako sa kanila.

Sumama sa amin ni Grey si Sandra at si Riko samantalang si Kim, Tim, Jenny at Zac naman sa kabilang grupo.

"Kami na ang bahala sa pagpapatakas sa iba, kayo na ang maghanap sa kinaroroonan ng Head." Saad ni Tim.

"Good luck. Kapag nakahanap kayo ng pwedeng labasan ay tumakas na rin kayo kung maaari lang." Saad ko.

"Paano kayo?" Nag-aalalang tanong ni Jenny.

"Susunod kami pero huwag niyo na kaming hintayin." Sagot ko.

Tumingin naman ako kay Riko at Sandra na ngayon ay seryoso at hindi parin nagkikibuan.

"Sa tingin ko it is better kung sa kanila na kayo sumama." Suggestion ko sa kanila.

"No. Hindi kita iiwan." Matigas at concerned na pagkontra ni Sandra kaya wala na akong nagawa pa.

"Tara na." Saad ko at naghiwalay na nga kami.

Nakasalubong namin sina Nicole at Blake na naglalakad patungo sa amin.

"Nagawa niyo ba?" Tanong ko.

Tumungo lang si Blake at si Nicole naman ay umilng-iling.

"Binomba na namin at kung ano-ano pa pero wala talaga." Sabi ni Nicole na halatang dismayado.

"Di bale na, hanapin muna natin si Dean Ferrer para malaman kung ano pang mga hakbang ang gagawin niya." Saad ko.

Nagpatuloy na nga kami hawak-hawak ang mga sandata namin.

Para kaming mga superheroes na naglalakad para iligtas ang sangkatauhan.

In fairness ha, kina-career nga talaga namin.

May ilang DE members ang nagdaan kaya agad kaming nagtago at binalak na sundan ang mga ito.

Pumasok sila sa isang laboratory kaya sumilip muna kami sa bintana upang tingnan kung anong ginagawa nila.

Nakita kong may pinindot na kung ano ang isang DE member doon sa may aparador na kinalalagyan ng mga aparatos. Agad namang nahawi sa dalawa ang aparador at bumungad ang isang lagusan.

Nang makapasok ang mga ito at muling magsara ang lagusan ay kinuha na namin ang pagkakataon upang makapasok sa lab.

"Paano nila nabuksan?" Nagtatakang tanong ni Riko.

Kung makikita mo nga ang aparador ay parang normal lang ito at simple. Hindi mo aakalain na may lagusan palang nakatago sa likod nito.

Napatingin ako sa may bandang kanan nito at may nakitang sculpture doon ng isang kamay.

Nacurious ako kaya ipinantay ko ang aking kamay dito at biglang nagbukas ang lagusan.

"Paano mo iyon nagawa?" Manghang tanong ni Riko na miski ako ay hindi alam kaya nagkibit balikat na lang ako at sinundan sina Nicole na naunang pumasok.

Isang mahabang hagdan pababa ang bumungad sa amin at may mga kandila sa tabihan nito na nagsisilbing ilaw at gabay sa madilim na daan.

Sinenyasan ko na lang sila na magpatuloy at dahan dahan nga kaming bumaba doon.

Nang maabot namin ang dulo ng hagdan ay bumungad sa amin ang napakahabang corridors na kung saan maraming pinto ang nasa gilid nitong magkakaharapan.

Narinig namin ang pagbukas ng isang pintuan kaya agad kaming pumasok sa isang pinto at doon nagtago.

Ikinawang namin ng kaunti ang pintuan upang makita ang dalawang DE member.

Buti na lang at walang tao sa napasukan namin.

Nang makalampas ang mga ito ay agad kaming lumabas at pinasok ang silid na nilabasan ng dalawa.

Bumungad sa amin ang isang malawak na silid.

Kikilabutan ka once na nakita mo dahil maraming bungo ang nakasabit sa dingding at isama mo pa ang pulang ilaw na nagbibigay liwanag sa kabuuan ng silid.

Sa dulo ng silid ay may isang swivel chair at table na kinauupuan ng isang matandang lalaking may hawak na ballpen.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumugod palapit dito saka siya kinuwelyuhan.

"Putangina mo! Ano bang kasalanan ang nagawa namin sayo?" Nanggigil kong tanong sa kaniya.

Makikitang ngumiti pa siya saka inayos ang salamin na suot-suot niya.

"Kumalma ka Riene, hindi si Dean Ferrer ang nasa harapan natin kundi isang devil na ginagamit lang ang katawan niya." Sabi sa akin ni Blake kaya agad kong binitawan ang kwelyo nito.

Napatingin ako sa salamim sa gilid at nakita ang kaluluwa ni Dean Ferrer na nakakulong doon.

Kung ganon, wala talagang kasalanan si Dean Ferrer sa lahat ng ito at ipinamukha niya sa buong estudyante ng eskwelahang ito na si Dean ang kalaban.

"Umalis ka sa katawan niya." Utos ko.

"Your wish is my command." Saad niya at biglang nawalan ng malay ang matanda.

Sa gilid nito ay nakita ko ang nakangiting si Tan.... Satan, rather.

So all this time siya ang kumokontrol sa katawan nito?

"Hello my queen." Bati niya.

Nakita kong gulat na gulat sina Nicole, Blake at Grey. Samantala, si Riko at Sandra naman ay hindi makuha kung saang dako kami nakatuon dahil hindi nila ito nakikita.

"Satan." Napabulong na lang ako sa hangin.

Agad akong hinawi ni Grey sa likuran niya at hinarap niya ito.

"Don't dare to touch even a single hair of her." Banta nito kaya napatawa si Tan.

"You're just a grim reaper." Pagmamaliit nito.

"Sino bang kausap niyo?" Naguguluhang tanong ni Riko.

Isang ngiti ang pinakawalan ni Tan at biglang naglaho kasabay ng pagsigaw ni Riko.

"Huwag mo siyang idamay." Saad ko.

Sinaniban ni Tan ang katawan ni Riko. Dalawang kaluluwa ngayon ang nasa iisang katawan. Ang kaluluwa ni Rikong nakikipaglaban ngayon at ang sumanib na si Tan.

"Come with me." Saad niya at muling inilahad ang kamay nito.

"Come with me and you'll be able to save them." Saad niya.

Napatingin ako kay Sandra na halatang gulong-gulo na sa mga nangyayari.

"What if I said no?" Matapang kong tanong.

"They will all die." Seryosong sambit nito at umalis na sa katawan ni Riko.

Natumba si Riko sa sahig at nawalan ng malay. Sinalo naman ito ni Sandra at tinapik-tapik sa pisngi.

Muling nagpakita si Tan sa harapan namin.

"Can I have your answer?"

Hahakbang na sana ako nang hawakan ni Grey ang kamay ko.

"You promised me that you'll only be mine." Saad niya.

Kitang kita sa mata niya ang pag-aalala.

Gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam kung ano ang tamang gawin.

"Kapag sumama ka sa kaniya, mas lalo mo lang ipapahamak ang mga kaibigan mo." Saad naman ni Blake.

"Don't listen to them, I keep my words." Muli niyang inilahad ang kaniyang kamay sa harapan ko.

Muli kong hinakbang ang mga paa ko hanggang sa makalapit dito.

"Riene, no." Pigil ni Grey.

Pumatak na rin ang mga luha ko dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Basta ang alam ko, nandito sila sa tabi ko no matter what happens. Hindi nila ako iiwan.

"Are you going to take my hand?" Nakangiti at parang excited na tanong nito.

Tumingin lang ako sa mga mata niya.

"No. Hindi ko iiwan ang mga taong hindi ako kayang iwanan." Saad ko na nagpabago ng ekspresyon niya.

"I also keep my words. Lalo pa't may pangako ako kay Grey and I will never break that promise. Sa kaniya lang ako." Pagpapatuloy ko at bumalik sa panig ng mga kasama ko.

"Unless you can change your fate." Sabi niya at tumawa.

"Goodbye for now. See you again." Paalam nito at naglaho ng parang bula.

Agad akong niyakap ni Grey at muling hinalikan.

"You called me Grey again." Sabi niya kaya napangiti ako.

Ibinalik ko na lang ang halik na binigay niya at niyakap din siya ng mahigpit.

"Thank you for keeping that promise." Bulong niya.

"Your welcome... My onion rings." Saad ko at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Kim Anderson's POV

Nakahanap nga kami ng isang lagusan palabas na walang bantay.

Isa itong butas sa ilalim ng dingding na maaaring magkasya ang isang tao.

Agad na nga kaming pumunta sa mga quarters at ibinalita ang plano naming pagtakas.

Sumunod naman ang lahat ng natitirang estudyante at tahimik na pumunta sa lugar kung saan namin iyon natagpuan.

Buti na lang at wala masyadong bantay na gumagala.

Isa isa silang pumasok sa butas hanggang sa kaming apat na lang ang natira.

"Mauna na kayo, iintayin ko pa sina Riene." Sabi ni Tim.

"No. Maghihintay din ako." Saad naman ni Jenny.

"Ako rin." Halos magulat silang lahat ng pati ako ay nagvolunteer.

Judgemental sila ha.

"Hindi man halata, sa tingin ko naging magkaibigan na kami ni Riene dahil sa sitwasyong ito." Pagpapatuloy ko.

Ngumiti naman sila sa akin saka ako niyakap.

I never imagined na magkakaroon pa pala ako ng kaibigan.

Knowing a bitch like me, kinaiinisan ako ng lahat. At I'm thankful dahil nakilala ko sila.

"Dahil diyan, kaibigan mo na rin kami." Sabi ni Jenny kaya napangiti ako.

"Thank you." Sabi ko at hindi namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Sorry for judging you too early." Sabi naman ni Tim kaya nginitian ko siya.

"Sayang wala sila sa moment." Saad ni Zac.

"Nasan na nga ba sila?" Tanong ko.

"Pabalik na siguro ang mga iyon. Let's just wait." Sagot ni Tim.

Sana hindi lang sa pagkakataong ito magwakas ang kasiyahan na ito.

Sana pagkatapos nito, masaya parin ako kasama sila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro