Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T W E N T Y - E I G H T

Chapter 28: Manang

Riene Allison's POV

Matapos ang mga kaganapan ay nagkamalay na si Riko at tuluyang nagkaroon ng ulirat mula sa pagsapi ni Tan sa kaniyang katawan.

Nandito kami ngayon sa clinic at pinagpasyahang dito muna maghintay hanggang sa tuluyang maging maayos na ang kalagayan niya. Mahina pa kasi ang katawan niya dahil hindi niya kinaya ang dalawang kaluluwang lumagay sa katawan niya.

"Maayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Sandra.

Parang kanina lang ay hindi sila nagkikibuan tapos ngayon si Sandra sobra kung mag-alala.

"Bakit, kapag ba namatay ako iiyak ka?" Malokong tanong nito kaya isang batok muli ang kaniyang natanggap galing dito.

"Aray!" Daing nito kaya agad nataranta si Sandra.

"S-sorry." Guilty nitong tugon. "Saan masakit?" Tanong pa nito.

"Dito." Turo nito sa kaniyang labi kaya isang malakas na batok muli ang kaniyang natanggap.

Ang kulit nilang tingnan. Para silang aso't pusa na away bati.

"Magpapahangin lang ako sa labas." Saad ko tatayo na dapat si Grey para samahan ako ngunit hindi pa siya nakakatayo'y pinigilan ko na siya. "Huwag kang mag-alala, walang masamang mangyayari sa akin at babalik ako dito ng buhay." Pangunguna ko sa binabalak niya saka naglakad-lakad sa labas.

Nakarating ako sa tapat ng library na hindi naman kalayuan mula sa clinic.

Biglang sumagi sa aking isipan si Manang.

"Okay lang kaya siya?" Nag-aalala kong tanong sa sarili kaya agad kong binuksan ang pinto nito.

Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na siya naalala. Sana naman walang masamang nangyari sa kaniya.

Sa pagbukas ng pintuan ay bumungad sa akin ang isang may katandaang babae na kampanteng nakaupo sa librarian's table at nagbabasa ng isang libro.

"Manang!" Sigaw ko at agad tumakbo palapit sa kaniya upang siya'y yakapin.

"O, Riene parang ilang taon tayong hindi nagkita." Biro niya.

"Hindi po ba nila kayo sinaktan?" Tanong ko sabay kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

"Hindi iha, hindi nila ako kayang saktan." Saad niya.

Hindi kayang saktan? Bakit?

"B-bakit?" Isang tanong ang lumabas sa bibig ko.

"May kailangan pa sila sa akin." Wika niya.

"Ano po iyon?"

Sa halip na sagutin ako ay isang ngiti lang ang itinugon niya.

"Halika." Tumayo siya sa kaniyang upuan saka pumunta sa dulong shelf.

Sumunod lang ako sa kaniya at may kinuha siyang libro mula doon.

"Heto." Ipinakita niya ang isang librong luma at ni walang nakasulat na pamagat.

"Ano po ito?" Kinuha ko ito saka binuklat.

Sa unang pahina ay may isang drawing ng pambihirang espada na sinuman ay mamamangha kapag nakita.

"Iyan." Wika niya.

"Para saan po ang drawing na ito?"

"Iyan ang matagal na nilang pakay. Isang sandata na makakapagpabagsak kahit kanino man, maging isang diyos." Sagot niya.

"Kung gayon, alam niyo kung saan ito matatagpuan?"

Tumango lang siya bilang tugon.

"Ngunit kapalit noon ay kailangang maibalik nila ang dalawa kong anak." Ani pa niya.

"Hawak nila ang dalawa niyong anak?"

"Oo, malakas ang kutob ko. Ang dalawa kong anak na sina Roxanne at Jerick."

"Pero bakit naman mapapapunta sa kanila iyon?" Usisa ko.

Hindi na nakasagot si Manang nang pumasok si Blake sa library kasama ang grupo nina Tim.

"Tayo nang umalis." aya nito.

"Ang ibang estudyante?" Tanong ko.

"Naitakas na namin silang lahat." Sagot ni Zac.

Tumango na ako bilang pagsang-ayon sa kanilang balak na pagtakas.

"Paano po kayo Manang?" Nag-aalalang tanong ko dito.

Umiling-iling lang siya saka muli akong binigyan ng ngiti.

"Maiiwan ako dito alang-alang sa kanila."

"Pero..."

"Huwag ka nang mag-alala, hindi nila ako masasaktan."

Labag man sa loob ko ang iwan siya ngunit wala na akong magagawa if it is her decision.

"Eto po." Inabot ko na sa kaniya ang libro.

"Sayo na muna iyan. Ingatan mo." Ani niya.

Isang ngiti na lang ang iniwan ko bago kami muling nagtungo sa clinic upang sunduin ang iba pa.

Agad na nga kaming nagtungo sa dapat na lalabasan namin ngunit may limang DE memebers ang humarang sa daraanan namin.

Agad nagpaputok si Nicole at ako naman ay inasinta ng pana ang isa sa kanila saka pinakawalan.

Samantala, si Blake at si Grey naman ay sumugod at sa isang kisap mata'y napatumba nila ang dalawa pa.

Naubos ang mga ito kaya agad na kaming nagmadali upang hindi na kami maabutan pa ng iba.

Nakarating na nga kami malapit sa isang dingding na may butas sa ilalim.

Nauna sina Jenny sa paglusot dito samantalang kami naman nina Nicole ay abala sa pag-asinta sa mga nakasunod sa amin.

"Mauna ka na Riene." Sabi ni Grey kaya sinunod ko na lang siya at lumusot na rin sa butas.

Nang makalabas ako ay sumunod naman si Nicole at panghuli si Blake.

Agad na kaming tumakbo palayo sa eskwelahan at matagumpay na nakalayo dito.

Lumingon kami sa aming likuran at hindi na natatanaw ang eskwelahan na nagsilbing impyerno sa amin.

"Sa wakas." Buntong ni Jenny na para bang nakawala sa isang kulungan.

"I-report natin to sa mga pulis." Sabi ni Riko at umayon naman si Zac, Jenny, Tim at Kim samantalang kami naman nina Grey ay nagkatinginan na hindi alam kung paano ipapaliwanag ang mga nangyayari.

"Guys, may dapat kayong malaman." Sabi ko at tumahimik naman ang lahat.

"May dapat ka bang sabihin sa amin? Sa akin?" Tanong ni Sandra na para bang dismayado sa akin.

"Humanap muna tayo ng lugar. Huwag dito." Saad ni Nicole at naglakad palayo.

Pinagtitinginan kami ngayon ng mga tao dahil lahat kami ay madudungis.

Dinala kami ng mga paa namin sa isang maliit na Cafe.

Pagpasok namin ay tumuon agad sa amin lahat ng atensyon dahil mukha na talaga kaming mga manlilimos.

Naupo kami sa isang mahabang table.

"Ano naman ang dapat niyong sabihin?" Walang ideyang tanong ni Zac.

"Ang mga nangyari sa school... Hindi lang iyon normal na patayan, lahat may rason at hindi tao lang ang nasa likod nito." Pagsisimula ko.

Napako ang aming atensyon sa tv na nakasabit sa taas ng dingding na katabi namin.

[May mga reports na natanggap ang mga pulis sa isang school na sinasabi ng mga estudyanteng nakatakas na nagsilbing impyerno sa kanila. Para sa balita, ating tutukan!]

[ Isang eskwelahan di umano ang naglunsad ng isang 3-days and 3-nights na camp na sinasabing madugo. Ayon sa mga estudyanteng nagreport sa mga pulis, nagkaroon daw sila ng mga misyon kung saan isang buhay ang itinataya. Ayon naman sa pamahalaan ng mga kapulisan, pumunta raw sila sa exaktong lokasyon ng eskwelahan ngunit isang gubat lamang ang kanilang natagpuan. Ayon sa mga residente roon ay wala daw eskwelahang itinayo doon.]

"Paanong wala?" Reaksyon ni Tim kasabay ng pagsuntok nito sa lamesa.

"Kaya ba may kausap kayo kanina na hindi namin nakikita?" Naguguluhang tanong ni Riko.

Tumango na lang ako sa tanong niya.

"So nakakakita kayo ng multo ganon?" Tanong din naman ni Kim na halatang gulong-gulo.

"No. They're not ghosts. Ang mga lalaking nakablack-hood ay hindi tao at hindi rin multo, they're all devils." Pagpapaliwanag ko na ikinatigil nila.

"Kaya pala Devil's Empire ang tawag sa kanila at kaya rin ang bilis maagnas ng katawan nila na para bang nasusunog sila at ang abo'y sumasama na lang sa hangin." Pagtutugma ni Zac sa mga pangyayari.

"And I'm a Grim reaper." Saad ni Grey na nag-iwan sa aking nakanganga.

Bakit niya sinabi?

Natapon ang basong hawak ni Zac dahil sa sinabi ni Grey na ikinatigil ng lahat.

"Malalaman niyo rin naman iyon kapag nagtagal kaya sinabi ko na ng maaga." Ani niya.

"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kim.

"I think I should collapse." Sabi naman ni Jenny.

Napangiti naman sina Blake at Nicole sa inasta nila.

"At kayo? Ano kayo?" Tanong ni Riko sa dalawa.

"I'm a mortal devil." Sagot ni Blake na walang pagdadalawang isip.

"And you're a witch?" OA na tanong ni Kim kay Nicole kaya umirap ito.

"Wanna die early?" Banta nito kay Kim kaya napatahimik naman ito.

"I'm just an ordinary human involved with this guy." Sagot niya sabay turo kay Blake.

May naaamoy ako sa dalawang to.

"E ikaw Riene?" Tanong ni Riko kaya napabuga ako ng iniinom kong tubig.

"Mukha ba akong demonyita?" Asar kong tanong saka sila inirapan.

Grabe ang hard nila. Ako pa talaga ang tinanong ha e ang tagal-tagal na naming schoolmates.

"Honestly, oo." Asar ni Grey kaya tiningnan ko siya ng masama.

Pakiulit nga Grey?

"Joke?" Palusot niyo?

Ang cute niya, hindi ko matagalan ang masama kong titig sa kaniya.

"So ano na ang plano natin?" Tanong ni Riko.

"Kami na lang ang pipigil sa kanila." Saad ko.

"Ano ba ang plano nila?" Tanong nila.

"They're going to do a ritual. A ritual that needs many souls and... Riene." Napako ang atensyon nilang lahat sa akin dahil sa sinabi ni Nicole.

"Anong kailangan nila kay Riene?" Tanong ni Sandra na halatang nag-aalala na sa mga posibleng maganap pa.

"Don't worry, hindi ko hahayaang makuha nila ako." Saad ko.

"Ano namang mapapala nila sa ritual na iyon?" Tanong ni Riko.

"Balak nilang buhayin ang katawan ni Satanas para maghari sa buong mundo." Seryosong sagot ni Blake na maging ako ay napatigil.

So kailangan ako para buhayin ang katawan ni Tan?

"Then we need to stop them." Sabat ni Tim.

"No!" Pag-angal ko. "Hindi na kayo dapat pang madamay dito." Pagpapatuloy ko.

"Nadamay na kami simula nang makilala ka namin Riene." Wika ni Sandra na mukhang sang-ayon kay Tim.

No. Hindi pwede. Ayokong may mangyaring masama sa kanila.

"We're your friends now, ang problema ng isa ay problema ng lahat." Ani ni Kim.

Wait, natouch ako wag ganyan.

"And of course, damay naman kami talaga pati na ang buong mundo." Dagdag pa ni Riko.

"Ano game?" Sabi ni Zac at inilagay ang kamay sa gitna.

Ipinatong naman nina Jenny ang mga kamay nila hanggang sa ako na lang ang naiwan.

I'm lucky to have such friends.

Inilagay ko na rin ang kamay ko.

"Thank you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro