Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T H I R T Y - S I X

Chapter 36: Ritual

Riene Allison's POV

"Paano ka nakulong sa katawan ko?" Tanong ko nang muling sumulpot si Lucy sa silid kung saan ako nakakulong.

"Sabay tayong pinanganak." Ani nito.

"Kung gayon, kambal tayo?" Muli kong pag-uusisa kaya tumango lang siya at ngumiti ng usual.

"Parang ganoon na nga, kambal ang ating mga kaluluwa, ngunit... iisa ang ating katawan." Ani nito at naglabas ng nakakapangilabot na halakhak.

"Sapat na ang labing siyam na taong pinasasa mo ang iyong sarili sa ating katawan kaya ngayon, ako naman." Pagpapatuloy nito at muling naglaho sa kawalan.

Kailangan kong makalabas. Ngunit paano?

Kailangan kong balikan si Grey at tuparin ang pangako ko sa kaniya.

Death Grey's POV

Maraming isiniwalat sa amin si Sandra. Sinabi niya na ngayong gabi na isasagawa ang ritwal kaya nagmadali na kaming pumunta sa field. Sinabi niya rin ang patibong na naghihintay sa amin doon kaya maingat kaming tumungo dito.

"Huwag tayong dadaan sa unahan, mas maganda kung doon tayo sa likod pumasok." Ani ni Sandra kaya sinunod namin siya.

Wala nga ni isang bantay rito kaya madali kaming nakapasok sa field.

Sa gitna nito ay ang kulungan ng mga kaluluwang gawa sa apoy. Sa kaliwa naman nito ay isang mas maliit na kulungan kung nasaan sina Kim, Blake at Tim kasama ang mga magulang ni Sandra.

Nahuli sila.

"Welcome." Ani ni Tan na tila ba inaasahan ang aming pagdating.

"Tila nag-iba ang iyong loob, Sandra." Pagpapatuloy nito at ngumiti na walang bakas ng kademonyohan.

"Nasaan si Riene?" Tanong ko na may halong galit.

"Sorry pero si Lucy ang nasa harapan niyo ngayon." Ani ng isang babaeng kararating lang sa senaryo, ang katawan ni Riene na kontrolado ngayon ni Lucy.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya agad akong sumugod sa kinatatayuan ni Tan saka itinutok ang aking scythe sa kaniyang leeg.

"Ibalik mo sa amin si Riene." Utos ko ngunit muli siyang ngumiti.

"Batid mong siya lamang ang makakagawa noon." Wika nito.

Sandra Gregory's POV

"Batid mong siya lamang ang makakagawa noon." Wika ni Tan.

Nakita kong inalis ni Grey ang pagkakatutok niya ng scythe sa leeg nito saka lumapit kay Lucy na ngayo'y nakatayo sa gilid ni Tan.

"Palayain mo na ang kaluluwa niya." Pagsusumamo nito at lumuhod sa kaniyang harapan.

Makikita ang lungkot sa kaniyang mukha.

Hindi ko akalaing ganito ang pagmamahal niya kay Riene.

Mukhang isusuko ni Grey ang lahat lahat sa kaniya kapalit ang kapakanan ng kaniyang minamahal.

"Bakit ko naman gagawin ang katangahang 'yon?" Tumatawang tanong ni Lucy na tila ba gustong gusto ang inaasta ni Grey.

"It looks like nagtagumpay sila." Saad ni Tan habang nakatingin sa parating na si Zac at Jenny.

Alam ko noon pa na isang Devil si Zac. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi kaagad ako nakaamin at nakahingi ng tulong sa kanila kaya napilitan akong magtaksil for my family's sake.

He's watching every steps of mine, maging ang kay Riene, kaya alam niya na si Riene lang ang makakakuha ng espada na siyang makakatapos kay Tan.

"Taksil din sila?" Tanong ni Riko at hindi makapaniwala sa nakikita.

Inabot ni Zac ang libro kay Tan at ibinigay naman niya ito sa katabi niyang si Lucy.

Binuklat ni Lucy ang unang pahina ng libro kung nasaan ang drawing matapos ay bigla itong nagliwanag at kinuha niya mula dito ang Sword of The Great Warrior.

Makikita ang galit sa mga mata ni Grey at pagtitimpi niya sa mga kalaban.

"Ikulong din sila." Utos ni Tan kay Zac kaya sinunod niya ito at wala na kaming nagawa kundi ang magpadala dito.

Hindi na rin pumalag si Grey para sa kaligtasan ng katawan ni Riene.

Ngayon ay narito na rin kami sa loob ng kulungan kaya sinamantala ko na rin ang pagkakataon upang makayakap ang aking mga magulang.

"Sorry anak, dahil sa amin ay naipit ka sa ganitong sitwasyon." Sabi ni Papa kaya tumulo na ang mga luha ko.

"Wala kayong kasalanan Papa, biktima lang tayong lahat dito." Ani ko at niyakap sila ng mas mahigpit.

3rd Person's POV

Kasalukuyang nakakulong ngayon ang grupo nina Grey sa kulungang ginawa ni Tan. Samantala, sinimulan na ng buong Devil's Empire ang ritwal na kanilang pinakahihintay.

Bumilog ang mga kasapi ng DE at sa gitna nito'y ang katawan ni Riene na ngayo'y nakagapos sa isang black magic circle na gawa sa abo mula sa sinunog na mga katawan ng mga kaluluwang kanilang ikinulong na kailangan din para sa ritwal.

"In virtute Dei per tenebras" Sambit ni Tan na siyang inulit ng buong Devil's empire.

Makikita ang pagliliwanag ng katawan ni Riene sa loob ng Black magic circle na tila ba kinukuha ang liwanag na nanggagaling sa buwan.

"Et lux lunae"

Unti-unting nawala ang liwanag ng buwan at napunta lahat sa katawan ng dalaga at kumalat hanggang iguhit ng liwanag ang magic circle na gawa sa abo.

"Recepit corpus meum"

Maraming sigaw ng paghihinagpis at sakit ang bumalot sa kabuuan ng field na nanggagaling sa mga kaluluwang tila ba hinihigop patungo sa kinaroroonan ni Tan.

"Anima et corpus"

Isang malakas na hangin ang nagdala sa mga kaluluwa patungo kay Tan at naging mga puting liwanag na bumalot sa kaniyang katawan hanggang sa wala nang matira.

"Faciam hoc mundo obscurior;"

Unti-unting naglaho ang liwanag na bumalot sa katawan ni Tan at hinigop ang inerhiyang inilabas ng magic circle kung saan naroroon ang katawan ng dalaga.

Katahimikan ang bumalot sa buong paligid hanggang sa hangin na lang ang marinig na bumabayo sa paligid.

Naupos ang liwanag sa magic circle at muling nagbalik ang liwanag ng buwan.

Nawalan ng ulirat ang katawan ni Riene dahil sa labis na pagkawala ng enerhiya samantalang nakamit ni Tan ang matagal na niyang pinagplanuhan. Nakuha na niya ang kaniyang katawan at nakikita na siya ng sinuman. Mas lumakas pa rin ang kaniyang kapangyarihan na siyang magdadala ng sigalot.

"Kay sarap sa pakiramdam na mayroon na akong sariling katawan, ngayon ay sisiguraduhin kong mababalot ng kadiliman ang buong sandaigdigan." Sambit nito kasabay ng pagbabago ng kalangitan.

Ang dating buwan na nagbibigay ng puting liwanag ay napalitan ng kulay dugo na nagbigay ng takot sa buong sangkatauhan.

Maririnig ang mga sigaw ng mga inosenteng samabayanan dahil lumaganap sa buong pamayanan ang kasamaan.

"Umaayon lahat sa aking plano. Matulog ka muna ng kay himbing aking reyna at bawiin ang iyong lakas." Saad ni Tan saka lumapit sa katawan ni Riene na ngayon ay mahimbing ang pagkakalagak.

"Sa iyong paggising ay ipapakita ko sa'yo ang iyong kaharian." Pagpapatuloy nito at tumawa ng kay lakas.

Simula na ng Unos. Maghahari na sa buong mundo ang sigalot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro