Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

T H I R T Y - F I V E

Chapter 35: The War Begins

Nicole Morgan's POV

Malalim na ang gabi ngunit kahit ganoon ay nagpasya pa rin kaming sumugod sa kinaroroonan ni Riene.

Nagbaka-sakali kaming doon pa rin sa school dinala ni Tan si Riene kaya wala na kaming sinayang na oras at nagmadali na.

Pagdating namin sa lokasyon ng eskwelahan ay tanging matataas na puno lamang ang aming natagpuan.

"Anong nangyari? Nasaan na ang school?" Nagtatakang tanong ni Kim na ngayon ay hawak hawak ang kaniyang baril.

"It is under his power." Bulong ni Grey sa sarili at inilabas ang kaniyang scythe. "Tumabi kayo." Ani pa nito at iwinasiwas sa hangin ang sandata.

Nagkaroon ng hati sa harapan niya na para bang naging isang lagusan patungo sa ibang dimensyon.

"Pumasok na tayo." Nagmamadaling sabi ni Tim at iyon nga ang aming ginawa.

Naghiwa-hiwalay na kami sa grupong aming pinag-usapan.

Ang grupo namin nina Jenny at Zac ang naatasang manggulo sa mga DE members. Mas mapapadali daw ang misyon kung nakuha na namin ang atensyon ng mga bantay para kaunti na lang ang haharang sa paroroonan nila.

Samantala, ang grupo naman ni Blake ang naatasang palayain ang mga kaluluwang kinulong at ang grupo naman ni Grey ang magliligtas sa katawan ni Riene.

"Handa na ba kayo?" Tanong ko sa dalawa at matapang na nanguna patungo sa isang building.

"May nakapasok!" Sigaw ng isang bantay kaya agad ko nang kinuha ang dalawa kong baril saka nagpaputok kaya natumba sila.

Baril din ang ibinigay kong sandata kina Jenny at Zac para convenient gamitin. Pero meron din kaming tigi-tigisang patalim in case na kailanganin.

Pumasok na nga kami sa building at inatake pa ang ibang bantay sa entrance.

Ang building na ito ang nagsisilbing pahingahan ng mga DE members kaya tiyak ako na masusurpresa sila.

Blake Steel's POV

Nakapasok na nga kami sa abandoned building nang walang kahirap-hirap ngunit wala dito ang mga dati nilang ikinulong na mga kaluluwa.

Mukhang natunugan nila ang plano namin kaya inilipat nila ang lokasyon ng mga ito.

Agad na kaming lumabas at tumambad ang sandamakmak na bantay.

Mukhang inaasahan nila ang aming pagdating.

Kung gayon, may taksil sa grupo.

Hindi na namin inialintana ang kanilang bilang sa halip ay sumugod na nang hindi nagdadalawang isip.

"Saan niyo itinago ang mga kaluluwa?" Tanong ko sa isa habang nakatutok sa leeg nito ang aking patalim.

"Bakit ko sasabihin?" Pabalang na sagot nito at tumawa pa kaya hindi na ako nagdalawang isip na tapusin ang kaniyang buhay.

Marami na rin kaming napatumba ngunit marami pa'rin ang natitira.

Tuloy-tuloy ang pagpapaputok ni Kim samantalang kami ni Tim ay patuloy din sa pagsugod.

Death Grey's POV

"Bakit dito tayo pumupunta?" Tanong ni Sandra nang mapansing nagtungo kami sa Garden.

"Saan ba dapat tayo pumunta?" Tanong ko sa kaniya at nagpanggap na walang alam.

"Sa Field. Doon nila gagawin ang ritwal." Tugon nito na hindi manlang nag-isip.

"Paano mo nalaman?" Usisa ko saka ngumiti.

"M-may nagsabi s-sa'kin." Utal niyang sagot na tila ba may pinagtatakpan.

"Huwag mong sabihing-" putol na sambit ni Riko na tila ba may napagtanto.

"Fuck! Hindi ko naman ginusto to!" Sigaw niya at sumabog na ang mga luha.

"Then tell us the reason. Bakit mo nagawa 'to?" Tanong pa nito.

I think I should let them for now.

"Hawak nila ang pamilya ko. Kaya hinayaan kong gamitin nila ako." Pagpapaliwanag pa nito.

"Dapat sinabi mo para nagawan namin ng paraan."

"Sorry. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Inutusan nila akong gisingin si Lucy sa katawan niya. At yung videong iyon lang ang naisip kong paraan at ang holdaper." Ani pa nito.

"So ikaw din ang nag-utos sa holdaper?" Tanong pa ni Riko kaya napatango na lang ito.

"Kailan pa?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

"Hindi pa kayo dumarating ay alam ko na ang lahat."

Kung gayon, alam niya na ang lahat simula pa lang?

"I don't deserve na maging bestfriend niya. Dahil traydor ako."

"Stop! Ang importante ay kung nagsisisi ka ba sa ginawa mo. Nagsisisi ka nga ba?" Tanong ni Riko.

Mayroong kakaibang pagkakaintindihan ang namamagitan sa dalawa.

"Ang hirap sikmurahin na nakikita ko siyang nasasaktan dahil sa sarili kong kamay kaya pinagamit ko ang katawan ko sa isang devil."

Riko Kento's POV

"Ang hirap sikmurahin na nakikita ko siyang nasasaktan dahil sa sarili kong kamay kaya pinagamit ko ang katawan ko sa isang devil." Ani niya.

So ibig sabihin all this time, maaring hindi si Sandra ang nakakahalubilo namin?

"Pati ba noong gabing iyon?" Tanong ko at tila nakuha niya naman.

Yung gabing hinalikan ko siya, hindi rin ba si Sandra iyon?

"Ako 'yon. At hindi ko pinagsisihan na sarili ko ang kumokontrol sa katawan ko noong gabing iyon." Ani niya kaya agad ko siyang niyakap at muling hinalikan sa ikalawang pagkakataon.

"Then you have to make things right." Ani ko at hinalikan siya sa noo.

"Sorry." Nasabi niya na lang at sumubsob sa dibdib ko.

"Tama na iyan. We need to proceed." Sabat ng kanina pang nanahimik na si Brace.

Nicole Morgan's POV

Nagulat ako nang wala ni isang DE member ang laman ng building.

Hindi kaya't alam nila ang plano namin?

"It's a trap." Isang malamig na bakal ang tumutok sa leeg ko at sa palagay ko'y isa itong baril.

"Zac, sigurado ka bang gagawin natin to?" Tanong ni Jenny na tila ba nakokonsensya.

Lumingon ako sa lalaking tinutukan ako ng baril at nakita ang mukha ni Zac.

Taksil.

"Surprised?" Tumatawang tanong niya.

"Paanong-" naputol ang aking sasabihin nang makitang naging pula ang kaniyang mga mata.

So isa siyang Devil's Empire? Paano?

"Zac, hindi ba pwedeng pakawalan na lang natin siya?" Nag-aalalang tanong ni Jenny na tila ba may alam sa sitwasyon ni Zac.

"You said you love me so trust me." Ani nito at mas-itinutok pa sa akin ang hawak na baril.

Ang pagmamahal nga naman, sadyang nakakabulag.

"Ibigay mo sa'kin ang libro." Utos nito kaya no choice na ako kundi sundin siya.

Dahan-dahan kong kinuha ang libro sa bulsa ng body bag na suot ko at dahan-dahang inabot ito sa kaniya.

Pero bago pa man niya ito mahawakan ay sinikmura ko siya saka pinilipit ang braso na naging dahilan ng pagpatak ng baril na kaniyang hawak.

"Bitawan mo siya at ibigay mo na lang ang gusto niya." Ani ni Jenny na tila ba nagdadalawang isip sa ginagawa niyang pagtutok sa akin ng baril.

"Huwag kang magpa-uto sa lalaking 'to." Ani ko at tinutukan ang ulo nito ng baril.

Nakita kong ngumiti siya.

"Shoot her for me baby." Utos nito na tila ba confident na susundin siya nito.

"Jenny, huwag. Taksil 'tong lalaking 'to at huwag ka nang gumaya." Ani ko.

Makikita ang pangangatal niya sa paghawak ng baril.

Nakarinig ako ng isang putok ng baril at nakaramdam ng tumutulong dugo sa aking kaliwang binti.

Napatingin na lang ako kay Jenny at nakitang naipatak niya ang baril dahil sa takot sa pagkakamaling kaniyang nagawa.

Napaluhod ako sa lupa at nabitawan ang libro maging ang pagkakapilipit sa braso ni Zac.

"That's why I love you." Ani nito at hinalikan si Jenny.

"Pero paano siya?" Nag-aalalang tanong nito.

"We'll just take the book and leave her." Ani niya at pinulot ang libro.

"Bye." Mapang-asar na pagpapaalam nito habang ako naman ay hindi makatayo sa sakit.

Kim Anderson's POV

Hindi na namin kaya, patuloy ang pagdating ng mga kalaban at tatatlo lang kami.

Naubusan na rin ako ng bala at sugatan na rin si Tim at si Blake.

"Sumuko na tayo." Ani ko ngunit hindi sila nakinig, sa halip ay patuloy parin silang sumugod kahit na nanghihina na ang kanilang mga katawan.

Nakita ko ang pagbagsak ni Tim sa lupa samantalang si Blake naman ay pinipilit paring tumayo sa pagkakasipa sa kaniyang sikmura.

Hanggang dito na lang ang kaya namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro