Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

S I X

Chapter 6: My House

Riene Allison's POV

Matapos ang mga kaganapan kanina ay agad na akong nagtungo sa sunod kong klase. Pareho kami ni Sandra ng schedule kaya magkaklase kami ngayon.

May kadal-dalan na rin ako sa wakas!

Dumating na rin ang prof. namin at nagsimula nang magklase.

"Hoy, Riene." Tawag ni Sandra sa akin sapat para hindi marinig ng iba pa naming kaklase.

Tumingin lang ako sa kanya at itinaas ang aking kilay.

"Anong relasyon niyo nung Brace?" Tanong nito out of the blue na siyang ikinatawa ko.

"What the fuck are you saying?" Nasabi ko na lang na natatawa parin.

"Mukha kasing may something special sa inyo." Paling nito sa unahan.

"E, ano naman kung meron?" Biro ko.

"F. O, Friendship Over na tayo."

Aba't ang maldita, natuto na ring lumandi.

Napatawa na lang ako lalo sa mga sinabi niya.

Minsan lang magkaroon ng interes to sa lalaki. Pero kalimitan mga crush lang lagi.

"Sabi mo wala a, wala nang bawian." Bulong pa nito habang nakatuon parin ang atensyon sa unahan.

Natapos ang klase at parang nagdaan lang ang ilang minuto, marahil na din yata sa hindi ko pakikinig habang nakikipagkuwentuhan kay Sandra.

Last subject na namin iyon kaya nagligpit na kami ng gamit at nagsimula nang maglakad palabas ng Campus.

Nang nasa may gate na kami ay napansin ko ang nakaabang na Timothy Ford kaya agad kong binilisan ang paglalakad at nagpanggap na hindi siya nakita. Lalampas na sana ako sa kanya nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay at hinila sa kung saan. Napatingin na lang ako kay Sandra at sinenyasan na mauna na siya.

Dinala ako ni Tim sa isang classroom na wala nang tao at doon nag-usap.

"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin. Mahalaga ang oras ko kaya huwag mong sasayangin." Walang interes kong sabi sa kaniya habang nakacrossarms at nakatingin sa kung saan.

"About earlier... I'm sorry, I lied." Sambit nito in an apologetic tone na nagpapaling ng atensyon ko sa kaniya.

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa utak nang sinabi niya iyon. Nagpantig ang mga tenga ko at hindi makapaniwala na inaamin niya sa akin ito.

"So you lied?" Tanong ko.

Kumikirot ang puso ko dahil sa nalaman ko.  Ang sakit na mapagtaksilan ka ng taong minahal mo. Oo, aaminin ko, may nararamdaman pa ako sa kanya kaya ako nasasaktan. Pero I should quit this as early as now. Ayoko nang masaktan pa at ayoko na ring bigyan pa siya ng pagkakataon.

One more chance, One more cry, ika nga.

"Sorry." Iyon lamang ang kumawala sa bibig niya. I was expecting him to defend himself, pero instead of that ay humingi lang siya ng tawad.

"So pinagmukha mo akong tanga all this time?" Maluha-luha kong tanong sa kanya. Nakita kong umiwas siya ng tingin na para bang nagui-guilty sa ginawa niya. "Hindi mo ba alam kung gaano ako naghirap? Araw-araw tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ayaw kitang bigyan ng chance... Knowing na aksidente lang ang lahat..." Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. " And now you are saying sorry and asking for my forgiveness?"

"I'm sorry I was horny that time..." Medyo tumaas na ang boses niya na lalong nagpadaloy ng mga luha ko. "... Sorry Rienne because I am still a man." Pagpapatuloy niya.

"A man? You don't deserve to be one." Pahikbi-hikbi kong sagot sa kanya.

"Sorry... Sorry if I hurt you." Muli niyang paghingi ng tawad. Makikita rin ang mga nanggigilid niyang luha kaya tumungo siya upang itago ito.

"It's too late Tim, I have to go." Pinunasan ko na ang mga luha ko at akmang aalis na nang muli niyang ibukas ang kaniyang bibig.

"I still love you."

Bigla akong natigilan sa kinatatayuan ko.

Fuck you 10 times.

Fuck you 100 times.

Fuck you 1,000 times.

Fuck you 1,000,000 times.

Bakit ngayon lang?

Bakit ngayon pa?

It is the first time I heard that from your mouth. Why is it too late?

Gusto kong mahulog sa sinabi niya. Gusto kong paniwalaan na totoong nagsisisi siya. Gusto kong muling pumaling sa kanya at sabihin na ganoon din ang nararamdaman ko. Pero hindi ko kaya, hindi ko kaya dahil sa mga nagawa niya.

"Fuck you." Iyon na lamang ang nasambit ko at tuluyan nang lumabas sa pintuan.

Lutang na naman akong naglakad patungong bahay. Hinahabol ko parin ang aking paghinga dahil sa sipon na dulot ng pag-iyak ko kanina.

"Anong problema miss?" Tanong ng isang lalaking multo sa akin.

"Ang sakit..." Nasabi ko na lang. "Ang sakit-sakit."

"Okay lang akong mapaglabasan ng sama ng loob." Sabi niya.

Basta umupo na lamang ako kung saan ako tumigil sa paglalakad at gayon din ang ginawa nito.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Ano bang problema?" Tanong nito sabay paling sa akin na ipinapakita na willing siyang makinig.

"Anong gagawin ko sa isang taong nagbalik... Nagbalik sa maling pagkakataon at kung saan ayaw ko na?" Nakatulala kong tugon.

" Pakinggan mo ang puso mo." Maikling tugon nito.

"Paano ko naman gagawin iyon? Hindi naman marunong magsalita ang puso."

Ipinaling niya ang aking mukha papunta sa kanya. Itinaas niya ang kaniyang kamay at inihawak ito sa kaniyang dibdib.

"Makiramdam ka." Tumayo na ito at nagsimulang maglakad palayo.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin at nagshare ako ng problema sa isang multo. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan dahil halos ka-age ko lang siya at nakasuot pa ng school uniform.

Tumayo na rin ako at pinagpagan ang palda ko. Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad at nakarating na ng bahay.

Binuksan ko na ang ilaw gamit ang switch na katabi ng pintuan at dideretso na sana sa aking kuwarto.

"Why are you late?" Tanong ng pamilyar na boses kaya naman napapaling agad ang aking tingin kung saan ito nanggaling.

"What the fuck are you doing here?" Laglag panga kong tanong nang makita ang isang lalaking nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magazine.

Agad siyang tumayo at isinara ang hawak na magazine.

"I'm going to live here."
Mas lalong nalaglag ang aking panga nang marinig ang sinabi niya.

What? Kamatayan is going to live in my house?

"Don't worry, I will pay my expenses as I live here." Dagdag pa nito.

Naspeechless lang ako sa mga sinasabi niya.

"Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Do I look like joking?" Seryosong tanong niya sa akin.

Pero saan ka dito matutulog?

"I will be occupying your guest room." Sagot nito na halata na namang binasa ang laman ng aking isipan.

"Gaano ka katagal dito?" Kamot ulo kong tanong.

"Until I finished my mission." Sagot nito.

Fuck, may makakasama akong lalaki dito sa bahay?

"I'll go sleep then." Paalam niya at nilagpasan akong natigilan parin sa mga nagaganap.

Akala ko ba I need to forget you? Bakit parang I need to know you ang nangyayari?

Hindi ko maimagine ang magiging buhay ko na kasama si Kamatayan. Fuck! Mas mabuti pa sanang kuhanin niya na lang ako kaysa makasama ko siya under the same roof.

May choice pa ba ako?

Or should I say, mayroon nga ba talaga akong choice?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro