Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

S E V E N T E E N

Chapter 17: Blake Steel/Queen

Riene Allison's POV

Ang gulo ng lahat. Hindi ko na alam kung kailan at kung saan ako magsisimulang maghanap ng mga sagot sa mga tanong na matagal-tagal na ring bumabagabag sa isipan ko.

Everything was normal in my life. Everything was common... until they come.

Dumating sila sa buhay ko, at sa pagdating nila, nagulo na ang tahimik kong buhay, nagulo na ang lahat.

Araw-araw may gulong nangyayari na hindi ko naman alam kung dahil saan.

All I know is they are all after me. Death Grey, Nicole Morgan, Masked guy and the Devil's Empire. May alam sila tungkol sa akin na miski ako ay hindi alam.

Kung walang magsasabi sa akin, ako na mismo ang tutuklas. Ako na mismo ang kikilos.

Natapos ng maaga ang klase at lahat ay excited na para sa camp na inannounce ng Head kanina.

It is a Three-day camp at pinlano ito ng council para sa darating na celebration ng foundation day.

May iba na natatakot dahil sa mga sunod-sunod na balitang may pagpatay na nagaganap sa school pero ang iba naman ay excited at ginagawa pa itong biruan. Hindi rin ako agree dito, feeling ko kasi may masamang mangyayari.

"Going home?" Tanong ni Tim na akmang kukunin ang bag ko para ipagbitbit.

"No, may pupuntahan pa ako."

"Can I come?"

"No, this is too personal kaya bawal." Tanggi ko saka nagpatuloy na maglakad.

"Okay." Sagot nito at nagpaalam na sa akin.

Absent si Sandra dahil may trauma pa siya sa mga nangyari kagabi. Alam kong wala rin siyang ideya sa mga nangyayari miski ako ay hindi alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahat dahil wala rin akong alam.

Si Grey naman ay hindi umattend ng last subject namin sa hindi ko alam na dahilan. Madalas na din ang pag-absent niya. Pero yung misyon lang naman talaga ang dahilan kung bakit nandito siya sa school kaya wala na rin akong pake kahit tumigil pa siya.

I hate him so much. Ayoko sa kaniya pero everytime na he's acting weird ay nagiging masaya akong kasama siya.

Basta ewan. Sa ngayon, ang alam ko lang ay naiinis ako sa kaniya dahil pinapahirapan niya akong mag-isip.

Pinabayaan ko na lang ang mga paa ko na dalhin ako sa kung saan.

After so many minutes ay natagpuan ko na lang ang sarili ko sa magubat na bahagi ng school. Mayroong isang lumang bahay doon kaya nagpasiya akong kumatok dito.

Mukhang wala nang tao dito pero wala namang mawawala kung magtry akong kumatok.

Kumatok na nga ako sa pinto at narinig ang ilang yabag ng paa na nanggagaling sa loob.

May tao. At papalapit ito sa pintuan.

Nagbukas ng bahagya ang pinto at sumilip muna ito.

"What are you doing here?" Tanong ng isang lalaki. Hindi ko pa nakikita ang kabuuan ng mukha niya dahil wala pa sa kalahati ng mukha niya ang nakasilip sa pinto.

Ewan ko pero bigla akong kinabahan.

Magdadapit-hapon na rin kaya medyo kulimlim na ang kalangitan.

"May gusto lang akong malaman tungkol sa sarili ko." Sagot ko.

Para akong tanga. Naghahanap ako ng kasagutan sa mga tanong ko nang hindi manlang alam kung sino ang dapat na tanungin.

First time ko magpunta sa lugar na to at hindi ko rin alam kung bakit nga ba dito ako nagpunta.

Basta. Siguro ay may dahilan kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko.

Umalis siya ng saglit at may kinuhang something saka tuluyang binuksan ang pinto.

Shit.

He is the white masked guy.

"Anong gusto mong malaman... Riene Allison?" Tanong niya na nagpatayo ng mga balahibo ko.

Basta sobrang bigat ng awra niya at hinding hindi ka talaga magkakamaling tumingin sa mga mata niya.

Kinakain ng takot ang buong katawan ko pero naglakas-loob na akong magsalita at huminga ng malalim.

"Anong koneksiyon ko sa inyo?"

"A lot." Maikli niyang tugon.

Natatakpan man ng puting maskara ang kaniyang mukha ay alam ko na ngumiti siya. Ngiti na nakapagbibigay kilabot sa sinumang makakita.

"What do you mean by a lot?" Tanong ko.

"You want to know more? Come in." Sabi niya at pinasunod ako sa loob.

Hindi ko na ininda ang kaba na nararamdaman ko dahil desperado na talaga ako. Pumasok na nga ako at nakita ang kabuuan ng loob.

Isa lang talaga siyang plain square room. Wala ni isang divisions at ang tanging nandito lang ay mga brown na mwebles na gawa lahat sa kahoy. Samantala, ang mga dingding naman ay nababalutan ng mga diyaryong may mga pulang marka at highlights. Tanging isang lumang chandelier lang ang nagbibigay ng madilaw-dilaw na liwanag sa buong silid.

Napalingon ako sa bandang kanan at naroroon ang isang maliit na kama. Sa dingding nito ay may mga iba't ibang uri ng patalim na nakasabit. Mga nasa sampu iyon for sure. Iba't iba ang disenyo ng patalim nito pero iisa ang design ng handle. Isang kahoy at may nakaukit na maskara.

"Have a seat." Sabi niya at pinaupo ako sa isang kahoy na upuan.

Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa kaba at sa takot na pwedeng gawin niya sa akin like last time. Lalo pa't isinara niya ang pinto at ikinandado.

Katapusan ko na ba?

Kumuha siya ng isang patalim mula sa kaniyang sabitan saka pinaglaruan at naglakad patungo sa akin.

"You're precious to them." Sira niya sa katahimikan.

Precious? As in mahalaga?

"Kaya don't worry, hindi ka nila sasaktan bagkus, sasambahin ka nila." Pagpapatuloy niya.

Sasambahin? Anong sinasabi niya? Ang gulo.

"What do you mean? Sasambahin ako ng mga nilalang na galing sa kaibuturan ng impyerno?" Tanong ko.

Napatawa siya.

Anong nakakatawa?

"By the way, I'm Blake Steel." Pagpapakilala niya.

"I'm not asking for your name. Impormasiyon ang tanging pakay ko dito." Mataray kong sagot.

Bigla naman niyang itinusok sa lamesang kahoy sa gitna namin ang patalim niya kaya medyo nagulat ako.

"You're tough. I like your attitude."

Ngumiti siya sa akin at tiningnan ako ng diretso sa mga mata.

Nakita ko kung paano nagpalit ng kulay pula ang kanan niyang mata habang ang kabila naman ay itim pa din.

"Y-you're a devil?" Hindi makapaniwala at nangangatal kong tanong sa kaniya.

Kung pula ang mata niya, ibig sabihin kasamahan siya nila. Pero bakit niya kinalaban ang Devil's Empire kagabi?

"Yes. But a half one." He answered.

"Half?" Tanong ko.

"I'm a mortal devil and I can proudly say that I'm rare."

"So kasabwat ka nila?"

"No. I'm against them."

"Bakit? Diba isa kang devil?"

Curious na naman ako. Akala ko sagot na ang mahahanap ko bakit parang tanong nanaman ulit ang nakukuha ko?

"Well let's just say I'm not from hell."

"Then galing ka saan?"

"I'm a product of a human and devil affair." Sagot niya.

Pwede ba iyon? Relationship between a human and a creature from hell? This is none-sense.

"We're getting farther. Tell me, ano ang papel na gagampanan ko?" I curiously asked.

Ibubuka na dapat ni Blake ang bibig niya ngunit...

"Rienne." Isang boses ang kumuha ng atensiyon namin na nanggagaling sa may pintuan.

Death Grey. Pipigilan mo na naman ba akong malaman ang mga ito?

I just ignored him at itinuong muli ang atensiyon kay Blake.

"Tell me." I desperately asked.

"You are... their queen."

Natigilan ako sa mga narinig ko.

Nanahimik ang buong paligid at tanging ihip lang ng hangin ang maririnig na nanggagaling sa bukas na pintuan.

Queen?

Paano?

Tao ako.

Paanong magiging reyna nila ang isang tao?

"You are chosen. Hindi ka pa ipinapanganak ay iyan na ang tadhana mo."

P-paano ko ito mapipigilan? Ayoko! Hindi pwede.

I won't be their queen.

I will never.

"Are you contented?" Tanong sa akin ni Grey.

May something sa mukha niya na parang disappointed sa akin, sa ginawa ko.

"No." Wala sa sarili kong sambit. "I won't be. I will change my fate." Determinado kong sagot.

I know it doesn't make sense.

Fate is fate and we have no power to go against that.

Pero may isang bagay na may sense.

Iyon ay kung bakit ko sila nakilala.

"Help me."

May pag-asa pa. Sa tingin ko ay ito talaga ang rason kung bakit nandito sila, kung bakit ko sila kaharap ngayon.

Bigla namang sumulpot si Nicole sa kung saan saka sumandal sa may pintuan sa likod ng nakatayong Grey.

All of them, I am their mission.

Death Grey's POV

Ilang beses ko pinagtangkaang itago sa kaniya ang buong katotohanan.

But I guess this is really that time. The time na dapat niyang malaman.

All I wanted is to protect her, especially her feelings. Ayokong mawalan siya ng pag-asa at isipin na sumpa ang pagkabuhay sa kaniya. Iyon ang dahilan kung bakit ayokong sabihin sa kaniya.

I don't want to see her suffering. It somehow breaks my heart.

I want to see her happy, I don't want to see her cry.

She's special. She's special because she is my mission.

I guess that's all and nothing more.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro