F O R T Y
Chapter 40: The End
Nicole Morgan's POV
Kakaunti na ang natira ngunit hindi ko namalayan na nasa likuran ko pala si Zac at akma na nito akong sasaksakin ng kaniyang katana ngunit... Humarang si Jenny na kararating lang sa lugar.
Kitang kita ang pagkagulat sa mukha ni Zac kaya agad niyang nabitawan ang kaniyang katana at inihiga sa bisig ang nag-aagaw buhay na si Jenny.
Ngumiti lang ito sa kaniya ng may kapaitan at hinawakan ang kaniyang mukha.
"Ma-makabawi man lang a-ako sa kanila." Hirap na sambit nito at pilit na inabot ang labi ni Zac.
Nakita kong tumulo ang luha ni Zac nang makita ang paghihirap ni Jenny.
Sa tingin ko nga'y tunay niya itong minamahal.
Tunay silang nagmamahalan.
"Kung gayon ay sasama ako sa'yo." Saad ni Zac at binunot ang katana kay Jenny saka itinusok sa sarili.
Sa mga movies ko lang 'to nasasaksihan dati.
Magkahawak kamay silang lumisan sa mundong ito.
Lumisan sila ng magkasama.
Nanahimik ang buong paligid nang matigilan ang natitirang miyembro ng DE na para bang may sumasakit sa parte ng kanilang mga katawan.
Ang lahat ay namilipit sa sakit at nagsitumabahan saka naagnas saka naging abo na nilipad ng hangin.
Mukhang nagtagumpay na sila.
Agad na kaming tumakbo ni Riko papuntang loob.
Sandra Gregory's POV
Natagpuan namin si Manang na naglalakad sa kawalan at hindi alam ang patutunguhan kaya nagpasya kaming isama siya.
Hindi ako sure na nasa underground sila pero nagbaka-sakali na rin kami.
Tumambad sa amin ang tahimik na laboratoryo at ang bukas na lagusan papunta roon.
Ngunit sa pagpasok namin ay nakita ko ang bangkay ni Jenny.
May dugo siya sa may sikmura na para bang sinaksak ngunit naka-ngiti siya.
Mukhang masaya siyang lumagay sa katahimikan.
Napangiti ako sa hindi malamang dahilan.
Dapat akong makiramay pero sa tingin ko'y hindi niya pinagsisihang mamatay. Siguro'y may pinag-alayan siya kaya masaya pa rin siya kahit sa kaniyang huling mga sandali.
Nagpatuloy na kami patungo sa bukas na lagusan at pumasok na.
Riene Allison's POV
Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil tapos na ang lahat o kaya nama'y malungkot dahil nawala ang kaisa-isang lalaki na minahal ko ng lubus-lubusan.
Nakatulala lang ako ngayon sa lugar kung saan huli kaming nagbigay ng mga matatamis na salita. Lugar kung saan ko siya unang sinabihan ng mahal kita at lugar din kung saan natapos ang lahat, ang lahat lahat sa istorya ng aming pagmamahalan.
Isa-isa kong binalikan ang mga masasaya naming pagkakataon.
Naalala ko pa ang una naming pagkikita kung saan tinalo niya ang black lady saka ako hinalikan. It was my first kiss and he stole it sa dahilang gusto niyang makalimutan ko siya pati na ang gabing 'yon.
Naalala ko din yung mga panahong lumapit siya sa akin sa cafeteria at nagpakilalang Brace Grey. Ang pangit ng pangalang 'yon pero okay na rin dahil guwapo naman siya.
Everytime I smell the food he is cooking, my stomach gets so excited para tikman kung anumang putahe ang niluluto niya
Ang amoy niya at ang amoy ng kuwarto niya, hinding hindi ko rin makakalimutan lalo na ang mga pakete ng condoms na tinatago niya sa cabinet ng banyo niya.
Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ulit ang luha ko kaya tumabi na sa akin si Kuya para patahanin ako.
Dumating na rin sina Nicole at kasunod nila sina Sandra.
"Nasan si Gr-" hindi na naituloy ni Sandra ang tanong niya ng makita akong umiiyak.
Sa tingin ko ay napagtanto na nila ang naganap.
"He's gone for good." Saad ko at lalong bumigat ang emosyon.
I will always cherish the moments we were together.
Niyakap agad ako ni Manang noong makita niya ako na tila ba sobra niya akong namiss.
"Roxanne." Sambit niya kaya napaisip ako kung saan ko narinig ang pangalang 'yon.
It was her lost daughter for sure.
Pero bakit tinawag niya akong...
"N-nay?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Hindi ko na alam kung anong dapat maramdaman ko.
I finally saw my true mother pero hindi ko magawang maging masaya.
Everything was ruined. Everything was so complicated.
Sana hindi ko na lang sila nakilala. Sana hindi na lang nila ako tinulungan.
Sana... Sana walang nagbuwis ng buhay. Sana buhay pa si Grey. Sana buhay pa ang mahal ko.
Napayakap na lang ako kay Manang at doon ko binuhos lahat ng nararamdaman ko.
Mukhang tapos na nga ang lahat.
Kasabay natapos ng gulong ito ang kwento naming dalawa.
Now I realized that when Kamatayan falls in love, he will be willing to give the one he loves his everything, his all... Even his own life.
I will continue loving you Death Grey.
I hope to see you again someday.
I love you Death Grey, my one and only onion rings.
I will never erase you in my heart kahit pa imposibleng magkatagpo pa ulit ang mga landas natin.
Goodbye.
***
Epilogue na ang kasunod nito. Abangan niyo ang mangyayari sa kwento ni Riene at ni Grey. Try ko ring gumawa ng special chapters para sa inyo. Thank you for supporting :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro