E L E V E N
Chapter 11: Papatong
Death Grey's POV
Matapos kong marinig ang mga sinabi ni Riene ay agad akong nagtungo sa likod ng school.
I have a feeling na dito ang kuta nila, dito nila ginagawa ang mga masasama nilang balak.
Maraming puno ang makikita sa paligid at tila isang gubat na ito.
Natanaw ko na ang isang lumang bahay sa gitna nito at kampanteng naglakad patungo dito.
Mukhang walang nakatira dito but I'm sure na may nilalang na naninirahan dito because I can feel his presence.
Akma ko nang pipihitin ang door knob nang bigla akong nakaramdam ng presensiya sa aking likuran. Napapaling ako dito at nakita ang lalaking may suot ng puting maskara.
"Death Grey." Sambit nito.
"Blake Steel." Sambit ko rin na naging dahilan sa mahina niyang pagtawa.
"You still remember me,huh?"
"Of course, how can I forget you?"
Magtatakip silim na at maririnig na ang alulong ng mga asong gubat.
"They're not here." Wika niya sa akin.
"Then do you know where I can find them?" Usisa ko kasabay ng paniningkit ng mga mata.
Kilala ko si Blake, masama siyang nilalang pero alam kong may isang salita siya at mapagkakatiwalaan.
"No." Maikling tugon nito. "They're to hideous for me to find out." Dugtong niya.
"Then what's your reason for doing this?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung anong balak niya sa pagpasok sa buhay ni Riene.
"My reason is also your reason."
Lalong naningkit ang aking mga mata sa winika niya.
Riene Allison's POV
Pasado alas-gis na ngunit wala padin siya.
Why the hell am I caring for him?
Umuwi na din ako kanina dahil nainip na sa paghihintay bagkus, dinala ko na lang ang gamit niya pa-uwi.
Pumunta ako sa salas para kunin ang gamit niya na kanina'y nilapag ko doon.
Dadalhin ko ito sa kuwarto niya.
Tumaas na nga ako at tumigil sa harap ng guest room kung saan siya natutulog.
Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang napakabangong amoy.
Amoy na amoy lalaki ito pero hindi masakit sa ilong.
Wow, nalaglag ang panga ko dahil sa nakita ko.
Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kuwarto at ni-isang gabok ata ay wala kang makikita.
Nadaig pa niya ako. Yung kuwarto ko kasi parang dinaanan ng ipo-ipo sa gulo.
Ngayon lang din kasi ulit ako nakapasok dito after how many months. Wala naman kasi akong gagawin dito kaya hindi ako madalas pumupunta.
Inilapag ko na ang kaniyang bag sa side table niya at naupo sa malambot na kama habang inililibot parin ang mga mata.
Grabe, sobrang linis at organized talaga nito. Hindi niya pinaltan ang blue na wallpaper nito at ang tanging ginalaw niya lang ay ang side table na pinaglagyan niya ng iba't ibang klaseng relo.
Tumayo ako at tiningnan ito. Mahilig pala siya sa relo?
Mahigit nasa 50 ang collection niya, tanging black, gold at silver lang ang kulay nito pero iba't iba ang designs.
"Masyado siyang OC." Natawa kong bulong sa hangin.
OC- meaning, Over Conscious.
Nakita ko rin ang black coat niya na nakasabit sa wooden na sabitan sa isang sulok.
Pumasok rin ako sa banyo niya at tiningnan kung malinis rin ba ito.
Wala akong balak na masama like what you're thinking. Gusto ko lang talaga makita kung gaano siya ka-OC.
Pumasok na nga ako at naamoy muli ang mabangong amoy. Ang organized din ng banyo at nakapatong ng maayos ang mga gamit niya sa hanging cabinet.
May salamin din sa gilid nito at may mini-cabinet ito.
Pati salamin niya ay sobrang linis at wala ni isang butil ng gabok or butil ng tubig ang makikita mo.
Binuksan ko ang mini-cabinet upang makita ang laman nito.
May tatlong layers ito. Sa una ay mga facial stuffs like oil fighters at toners. Sa second layer naman ay naroon ang mga perfumes at deodorants.
Natawa na lang ako dahil sobrang ma-alaga pala niya sa katawan.
Dumako ang tingin ko sa last layer at napansing ang maraming pakete na nakapatas ng maayos.
Ano kaya ito?
Kumuha ako ng isa at nanlaki ang mata ko sa nakasulat.
Condom
Agad ko itong binitawan at ibinalik sa dati saka sinara at mabilis na lumabas sa banyo.
Halos maging kamatis na naman ang mukha ko dahil sa nakita ko. Medyo bumilis din ang tibok ng dibdib ko kaya naupo muna ako sa kama upang pakalmahin ang sarili.
Bakit ba naman kasi may ganoong stuff doon?
May balak ba siyang masama sa akin?
Muling nag-init ang mukha ko dahil sa mga naiisip ko.
"No Riene, Huwag kang mag-isip ng ganiyan." Bulong ko sa sarili.
Narinig ko ang biglang pagbukas ng pinto kaya pumaling ako doon at nakita si Grey na tila ba nagulat.
"Why are you here?" Tanong nito at seryosong naglakad patungo sa kama.
Napatayo naman ako sa kama dahil nahiya ako sa kaniya.
"Hah? Ako? Mmm." Wala akong maisip.
Tumingin siya ng seryoso sa akin at unti-unting humakbang palapit habang ako naman ay humahakbang rin pa-atras.
Favorite scene niya siguro ito sa mga drama kaya paulit-ulit niyang ginagawa.
Napasandal na ako sa side table niya kaya muntik nang malaglag ang lampshade na nakapatong dito.
Mas lumapit pa siya hanggang halos magkadikit na ang katawan namin.
Shit! I can feel his breathe.
"Papatong." Malamig at seryosong bulong niya na nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan.
What? Tama ba ang rinig ko?
Papatong?
"H-huwag v-virgin pa ako." Pikit mata kong tugon sabay tinakpan ang mga dapat takpan.
Tumawa lang ito ng malakas kaya unti-unti kong iminulat ang isa kong mata at nakita na halos mahimatay na siya sa kakatawa.
"A-anong nakakatawa?" Muling nag-init ang mukha ko dahil sa inasta niya.
"Do you want it?" Tawa pa rin niya at napaupo na sa kama dahil sa sakit ng tiyan. "Ipapatong ko lang sana ang duplicate na susi ng kuwarto at bahay sa side table ko." Pagpapatuloy niya.
Ghad! Masyado bang naging madumi ang utak ko?
"You're naughty, Tomato pie."
Salamat naman at medyo kumalma siya sa pagtawa na nagpabawas ng hiya na nararamdaman ko ngayon.
"Fuck you." Inis na tugon ko saka nagwalk-out at lumabas ng pinto.
Sa tingin ko ay tumatawa pa rin siya until now.
Shit naman kasi e! Bakit ba naman kasi siya nagtatago ng condoms doon, ayan tuloy dumumi ang isip ko.
Hindi parin kasi makakaila na lalaki siya at babae ako and we share a living under the same roof.
Marami kayang posibleng mangyari kaya it's better to overact than to play safe even its not.
Pumasok na ako sa aking kuwarto at inilagabag ito para marinig niya.
Humiga na ako para sana magpahinga pero parang may dumaan na malamig sa aking paanan kaya muli akong napabangon at umupo sa kama.
"Si-sino yan?" Nanginginig na tanong ko kahit hindi alam kung may kausap ba ako.
Wala akong nakuhang sagot kaya muli akong humiga at pumaling sa kanan.
Pagpaling ko dito ay bumungad sa akin ang duguang babae na nakahiga sa aking tabi na para bang pinagmamasdan ako.
"Waaahh!" Napasigaw na lang ako sa gulat saka lumayo sa kama.
Lalabas na sana ako ngunit hindi ko mapihit ang door knob kaya nanatili akong nakasandal sa pintuan habang pinapanuod ang paglapit niya sa kinatatayuan ko.
Nakikilala ko ang mukha niya. Mayroon siyang hiwa sa kaniyang leeg na para bang putol na ito at ipinatong lang.
"I-ikaw yung kanina?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy ang paglapit sa akin.
Pero may mali, iba ang aura niya kanina. Kanina ay nakakaawa siya ngunit ngayon ay parang nakakatakot siya at makikita sa kaniyang mata ang kagustuhang gumanti.
Nang makalapit ito sa akin ay agad niya akong sinakal kaya hindi ako makahinga.
Sinipa ko ang kaniyang tiyan kaya nabitawan niya ang aking leeg. Kinuha ko na ang pagkakataon para makatakbo at pumunta sa kabilang sulok ng kuwarto.
Grey! I need you,I'm scared.
Nagpadausdos na lang ako sa pader at takot na takot na hindi alam ang ikikilos. Muli siyang humakbang palapit sa akin at narinig ang isang malakas na pagwasak ni Grey sa pintuan.
Dala-dala nito ang kaniyang Scythe at ngumiti ng masilayan ang babae.
Napalingon ang multo sa kaniya at dito lumapit.
Bakit ganoon? Hindi siya takot kay Grey.
May mali talaga sa mga nangyayari.
Isang ngiti ang kumawala sa labi ni Grey.
"She's no longer a spirit, she's a demon now." Sambit niya.
Anong pinagkaiba noon?
Itinaas niya ang scythe na akmang ihahampas sa multo.
Lumapat ang katakot-takot na patalim nito sa babae at buong pwersang pinadausdos sa katawan nito.
Nahati ang katawan ng babae kasabay ng pag-agnas nito na tila ba nasusunog na papel.
Tuluyan na itong naglaho at sumama sa hangin ang tila ba mga piraso ng abo.
"Are you alright?" Lahad niya ng kaniyang kamay kaya inabot ko ito para tumayo.
Inalalayan niya ako patungong kama at inihiga.
"I'll go then." Paalam niya pero hinawakan ko ang kaniyang bisig.
Don't go, I'm scared.
Alam kong naririnig niya ito kaya muli siyang pumaling sa akin at humiga sa aking tabi.
"Fine, I'll sleep with you."
Hinawakan niya ang aking kamay at ipinaling ang higa sa akin.
"Go and rest, you need to recharge for tomorrow."
Nakatitig lang ako sa kaniya at hindi na namalayan na nakatulog na pala ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro