E I G H T
Chapter 8: Black-Hooded
Riene Allison's POV
Naggising ako sa clinic at kasalukuyang ginagamot ng isang babaeng nurse ang sugat ko.
"Ouch!" Daing ko nang pahidan ito ng bulak na may alcohol.
"Sorry, ano po bang nangyari at nagkasugat po kayo ng ganiyan?" Usisa nito habang patuloy na dinadampi ang bulak sa aking sugat.
Ano nga bang nangyari?
May taong nakamaskara kanina at tinutukan ako ng patalim tapos yung babae... p-pinatay niya?
"M-may patay!" Sigaw ko na ikinagulat ng nurse.
"Saan?" Tarantang tanong nito at agad lumapit sa telepono upang magreport sa guards.
"D-doon sa may abandoned building sa likod ng school. M-may babae doon, pinatay siya ng lalaking nakamaskara." Pagpapaliwanag ko.
Agad ngang rumisponde ang mga guards at sumunod na ang mga pulis.
Sumama ako sa kanila upang mas maituro ang kinalalagyan nito.
Inilabas sa gusali ang walang buhay at ngayo'y may nakatarak parin sa dibdib na isang babae. Halos wala na itong dugo nang matagpuan namin.
Habang inilalabas ito ay nakuha ng patalim ang atensiyon ko. Mayroon itong wooden handle at may naka-ukit na maskara dito. Katulad na katulad ito ng suot niya kanina.
"It is one of my missions here." May bigla na lang nagsalita mula sa aking likuran. "Unluckily, I failed. Hindi ko nagawang baguhin ang nakatakdang mangyari."
Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Meaning na alam niya na may ganitong mangyayari at wala siyang ginawa?
Contrasting kasi ang sinabi niya. Sabi niya he failed na baguhin ang nakatakdang mangyari pero kanina nakasandal lang siya sa poste at walang ginawa para iligtas ang babae.
Ewan ko, ang sakit sa ulo.
"You'll find out soon the answers to your questions." Napatingin naman ako sa kaniya at ganoon din siya.
"You'll get involved no matter how hard I try, all I can advice for now is to be careful next time." Pagpapatuloy niya sabay naglakad palayo.
Nawala na ang commotion dito kaya naglakad na rin ako papunta sa sunod kong klase.
Pinagtitinginan ako ng mga estudyante dahil hindi pa ako nakapagpapalit at may bahid parin ng dugo ang uniform ko.
Who cares? Wala akong pamalit so shut up na lang kayo.
Naupo na ako sa aking desk at napansin na wala si Grey.
Saan naman nagpunta iyon?
Nagsimula ang klase ng wala siya. Hindi rin lumisan sa aking isipan ang mga nangyari kanina lalo na ang sinabi ng babae na "Mahalaga ang magiging papel niya"
Nagulat na lang ako nang biglang tumabi sa akin si Tim.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.
Here he goes again.
Tumango na lang ako bilang pagtugon at saka sumubsob sa lamesa.
"I'm just here. Call me if you need me."
Sa dami-dami kong iniisip dadagdag ka pa ba? Mas pinapabigat mo lang ang loob ko.
Natapos na ang klase at naglakad na ako palabas ng campus.
Pinagtitinginan parin ako dahil sa dugong sa tingin ko'y natuyo na at mahirap nang tanggalin kaya nagtungo muna akong restroom at doon nag-ayos.
Matagal-tagal ko ring tinitigan ang sarili ko sa salamin habang iniisip at tinatanong ang mga bagay na hindi ko maintindihan. Binuksan ko na ang gripo at saka naghilamos.
Sa aking pagtunghay ay bumungad sa akin ang repleksyon ng babae sa aking likuran.
Medyo elegante siya tingnan. Mayroon siyang eyeliner at lipstick na lalong mas nagpalitaw ng kaniyang ganda. Maputi siya at medyo matangkad. Hindi siya familiar kaya sigurado akong ngayon ko lang siya nakita.
"How's the encounter?" Tanong nito habang nag-aayos ng hikaw sa salamin.
Napatingin lang ako sa kaniya na halatang hindi nakuha ang kaniyang punto.
"Masakit ba?" Paling nito sa akin with her smile na para bang sobrang seductive.
"Sino ka?" Mataray kong tanong sabay nagpunas ng towel sa basa kong mukha.
" You don't need to know me." Sagot niya at ipinagpatuloy ang pag-aayos.
"You are Riene Allison, right?" Tanong pa nito.
Paano niya ako nakilala?
Lumapit siya sa aking tenga at bahagyang yumuko upang maabot ito.
Her presence was not normal, para ba akong nasa thriller na movie at siya ang killer.
"Mag-iingat ka, he is always watching your steps." Bulong nito sabay tapik sa aking balikat.
Ang creepy ng mga sinabi niya.
"Well, I have to go." Paalam nito at nag-ayos ng gamit. "Bye." At tuluyan na nga itong lumabas ng pintuan.
Para akong nabunutan ng tinik noong makalabas siya.
Ewan ko ba, pero iba ang aura niya. Hindi ko siya madescribe pero I think the perfect term for that is scary. Para siyang mangangain ng tao even though she's smiling.
Lumabas na rin ako ng restroom at nakitang dilim na sa labas.
Fuck! It's scary lalo na't naglalakad ako sa madilim na hallway at tila ako na lang ang natitirang tao dito.
May narinig akong mga yabag mula sa aking likuran na tila ba sinusundan ako.
Lumingon ako sa likuran ngunit walang ni isang anino ang aking nakita.
"Fuck." Napamura na lang ako sa kaba.
Okay lang sana kung multo ka, huwag lang mamamatay tao dahil hindi ko pa kayang sunduin ni Death Grey.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kasabay ng malakas na tibok ng aking dibdib.
Tuloy parin ang mga yabag kaya mas binilisan ko ang aking paglalakad hanggang sa tumakbo na ako.
Nagtago ako sa isang sulok at tiningnan ang daan.
Napakatahimik nito at tila wala nang tao. Pero sino yung yabag na humahabol sa akin?
Pumaling na ako sa aking tagiliran at bumungad ang isang multong babae na tila ba hirap na hirap sa pagtakbo.
"Tumakas ka na! Papatayin ka rin niya." Babala nito sa akin na tila ba nagmamadali at hapong hapo.
"N-nino?" Tanong ko ngunit sa halip na sumagot ay kumaripas na ito ng takbo habang nakatingin sa aking likuran.
Napatingin din ako sa tinitingnan niya at may nakitang lalaking nakahood sa dulo ng hallway.
Fuck, sino na naman ito?
Agad itong tumakbo palapit sa akin kaya napatakbo na rin ako na para bang hindi alam kung saan pupunta.
Unluckily, nadapa ako at parang nasprain ang paa kaya hindi ako makatayo.
Fuck! Palapit na siya ng palapit sa akin. Anong gagawin ko?
Habang naglalakad ito ay kasabay nito ang patay sinding mga ilaw na sa bawat daraanan niya'y sumasabog.
What the hell are you?
Makikita ang nag-iilaw nitong mata sa dilim na gawa ng kaniyang hood. Kulay pula ito at tila ba masama ang titig sa akin.
Nang ilang hakbang na lamang ang agwat namin ay humarang ang lalaking nakamaskara ng puti at inilabas ang patalim na may tanda nito.
Kitang kita ang pagiging chill nito na para bang hindi dinadapuan ng takot.
"Fuck off." Matapang na utos nito sa nakahood.
Nakita ang puting ngipin nito sa madilim nitong mukha at sumilay ang isang nakapangingilabot na ngiti.
Tumakbo ito palapit sa nakamaskara. Tila ba natawa pa ito sa ginawa ng kalaban at sa halip at kinuha ang sinturon niya at iwinasiwas na para bang latigo. Daham dahan itong naglakad patungo sa matulin na lalaki at ipinaltik ang sinturon na pumulupon sa paa ng kalaban.
Nadapa ito at napahalik sa sahig.
Tatayo na sana ito nang biglang inapakan ng lalaking nakamaskara ang likod niya at nagwikang "Don't you dare touch a single hair of her." Maawtoridad na sambit nito at diniinan ang pagkaka-apak dito dahilan para ito'y mapasigaw sa sakit.
Bakit niya ako nililigtas?
Dahil ba mahalaga ang papel na gagampanan ko?
Kung gayon ay ano iyon?
Itinaas niya ang kaniyang patalim at makailang beses na sinaksak ang lalaki dahilan upang bumaha ng dugo.
Fuck, dalawang kamatayan na ang nasasaksihan ko ngayong araw at lahat ng ito ay siya ang may gawa.
Wala nang buhay ang lalaki ngunit patuloy parin ang brutal nitong pagsaksak dito matapos ay sinabunutan at ginilitan sa leeg.
Fuck! Nakakaduwal.
"Come with me." Salita ng isang lalaki sa aking likuran kasabay ng pag-akay nito sa akin patayo.
Grey? Bakit nandito pa siya?
Kalmado kaming naglakad palayo sa lalaki na tila ba hindi iniinda kung makita kami nito.
Pa-ika-ika akong naglakad nang naka-akbay sa kaniya.
"Does it hurt?" Tanong nito nang makalabas kami sa hallway at natatanaw na ang gate.
"Hindi, okay lang. Kaya ko." Sagot ko na kahit sa totoo lang ay sobrang sakit bawat hakbang ko.
Inalis niya ang pagka-kaakbay ko sa kaniya at umupo sa unahan ko.
"A-anong ginagawa mo?" Tanong ko.
Ewan ko lang ha, pero aaminin ko na nawala ang lahat ng takot ko ng dumating siya. I feel like nasa comfort zone ako where in ligtas ako at malayo sa kapahamakan.
"Ride." Utos nito kaya naman no choice ako kundi sundin ito.
Ako kasi yung tipo ng babaeng madaling kausap.
Sumakay na nga ako sa kaniyang likuran at ipinulupon ang aking bisig sa kaniyang leeg samantalang ang aking hita ay sapu-sapo niya.
Shit! Ang bango niya.
"Why do you have two backs?" Tanong niya out of nowhere.
Ano daw? Hindi ko na-gets.
"I said why are you so flat?" Halos sumabog ako dahil sa narinig ko.
Are you insulting my womanity?
" tss." Singhal ko na lang bilang tugon.
Hindi naman ako ganoon ka-sensitive like other girls na magwawala at bababa na if ever na sinabihan sila ng ganoon.
Ine-enjoy ko pa kasing pahirapan siya. Buwahaha.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nakarating na ng bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro