Chapter 8
Sa mga sumunod na araw ay parang normal na ang lahat ng pagiging sweet nila Kath at Daniel sa isa’t-isa.
Nasa canteen sila sa kasalukuyan at kumakain ng merienda.
"Kath.”
“Hmm..” Sumubo siya ng paborito niyang banana cue.
“May sasabihin lang ako.”
“Ano?” Patuloy pa rin siya sa pagkain.
“May victory party kami ngayong Sabado pagkatapos ng game. Gusto ko, sumama ka.”
Napaharap siya dito. “Gusto mong sumama ako?”
Humarap din ito sa kanya. “Oo. Bakit? Ayaw mong sumama?”
“Ha?”
“Maraming girls doon. Baka akitin ako.”
“At magpapaakit ka naman?”
“Eh, kung hindi talaga maiiwasan – Aw!”
Sinapak niya ito sa braso. “Hoy! Huwag kang magkakamali! Uukutin ko iyang eyeballs mo. Saktan ko iyang ears mo, eh.”
Tumawa lang ito. “Joke lang. Grabe naman 'to. Hindi talaga ako magpapaakit. Pero kung ikaw ang aakit, why not – Aw!”
Sinapak na naman niya ito sa braso. “DJ!!”
Tumawa pa ito nang malakas. “Joke lang. Ano ka ba? Napaka-sensitive talaga.”
“Huwag kang magpapaakit sa kahit sinong babae.”
“Paano kung hindi ko maiwasan?”
“Iwasan mo!”
“Magseselos ka?”
Nalunok niya nang wala sa oras ang banana cue niya. “Ha? Anong pinagsasasabi mo diyan?”
“Ba't ayaw mo akong payagang magpaakit sa ibang babae?”
“Siyempre! Dahil b-boyfriend kita.”
Nginitian siya nito. “I like the sound of that.”
Juice ko po! Heto na naman ang tibok ng puso ko.
"Basta, sumama ka ha? Aasahan ko iyan. Excited pa naman silang lahat na makita ka."
“Ah, oo. Sige, sasama na ako.”
Lalo pang lumapad ang ngiti nito. “Talaga? Yes! Susunduin kita sa bahay ninyo.”
“Ah, huwag na. Ako nalang ang pupunta para hindi ka na maabala. Saan ba ang victory party ninyo?”
“Doon sa restobar malapit sa school.”
“Ah, sige. Alam ko kung nasaan iyon.”
“Sige, salamat talaga Kath ha?” Hinalikan siya nito sa pisngi. Kahit na parang normal na gawain na sa kanila ang ginawa nito, hindi pa rin nagiging normal ang pagtibok ng kanyang puso.
“Napapansin ko, madalas na ang pagba-blush mo ano?” natatawang sabi nito.
Sinapak lang niya ito sa braso. Tumawa lang ito ng malakas.
"Bakit na naman? Nagsasabi lang ako ng totoo. Nagba-blush ka dahil sa akin noh?"
“Ha? Hindi, ah! Natural iyan.” Kahit na tama ito, ayaw pa rin niyang aminin dito. Baka kasi mabuking nito ang nararamdaman niya dito.
"Hindi mo ako maloloko," pabulong na sabi nito.
"Ha? Anong sinabi mo?"
"Wala. Sabi ko, mahal kita."
Nasamid siya sa saging na kinain. "Ano?"
Ngumiti lang ito. Mayamaya'y tumayo ito bigla.
"Mauna na ako Kath ha? Male-late na ako sa practice. Umuwi ka nalang pagkatapos ng klase mo. Matatagalan pa bago kami matapos ng practice. Alam mo na. Malapit na ang tournament eh."
"Ah, ganoon ba? Sige, mag-ingat ka ha?"
"Oo. Ikaw din. Mag-iingat ka. Huwag kang tumitingin sa ibang lalake habang wala ako."
Tumawa siya. "Ano ka ba? Siyempre, ikaw lang ang lalakeng titingnan ko."
Kumislap ang mga mata nito. "Sinabi mo iyan."
Tumawa lang siya. Aalis na sana ito nang biglang tinawag niya ito.
"Bakit Kath?"
Oo, Kath. Bakit mo siya tinawag? tanong ng isip niya.
Wala lang. Gusto ko lang makita ulit iyong gwapo niyang mukha, sagot naman ng puso niya.
Lumapit pa ito sa kanya. "Hoy! Bakit mo ako tinawag?"
"Ha? Ah, wala. Mag-ingat ka."
"Ha? Nasabi mo na iyan sa akin, eh.'
"Ah, ganoon ba? Ahm, galingan mo sa practice."
Tumawa lang ito. "Oo, para sa iyo ang laban na ito."
Ngumiti lang siya. Laking gulat niya nang biglang halikan lang siya nito sa lips. Smack lang iyon pero nanlambot pa rin ang mga tuhod niya. Umalis na itong naiwan siyang nakatanga lang na tumatanaw sa bulto nitong lumalayo.
__________
Nakaupo si Kath sa bleachers ng team nila Daniel. Wala naman talaga siyang balak na sa bleachers ng mga players siya uupo pero talagang nag-insist si Daniel. Gusto daw kasi nitong nasa malapit lang siya at madali lang siya nitong makita. Para daw ma-inspired ito sa paglaro. Kung hindi lang niya alam na may deal sila at nagpapanggap lang ito, talagang maniniwala talaga siya. Pero alam niyang ginawa lang ito iyon para kay Enrique. Para daw magselos ito.
Hay, kung alam mo lang Daniel John, hindi na si Enrique ang nagpapatibok ng puso ko. Ikaw na. Ikaw na talaga. Panghimutok niya doon. Nag-eensayo na ang mga players sa court at napapansin niyang panay ang tingin ni Enrique sa gawi niya. Bakit kaya? Nagseselos na talaga kaya ito? Hindi pa niya sinabi kay Daniel ang napag-usapan nila ni Enrique noong isang araw. Baka kasi magkasamaan na naman ang dalawa at mag-away na naman. Ayaw na niyang masaktan pa si Daniel.
Echos. Si Daniel na ang ayaw mong masaktan kasi mahal mo na siya ngayon. Napabuntong-hininga siya. Talagang certified patay na patay na siya kay Daniel. Ang tibok nga naman ng puso. Hindi mo talaga mape-predict.
"Hoy! Anong pinanghihimutok mo diyan?" Nagulat ako sa nagsalita. Si Miles lang pala na tumabi na sa tabi ko sa bleachers ng mga players.
"O Miles, narito ka?"
"Pinaupo ako dito ni Daniel, eh. Para may makasama ka raw. Baka pagtripan pa ka nang ibang players diyan. Ano na naman ang problema mo, manang? Ba't nakapanglumbaba ka diyan? Dapat ngumingiti ka't ikaw pa naman ang nagsisilbing inspirasyon ni Daniel ngayon. Baka matalo pa tayo sa lagay na iyan dahil hindi maka-concentrate si Daniel."
"Hay, kung alam mo lang kung anong pinagdadaanan ng nalilito kong puso."
Tumawa lang ito. "Hay, alam ko na iyan, dear. Mahal mo na talaga si Daniel."
Napatingin siya dito. Kinakapa-kapa niya ang puso. Sumang-ayon naman ito sa sinabi ni Miles. Patay na talaga siya.
"Bahala na si Batman," nasabi nalang niya.
__________
Nasa victory party na sila Daniel at iba pang kasamahan nito. Nanalo ang team nito sa tournament. Napayakap pa nga siya dito nang pawisan pa ito. Nambola pa nga na nanalo daw ang team dahil inspirado ito, at iyon daw ay dahil sa kanya. Sabay sana sila papunta sa party pero nagpaiwan muna siya sa school gym kasama si Miles. Kailangan niya itong makausap. Nagdahilan nalang siyang may bibilhin pa siya para makapag-usap sila. Halos hindi na siya nito pinayagan. Salamat kay Miles, napapayag din.
"Ito ba iyong sinasabi mong na-gets mo na MIles?"
"Eh, ano pa? Ito na talaga."
Napabuntong-hininga siya. "Mahal ko na siya, Miles. Hindi ko sinadya, pero minahal ko na siya. Mahal ko na siya. Ano nang gagawin ko? Tulungan mo ako, Miles!" Niyugyog niya ito sa balikat.
"Aray ha. Talagang may payugyog ka pa diyan. Teka lang at mag-iisip ako," anito at umakto na tilang nag-iisip.
"Eh, sa nalilito na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Miles, tinamaan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Nababaliw na ako. Ayoko na - "
"Pwede ba, Kath? Manahimik ka. Nag-iisip pa ako," putol nito sa deliryo niya.
Napatunganga nalang siya sa kawalan.
"Kath, alam ko na. Ba't hindi mo nalang sabihin kay Daniel ang totoo mong nararamdaman? Sa tingin ko naman, hindi naman talaga mahal ni Daniel si Julia. Sa tingin ko, mahal ka rin ng unggoy na iyon."
"Ano? Iyan na ba ang brilliant idea mo? Ano ka ba, Miles? Ang dali lang sabihin, pero ang hirap gawin. Ayokong sabihin sa kanya na ayoko na kay Enrique at siya na ang gusto ko."
"Correction. Ang mahal mo."
"Oo. Ang mahal ko. Anong sasabihin ko sa kanya? 'Yo, dude. Alabyu!' Ganoon? Hindi naman 'ata madali iyon."
"O, eh, ano naman ang gusto mong gawin? Magpakabaliw. 'Nalilito na ako, nababaliw na ako, hindi ko na alam ang gagawin, ayoko na!' Parati nalang ganoon? Ano ba, Kath? Ang tapang-tapang mo. Nagawa mo ngang mag-isip ng ideya para mapasaiyo si Enrique di ba? Ba't nawawalan ka na ng tapang ngayon kay DJ?"
"Iba si DJ, Miles."
"Mahal mo nga. Halatang-halata."
"Latang-lata na ako nito. Paano kung masaktan lang ako, Miles? Alam natin si Julia ang mahal no'n."
"Ano ka ba? Hindi ka ba nakinig sa akin? Sabi ko di 'ba? Parang hindi naman talaga mahal ni DJ si Julia."
"Paano mo naman nasabi iyon, aber? Mind reader ka na ba?"
"Eh, ba't hanggang langit ang selos ng pinsan mong iyon sa iyo? 'Di ba dahil kay Daniel? Nagseselos siya sa iyo dahil halatang mas pipiliin ka ni Daniel over her. Girl! Imulat mo naman ang puso mo. Hindi mo ba nararamdaman ang tibok ng puso ni Daniel?"
"Talaga? Sa tingin mo talaga, Miles, may pag-asa talaga ako sa kanya?"
"Oo nga. Ano ka ba? Kailan pa ba ako nagkamali?"
Napatingin siya kay Miles. Talaga bang totoo ang pinagsasabi nito? Pero sabagay, hindi pa talaga ito nagkakamali sa mga pinagsasabi nito. Tumatama talaga lahat ng sinasabi nito sa kanya. Kung pupusta siguro ito ng lotto, tatama din ito.
"Ano na, Kath? Iyon lang ang mapapayo ko talaga. Sabihin mo nalang kay Daniel na ayaw mo nang ituloy ang deal. Dahil mahal mo na siya. Ika nga, 'Dare to move. Take a risk. Love is a leap of faith.' O, 'di ba. Sa 'A Walk To Remember' pa iyon galing ha? Kung hindi ka kikilos, kailan pa? Maghihintay ka na naman na maagawan ng pinsan mong ewan?"
Oo nga. Hindi na ako makakapayag no'n. Kailangan manalo na siya ngayon. Mapapasakanya lang si DJ. Nakapagdesisyon na siya. Sasabihin niya kay Daniel ngayong gabi. Sasabihin niyang mahal niya ito.
__________
Pagdating na pagdating nila Kath at Miles sa restobar kung saan naka-held ang victory party ng basketball team ng school nila, hinanap nila kaagad si Daniel. Ayaw na niyang maghintay nang matagal. Baka kasi maunahan pa siya, hindi na siya makapapayag pa. Ngunit hinanap na nila si Daniel sa lahat ng kasuluk-sukukan ng restobar, pero ni anino nito'y hindi pa nila nakita. Nagdesisyon siyang tanungin nalang sa kasamahan nito kung nasaan ang binata.
"Neil," tawag niya sa isa sa mga ka-teammates nito. Isa din si Neil sa malapit na mga kaibigan ni Daniel.
"Yo?" Umalis muna ito sa isang grupong kinausap nito.
"Nakita mo ba si Daniel?" tanong niya dito.
Luminga-linga ito at parang may hinanap. "Nandito lang iyon kanina, eh. Nakita ko sila ni Julia na nag-uusap. Baka lumabas. Parang seryoso ang pag-uusapan ng dalawang iyon, eh. Magkakabalikan yata."
Biglang siniko ni Miles si Neil. Napa-'oh' lang si Neil at ngumiti nang paumanhin.
"Sorry, Kath. Hindi ko talaga alam kung nasaan si Daniel. Si Julia 'yong last na nakita kong kausap siya, eh. Pero hindi ko alam kung magkasama pa rin ba sila ngayon."
"Sige, salamat." Nadismaya siya. Kung talagang totoo ang sinabi nito, baka ay naunahan na siya ng Julia na iyon.
"Okay lang iyan, Kath. Sure akong pinag-tripan ka lang ng Neil na iyon. Walang magawa sa buhay iyon, eh."
"Sana nga, Miles. Sana hindi sila magkasama ngayon - " Naputol ang sasabihin niya dahil parang may commotion na nangyayari sa labas ng restobar. Lahat ng tao'y dali-daling lumabas ng restobar para alamin ang kaguluhan. Lumabas din sila ni Miles at nagulat sa nakita. Nagkakasalpukan na naman sina Daniel at Enrique. Nandoon din si Julia. Parang deja vu ang mga nangyayari. Ganito din ang nangyari noong unang nag-away sina Daniel at Enrique dahil naghahalikan si Enrique at Julia. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong awatin ang dalawa dahil naawat na ang mga ito ng mga teammates nito.
"Pare, hanggang dito pa ba, nag-aaway pa rin kayo?" sabi ni Vince na siyang umawat kay Enrique.
"Eh, gago iyang si Daniel, eh. Nakita ko siyang hinahalikan si Julia. Hinahalikan niya girlfriend ko. Mang-aagaw siya ng girlfriend!" bulyaw ni Enrique.
"Eh, sino ba ang unang nang-agaw? Ha? 'Di ba ikaw? Naman Enrique, baka nakalimutan mo? Ikaw ang unang nang-ahas?" paganti ni Daniel.
"Eh, gago ka pala, eh!" pasugod na naman ni Enrique pero naawat pa rin nila Vince.
"Tama na iyan! Ano ba kayo?" napasigaw nalang siya sa dalawa. Napatingin si Daniel at Enrique sa kanya. Napatitig siya kay Daniel. Labis siyang nasaktan. Talagang mahal pa nito si Julia. Nakikipaghalikan pa nga ito kay Julia, 'di ba? Mukhang nagkamali si Miles. Hindi siya mahal ni Daniel. Si Julia lang ang mahal nito.
"Kath." Halata ang guilt sa mga mata nito. Hindi na niya kailangan magtanong pa kung totoo nga ang sinabi ni Enrique.
"Ano ba kayo? Ba't kayo nag-aaway? Dahil lang sa isang babae? Ang babaw niyo naman!" Napaiyak siya sa sobrang kabiguan.
"Anong sabi ko sa iyo, Kath? Manloloko siya! Niloloko ka lang niya. Hindi ka talaga niya mahal. Ginagamit ka lang niya para makuhang muli si Julia. Hindi ka kasi nakinig sa akin," sabi ni Enrique kay Kath.
"Ano? Anong sinabi mo kay Kath? Siniraan mo pa ako, gago ka?" Pasugod na naman si Daniel.
"Tama na! Ano ba?" sigaw na naman niya. Hindi na niya kinaya ang nararamdaman kaya'y nagpasya siyang umalis na. Nakalayo na siya sa lugar nang naramdaman niyang may umagapay sa kanya. Malamang si Miles iyon.
"Kath." Napalingon siya. Hindi pala si Miles ang nakasunod sa kanya kundi si Daniel. Hindi siya huminto. Naglalakad pa rin siya nang hawakan ni Daniel ang kanyang mga balikat.
"Galit ka ba sa akin?" tanong ni Daniel. Ano ba ang sasabihin niya dito?
Oo, galit ako sa iyo. "Hindi ako galit."
"Bakit ayaw mo akong kausapin?"
"Wala. Wala ako sa mood."
"Sorry na, Kath." Napahinto siya sa paglalakad. Hinarap niya ito sa wakas.
"Sabihin mo nga sa akin ang totoo, DJ. Ano ba talaga ang nangyari?" tanong niya dito.
Napabuntong-hininga ito. "Kinausap ako ni Julia kanina. Sabi niya, nakipag-break na daw siya kay Enrique. Hindi pala niya kaya ang mawala ako sa buhay niya. Gusto niyang makipagbalikan."
"Ano naman ang sabi mo?" Sana sinabi mong ayaw mo nang makipagbalikan dahil ako na ang mahal mo, DJ. Sana.
"Hindi ako sumagot."
"Bakit?"
"Dahil naguguluhan ako."
"Ba't ka naguguluhan? Saan ka naguguluhan? Hindi ba't iyon na ang hinihintay mo? Na makipagbalikan si Julia sa iyo. Iyon naman talaga ang plano natin?"
Biglang dumilim ang anyo ni Daniel. "Iyon din ba ang hinihintay mo? Na makipagbalikan si Julia sa akin?"
"Ano?" Ayoko ngang makipagbalikan sa iyo ang malandi na iyon, eh. Gusto ko, tayo nalang dalawa.
"Para nga naman kayo na ni Enrique ang magkatuluyan."
"DJ, huwag mong ibahin ang usapan. Ikaw ang tinatanong ko."
"Gusto mo bang makipagbalikan ako kay Julia, Kath?"
Hindi. "Eh, di ba iyon ang hinihintay mo?
"Gusto mo ba akong makipagbalikan sa kanya?"
Hindi nga sabi. "Oo."
Tumahimik ito saglit at tinitigan siya. Naiiyak na siya pero ayaw niyang ipakita dito na labis siyang nasasaktan.
"Okay, have it your way. Makikipagbalikan na ako kay Julia. Sana maging masaya kayo ni Enrique." Pagkatapos pagkasabi niyon ay tinalikuran na siya nito at tinahak ang daan papuntang restobar. Dahil hindi man lang ito lumingon pabalik sa kanya, hindi na nito nakita ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro