Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Lunes nang araw na iyon at apat ang klase ni Kath. Magsisimula ang klase niya nang seven-thirty in the morning at magtatapos ng eleven-thirty. Puro minor subjects lang ang klase niya sa araw na iyon. Iyong dalawang major subjects kasi niya ay Tuesday at Thursday ang schedule.

Kasalukuyang nasa canteen si Kath at nanananghalian. Tapos na ang lahat ng klase niya at kumakain siya ng lunch.

"Kath!" Nagulat siya sa bumungad sa harap niya. Isang kaklase at matalik din niyang kaibigan ang humihingal sa harap niya na obvious na kagagaling lang sa pagtakbo.

"Miles? Anong nangyari sa iyo?" gulat na tanong niya.

"Si... ano, ah - whoo! Ano ba ito? Si..." pahayag nito habang humihingal pa. Nag-alala na siya para dito at sa kung anong sasabihin nito. Nararamdaman niyang may masamang nangyari. Nilapitan niya ito at inabutan ng tubig.

"Salamat sa tubig. Kath, si Daniel at si Enrique, nagsusuntukan na naman," anito pagkatapos makainom ng tubig.

"Ano? Nasaan sila?" gulat at nag-aalalang tanong niya dito.

"Nasa basketball court. Dalian mo na bago - Kath! Teka! Hintayin mo ako!" Sumunod ito kay Kath na nagmamadaling pumunta sa basketball court.

Nadatnan ni Kath sina Daniel at Enrique na nagsusuntukan nga sa basketball court. Dahil mas napinsala si Enrique noong huling away nito, ito ang mas bugbog sa suntukan nito at ni Daniel. Pero kahit ganoon, himalang nakakubabaw ito kay Daniel.

"Ano ba? Tama na iyan! Hoy!" Pilit na pag-aawat niya sa dalawa.

Nakatama ng suntok si Daniel kay Enrique kaya bumaliktad na naman ang pangyayari. Si Daniel na ang nakakubabaw ni Enrique.

"DJ! Tama na!" hiyaw niyang hindi pa rin pinapansin ng mga ito.

Ang ibang ka-team nito ay nakamasid lang sa dalawang magkaibigan na para pa ngang nag-eenjoy sa pinapanood.

"Hoy! Ano ba kayo? Awatin ninyo sila! Awatin ninyo!" sigaw niya sa mga ka-teammates nito na siyang dahilan para matauhan at kumilos ang mga ito. Nahila nito sina Daniel at Enrique mula sa pagsusuntukan. Nilapitan agad niya si Daniel. Tamang-tama namang dumating si Julia sa court. Lumapit ito kay Enrique at inalalayan. Inalalayan nito si Enrique palabas ng court. Nagsilabasan na rin ang ibang taong nandoon.

Kumirot na naman ang puso niya. Nasasaktan talaga siyang makita si Enrique at si Julia.

"I guess the show's over," bulong na sabi ni Daniel.

Tumingin siya dito.

"DJ, ano bang nangyari? Ba't kayo nag-away ulit?" galit na usisa niya dito.

"Eh, hayop 'yong gagong iyon eh. Wala akong ginagawa sa kanya. Siya ang kusang lumapit sa akin at sinuntok ako agad. Alangan namang magpabugbog ako."

"Hay! Bugbog ka pa nga't bali ang katawan, nagpapabugbog ka na naman ulit."

"Sus, eto naman. Para lang sa maliit na suntukan namin, nagpapanic agad. Wala iyon. Walang masyadong napinsala sa akin."

"Talaga? Sana pala'y nabalian ka na lang ng lahat ng buto mo sa katawan para hindi ka na makakapag-suntukan pa kahit kailan."

"Ang sakit mo namang magsalita." Nakita niyang nagbago ang anyo nito. Parang nasaktan ito sa sinabi niya.

Napabuntong-hininga siya. "Eh, ikaw naman kasi. Pinag-aalala mo ako."

Nag-iba agad ang ekspresyon nito. Galit na itong bumaling sa kanya.

"Ako ba talaga ang inaalala mo? O inaalala mo ang pinakamamahal mo?"

"Ha?" Ano ba ang pinagsasabi nito?

"Gusto mong mabali ang lahat ng buto ko para hindi ko na mabugbog si Enrique," galit pa rin na sabi nito habang naglalakad patungong locker room ng boys.

"DJ, teka, sandali!" paghahabol niya dito.

Nahabol niya ito pero hindi niya ito napigilan. Pumasok na ito ng locker room. Nahinto siya sa pinto ng locker room. Sigurado siyang maraming tao ang nasa loob ng locker room. Pero kailangan niyang makausap si Daniel. Matindi pa naman ito kung magdamdam.

Bahala na nga!

Bago siya pumasok ng locker room ay humugot muna siya nang malalim na hininga.

"Hey! What's a girl doing inside the boys' locker room?" narinig niyang hiyaw ni Neil, isang teammate ni Daniel at ang sabay-sabay na kantiyaw ng iba nitong teammates.

"Uy! Daniel, ano ba iyan? May kinaladkad ka pang babae dito!" hiyaw pa ng isa nitong teammate, si Vance.

Nagtawanan ang lahat ng lalake doon sa loob.

Binale-wala nalang niya ang pangangantiyaw nito at hinabol si Daniel.

"What are you doing here? Inside the boys' locker room?" gulat na baling ni Daniel sa kanya.

"Eh, hindi mo ako pinakikinggan eh. Hindi ka pa nagpaawat. Kaya heto, hinabol na kita dito sa loob."

Natawa ito. "Ano ka ba? You could've waited for me outside."

"Ha? Ah, baka kasi ayaw mo na akong kausapin at pakinggan."

"Hindi naman kita tatakasan ah. Gusto mong ma-rape? O baka gusto mo lang makakita ng private thing ng lalaki?"

"Sunggaban mo na, Daniel!" kantiyaw pa ni Vince, isa pang teammate nito at kakambal ni Vance. Nagtawanan pa ang ibang teammates nito na siyang rason sa pamumula ng kanyang pisngi.

"Ewan! Makaalis na nga!" Sinapak niya ang braso nitong may cast at tsaka nagmartsa na palabas ng locker room. Hindi na niya hinintay si Daniel dahil nababagot siya dito kaya'y dumiretso na siya ng uwi.

 __________

"I have a proposition to make," bungad kay Kath ni Daniel habang nagdidilig siya sa mga halamang tinanim niya sa garden ng bahay nila.

Tumingin siya dito saka ay inirapan.

"Hey, are you still mad?"

Hindi pa rin siya umimik dito at inignora.

"Hoy, sorry na. Please? Patawarin mo na ako."

Tiningnan niya ito at nakita naman niyang sincere ito sa patawad nito.

"Walang-hiya ka. Ginawa mo pa akong pagkatuwaan ng mga kaibigan mo," iritang sabi niya dito. Bumaling siya sa mga halaman at pinagtuunan ito ng pansin.

"What? Pagkatuwaan? Hindi ka namin pinagkakatuwaan."

"Eh, anong tawag mo doon?"

"Hey, c'mon. Parang hindi mo sila kilala. Alam mo namang walang mga utak ang mga taong iyon. Huwag mo nang isipin iyon."

"Nakakahiya kaya."

"Nakalimutan na nila iyon. And if it makes you feel better, humihingi sila ng tawad sa iyo."

Tiningnan niya ito at tinaasan ng kilay. Kinurot niya ang tenga nito. "Huwag na huwag mo nang uulitin iyon ha?"

"Aw! Aw - Yah, I promise!" anito at humihiyaw sa sakit.

Pinakawalan na niya ang tenga nito. "Good boy!"

Bahagya itong tumawa habang pinipisil-pisil ang kinurot niyang tenga nito. Nagpunta ito sa swing na madalas nilang tinatambayan. Ini-off muna niya ang hose na ginamit niya at tsaka ay sumunod na dito doon.

"Masakit ba?" nag-alalang tanong niya dito. Hindi lang para sa tenga nito pero para na rin sa nadaragdag na pasa nito sa mukha.

"Ha? Hindi, ah. Mabubuhay pa ako." Parang nahulaan nito ang tanong niya.

Tumango lang siya dito. Naalala niya ang sinabi nito sa kanya.

"So, ano ba iyong proposition na sabi mo kanina?"

Tumingin muna ito sa kanya bago sumagot. "Ah, wala iyon. Pick-up line. Magandang pambati."

"Pambati? Ano iyon? 'I have a proposition to make'? Magandang pambati ba iyon?" Tinawanan niya ito.

"Sige. Tumawa ka. Bahala ka diyan."

Tumawa lang siya nang tumawa. Hindi lang ito kumibo. Bumuntong-hininga pa nga ito.

“Alam mo kung bakit nag-away na naman kami ni Enrique kanina?” biglang pagbubukas nito.

Napatingin siya dito. “Bakit?”

Nagbuga ito ng hangin. “Lumapit siya sa akin at tinanong kung bakit ko raw nilapitan si Julia.”

“Lumapit ka kay Julia?”

“Hindi.”

“Ano iyong sinasabi ni Enrique?”

“The last time I went here, remember na pinatawag ako ni Mommy?”

She just nodded.

“Pinatawag niya ako kasi pumunta si Julia sa bahay.”

Kumunot ang noo niya. Ano naman ang ginagawa ni Julia sa bahay nito? Biglang uminit ang dugo niya.

“Nag-argue na naman kami. Ayaw niya kasing pumupunta-punta ako sa bahay ninyo.”

Sa pagkakataong iyon, tumaas naman ang kilay niya. “Anong drama niya?”

“Matagal na kasi siyang nagseselos sa iyo. Kasi nga raw, palagi nalang ikaw ang kasama ko gayong siya naman ang girlfriend ko. Pero hindi naman totoo iyon, siyempre. I have enough time for her naman. Ba’t hindi niya ma-realize ang time na iginugugol ko sa kanya? Napakaselosa niya. Nasasakal ako.”

“Talaga?”

He just nodded then sighed.

“Ang drama naman pala ng mahaderang girlfriend mo.”

“Huwag kang magsalita nang ganyan. Pinsan mo iyon.”

“Wala akong kilalang pinsang malandi.”

Tumahimik lang ito at napailing.

"Sige. I have to go," anitong papatayo na.

Pinigilan niya ang braso nito. "Hoy, nagtatampo ka? Sorry."

"Hindi ako nagtatampo. Meron lang talaga akong dapat gawing importante. Pumunta lang ako dito para humingi ng tawad tungkol kanina. And to just talk to you."

"Ah, ganoon ba?"

"Oo."

"Sigurado ka?"

"Oo nga, sabi. Ang kulit."

Ningitian niya ito. "Sige. Ingat ha?"

Tumango lang ito at umalis na. Hindi pa man natagalang lumabas ito ng gate ay may pumasok naman doon.

"Miles!" masayang bati niya dito.

Agad na lumapit sa kanya ang kaibigan niya sa kinaroroonan niya.

"Nagkita kami ni Daniel sa labas ng bahay ninyo."

"Ah, oo. Kagagaling lang niya dito."

"Alam mo? Kung hindi ko lang alam na close talaga kayo, iisipin kong may something siya sa iyo."

"Anong something iyang pinagsasabi mo?"

"Something like love."

"Ano? Bakit mo naman nasabi iyon?"

"Eh, parang ibang atensiyon kasi ang ibinibigay niya sa iyo."

"Ganoon din iyon sa ibang tao. Hindi lang sa akin."

"Sabagay. Pero parang may kutob ako, eh. Alam mo naman ako, talagang gumagana ang instincts."

"Guni-guni mo lang iyon. Parati ka kasing nanonood ng telenovela. Tingnan mo na."

"At sino ba sa atin ang mahilig magbasa ng mga romantic novels?"

Nagtawanan lang sila.

"Hindi na ako magkakaila kung bakit nga nagseselos sa iyo si Julia."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Narinig ko kasing nag-uusap siya at iyong mga kaibigan niya sa labas ng clinic. Akala ko kasi nandoon ka kasama ni Daniel. Pero bago ako nakapasok, iyon nga, nakita ko sila Julia sa labas ng clinic at nag-uusap. Narinig kong kaya pala iniwan niya si Daniel ay dahil galit na galit siya sa kanya. Hindi ka raw magawang iwasan ni Daniel. Nagseselos siya sa iyo."

Iyon din ang sinabi sa akin ni Daniel, gusto sana niyang sabihin kay Miles pero ayaw muna niyang pag-usapan ang bagay na iyon.

"Wala naman kaming ginagawang masama ni DJ. At tsaka, magkaibigan lang kami."

"Iyon nga, magkaibigan nga lang kayo, kung umasta si Daniel ay parang mas mahalaga ka pa raw kaysa sa kanya na girlfriend niya. Kaya ganoon."

"Pero paano na si Enrique? Ginagamit lang niya si Enrique para makaganti kay DJ?"

"Hindi ko alam. Wala naman silang nabanggit tungkol sa Enrique mo."

Tumango lang siya dito.

Napabuntong-hininga ito. "Hindi ko rin alam sa Enrique na iyan, eh."

Napatingin siya dito. "Bakit naman?"

"Eh, halata namang may gusto din siya sa iyo."

"Ha? Paano mo naman nasabi iyon?

"Napi-feel ko lang."

"Ganyan naman palagi ang sinasabi mo, eh."

Tumawa ito ng malakas. "Pero alam mo friend, siguro, kung ipapakita mo sa kanya kung anong mawawala sa kanya kung hindi ka niya pinili, sigurado akong maghahabol iyon sa iyo."

"Talaga lang ha?"

"Oo. No offense meant ha, pero kung mag-ayos ka lang ng kaunti, maglagay ng make-up at tsaka ay magsuot ng mga seksi na mga damit, I'm sure, maglalaway iyon sa iyo."

"Ow?"

"Oo."

Napaisip siya sa theory ng kaibigan niya. Paano kung totoo nga ang sinasabi nito. Sabagay naman kasi, talagang ang mga nakakabighaning  kagandahan naman talaga ang tipo nito. Kung maglalagay lang siguro siya ng make-up at magpapalit ng damit na mas seksi, siguro'y magkakainteres na si Enrique sa kanya. Napangiti siya nang malawak.

"Anong nangyari sa iyo?" gulat na tanong ni Miles.

"Tulungan mo ako."

"Ano? Sa ano?"

Tumayo na siya at tumingin sa kaibigan. "Ipapakita ko sa Enrique na iyan kung ano ang mawawala sa kanya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro