Chapter 3
Nagising siya kinabukasan nang may marinig siyang ingay sa ibaba ng bahay. Tiningnan niya ang alarm clock niya. Maaga pa naman para maghanda ang mama niya sa pagsimba. Bakit parang ang ingay-ingay na sa ibaba?
Nang pumanaog siya ay nagulat na lamang siya nang makita si Daniel na nakaupo sa sofa ng sala nila.
"Hi Kath!" bati nito sa kanya.
"O, DJ! Ba't andito ka?" tanong niya dito. Malapad ang ngiti nito habang tinitingnan siya nito mula ulo hanggang paa. Doon lang niya na-realize na hindi pala siya nakapag-ayos nang lumabas siya ng kwarto kaya marahil ay magulo pa ang buhok niya at may muta pa siya sa mata. Na-conscious tuloy siya sa hitsura niya, lalo na't iba ang tingin na ipinupukol sa kanya ni Daniel.
"Ba't ganyan ka makatingin?" dinaan nalang niya sa inis ang pagtanong dito. Ayaw niyang mahalata nito ang uneasiness niya at pag-iinit ng pisngi niya.
"Wala. Maganda ka pala kapag bagong gising 'no?" ngiting sabi nito.
"Uy, Daniel. Maaga pa. Hindi pa ako ready sa kagagohan mo."
Ngumiti lang ito. Halatang natuwa sa reaksiyon niya.
"Hmp! Makaalis na nga!" Umagang-umaga, iniinis ako.
Pumasok siya sa kusina nila at nadatnan ang mama niya na naghahanda ng almusal nila.
"Kath, sino ba ang gwapong iyan sa sala natin? Nanliligaw sa iyo? O boyfriend mo na?" tanong ng mama niya habang binubuhusan ng orange juice ang isang baso.
"Ma, kaibigan ko lang siya. Kapitbahay nga lang natin siya, eh. Nakatira siya sa bahay na nasa tapat ng bahay natin. At boyfriend siya ni Julia, kaya lang, naghiwalay na sila."
"Oh. Inagaw mo?" Nakabahid ang pilyang ngiti ng mama niya.
"Ma!" Pasaway talaga itong mama ko.
"O siya, ibigay mo na ito sa kanya at samahan siya doon. Ako na lang ang bahalang mag-asikaso dito. Baka mainip 'yon, maghanap pa ng iba," sabi ng mama niya sabay abot ng baso.
Tumawa nalang siya. Kitang-kita talaga kung saan siya nagmana. Tumungo nalang siya sa sala at nakita si Daniel na tumitingin sa isa sa family album nila. Nilapitan niya ito at ibinigay ang baso ng juice.
"Salamat," anito nang kinuha ang baso mula sa kanya. Kinuha niya ang family album at nakita ang picture niya noong bata pa siya na naliligong nakahubad. Namula agad ang kanyang mga pisngi. Nakakahiya!
"Ang cute mo diyan," natatawang sabi nito.
Mas pinamulahan pa ang kanyang pisngi sa sinabi nito. "Huwag kang magpatawa, DJ."
"Hindi talaga. Ang cute mo diyan."
Hindi na niya alam kung gaano na kapula ang mga pisngi niya dahil tumawa ito ng malakas.
"Ba't ka tumatawa diyan?" inis na tanong niya dito.
"Nahihiya ka kasi. Hindi ako sanay na nahihiya ka sa harap ko. Nasanay lang akong nahihiya ka kapag kaharap mo si Enrique." Panay pa rin ang tawa nito.
"Hindi ako nahihiya."
"Sus. Aminin mo na kasi."
"Hindi nga, ang kulit mo."
"Huwag ka nang mahiya. Marami na akong nakitang mga ganyan."
Nanlaki ang kanyang mga mata. Ibig sabihin ba nito, hindi na ito - ? Ohmyghad!
"Hoy, huwag kang mag-isip ng kung anu-ano diyan. Ang ibig kong sabihin, marami na akong mga pinsan na may mga asawa't anak na, at sa tuwing dadalaw ako sa kanila, may mga panahon na nasasaksihan ko ang mga anak nilang naliligo sa labas ng bahay na nakahubad. Katulad ng ito."
"Ah..." Lumuwag din ang kanyang pakiramdam. Akala ko, ano na eh.
Eh, ba't parang affected ka yata ngayon? bulong ng isang parte ng isip niya.
Ngumiti lang ito sa kanya. "Ang dumi pala ng isip mo."
"Cheh!" Inirapan lang niya ito. Tumawa naman ito. Natawa na rin siya. Kapag tumatawa kasi ito, kahit naiinis siya, nawawala ang inis niya dito. Maaliwalas kasi ang mukha nito kapag tumatawa. Para bang nararamdaman niya ang peace of mind sa tawa nito. Hindi niya alam, pero ganoon talaga ang epekto ng tawa nito sa kanya kahit noong una pa silang nagkakilala.
"Mukhang nagkatuwaan kayo ha? Mamaya na muna iyan, kain muna tayo. Masarap ang mga niluto ko. Halina kayo," sabi ng mama niya na kanina pa pala nakamasid sa kanila.
Sumunod naman silang dalawa sa mama niya patungong dining room.
__________
"Ang sarap palang kasama mama mo," sabi ni Daniel kay Kath. Nasa hardin sila noon sa likuran ng bahay at nakaupo sa swing na gawa nila ni Daniel doon.
Tumaas ang isang kilay niya. "Mama ko lang?"
"Ba't ngayon ko lang siya nakita? Ang tagal-tagal ko nang pabalik-balik dito sa bahay ninyo, ngayon ko pa lang nakita at nakilala ang mama mo."
"Hindi ka naman kasi nagtatanong."
"Akala ko kasi si Tita Alice ang mama mo, eh." Ang tagapag-alaga niya ang tinutukoy nito.
"Ano?" Tumawa siya sa konklusyon nito. Sabagay, para ngang mama na niya ang Nanay Alice niya. Matagal na rin itong nag-aalaga sa kanya kaya ganoon na rin ang turing niya dito.
"Oo. Nanay ang tawag mo sa kanya eh, kaya napagkamalan ko tuloy. Saan ba galing ang mama mo?"
"Galing siya sa abroad. Bago pa lang siyang nakauwi."
"Ah, ganoon ba? Ba't hindi mo sinabi sa akin? Para nakapag-house warming naman tayo para sa kanya."
"Ang house warming, para lang sa lumilipat ng bahay. Galing lang abroad ang mama ko, hindi siya lumipat ng bahay."
Tumawa lang ito. "Kath, may itatanong ako sa iyo. Pero huwag ka sanang magalit, ha?"
"O, sige. Ano iyon?"
"Pwedeng ligawan mama mo?"
Masama ang tinging ipinukol niya dito. "Pwede, kung gusto mong maging kalansay ka na ngayon."
Tumawa na naman ito. Panay ang tawa nito kanina pa habang kumakain sila ng almusal.
"I'm glad nag-enjoy ka, DJ. Pero may feeling akong kaya ka pumunta dito sa bahay namin ay dahil nababagot ka diyan sa bahay ninyo."
Ngumiti ito. "Hindi naman. Gusto ko talagang pumunta dito dahil gusto kong magpasalamat sa iyo sa nangyari kahapon. Dahil sinamahan mo ako sa clinic, at tsaka hindi ka pa nagalit sa akin noong nasuntok kita. And speaking of which, gusto ko ring humingi ng dispensa sa nangyari. Hindi ko talaga sinasadya. Humaharang-harang ka kasi, eh. Nasuntok tuloy kita."
Gumanti siya ng ngiti dito. "Wala iyon. Hindi naman nasira ang mukha ko, eh. Maganda pa naman ako, di ba?"
"Asa ka pa," natatawang sabi nito.
Binatukan na naman niya ang noo nito. "Huwag ka nang mang-asar!"
"Aray! Huwag kang manakit ng kapwa. Masama iyan. Lalo na sa mga injured!"
"Injured ka diyan! Wala akong kinikilalang injured kapag naiinis ako."
"Oo nga. Bayolente ka palang tao, nakalimutan ko."
Babatukan na naman niya ito pero nakailag ito. Tumawa lang ito nang tumawa. Lumipas ang ilang sandali na tahimik lang silang dalawa. Ang weird isipin, pero hindi awkward ang silence nilang dalawa sa oras na iyon. Para pa ngang nakakapagpanatag ng loob ang tahimik na namamagitan sa kanilang dalawa.
"DJ, okay ka lang ba?" tanong niya dito. Siya ang unang bumasag sa katahimikan.
Bumuntong-hininga ito. "Okay naman talaga ako, eh."
"Talaga? Pwede mo naman sabihin sa akin ang nararamdaman mo. Kung nagagalit ka, nalulungkot, nasasaktan, pwede mong sabihin sa akin."
"Ikaw? Okay ka lang ba?"
"Sa totoo lang? Hindi. Alam kong wala akong karapatang masaktan dahil wala naman kaming relasyon ni Enrique, pero nasaktan pa rin ako. Hindi lang dahil may ibang mahal si Enrique kundi pati na rin sa kung sino ang babaeng pinili niyang mahalin. Sanay na sana ako kung may bagong girlfriend na naman si Enrique. Pero ngayong si Julia na, hindi ko matanggap."
Tumahimik lang ito at tila malalim ang iniisip.
"Bakit si Quen?" biglang tanong nito.
"Ha?"
"Bakit gusto mo si Enrique?"
Tumingin siya dito. Seryosong-seryoso ang anyo nito. "Natatandaan mo pa ba noong ipinakilala mo si Enrique sa akin noon?"
Hindi ito sumagot.
"Sabi mo nga sa akin noon, kulang nalang ay tumulo ang laway ko para magmukha akong tanga. Hindi ko rin alam kung bakit napatanga lang ako kay Enrique nang ganoon. Parang biglang lumiwanag ang buhay ko at nakita ko sa kanya ang perfect dream guy. Kasi, bihira nalang ang mga lalaking katulad niya. Saan ka pa ba makakakita ng lalaking kasinggwapo, matalino, responsable, matiyaga, at mayaman pa. Hindi naman sa naghahanap ako ng lalaki base sa market value, pero wala ka na talagang mahihiling pa sa kanya. Hindi ko alam. Perfect epitome na yata siya ng isang prince charming, or knight in shining armor. Iyon bang pang-fairy tale."
Tumawa lang siya. Hindi lang ito umimik.
"Ikaw? Bakit si Julia?"
Bumaling ito sa kanya at tiningnan siya ng mataman. Hindi niya alam kung ano pero may nakita siyang iba sa mga mata nito. Para bang may gusto itong sabihin sa kanya pero pinag-iisipan pa kung sasabihin ba talaga. At parang ang lalim nang sasabihin nito.
Tumikhim siya at nagbago ang ekspresyon nito. Binawi nito ang tingin sa kanya at tumingin sa kawalan.
"Hoy, ano na? Sagutin mo ang tanong ko," pukaw niya dito.
"Ha? Ah, wala. Ano, kasi, maganda siya, at sexy. At saka, maipagmamalaki siya sa lipunan."
"Ha? Iyon lang? Napakababaw naman."
"Sorry. Mababaw akong tao, eh."
Tiningnan niya ito. "Alam mo, hindi."
Kunot-noong binalingan siya nito. "Ha?"
"Hindi ka mababaw."
"Paano mo naman nasabi iyon?"
"Dahil kilala kita, DJ. Hindi ka mababaw na tao. Kung mababaw ka, sana'y napatay mo na nga si Julia at si Enrique dahil sa kanilang pagtataksil. Pero hindi, eh."
"Bakit? May plano kang patayin sila?" nagbibirong tanong nito.
Tiningnan niya ito ng masama. "Ano ka ba? Wala 'no. Mabait akong tao. Pero kung pwede lang talaga, ginawa ko na iyon eh."
"So may plano ka nga."
"Wala nga!"
Tumawa ito. "Okay, I believe you."
"Bahala ka sa buhay mo."
Ngumiti ito at bumuntong-hininga. Parang nababagabag pa rin ang kalooban nito. Paano naman hindi? Kahit siya na wala talagang karapatang masaktan at mabagabag sa nangyari, nagluluksa siya.
Ano ba kasi ang nakita mo, Enrique, at si Julia pa ang napili mo? Mas socially inclined nga lang siya pero parehas lang naman kami ng kagandahan. Napabuntong-hininga nalang din siya.
"Anong iniisip mo?" bulabog ni Daniel sa isip niya.
"Ano? Uh... Naisip ko lang kasi, paano nagustuhan ni Enrique si Julia. I mean, anong nakita niya dito para maging patay na patay siya dito? Hindi ko talaga maintindihan."
"Kath..."
"Ano ba ang mali sa akin, DJ? Ba't ba walang taong nakakakita sa akin? Mula pa noong mga bata pa kami ni Julia, parati nalang siya ang napipili. Siya parati ang magaling, ang maganda, ang lahat. Kahit magpinsan lang kami, hindi ko talaga maiwasan ang magalit o masaktan dahil parati nalang kaming kino-compare. Parati din siyang nananalo. Ano ba naman kasi ang laban ko sa kanya? Siya na ang lahat-lahat eh. Ano ba naman ako? Wala lang. Isang simple, ordinaryong babae na walang binatbat sa mundo."
Hindi na niya namalayang may namuo na palang luha sa kanyang mga mata kung hindi ito pinahid ni Daniel gamit ang daliri nito. Napatingin siya dito.
"Sabihin mo nga sa akin, DJ. Am I not good enough for someone - anyone to love? Or kahit man lang makita nila kung ano talaga ako? May mali ba sa akin? Sabihin mo sa akin, DJ. Iyong totoo. Iyong hindi kasinungalingan. Why can't Enrique see me the way he sees Julia? Why can't everybody?"
Niyakap siya ni Daniel. Hindi na niya mapigilan ang pagdaloy ng luha niya sa kanyang mga mata. Para bang ang yakap ni Daniel ang nakakapagbibigay ng comfort kaya tuloy hindi niya mapigilan ang umiyak.
"Shhh. Huwag mo nang isipin iyon, Kath. Marami ang nagmamahal sa iyo."
Nanatili siya sa mga bisig ni Daniel na umiiyak. Hindi niya alam kung kailan siya mahihinto, pero alam niyang sa mga bisig nito, mapapanatag din ang kanyang loob.
__________
"DJ, saan ka galing?" bungad kay Daniel ng mommy niya.
"Ah, galing lang po ako kina Kath, Mom. Bakit?"
"May naghahanap sa iyo."
Tiningnan niya kung sino ang bisita nila at nagulat nalang ng nakita niyang si Julia ang nakaupo sa sala nila. May dala pa itong baked cookies na paborito niya. Biglang tumigas ang ekspresyon sa kanyang mukha. Mukhang nahalata ng mommy niya na may dapat silang pag-usapan kaya kusa na itong umalis.
"What are you doing here?" aniya nang matiyak niyang wala nang taong makakarinig sa kanila.
"I see that palagi ka paring pumupunta sa bahay ni Kathryn."
"So? It's none of your business."
"What do you mean it's none of my business? Girlfriend mo ako!"
"Ex-girlfriend."
"We didn't break-up yet."
"Oh yeah? Well, I'm breaking up with you. So, we're done."
Napakla ito ng tawa. "I can't believe you, Daniel."
"So do I."
"See? This is the reason why - "
"Ipinagpalit mo ako kay Enrique?"
"You don't care kung makuha nga niya ako."
"Pinili mo na siya, di ba?"
"You don't even fight for me."
"I don't fight for you? So what's this, Julia? Kulang pa ba itong cast sa braso ko at itong pasa ko sa mukha para sabihin mong I didn't fight or won't fight for you? You're senseless."
"You don't care for me. Binabale-wala mo ako. Kalahati lang ng atensiyon mo ang ibinibigay mo sa akin. Mabuti pa nga si Kathryn, eh. Nasa kanya lahat ng atensiyon mo."
"You leave Kath out of this."
"Bakit? Totoo naman, eh. Parati nalang siya ang pinupuntahan mo kapag gusto mo ng kasama, kapag may problema ka, o kapag dahil gusto mo lang. Pero ako, ano? Pinupuntahan mo lang ako dahil sinabi ko o dahil na-ooblige ka. At ano lang ba siya sa buhay mo? Kaibigan mo lang siya. She's just nothing but your friend. I'm your girlfriend. Bakit mas pinahahalagahan mo pa siya kaysa sa akin gayong dapat ako ang mas importante sa buhay mo?"
"That's absurd."
"Isa lang nga ang hiniling ko sa iyo, di ba? Ang layuan na ang Kathryn na iyon. Pero hindi mo siya nilayuan."
"She's my friend."
"Then it's best if I let you choose between me or your friend. Ako na girlfriend mo, na nagmamahal at nagmamay-ari sa iyo? Or iyong Kathryn na iyon, na walang silbi sa buhay mo?"
"If you really love me, you wouldn't let me choose between me or my friends. Dahil mahalaga ang mga kaibigan ko para sa akin."
"And I'm not?" mangiyak-ngiyak na sabi nito.
"You know you are, Julia." Iyon lang at tumalikod na siya dito. Hindi na niya nakita, pero narinig niya ang pag-iyak nito.
__________
"Anak, I didn't mean to eavesdrop, pero narinig ko ang pinag-uusapan ninyo ni DJ kanina," sabi ng mama ni Kath habang umuupo katabi niya sa swing. Nakaupo pa rin siya doon at pinag-iisipan ang napag-usapan nila ni Daniel kanina. Nakauwi na ito dahil pinatawag ito ng mommy nito.
"Ano ba ang problema?" tanong nito sa kanya.
"Ma, have you ever been in love before?"
"Hindi ba obvious?" pabirong sabi nito.
Tumawa siya nang bahagya.
"Anak, nagkakaproblema ka dahil sa pag-ibig?"
Tumingin siya sa mama niya at napayuko.
"Sus, nahihiya pa siya. Huwag kang mahiya sa akin."
"No, Ma. It's not just because bigo ako sa pag-ibig."
"Yeah. I heard the other problem. Tungkol kay Julia."
Lalo siyang nahiya sa mama niya. Nahihiya siyang narinig pa nito ang self-pity niya sa sarili.
"Anak, hindi sa nalalamang si Julia sa iyo kaya ito napapansin ng lahat. It's just that mas malakas ang self-confidence niya at talagang ipinapakita niya sa ibang tao iyon. It doesn't mean that because siya ang mas pinapansin ng tao, makes you a lesser person that you are. And it doesn't make you a lesser person than she is."
"Hindi ko po lang talagang maiwasan ang ma-insecure."
"Bakit? Ano ba kasi ang nangyari?"
Isinilaysay niya sa mama niya ang buong kuwento at buong pangyayari.
"Wow. Ang tindi pala talaga ng dinaraanan ninyo, especially DJ."
"Oo nga. Naaawa nga ako sa kanya, Ma."
"And yet, he was the one to comfort you. Mahal ba talaga niya si Julia?"
"I think so. Ngayon ko lang kasi siya nakitang nakipagbakbakan talaga para sa isang babae. Usually, if nalaman niyang nagto-two-time ang girlfriend niya, pinapalusot lang niya iyon at hinihiwalayan. Hindi siya iyong tipong nakikipagsuntukan pa. Pero iba ngayon kay Julia, Ma. Worst, matalik na kaibigan pa niya ang binangga. Kung ganoon kasi, dapat ang nangyari, hiniwalayan nalang niya si Julia at isinalba lang ang pagkakaibigan nila ni Enrique. Alam kong mas importante talaga sa kanya ang friendship."
"Parang ang dami mo na talagang alam tungkol kay Daniel."
Tumango lang siya dito. Hindi pa pala niya lubusang naikuwento sa mama niya ang tungkol sa pagkakaibigan nila ni Daniel. Iginugol niya ang oras kasama ang mama niya sa pagkukuwento niya dito sa lahat ng mga nangyari sa kanila ni Daniel at kung paano nabuo ang pagsasamahan nilang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro