Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Nasa girls' locker room si Kath at kasalukuyang nagbibihis ng damit. Katatapos lang niyang mag-swimming sa pool. Kinailangan niyang makapag-relax matapos ang hirap na dinanas niya sa kanilang project at ang pagsi-swimming ang tumutulong sa kanyang pagpakalma. Ang isa pa niyang talento gawin bukod sa musika ay sa sports na swimming. Dati siyang varsity sa swimming team pero tumigil siya dahil gusto niyang makapagconcentrate sa kanyang pag-aaral. Pero dahil paborito siya ng coach, binigyan siya nito ng privilege na makakagamit ng pool kahit kailan niya gugustuhin.

Papalabas na siya ng locker room nang may narinig siya. Napahinto siya sa may pintuan at sinilip ang labas ng locker room. Nagulat siya nang nakita niya si Daniel at si Enrique na nagsusuntukan habang si Julia ay nasa gilid lang at hindi malaman ang gagawin. Lumapit agad siya sa mga ito at pilit na pinag-aawat. Pero talagang napakahirap nitong awatin dahil napakabilis kumilos ng mga ito at hindi talaga nagpapaawat.

"Julia! Tulungan mo ako! Awatin mo sila! Huwag kang nakatingin lang diyan!" sabi niya sa pinsan niyang nalilito na rin kung ano ang gagawin. Impit pa itong napatili nang natamaan si Daniel sa pisngi sa suntok na pinakawalan ni Enrique. Nakaganti naman si Daniel at nasuntok ito sa tiyan kaya'y natumba ito sa sahig. Sunod-sunod na ang suntok na pinakawalan ni Daniel habang nakabulagta lang si Enrique sa sahig. Kailangan na talaga niyang awatin ang mga ito bago pa mabasag nang tuluyan ang mukha ni Enrique. Nagpapasalamat siya dahil naawat na niya si Daniel. Agad namang nilapitan ni Julia sa Enrique na nakahiga pa rin sa sahig habang humihingal marahil sa pagkapagod ng pagsusuntukan nila ni Daniel. Narinig pa nga niya ang mahina na pagmura nito nang mahawakan nito ang nagdurugo nitong labi.

"Ano bang problema mo, Daniel?" sigaw na sabi ni Julia kay Daniel.

Napakla ito ng tawa. "Ako pa ang may problema! Kayo diyan ang naghahalikan kanina nang naabutan ko kayo, tapos ako ang may problema? Kayo ang may problema!"

Hinawakan niya nang mahigpit ang braso nito sa takot na baka kung makawala ito ay susugod na naman kay Enrique. Galit na galit talaga ito. Nakita niyang tumatayo si Enrique habang tinutulungan ito ni Julia. Humarap ito sa kaibigan. Naawa siya dito. Ang tindi ng mga sugat nito kompara kay Daniel. Marahil ay nagpapabugbog lang ito sa kaibigan dahil alam nitong ito naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Napansin din niyang pilay-pilay na ito.

Kawawa naman ang sinta ko. Ipinilig niya ang ulo niya sa naisip. Nagkakagulo na't lahat, iyan pa rin ang inaatupag niya.

"Paano mo nagawa sa akin ito, Quen? Kahit naman ako, kung type ko ang girlfriend mo, hindi ko naman pinapatulan eh, kahit na mag-break pa kayo. May respeto ako sa iyo, pare. Pero ikaw? Hindi ako makakapaniwalang magagawa mo ito." Napamura pa ito. Mukhang galit na galit talaga ito.

Nagpakalma pa si Enrique bago nagsalita. "DJ, hinahayaan kitang bugbugin ako ngayon dahil alam kong mali ang ginawa ko. Pero wala na tayong magagawa. Ako na ang pinili ni Julia. Wala ka nang magagawa doon."

Parang naguho ang mundo niya sa sinabi nito. Napabitaw na rin siya sa pagkakahawak kay Daniel dahil naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang puso. Parang gusto niyang sabunutan si Julia dahil hindi niya maiintindihan kung bakit parati siyang inaagawan nito. Lahat na yata ng gusto niya, parating dito napupunta. Katulad na lamang noong gusto niya talagang magkaroon ng isang electric guitar, ito ang nakatanggap kahit hindi naman ito marunong maggitara. Hindi naman sa mahirap sila. Parehas lang ang antas ng mga buhay nila ni Julia. Pero parati siyang nauunahan nito. Hindi niya malaman kung bakit. Gusto rin niyang sampalin si Enrique dahil hindi niya maintindihan kung bakit nagpakatanga nito at nagpakabulag na magustuhan si Julia. Naramdaman nalang niyang si Daniel naman ang nakahawak sa braso niya. Naramdaman siguro nito na susugod siya sa mga ito.

"Walanghiya ka talaga, pare. Inahas mo ako. Sa lahat pa ng taong pwedeng gaguhin ako, ikaw pa. Ikaw pa naman ang naturingan kong best friend," pailing na sabi ni Daniel. Napalitan na ngayon ang galit nito sa sakit na naramdaman nito sa pagkaalaman nito ng katrayduran ng best friend at girlfriend nito.

"Makinig ka sa sasabihin ko, dahil hindi ko na uulitin ito. Ngayong nasa akin na si Julia, hinding-hindi ko siya pakakawalan. Hinding-hindi mo na siya makukuha pa mula sa akin."

Naramdaman niyang pasugod na si Daniel pero hinawakan agad niya ang braso nito. Nakawala pa ito doon kaya'y humarang na siya. Nagkataon namang nagpakawala na ng suntok si Daniel para kay Enrique, pero dahil nakaharang siya, sa kanya tumama ang suntok. Napangiwi siya sa kirot na nararamdaman niya sa mukha niya. Narinig niyang napasigaw si Julia at napasinghap naman si Enrique. Agad na niyakap siya ni Daniel sa pagkakagulat nito nang tamaan siya nito.

"Kath! Hindi ko sinasadya," narinig pa niyang sabi ni Daniel bago siya tuluyang nawalan ng malay.

 __________

"Kath." Nagising siya sa pagyugyog sa kanya ng kung sa ano. Unti-unting nagmulat ang kanyang mga mata at nakita niya ang tila pinakagwapo na yatang mukhang nakita niya sa balat ng lupa.

"O, dahan-dahan lang sa pagtitig, baka matunaw pa ako niyan," nakangiting sabi ni DJ.

Sinapak niya ito sa braso. Kahit kailan, ang yabang ng mokong ito.

"Aw! May injury pa ako. Pinapalala mo naman," sabi nitong hinahaplos-haplos ang braso nito. Dahan-dahan siyang bumangon para umupo. Noon lang niya na-realize na nakapatong pala ang ulo niya sa kandungan nito.

"Dahan-dahan sa pagbangon. Baka hilo ka pa hanggang ngayon," may pag-aalalang sabi nito.

"Nasa'n ba tayo?"

"Nasa bleachers."

"Nasa'n na sila?" Alam niyang alam nito kung sino ang itinutukoy niya.

"Pinatay ko na sila. Itinago ko ang mga bangkay nila."

Nanlaki ang mga mata niya at napahinto ang hininga niya sa sinabi nito. Tiningnan niya ito nang masama. Tumawa naman ito at pinisil ang baba niya.

"Joke lang. Hindi ako mamamatay-tao. Kahit galit na galit ako sa kanila, hindi ko magagawa ang kasalanang iyon. Mabait ako. Bahala na silang ma-karma kay Lord."

Napahinga siya nang maluwag. Alam niyang nagbibiro lang ito, pero sa hitsura kasi nito kanina, mukhang kayang-kaya nitong gawin iyon.

"Ano ka ba? Naniniwala ka naman kasi agad sa mga sinasabi ko. Nagbibiro lang ako. Mabait nga ako," sabi nito nang hindi siya umimik.

"Oo na. Sige na. Mabait ka na."

"Hindi talaga naniniwala," lungkot na sabi nito. Umiiling-iling pa ito. Ma-drama talaga ang lalaking ito.

"Teka, ba't dito mo lang ako dinala sa bleachers? Ba't hindi sa clinic o sa ospital? Hindi mo ba ipapagamot ang mukha kong sinuntok mo kanina?"

"Ang O.A. mo. Dapat bang sa clinic o sa ospital pa talaga kita dalhin?"

"Paano na 'tong sugat ko?"

"Tapos ko na pong ginamot ang pasa mo."

Hinahaplos-haplos niya ang pisngi niya kung saan dumapo ang suntok nito kanina. Hindi na masyadong masakit pero kumikirot pa rin nang kaunti.

"Lagyan mo nalang ng ice iyan pagdating mo sa bahay ninyo mamaya, at tsaka lagyan ng ointment para hindi masyadong obvious ang pasa kinabukasan," payo nito.

"Salamat." Tiningnan niya ito at namalayang hindi pa nito nagamot ang mukha nito. May bakas na dugo pa ito sa labi at sa ibabang bahagi ng kilay nito.

"Pero dapat talaga sa ospital na tayo pumunta. O di kaya'y sa clinic man lang," sabi niya dito.

"Bakit ba doon talaga? Ayaw mo bang ako ang gumamot sa iyo?" nakakunot-noong tanong nito.

"Baka kasi maimpeksiyon itong sugat ko, eh."

Lumalim pa ang pagkakunot ng noo nito. "Virus ba talaga ang tingin mo sa akin na kapag hinahawakan ko iyang sugat mo, naiimpeksiyon?"

Tumawa siya. Natutuwa talaga siya kapag iniinis ito. Pikon kasi ito at madali lang magalit. Pero kahit magalit man ito sa kanya, naaaliw siya sa mukha nito. Hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo nito kaya hinawi niya iyon at inayos para hindi na ito kunot.

"Joke lang. Hindi ka naman mabiro. Pikon talaga. Kung ikaw ang nagbibiro, hindi naman ako pikon, ah."

"Whatever."

"Uy, joke nga lang. Sorry na. Hindi naman ako takot maimpeksiyon. Nag-aalala lang talaga ako sa iyo. Hindi naman masyadong grabe ang sugat ko. Gusto kong sa clinic o sa ospital tayo pumunta dahil dapat mo nang ipatingin ang mga sugat mo. Tingnan mo nga. Lalala iyan bukas kapag hindi mo pa pinagamot. Injured pa ang braso mo. Paano kung may na-dislocate na bones mo?"

Tumingin ito sa kanya. "Huwag mo nang alalahanin ang mga sugat ko. Okay lang ako. Mabubuhay pa ako."

"Eh, paano kung makikita iyan ng mama mo? Alam pa naman nating sa lahat ng ayaw niya ay iyong nakikipag-away ka sa iba. Baka atakihin sa puso iyang mama mo kapag nakita ka niya sa ayos na ganyan. Sige ka."

Napahinto ito at tila nag-isip. Bigla itong tumayo at bumaba ng bleachers. Kinuha niya ang mga gamit nitong iniwan doon at sinundan ito palabas ng gym.

 __________

Nasa kotse sila ni Daniel at papauwi na ng bahay. Kadalasan ay si Daniel ang nagda-drive, pero sa pagkakataong iyon, ang driver ng pamilya nito ang nagda-drive. Tinawagan niya ang driver nito nang nagpapagamot pa ito sa clinic kanina. Na-injured talaga ito dahil nilagyan ng cast ang kaliwang braso nito kaya hindi talaga ito makakapag-drive. Hindi rin naman siya marunong mag-drive kahit may lisensiya na siya. Takot kasi siya sa manibela.

Simula nang mamatay ang papa niya dahil sa car accident, parang na-phobia na rin siya sa pagda-drive. Twelve years old lang siya nang mamatay ang papa niya. Graduation niya nang araw na iyon at kagagaling lang ng papa niya sa kompanyang pinagtatrabahuan nito. Isa itong executive sa isang biggest company in Asia. Mabilis daw ang speed ng papa niya sa pagmaneho dahil gustong abutan ang graduation ceremony niya. Kaya lang, nasawi ito nang biglang may truck na sumalubong dito at hindi na nakapagpreno dahil nga sa bilis ng pagmaneho nito.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Pagkatapos ng graduation ceremony niya, nagtataka na siya dahil wala pa ang papa niya. Mangiyak-ngiyak pa siya noon. Nagulat nalang siya nang sinabi ng mama niya ang balita. Pagdating nila sa ospital ay kitang-kita niya ang pilit na pagsasalba ng buhay ng papa niya ng mga doktor. Kahit na ayaw niyang aminin, alam niyang patay na talaga ang papa niya at hindi na masasalba pa.

Simula noon ay ayaw na niyang sumakay ng kotse o kung anong bagay na may gulong. Kaya naman palagi nalang siyang naglalakad papuntang school noong high school siya. Nang mag-graduate nga lang siya ng high school na-realize na wala namang mangyayari kung ipagpapatuloy pa niya ang pag-iwas sa mga kotse. Kaya kahit papaano, nakakasakay siya sa mga kotse ngayon. Pero hindi pa rin niya kayang sumakay ng kotse na siya mismo ang nagda-drive. Talagang natatakot siya sa kung anong mangyari. Baka mangyari sa kanya ang nangyari sa papa niya. Kaya kahit anong pilit pa niyang pumunta ng driving school, kahit gaano pa ito kamahal at kagaling, hindi pa rin niya makuhang mag-drive dahil natatakot siya.

Bigla siyang napatingin kay Daniel nang umungol ito. Magkatabi sila sa likuran ng sasakyan. Napaidlip ito habang papauwi na sila. Alam niyang pagod na pagod na rin ito. At alam din niyang humahapdi na ang mga sugat nito sa katawan. Hindi na siguro tumatalab ang gamot na ibinigay ng nurse dito para mawala ang kirot ng mga sugat nito.

Napatingin siya sa mukha nito. Kahit na pasa-pasa ang mukha nito at putok ang labi, nasisilayan pa rin niya ang kagwapohan nito. His sharp but cute nose, his long and curly lashes na daig pa ang mga pilikmata niya, his thick and sensual brows, and his best asset, his red, sweet, adorable, and kissable lips. Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ang mga labi nito?

Ipinilig niya ang kanyang ulo sa naisip. Bakit niya biglang naisip iyon?

Inignora nalang niya ang naisip at ipinagpatuloy ang pagmamasid dito. Napansin niyang ang makapal at makinis na buhok nito na parang pang-commercial ay lalong dumagdag sa kagwapohan nito. An angel sent from heaven can be the perfect description for this handsome guy in front of her.

"Hay naku, napatulala ka na diyan sa kagwapohan ko," ngiting sabi nito habang nakapikit pa rin ang mga mata. Hindi niya namalayang nakatitig na pala siya dito. Walang pag-aalinlangang binatukan niya ang noo nito.

"Aray!" Sinapo-sapo nito ang mukha.

"Ay! Hala, naku! Pasensiya na. Nakalimutan kong injured ka pala," natatarantang sabi niya habang pilit na pinalis ang kirot na nararamdaman nito sa mukha. Haplos-haplos niya ang mukha nito nang makita niya ang pilyong ngiting nakasilay sa mga labi nito.

"Teka, niloloko mo lang ba ako?" nakapa-maywang siya.

Bilang sagot, tinawanan lang siya nito.

"Buwisit!" Naku ha! Nakakainis ka na. Buti nalang at gwapo ka at kaibigan kita, natitiis ko ang kagagohan mo.

Hindi na ito kumibo. Pumikit lang ito ng mga mata at isinandal ang ulo sa head rest. Gusto na talaga siguro nitong magpahinga.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na rin sila sa bahay. Idi-nrop muna siya sa bahay niya. Nakita niyang himbing na natutulog si Daniel kaya hindi na niya ito ginising pa. Nagpaalam nalang siya sa driver nito at tsaka ay umalis na ang mga ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro