Chapter 16
Nakasalampak si Kathryn sa gutter sa labas ng kanilang bahay. Nang dumating sila ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak. Si Julia naman, pinapakalma pa rin siya hanggang ngayon.
"Bakit niya ako iniwan? Akala ko ba mahal niya ako?" tanong niya kay Juia.
"Ano ka ba, Kath? Hindi porke't iniwan ka lang, ibig sabihin ay hindi ka na niya mahal. Siguro lang may dapat siyang asikasuhin kaya umalis. Hindi naman siguro siya aalis for good. Babalik pa naman siguro siya, di ba?"
Oo nga, no? Bakit hindi niya naisip iyon? Babalik pa si Daniel. Napatigil siya sa kanyang pag-iyak. At least, tumahan na rin siya kahit papaano. Baka maubusan pa siya ng luha kung sakaling ipagpatuloy pa niya ang kanyang pagda-drama.
"Tama ka naman, Julia. Pero bakit kailangan ganoon siya umalis? Hindi man lang nagpapaalam?"
"Siguro talagang urgent kaya napasugod agad. Alam mo naman iyon, talagang kapag family matters na, wala nang dalawang-isip."
Napatango nalang siya. Tama na naman ito. Talaga bang ang kikitid ng mga taong in love? Bakit hindi niya naisip iyon?
Biglang may dumating na sasakyan at nag-park sa harapan ng bahay nila Daniel.
"Kath, hindi ba sasakyan iyan ni Daniel?"
"Oo nga. Baka iyong driver nila ang gumamit. Inihatid sila Daniel sa airport."
Tumango lang ito.
Pero nagulat silang dalawa nang nakita kung sino ang lumabas ng sasakyan.
"Daniel!" sabay silang napasigaw.
__________
Napasugod agad si Kath kay Daniel. Niyakap niya ito ng mahigpit. Mukhang nagulat ito kasi natigilan ito sa ginawa niya.
"Kath?"
"Buti naman bumalik ka. Akala ko iiwan mo na ako. Pero kung aalis ka nga, ba't hindi ka man lang nagpaalam? Hindi ko masasabi sa iyo ang dapat kong sabihin."
"Huh?" nagtataka pa ring tanong nito.
"DJ, okay lang na umalis ka. Hindi kita pipigilan. Pero sana, hear me out. You need to know how I feel about you."
Tahimik pa rin ito.
"DJ, hindi ko alam kung paano or kung kailan ko naramdaman ito. Akala ko si Enrique na ang mahal ko. Pero these past few days, nalilito na ako. Kasi nagising nalang ako isang araw at hindi na si Enrique ang mahal ko. Ikaw, DJ. Ikaw na ang mahal ko."
"Kath..."
"DJ, I know you've always been there for me, as my friend. Inaamin ko, natatakot ako sa kalalabasan ng lahat ng ito. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin nang dahil dito. Pero hindi ko rin kayang mawala ka sa buhay ko. At ngayon ko lang na-realize, na hindi ko naman talaga minahal si Enrique. Humahanga lang ako sa kanya kasi perfect epitome na siya ng isang prince charming. Pero ikaw, ikaw ang laging nandiyan sa tabi ko. Dahil lagi ka naman andiyan, hindi ko na namalayang minamahal na pala kita."
Napangiti si Daniel.
"Oo, DJ. Mahal kita. Mahal na mahal. Mula noon hanggang ngayon. Hindi ko lang siguro naa-acknowledge kasi natatakot akong mawala ka sa buhay ko."
Lumapit ito sa kanya at tinitigan siya.
"Wala ka bang sasabihin?" tanong niya dito. Tahimik lang kasi ito.
Ngumiti lang ito sa kanya at walang dalawang salitang niyakap sa mga bisig nito at hinalikan siya sa labi. It was a kiss full of passion and longing.
Kaytagal na ng panahon na magkasama sila at hindi man lang niya namalayang ang totoong minahal niya ay walang iba kundi ang lalaking nakapalibot ang bisig sa kanya.
"I love you more, Kath," pahayag nito nang natapos na ang halik nila.
Napangiti siya. "So hindi mo na ako iiwan?"
"Iiwan?" nalilitong sabi nito.
"Oo. Di ba aalis ka?"
"Saan naman ako pupunta?"
"Di ba sasama ka sa mama mo sa Australia?"
"What? Sinong maysabi?"
"Eh, sabi ni Manang - "
"Hinatid ko lang si Mama sa airport. Siya ang pupunta ng Australia. Hindi ako kasama. Kung pupunta ako, paano na ang birthday mo? Wala ka nang bisitang gwapo."
Napatawa nalang siya.
Yeah, this is the man she loves. This is the man she truly loves.
__________
Ang ganda ng gising ni Kath. Yes, today's her birthday. Wala siyang plano para sa birthday niya. Kahit na ano siguro ang dumating sa birthday niya, tatanggapin niya. Ang importante, okay na sila ni Daniel.
Bumaba na siya sa kusina nila. Pagdating niya doon, wala ang mama niya.
"Ma?" tawag niya sa mama niya. Nasaan na kaya iyon?
"Nanay Alice?" tawag niya pa rin. Kahit ito ay wala rin.
Palabas na siya ng kusina nang may biglang kumanta sa likod niya.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!" Sabay-sabay ang pagkanta ng mama niya at ni Nanay Alice. Kahit na sintunado at wala sa tono ang mga ito, natuwa pa rin siya sa ginawa ng mga ito. Paano kasi, naka-party hat ang mga ito at may bitbit na tig-iisang cupcake na may maliit na candle na itinusok sa gitna.
"Wow! Thanks Ma! Thanks Nay!" sabay niyang niyakap ang mga ito.
"Nasaan na si Daniel mo?" biglang tanong ng mama niya.
"Ha? Ewan ko. Teka, matawagan nga," sabi niya sabay kuha ng cellphone niya.
Tinawagan niya ito pero busy ang line. Bakit hindi nito sinasagot ang phone nito?
Biglang may natanggap siya na text galing dito.
Kath, pasensiya na pero mukhang mamaya pa tayo magkikita. Tinawagan kasi kami ni coach. May emergency meeting daw. Sorry.
What? Iyon lang? Wala pang plano itong sumagot sa mga tawag niya.
"Hmp! Nakakatampo!" sambit niya sa sarili.
"Bes!" bungad ni Julia sa kanya. Papasok ito sa gate nila kasama si Miles.
"Hi Julia! Hi April!"
"Happy birthday!!" sabay na sigaw ng mga ito sa kanya at niyakap siya.
"O, eto. Birthday gift ko sa iyo," sabi ni Miles sabay bigay sa kanya ng isang yellow rose.
"Wow, salamat!" Kinuha niya ang rose dito.
"Eto rin. Happy birthday!" sabi ni Julia sabay bigay sa kanya ng black rose.
"Black?" tanong niya dito.
"Yes. Black means rebirth and new beginnings. Sa tagal na ng panahon na magkaribal tayo sa lahat ng bagay, it would change starting now. Kasi now, magbabago na iyon. From now on, ikaw na ang bestfriend-slash-cousin ko," nangingiting sagot nito.
"At ang yellow naman, meaning friendship. For all our ups and downs moments, lahat iyon, treasured na treasured sa friendship nating. Mahal na mahal kasi kita, friend," sabad naman ni Miles.
Natawa lang siya dito. Talagang may meaning ang roses na ibinigay ng mga ito.
"Salamat. Talagang may meaning pa kayo," nakangiting sagot niya dito.
"Halika na! Sabay na tayo sa school," sabi ni Julia habang hatak-hatak silang dalawa ni Miles.
Sa sasakyan ni Julia, nasa backseat lang siya habang si Julia at si Miles ay nasa front seat. Akalain mo, parang matagal nang magkakilala ang dalawa. Grabe kung makadaldalan, parang wala nang bukas. Napatingin siya sa roses na ibinigay ng mga ito. Napaka-thankful niya dahil sa wakas, nagiging maganda na ang takbo ng buhay niya. Pero alam niyang hindi naman iyon permanente. May ups and downs sa life. Pero sa ngayon, ie-enjoy muna niya ang magandang bagay na nangyari sa buhay niya ngayon.
Nakarating na rin sila sa school. Pagbaba niya ng sasakyan ni Julia ay sumalubong sa kanya si Enrique.
"Hi Kath! Happy birthday!" bati nito.
"Thank you," nakangiting sagot niya dito.
"Here." May ibinigay itong pink rose sa kanya.
"Pink? I'm sure may meaning din ito," natatawang sabi niya dito.
"Actually, meron nga," pagsang-ayon nito.
"So? What's the meaning of this?"
"Pink rose symbolizes happiness and admiration. Oo, Kath. I admire you in every aspect a guy could to a girl. Hindi ko alam kung in love ako sa iyo noon, but I was really infatuated with you. Balak nga sana kitang ligawan, eh."
"Talaga?"
"Oo, pero pinigilan ako ni Daniel. I guess he was a little overpossessive na back then. Gusto niyang sa kanya ka lang."
Napatawa siya dito.
"But yeah, Kath, I really admired you back then. I had a crush on you. But now I'm happy for you, kasi you finally found the guy you truly love."
Ningitian niya ito. "Salamat Enrique. If not for you, I wouldn't have realized na ang ugok na iyon pala ang mahal ko. And speaking of, nasaan na ba siya?"
Napakamot ito sa ulo. "Uhm, parang nasa gym pa yata, eh. Halika. Punta na tayo doon."
Pumunta sila ng gym kasama nila Julia at Miles. Hindi na nagkabalikan si Julia at Enrique pero napagkasunduan naman nilang to remain friends nalang. Kahit papaano, okay pa rin ang relationship ng dalawa, kahit friendship man lang.
Pagdating na pagdating niya sa gym ay nagulat nalang siya sa nakita niya. Nasa gitna ng gym si Daniel kasama ang anim na teammates nito.
"Hi, Kath! Happy birthday!" sabay-sabay na bati ng mga ito sa kanya.
"Ano ito?" tanong niya dito.
"Makinig ka nalang, ha? Sweetheart?" sabi pa ni Daniel sa kanya.
Biglang lumapit si Khalil sa kanya at ibinigay sa kanya ang isang kulay peach na rose.
"Peach rose symbolizes gratitude. Kath, nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang laging nandiyan sa tabi ko. Iikaw ang gumagawa ng mga assignments ko. Ikaw ang tagapayo sa akin kapag namomroblema ako. Ikaw ang tagapunas ng pawis kapag pinapawisan ako. Ikaw ang tumatayong mama kapag nagiging naughty ako. Ikaw na ang lahat-lahat. At higit sa lahat, ikaw lang ang nakakapagtibok ng puso kong abnormal. Kaya talagang nagpapasalamat ako, Kath, kasi kung wala ka, hindi na siguro titibok ang pusong abnormal kong ito," sabi ni Daniel.
Sunod namang lumapit si Vince sa kanya at ibinigay ang isang orange rose.
"Orange rose symbolizes desire and pride. Kath, alam mo naman na matagal na kitang minahal. Everytime na babanggitin mo ang pangalan ni Enrique, craving ko na ang iuntog ang ulo mo para magising ka't ma-realize mo na dapat pangalan ko lang ang binabanggit mo. Yes, I got a hidden desire on you, noon pa. Desire na maging akin ka lang ng buong-buo. Na wala nang epal katulad ni Enrique or kahit sino pang lalaki. Gusto ko, ako'y sa iyo, at ika'y akin lamang."
Sunod namang lumapit si Vance sa kanya at ibinigay ang isang kulay lavender na rose.
"Lavender rose symbolizes deep adoration. Kath, hindi ko alam pero ang lalim talaga ng tama ko sa iyo. Tinatanong ko pa rin sa sarili kung anong ginayuma ang ginamit mo sa akin at pinapabaliw mo ako nang ganito. And yes, I admit, talagang na love at first sight ako sa iyo. Kaya ay pinangako ko noon na kailanman, hinding-hindi kita pakakawalan. Kaya nga nakipag-close ako sa iyo para hindi ka na mawala sa paningin ko. Pero na-realize ko na hindi lang pala iyon ang gusto kong makuha mula sa iyo. Hindi ko na kaya ang patingin-tingin nalang. Gusto ko na na sa iyo nalang ako nakatitig, kahit sa araw, sa gabi, sa magdamag."
Sunod na lumapit si Vance at ibinigay sa kany ang isang blue rose.
"Blue rose symbolizes impossibility. Alam mo, noong una, akala ko imposible ang lahat nang ito. Imposibleng mahalin mo rin ako. Pero alam mo, totoo talaga ano na "Nothing is impossible if you just believe". Oo, naniniwala ako doon. Tingnan mo na ngayon, akin ka na at wala nang iba pa ang makakaagaw sa iyo. Hindi, joke lang. Pero totoo nga, noon, akala ko hanggang panaginip ka nalang. Hindi ko na namalayang hindi ka nalang panaginip ko, buong buhay ko na."
Sunod namang lumapit si Paolo at ibinigay sa kanya ang kulay puti na rose.
"White rose symbolizes purity and worthiness. Kath, ang pagmamahal kong ito sa iyo, talagang totoong-totoo. Tamaan man ako ng kidlat sa lahat ng kasinungalingan sa buhay ko, pero ito lang talaga ang nag-iisang totoo. At iyon ang pagmamahal ko para sa iyo. I sincerely, reverently love you, Kath. That's the truth. Nothing but the truth."
Sumunod naman si Neil at ibinigay nito sa kanya ang isang green rose.
"Green rose symbolizes eternal love. Yes, Kath. Alam kong bata pa tayo to conclude na magiging tayo na forever. Pero kahit na ano mang mangyari, isa lang talaga ang pinapaniwalaan ko ngayon. And that's I love you, even for eternity. Kasi ngayon, wala na akong ibang hinahangad kundi ang mahalin ka habang-buhay. Na kahit ano man ang mangayari, wala na talaga akong mamahalin pang iba kundi ikaw lang."
Last but not the least, si Daniel. Lumapit ito sa kanya at dala-dala ang isang stem ng red rose. Ibinigay nito sa kanya ang rose at hinawakan ang kanyang kamay.
"Red rose. Alam mo naman siguro kung anong ibig sabihin nito. It symbolizes enduring romantic love and passion. Enduring kasi panghabang-buhay na, eh. Kath, sa lahat ng ibinigay ko na rose sa iyo, hindi ko na alam kung ano pang magandang made-describe ko sa red rose. Kasi nasabi ko na lahat, eh. Basta, ang alam ko lang, talagang mahal na mahal kita. Kaya heto ako, nagpapakabaliw dahil sa iyo."
Natawa siya dito. Oo nga naman, heto si Daniel sa harapan niya at inihayag ang nararamdaman. Baliw nga. Pero nakakakilig naman.
"Wala ka bang sasabihin?" biglang tanong nito.
"Dapat pa bang may sabihin?" tanong niya dito.
Kumunot lang ang noo nito.
"Eh, baka kasi makasira lang ako sa mood, eh. Ang ganda-ganda pa naman ng lahat. Talagang pinaghahandaan mo pa talaga. Ano naman ang sasabihin ko? Na ang korny mo kasi naisipan mong gawin ito? Ano pa ba - "
"Just shut up and kiss me already," putol ni Daniel sa sinasabi niya.
"Ano?"
Nagbuntong-hininga nito. "Ang dami pang satsat, eh."
"Ha? At ako pa ang maraming satsat ngayon? Tingnan mo nga kung sino ang daldal nang daldal diyan kanina pa - "
Hindi na rin pinatapos ni Daniel ang sasabihin niya kasi hinalikan na siya nito. Yes, how long she waited for this moment. This moment na mararamdaman niyang hinahalikan siya nang taong wala nang iba kundi ang mahal niya at mahal naman siya.
"Hoy! Maawa naman kayo sa amin. Inosente pa kami!" narinig niyang sigaw ni Miles.
"Bawal ang PDA dito, oy!" sigaw naman ni Neil.
"Vince, naiingit ako. Kiss mo nga ako, bro," asar naman ni Vance sa kakambal.
"Neknek mo. Kiss my ass, gusto mo?" ganti naman ni Vince.
"Julia, magbalikan na kaya tayo? Naiingit na kasi ako, eh," sabi naman ni Enrique.
"You wish, Quen. May bago na ako. Si Diego na ang gusto ko," sabi naman ni Julia.
At marami pang ibang sinasabi at inaasar ang mga tao sa palagid niya. Pero wala na siyang pakialam, as long as nasa mga bisig lang siya ng lalaking mahal niya, kompleto na ang buhay niya.
"I love you, DJ..." sabi niya in between their kisses.
"I love you more, sweetheart. Now and forever."
__________
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro