Chapter 15
Papunta na si Kathryn sa bahay nila Daniel. Kasama niya si Julia. Ito ang nagda-drive kasi nga hindi naman siya marunong mag-drive kasi may phobia siya. Mabilis naman itong mag-drive kaya ay ilang minuto lang ang lumipas at narating na rin nila ang bahay nito.
Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan ni Julia at nagdoor-bell sa gate. Tinatanaw niya sa garahe ang kotse ni Daniel pero wala ito.
Lumakad kaya iyon? Tiningnan niya ang kanyang relo. Wala naman iyong klase ngayon, ah.
Sinusubukan niyang tawagan ang cellphone ni Daniel pero hindi ito sumasagot.
Sakto namang bumukas ang pintuan ng bahay at dali-daling lumabas si Aling Meding, ang katiwala sa bahay nila Daniel.
"Ah, Aling Meding, nandiyan po ba si Daniel?" tanong niya dito.
"Iha, umalis si Daniel eh," sagot naman nito.
"Ah, ganoon po ba? Saan po iyong lakad niya?"
"Papuntang airport iyon, eh."
"Ho?" Airport? Anong gagawin non doon sa airport?
"Oo, sumama sa mama niya. Papunta yata ng Australia."
"Kanina pa po ba sila nakaalis?"
"Hindi masyado. Nagmamadali iyon, eh kasi baka mahuli sa flight."
"Ano bang oras ang flight nila, Manang?"
"Mga 3:45 yata. Iyon iyong sabi ni Daniel, eh."
Tiningnan niya ang kanyang relos. May 15 minutes nalang siya para makaabot.
"Bakit iha? Ano bang kailangan mo sa kanya?"
Hindi na niya napansin si Aling Meding at dali-daling pumasok sa loob ng kotse ni Julia.
"Oh, ano Kath? Nandiyan ba si Daniel?" tanong ni Julia.
"Julia, kaya mo bang magdrive ng 15 minutes papuntang airport?"
"Ano?"
"Kailangan natin maabutan si Daniel."
"Bakit?"
"Aalis na siya papuntang Australia!"
__________
Saktong-sakto ang pagdating nila Kathryn at Julia sa airport. May tatlong minuto pa siya para humabol kay Daniel.
Nakapasok na siya sa airport at hinahanap si Daniel. Si Julia naman ay humanap ng parking space. Hahabol nalang daw ito sa kanya.
Paikot-ikot na siya ng airport pero hindi pa rin niya nakikita ni anino ni Daniel.
DJ! Bakit mo ako iiwan?
Gusto na niyang umiyak. Akala ba niya, mahal siya nito? Bakit iiwan lang siya nito nang hindi man lang nagsasabi?
Umikot pa rin siya at nagbabaka-sakaling makita ito. Nang sa huling pag-ikot niya, parang nakita siyang may pamilyar na bulto sa unahan. Papasok na ito checking area.
"Daniel?" pasigaw na tawag niya dito.
Nakita niya itong lumingon-lingon na parang may tumatawag.
Parang si Daniel nga!
Mabilis siyang tumakbo papunta dito. Wala na siyang pakialam sa mga taong nababangga niya. Basta't umabot lang siya dito at mapigilan itong umalis.
"Daniel!" tawag niya pa rin dito. Konti nalang at maabutan na rin niya si Daniel.
Saktong maliit nalang ang pagitan ng space nila nang lumingon ito sa kanya at nakita niya ito. Napahinto siya.
"Tinatawag mo ako?" tanong nito.
"Ah. Sorry. Akala ko ikaw si Daniel."
Ngumiti ito. "Okay lang." Saka ito tumalikod sa kanya.
Nanlulumo na talaga siya. Hindi pala iyon si Daniel. Kamukha lang. Pero hindi iyon si Daniel.
"Babe." May biglang lumapit na babae dito. Agad namang niyakap ng lalake ang braso nito sa bewang ng babae.
"Bakit babe?"
"Wala lang. Excited lang ako," nakangiting sabi ng babae.
"Sabi ko naman sa iyo. Tutuparin natin ang pangarap mo. Magto-tour around the world tayo." Halatang mahal na mahal ng lalake ang babae.
"Sayang at wala sila Papa at Mama. Pati na sila Dindi at Ate," parang nalungkot ang babae.
"Di bale, babe. Next time, isasama na natin sila."
Biglang lumiwanag ang mukha ng babae. "Talaga? Salamat, babe."
"You're welcome!"
Hinalikan ng babae ang lalake. "I love you, Gino."
Ngumiti naman ang lalake. "Mas mahal kita, Mikay."
Tuluyan na ang mga itong umalis at nagcheck-in na sa flight. Mabuti pa ang mga ito. Happy ever after ang peg ng love story. Siya kaya?
"Kath!" Tawag ng papalapit na si Julia sa kanya.
"Julia," naiiyak na niyang sabi.
"Hindi mo pa rin nakita?" tanong nito. Umiling lang siya.
"To all passengers of flight 9123 via Australia, please check in and board your plane now. The plane is about to depart in a minute," narinig nilang announcement sa airport.
"A minute nalang daw, Kath."
Napatingin siya dito. Hindi na niya kaya. Hindi na niya maabutan si Daniel. Hindi na niya ito makikita pa ito.
Bigla namang nagflash sa screen ng mga flights na nagbo-boarding at umalis na. Saktong-saktong nagflash sa screen na umalis na ang eroplano papuntang Australia.
Napaiyak na siya. Kahit man lang paalam ay hindi niya nasabi kay Daniel. Kahit man lang masabi niya dito ang kanyang totoong nararamdaman ay hindi niya nasabi. Umalis na ito at hindi na niya ito makikita pa. Umalis na ito at iniwan siya.
"Halika na. Uwi na tayo, Kath," narinig niyang sabi ni Julia.
Wala na siyang magawa kundi ang umuwi. Uuwi siyang sawi ang puso. Dahil hindi man lamang nalaman ng taong pinakamahalaga sa kanya na mahal na mahal niya ito. Ito lang at wala nang iba.
Paalam, DJ. Mahal na mahal na mahal kita. Mula noon pa hanggang ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro