Chapter 14
Nakatunganga lang si Kathryn sa may bench sa students' area. Gusto niyang makapag-isip. May practice ang mga varsity sa swimming team ngayon kaya hindi siya makapag-isip sa pool area ng maayos. Gusto niyang may maka-usap pero pinili niya pa rin ang mapag-isa. Minsan kasi, kailangan sundin mo ang sarili mong advice at nararamdaman kaysa sa sinasabi ng ibang tao.
Wala naman masyadong tao pa sa students' area kasi class time pa. Vacant naman siya at mamaya pa ang klase niya kaya napag-isipan niyang magmuni-muni muna.
Iniisip niya pa rin ang sinabi ni Daniel. Sabi nito mahal siya nito. Ang saya-saya niya at alam niyang mahal rin siya ng lalakeng mahal niya. Pero sinabi naman nitong kalimutan na niya iyon. Baka nakamove-on na agad ito? Kasi naman, nandiyan naman si Julia. Mas pa ito sa lahat ng bagay kaysa sa kanya. Sino ba naman ang pipili sa kanya over nito?
"Oo nga. Mas maganda, mas sexy, mas maipagmamalaking girlfriend siya sa lipunan. Will he choose you over her? Baliw ka na, Kath."
Baliw na talagay siya. Kinakausap ba naman ang sarili?
"Baliw? Kanino? Kay Daniel?" May narinig siyang biglang nagsalita.
Lumingon siya at laking gulat niya nang nakita niya si Julia. Nakangiti ito sa kanya na siyang pinagtataka niya. Parang ang bait yata ng aura nito ngayon?
"Pwede bang maupo katabi mo?" anito na tinitingnan ang space sa tabi niya sa bench.
"Uh... s-sure. Why not?" napangiti siya.
"Hi Kath! I hope you don't mind," anito nang nakaupo na.
"No, why would I?" Napatingin siya dito. Talagang bumait na nga ito. Baka dahil nagkabalikan na sila ni Daniel kaya gumanda ang ugali nito?
Nagbuntong-hininga siya.
"Problem?" biglang tanong nito.
Napalingon siya dito. "Ha? Ah, wala. Wala ito. Pagod lang."
Ngumiti ito. "Si Daniel ba?"
"Ano?"
"Si Daniel ba ang pinoproblema mo?"
Hindi niya alam ang isasagot. Sasabihin ba niya dito ang totoo?
"Alam mo, Kath, huwag ka nang magkaila. Alam ko na ang mga ganyan, eh. Alam ko at nararamdaman kong mahal mo si Daniel."
"Paano mo?"
"Babae din kaya ako. Alam ko ang nararamdaman mo. I've been there, done that."
Napatawa siya. Hindi niya akalaing magkakasundo pala sila ng pinsan niya.
"Kath, gusto ko pala humingin ng tawad. Sa lahat-lahat ng nagawa ko sa iyo. I'm very sorry, Kath. Kasi, naiinggit kasi ako sa iyo. Feeling ko, nasa iyo na ang lahat. Maganda ka, matalino, at lahat yata ng lalaking minahal ko, ikaw ang mahal."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Ano? Anong ibig mong sabihin?"
"SI Enrique at si Daniel."
"Mahal? Sila? Ako?"
Napatawa ito. "Oo. Ang kulit. Mahal ka nila, Kath. Pareho silang nagmamahal sa iyo. Pero ayun, tinamaan talaga kasi ni kupido kaya natotorpe sa iyo. Ewan ko ba. Ako talaga ang ginawang panakip-butas ng mga gagong iyon. Kaya ayun, naging abot langit ang pagkamaldita ko sa iyo. That's why I'm saying sorry. Sorry talaga, Kath."
"Why now, Julia?"
"Ayoko nang may kaaway. Ayoko nang magtanim ng galit sa mundo. Pati ba naman pinsan ko, talagang aawayin ko. I wanna change myself. I wanna be a better me. Baka sakali, sa pagbabago kong ito, mahahanap ko na talaga ang totoong magmamahal sa akin, at mamahalin ko naman. Sana hindi pa huli ang lahat para magkaayos tayo, Kath. Kasi, talagang miss na miss kita. And believe it or not, kahit na galit na galit ako sa iyo, hindi ko pa rin maiwasan ang ma-guilty sa tuwing inaaway kita. Mahal kasi kita."
Mapapaiyak naman siya nito. Suminghot siya. "Ano ka ba? Walang ano man iyon. Past is past. Let's forget it and move forward. Simula ngayon, wala nang awayan. Magiging best friends-slash-pinsan tayo. Okay?"
Bigla itong umiyak. "Salamat talaga, Kath. Akala ko mahirap, madali lang naman pala. Ang bait-bait mo kasi. Thank you, bes?"
Napatawa't napaiyak siya. "Ano ba ito? Para lang baliw. Of course, mahal din kita. Kaya hindi kita matitiis. Bes?"
Nagyakapan lang sila at nag-iiyakan. How long have she wished for this moment to arrive. Na magkakaayos na sila ni Julia at magbabati. Kahit naman noon, naging magkaibigan rin sila. Nag-share sila ng mga barbie dolls at stuff toys noong mga bata pa sila. Talagang nagkaroon lang ng hidwaan sa pagitan nila nang naging teenagers na sila. They grew apart kasi iba na ang kasama nilang barkada. Kaya ay napapalayo ang loob nila sa isa't isa, hanggang sa nagturingan na talaga silang magkaaway. Pero hindi niya aakalaing darating ang panahon na ito. Kaya sobrang masaya siya.
__________
Napadaan si Daniel sa students' area. Balak niya, doon nalang siya tatambay. Wala siyang magawa sa araw na iyon kasi wala na siyang klase at wala ring practice.
Naalala niya si Kathryn. Wala na rin itong klase. Vacant ito ngayon.
Hay. Nami-miss ko na siya.
Simula nang nagtapat siya dito ay hindi na niya alam kung papaano ito haharapin sa susunod na magkita sila. Kaya naman iniiwasan pa niya ito sa ngayon kasi hindi niya alam kung papaano niya ito kakausapin kung saka-sakaling magtanong ito sa kanya. Hindi naman talaga iyon maiiwasan.
Ikaw kasi, Daniel. Bakit pa kasi ginawa mong komplikado ang lahat?
Nagbuntong-hininga siya. Bakit nga ba nagtapat siya dito? Okay naman sana iyong nakakasama lang niya ito araw-araw. Masaya na siya doon. Kahit na hindi alam nito ang tunay na nararamdaman niya, basta't makita lang niya itong nakangiti, buo na araw niya.
"Gago ka kasi, Daniel! Gago!" Binatukan nalang niya ang sarili.
"Oo nga. Mas maganda, mas sexy, mas maipagmamalaking girlfriend siya sa lipunan. Will he choose you over her? Baliw ka na, Kath." May narinig siyang nagsabi noon.
Kahit na hindi pa siya tumingin kung sino ang nagsalita, alam na alam niyang si Kath iyon. Memorize na niya lahat dito. Ang boses nito, ang mata, ang labi, ang kamay, lahat-lahat na.
"Baliw? Kanino? Kay Daniel?" Narinig naman niya ang isa pang boses. Doon na siya napalingon. Narinig na kasi niya pangalan niya.
Nakita niya si Julia at si Kathryn. Katabi na ang mga ito at nag-uusap. Parang nag-reunion ang mga ito, kumbaga. Narinig at nasaksihan niya ang lahat. Masaya siya para sa kanila kasi maayos na ang relasyon ng mag-pinsan. Alam din niyang magiging masaya si Kath sa pagbati nito kay Julia.
Kahit papaano, masaya siya. Kasi alam niyang masaya ang prinsesa ng buhay niya. Siya kaya? Kailan pa sila magkakaayos ni Kathryn? Paano niya aayusing ang relasyon nila? At kung magkaayos man, ano na kaya ang magiging relasyon nila? Kaibigan pa rin ba? O ka-ibigan na?
Humugot siya ng malalim na hininga. Ba't ba ang hirap ng buhay niya ngayon?
Napagpasyahan niyang umalis nalang doon at umuwi.
__________
"So, kamusta na kayo ni Daniel?" tanong kay Kathryn ni Julia.
"Ha? Bakit? May problema ba kami?" maang-maangan niya.
"Sus. Parang hindi ko naman alam. Pareho lang pala kayo ni Daniel, eh. Mga in denial."
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan, Julia? Hindi kita ma-gets."
"Sadya bang mga manhid ang mga taong nagmamahal? Kayo ang hindi ko ma-gets?"
"Ano bang ibig mong sabihin?" Hindi na talaga niya maintindihan.
"Halata namang mahal na mahal niyo ang isa't-isa?" sabi nito.
"What? Parang mali naman iyang sinasabi mo. Ikaw ang mahal nun, eh."
"Ano? Hindi kaya! Di ba, sinabi na niya sa iyo na niligawan lang niya ako para pagselosin ka?"
"Paano mo nalaman iyon?" Nagulat siya. Alam pala nito iyon?
Nag roll ito ng eyes. "Siyempre, sinabihan niya ako. Akala ko ba, matalino ka, Kath?"
Napatawa siya. "Alam mo, ang taray mo talaga."
"Sorry, Hindi maiwasan, eh. It's in the blood."
Napatawa nalang sila pareho.
"So? Ano na?" tanong pa rin ni Julia.
"Anong ano?"
"Mahal mo ba si Daniel?" Seryosong tanong nito.
"Si DJ?"
"Hay. Paulit-ulit?"
"Oo na!"
"Anong oo na? Mahal mo si Daniel? Kath, magsabi ka ng totoo!" Niyugyog pa talaga siya ni Julia.
"Oo! Mahal ko si DJ. Mahal na mahal!" Umamin na rin siya sa wakas.
Ngumiti lang ito. "So? Ano nang gagawin mo ngayon?"
Tumingin lang siya dito at nagbuntong-hininga. "Honestly, Juls, hindi ko alam eh. Naguguluhan ako. Kasi parang, ang labo."
"Ha? Anong malabo? Kailangan mo ng eyeglass?"
Nagpapatawa ba ito? "Pang-comedy ka rin pala ngayon, eh 'no?"
"Magseryoso ka nga, Kath! Wala ka bang gagawin para makuha si Daniel?"
Huminga siya ng malalim. Ito talaga ang problema niya. "Wala. At kung magtatanong ka kung bakit wala, kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko."
Bumuntong-hininga din ito. "Naman! Kath, nagawa mo na nga lahat-lahat noon para kay Enrique, eh. Ngayong kay Daniel, na mahal na mahal mo, wala kang magagawa? Ano ba iyan?"
"Hindi naman kasi madali ang lahat, Juls. Mahirap. Malabo. Hindi ko alam anong gagawin!"
"Eh, kayo lang naman dalawa ni Daniel ang nagpapahirap sa mga sarili ninyo, eh. Parehas na nga kayo nang nararamdaman, pero heto, para kayong mga timang. Hindi pa rin masabi-sabi sa isa't isa kung ano ang tunay na nararamdaman."
"Julia, madali lang sabihin, ang hirap gawin. Alam mo iyon?"
"Eh, kailan ka pa kikilos? Kung kailan huli na ang lahat? Kung maagaw na si Daniel sa iba?"
"Hindi ko alam."
"Ah, sige. Aagawin ko nalang siya sa iyo."
Tiningnan niya ito nang masama. "You wouldn't dare."
"Yes, I would."
"Bakit, Juls? Akala ko ba okay na tayo?"
"Eh, ikaw kasi! Para kang gaga diyan? Why don't you look for him and confront him already? Tell him how you truly feel. Na mahal na mahal mo talaga siya. Kasi, chances like this only comes once in a lifetime. Mahal mo naman siya di ba? And we both know that mahal ka rin niya. Ano pa ba ang hinihintay mo? End of the world? Maraming babae ang naghahangad diyan na sana mahalin rin sila ng lalaking mahal nila. At eto na nga oh, sa iyo. Binigyan ka ni Lord ng ganyang pagkakataon, tapos babalewalain mo lang?"
Para siyang natamaan nang kung anong matigas na bagay sa utak niya at sa wakas ay nag-make sense ang sinabi ni Julia.
Ano pa nga ba ang hinihintay niya? End of the world? Na maagaw na si Daniel sa iba? Na hindi na siya ang mahal ni Daniel at iba na? Bakit pa niya pinapahirapan ang sarili niya kung pwede naman niyang gawing madali ang lahat. Ang ipagtapat na rin kay Daniel ang nararamdaman niya.
"Julia, may klase ka pa ba?" tanong niya dito.
"Wala naman. Bakit?" nagtatakang sagot nito.
"Halika. Samahan mo ako," sabi niya sabay hila sa kamay nito.
"Ano? Bakit? Saan ka pupunta?"
"Magtatapat na ako sa prinsipe ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro